webnovel

The Isaw to Remember

the_nidas · Realistic
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 7: The Muse

So yun nga ung setup, every Friday and Saturday, nagtetext sya.. asking kung dadaan ako sa kanila.. and seriously, nabubuang ako pag nagtetext sya.. pero hanggang dun lang un.. customer-seller relationship.. Gusto kong kamustahin sya.. gusto kong makipagkwentuhan sa kania.. pero wala e.. ayokong paasahin ang sarili ko.. alam kong malayo ang estado namen.. hahayaan ko na lang na ganito ung setup.. I can't let her pass me by, I just can't let her go.. but I know I'm much too shy to let her know.. Afraid that I might say the wrong words and displease her.. I'm afraid for love to fade before it can come true (Oo, lyrics ng kanta ni Sir Jose Mari Chan yan)..

One afternoon, tumigil ang klase.. May dalawang bus na dumating sa skul.. umingay ang paligid.. syempre pati kaming mga nagkaklase napatigil.. nakita ko ung mga bus..

"ui, Saint Claire.." medio nag-hope ako ng konte na baka nandun si Bianca.. medio nataranta ako... pero anu bang meron? bakit nandito sila?

Nakita ko ung mga ballers namen, nag-assemble..

"Good afternoon every one! Goodafternnon visitors! We will suspend our classes this afternoon to give way for the Invitational Basketball Exhibition Game between Saint Claire and San Roque National High School" announce nung head teacher namen sa megaphone.. ayun, na-ul*l ung mga estudyante.. hindi dahil may exhibition game, but because, WALANG KLASE.. un lang..

"tara brad, baba tayo.. mga taga-saint claire un.. gaganda ng mga estudyante dun." Sabi ni Ken..

"tanga, mga varsity un.. walang babae dun".. sagot ko..

"bobo mo, nakita ko nga dun sa isang bus, puro babae e.. mga cheering squad yata un".. sabi nia..

"talaga ba?? Tara.." hehe..

Halos mabali na leeg ko pag tanaw sa lahat ng bisita.. still hoping na nandun si Bianca.. waley..

Gusto ko na sanang umuwi since suspended na din ung klase, kaso ayaw buksan nung guard ung gate.. buset.. gusto kong mamasada na lang para extra kita.. para makaipon pambili ng basketball shoes para next year makasali na ulet ako sa varsity team.. So ayun, no choice, nood na lang..

From our corner, nagline up ung mga players namen.. and ung muse ng skul..

"Ster, sino ung muse naten? Ngayon ko lang nakita yan ah.".. tanong ko.. magkakasama kami nina Ken at Lester..

"kabobo mo talaga!! Si Catherine yan!! Ung nanliligaw sayo." Sagot nia..

"g*gu, ndi nga?? Bakit ang ganda??" tangina, eto na nman.. naconfuse na nman ako.. bakit kasi nagmake up sya.. tas pony tail.. tas super sexy outfit.. D*mn!! Parang artista na nag-muse sa PBA..

"tanga mo.. dati nang mganda yan.. ligawan mo na kasi".. banat ni Ken..

Then, sa far corner, naka-line up na ung mga players ng visitors..

"Castro, tingnan mo ung muse ng kalaban.".. sabi ni Lester..

Hindi ko masyadong narinig kasi nagkangitian na kami ni Cath.. ang landi ko talaga..

"Castro!!".. isang sabi pa nia..

"ano??" tanong ko..

Tas nginuso nia ung muse ng kalaban.. nakita ko..

At tumigil ang mundo..

"Bianca?".. naibulong ko..

"kilala mo??" tanong ni ken..

"hoy pu+@&#!8@mo!!! Yan ba ung nilelettering mo??" sigaw ni Lester..

Hindi ko sinagot.. pero ang gunggong kong bestfriend sa skul ay tumayo nung malapit na ung team nila sa pwesto namen at sumigaw ng; "BIANCA!!! OY!! SI EDWARD O.. NILELETTERING KA NITO!!!".

Nagtinginan lahat.. their side and our side..

Lumingon samen si Bianca.. Gusto kong sakalin si Lester at ihampas ang ulo sa sahig dahil sa hiya.. pero hindi ko nagawa kasi nakita ako ni Bianca at nginitian nia ko.. Oo, si Cath ang kaflirt ko one minute, then si Bianca nman after her.. (Sobrang pogi ko talaga)..

So ayun, tulala ung dalawang kolokoy.. ndi makapaniwala na magkakilala nga kami ni Bianca..

"t@%#&!na ka talaga Castro.. ndi ka na nagtira.. sayo na na nga ung muse naten dito, pati ba nman ung sa ibang skul, sayo pa din.".. sabi ni Kenneth na umiiling-iling pa..

"friends lang kami".. sagot ko..

"ul*l.. ang showbiz mo ha.. san mo nakilala yan?? Suki mo ng puto?? Business partner mo sa pedicab??"..tanong ni Ken..

"wag nio ng alamin.. nood na lang tayo".. sabi ko..

