webnovel

The Innocent Killer

"Paano mo nasabing inosente sya kung napatunayang nakapatay sya?" "Wala akong ginawang masama! Hindi ko magagawa ang ibinibintang nyo!" "Minsan, ang isang makasalanan ay biktima din ng karahasan" "There are secrets behind lies" "Not all you see is reality" Paano kung magising ka isang araw at hindi mo na kilala ang sarili mo? Paano mo iintindihin at paniniwalaan ang mga bagay na mahirap ipaliwanag? Kakayanin mo ba? Paano kung paulit-ulit mong nararanasan ang kalupitan at pagdurusa? Paano ka makakaligtas kung naisip mo'ng sumuko sa kawalan ng pagasa? Malalampasan mo kaya? This story reflects violence against woman and children. This 2020 i finally present my first creation, "The Innocent Killer" Enjoy Reading! -JayCeexxvi

JayCeexxvi · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Chapter 4

Chapter Four: Who's Kathalina?

Nandirito ako ngayon sa Library at may babasahing textbook.

Lunch time ngayon at tahimik ang buong library, i mean wala palang tao dahil palagi naman palang tahimik ang library.

Wala din akong librarian na nakita. Baka naglunch pa ito at hindi pa nakakabalik.

Almost 12:22 na kase at malamang ay nasa lunch break ang mga tao.

Madilim ang paligid at tanging liwanag mula sa bintana lamang ang nagbibigay ng liwanag sa buong lugar. Malapad ang kabuoan nito dahil isang buong building ito. Makikita mo sa baba ang ikalawang palapag dahilan para makita ko ang itaas na napakaraming nakasalansang libro.

Sa bandang ceiling naman sa second floor ay nakikita ko ang lumang chandelier na hindi na umiilaw at nababalot na ng maraming sapot, marahil ay napabayaan na ito sa labis na kalumaan.

Naghanap-hanap ako ng librong pwedeng mabasa. Hinanap ko din ang librong pakay ko kung bakit ako maparito.

May pinaparesearch kase ang prof namin kaya pumunta ako rito at syempre para magbasa-basa nalang din ng libro.

Ang ibang libro ay hindi organized, siguro'y mga burara ang mga gumagamit no'n. Ang iba'y nabalot na ng alikabok, malamang ay hindi na nagagamit ang library na 'to sa kadalihanang mas pinipili nilang magresearch nalang sa internet. Pero syempre ako, sa internet din minsan nagreresearch pero mas siguradong mas makatotohanan at makabuluhan ang matututunan mo sa libro. Minsan kase ay wala namang basehan at katotohanan ang mga nababasa ko sa internet, lalo na kapag hindi legitimate ang mga sources.

Nang mahanap ko na mga librong hinahanap ko ay naghanap-hanap ako ng magandang basahin.

Naghahanap-hanap ako nang mag isang librong umagaw ng pansin ko, maganda kase ang kulay nito kaya kinuha ko.

"All About Astrology," pagbasa ko sa cover ng nakuha kong libro. Pinagpag-pagpag ko ito dahil may mga alikabok.

Hhmmmm, parang maganda to.

Nang mapili ko na ang mga librong kailangan ko naghanap na ako ng mauupuan.

Nang nakaupo na ako ay inumpisahan kong intindihin ang nilalaman ng libro.

"Oyy? Ba't dito ka? Anong ginagawa mo?" masungit na wika ng isang lalaki

si Calix

"Bakit? Ano bang ginagawa sa libro? Kinakain?"- masungit ko ding irap sa kanya. "Ikaw kamo, ba't ka andito?"dagdag ko pa at tinignan sya.

Natawa ito, "De joke lang, di na mabiro," patawang sabi nya at naupo. Linapag nya din ang mga dala nyang libro.

"Hindi pa kase nabalik ni Leigh yung libro ko kahapon ehh kailangan ko pa naman yun ngayon, so pumarito ako para maghanap ng kaparehong libro," pagpapaliwanag nito at ako nama'y napatango

Binalik ko ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro.

"Kumain kana?" tanong ko sa kanya

"Ahh hindi pa"

"Ehh ba't di ka kumain?"

"Kase Klein sabi ng eksperto mas magfufunction ang utak mo kapag walang laman ang sikmura mo."

"Ahhhhh, kaya pala wala akong maintindihan sa klase kase puro kain inaatupag namin ni Leigh," sabi ko at napahalakhak ito ng malakas

"Loko"sabi niya at inangat ng bahagya ang librong binabasa ko

"Ahh so mahilig ka sa Astrology?" tanong nito

"Ahh hindi naman, interesado lang," sagot ko

"Alam mo ba?"

