webnovel

The Isaw to Remember

the_nidas · Realistic
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 2: Si Catherine

"Anong kabadingan yan 'Dward..?? sino yang Bianca na yan?"

Buset na Lester to.. kanina pa pala tinitingnan ung nile-lettering ko..

"G*go. Wag kang maingay, pagagalitan tayo ni ma'am"..

Halos ndi pa ko tapos sa pabulong na sinasabi ko kay Lester ng biglang;

"Edward Castro! Lester Mangubat! kayong dalawa na nga ang walang assignment, kayo pa ang maiingay.. You two, go out!! Wag kayong babalik hanggat wala kayong dalang materials!!"..

"ang bobo mo kasi e.. nananahimik na nga ako e.. dinaldal mo pa ko" sabi ko..

"hehe.. sori brad.. pero sino ba ung Bianca?? Ung sinusulat mo".. tanong nia..

"wala.. nagandahan lang ako sa pangalan".. sagot ko..

"ul*l, chix yan 'no?? taga san yan??" si Lester..

"wala nga.. wala akong panahon sa ganyan.." depensa ko..

"tanga pre, pormahan mo na.. ligawan mo na yan.. regaluhan mo ng isang bokey na puto.. tas pasyal kayo.. isakay mo sa sidecar tas punta kayo SM north.. yahahahahaha.." pang-aasar nia..

"ay wag pala pre.. magbibigti si Catherine pag nalaman nia na may popormahan kang iba" sabi nia..

"Catherine, sino un? Ung malaki mata??" tanong ko..

"tanga, ung 3rdyear.. ung pinakamganda sa 3rdyear.. ung sumulat sayo".. sagot nia..

"ay oo.. ung kagulo ung sulat.. yahahaha".. sabi ko..

"baket, anong sabi sa sulat?" he asked..

"ok nman ung sulat e.. crush nia daw ako.. palagi daw nia kong tinitingnan.. kaso puta, may J.A.P.A.N tsaka I.T.A.L.Y. sa dulo e.." sagot ko..

"yahahaha.. badoodles.. pero ok un pre.. dami pumoporma dun.. tas sayo may gusto.. kung ako sayo, papatulan ko na un.. malay mo maka-score ka".. sabi nia..

"loko-loko!!"..

Tara punta tayo sa kabilang building.. nandun un.. pintahan mong maigi, sayang un pre.." aya ni Lester..

"tanga! Anong oras na, nakauwi na un.. pang-umaga mga 3rd year!" sabi ko..

"tangeks!!! Kaklase ng ate ko un.. may practice sila sa cheer dance competion.." sabi nia..

"cge tara"..

"eto chika kapatid, kaya daw un si Catherine sumali sa Cheering squad, kasi nalaman niang player ka ng basketball, para daw mai-cheer ka.." sabi nia habang naglalakad kame..

"namp*ta, ang pogi mo talaga Castro!!!!" dagdag pa nia..

"G*go!! ndi un.. tsaka baka ndi na muna ako maglaro ngayong taon" sabi ko..

"baket? Tanga sayang.. mawawalan ng magaling sa line up ng team naten, inaasahan ka dun e".. sabi ni lester..

"wala na ung sapatos kong panlaro pre, bumigay na.. la na ko magagamit" sabi ko..

"tsaka kaya na nila un.. malalakas nman sila e".. dagdag ko..

Saktong naka-break ang mga cheer leaders sa practice nang datnan namen sila ni Lester..

"ayun pre o, ung naka pula" saktong tinuturo ni Lester si Catherine ng bigla syang tumingin at nagkatinginan kame..

At ang sira ulo kong kaklase ay biglang hinawakan ang kaliwang braso ko at ikinaway sabay sabing "Hi Catherine!!!"..

Nakatingin lahat ng cheer leaders at sabay sabay kinilig at tinutukso si Catherine na kumaway din.. nagkangitian kame.. at lalong lumakas ang pangangantyaw ng mga kasama nia..

In fairness, mganda talaga si Catherine.. morena, mahaba buhok, sexy.. parang teen version ni Joyce Jimenez..

"tol, ang tanga mo na pag pinakawalan mo pa un si Catherine.. para saken, siya pinakamganda dito sa skul e".. si Lester..

"o bakit di mo ligawan?" sagot ko..

"g*gu, e sayo may gusto e".. depensa nia..

"ok lang nman saken, ndi ko type e.. sayo na".. sabi ko..

"ewan ko sayo bading!!! Hahaha.." si Lester..

natapos ang school year, cguro mga twice or thrice ko pang nakita si Bianca.. mas madalas kasi ung tita nia ung lumalabas para bumili..