Nagstart na ung game.. Dikitan.. And who would've thought na lalaban din pala ng dikdikan tong mga taga private school na to.. Common connotation na kasi na kapag taga private school ka, malambot ka.. weak.. lampa.. I guess we're wrong.. palitan ang lamang..

Pero start ng second half, medio natambakan ng konte ung team namen.. kulang kasi sa players.. 9 lang.. Bano pa ung dalawa.. matatangkad lang pero bano.. so babad ung mga malalakas na players.. tas walang maayos na kapalitan.. I can see na tumutukod na sila.. pagod na..

Lamang ng 12 points ung kalaban.. 8mins to go.. Then nakita ko si Cath na kausap ung coach namen.. tinuturo ako.. ewan ko kung anong sinasabi nia.. Lumapit samen si coach..

"Edward, laro ka.. ndi na kaya nina Jimenez.. si Torio pagod na din." Tanong nia..

"coach, ndi nman ako kasama sa line-up.." sabi ko..

"magbihis ka, akong bahala" sabi nia..

"C-coach wala po akong uniform.. tsaka wala din akong sapatos".. sagot ko..

"akong bahala.. may extra pang uniform dun.. kasya un sayo.. tas hiramin naten ung sapatos ni Balingit.. kasya un sayo".. sabi nia..

"CASTRO!! CASTRO!! CASTRO!!" sabay-sabay na sigaw nung mga "fans" namen sa school..

So ayun.. na-obliga ako.. tas napatingin ako kay Bianca.. And I saw na medio startled sya.. Cguro ndi nia inisip na medio sikat pala ako sa skul namen..

Gusto ko syang lapitan, kaso nahihiya ako.. kasi ayokong magka-kantyawan sa skul.. and more than that, pano kung sabihin niang ndi nia ko kilala.. na friends lang pala kami pag nandun sa kanila.. pag bumibili sya ng puto at kutsinta.. sobrang nakakahiya un..

So ayun, laro na nga.. ganado ako.. nanonood ung biggest crush ko.. buti na lang, medio kargado laro ko that day.. mganda shooting ko, in and out.. Literally, para akong nka-redbull.. ginanahan din ung mga kakampi ko..

Late game na.. lamang kami ng 7pts. 2mins left.. humingi ng timeout ung coach ng kalaban.. palapit ako sa bench.. "nice game".. lakas mo talaga castro".. "MVP".. sunud-sunod na cheer saken ng team..

Then may biglang nagpunas ng towel sa pisngi ko.. Nagsigawan lahat.. kinikilig.. then lumingon ako and nakitang nakangiti si Catherine.. Nanigas ako.. ndi ko alam gagawin ko.. ngumiti na din lang ako..

"ang galing mo talaga Edward.".. sabi nia..

"ndi naman, chamba lang".. sagot ko..

"kung hindi ka naglaro, malamang talo tayo.. magaling ka talagang maglaro.. pero sana ako, wag mong paglaruan".. banat nia..

Im pretty sure ndi ganun kalakas ung pagkakasabi nia, pero feel ko dinig ng buong stadium ung kalandian nia.. biglang nagsigawan e.. and nakita ko si Bianca na nakatingin sa kaganapan.. Nginitian ko sya.. pero wala syang reaction..

Natapos ung game.. panalo kame.. pero before mag-alisan ung mga spectators, pinilit kong masilayan muli si Bianca.. and I saw her, nakatalikod na.. pabalik na ng bus.. Gusto ko syang lapitan.. pero nagwagi na nman ung daga sa dibdib ko..

That night.. Nasa pedicab ako.. nagaabang ng pasahero.. then there came this text;

"Congrats.. ang galing mo kanina.." message ni Bianca.. nanginginig ako.. naexcite..

nagiisip pa lang ako ng irereply tas may kasunod na agad na text.. "ang ganda ng gf mo.. bagay kayo."..

nagtayuan balahibo ko.. "nagseselos ba sya?"..

"hey, thanks.. chamba lang (syempre, pahumble ako).. tsaka ndi ko gf un".. reply ko..

"K".. sagot nia..

For some reason, ung isang letter na un ung pinaka-nkakairitang reply sa lahat.. I know there must be sumthing about her texting me..

Next Saturday.. Normal route.. pero ndi sya nagtext the night before.. "is it still about that text??", tanong ko sa sarili ko..

Dumaan ako sa kanila.. ung tita nia ung lumabas.. i wanna ask her "nasan po si Bianca?", pero bakit ko itatanong?? tindero lang ako ng kakanin?? Mamimili pa ba ako ng customer..

Yeah.. im frustrated.. and im sad.. but is it for all the right reasons? I don't think so.. walang kame, and the likelihood na maging kame is next to impossible.. pero ang nagpapakati ng utak ko is ung text nia.. "why?".."bakit"..?? No, ayokong mag-assume.. baka isipin niong feelingero na agad ako.. pero yeah, I would admit, iniisip ko din na "malay naten may crush din pala sya saken"..