"Ang alin?"

"Na hindi maituturing na science ang Astrology?"

"Hmmmh? Bakit naman?" Taas kilay kong tanong

"Kase, astrology is study of movement and relative position of celestial body. And astrology is more on phenomena and prediction like ano na ang magiging hinaharap mo kung ano ang mga fortune mo na ibinabase nila sa galaw ng mga stars," pagpapaliwanag nito

Napatango-tango ako

As far as i know kase, astrology refers stars at constellations so bakit hindi ito science.

"Magulo parin diba?" saad nito.

"For example, diba may tinatawag tayong horoscope? Ayun, naka base sa galaw ng bawat zodiac ang iyong kapalaran which is walang basis regarding science."

"Alam mo ba yung renaissance, astral projection, Deja vu?" muling pagtatanong nito

"Hinde, pero familiar sa'kin."- saad ko at napakunot ang noo

San ko nga ba narinig at nabasa yun?

"Yung may kinalaman sa essence ng isang kaluluwa, kung meron man." saad nya. "Isa sa mga phenomena nito ay ang ibang katauhan sa ibang katawan. Like magkakaroon sya ng ala-ala kahit hindi naman nangyari sa kanya. Merong theory na nagsasabing maraming kalawakan sa iba't ibang dimension at may kaparehong tayo, ang ibig kong sabihin ay may iba pa tayong katulad na kaparehong tayo, nagcocollide ang dalawang pagkatao kaya nagkakaroon ng ibang alaala at memorya. Kaparehong pangalan, kaparehong mukha pero iba ang kapalaran.

Tapos kapag nagcollide ang dalawang pagkatao maaaring makita mo ang memories nya at ganun din sya sayo.

Yung theory of parallel universe?," pagpapaliwanag nya

"Ahh like, magkakaroon ng ibang katauhan sa sarili mong isipan?" tanong ko dito

"Yes, yung feeling na nasa situation ka then may mga bagay na magpaflash na alaala na hindi mo matandaan pero parang nangyari na, yun ang tinatawag na deja vu. Greek term which mean "Already happened," paliwanag nya

Napatango lamang ako

"O meron ding sinasabing renaissance, o yung muling pagkabuhay? Alam mo yun?"

Umiling ako

"Yung pwedeng muli kang mabubuhay sa ibang pagkakataon. Diba some of us believe that there is life after death?"

"Parang ganun yun, malay mo dati ka nang nagiexist"

"Ba't andami mong alam?" tanong ko dito

"Hmm, kase i study hard i think?"nakangising saad nito. "And Besides, phenomena at theory lang naman yun. Controversial parin yun hanggang ngayon at walang scientific evidence at basis. Tsaka hindi rin ako naniniwala sa mga ganun," dagdag pa niya

"Ehh ba't pinaliwanag mo pa sa'kin kung hindi ka rin naman naniniwala?" tanong ko sa kanya

"Sabi mo interesado ka sa mga ganun?" sagot nya naman

"Ano nga ulit kinuha mong kurso?" tanong ko sa kanya

"Bachelor in Science in Kagwapuhan major in katalinuhan," pangising sabi nito at inayos ang salamin.

"Baliw, nasobrahan kamo sa talino kaya ka naging siraulo," pambabara ko sa kanya

"No, i mean i'm pysch student"

"Ahh kaya pala parang siraulo ka. Pero ang totoo, nasa katinuan ka pa ba?"

"Bakit? Mukha ba kong baliw?" sabi nya at bahagyang nilapit ang mukha sa akin dahilan para matamaan ako ng silaw na galing sa salamin nya.

"Hmm parang, teka malabo ba mata mo?" tanong ko dito at tinuro ang salaming suot nya.

"Hindi naman, pero hindi lang ako makapagbasa ng diretso tsaka makarecognize ng tao kapag walang salamin."

"Bakit di ba bagay sakin?" pahabol pa niya

Well, actually bagay sa kanya. Pero mas lumalabas ang kagwapuhan nya kapag wala syang salamin. Sa tingin ko lang.

"Oo, mukha ka ngang book worm at nerd," pagsisinungaling ko

Maya-maya ay kapwa kami natahimik kaya pinagpatuloy nalang ang pagbabasa

"Well, pansin ko lang? Ba't ang daldal mo ngayon?" tanong nya out of the blue habang patuloy sa pagbabasa

"Hmm wala lang, bakit?"

"Kase, ang tahimik mo kapag kasama ka namin ni Leigh."

"Hmm syempre hindi ko pa naman kayo gaanong kaclose tapos makikipagsabayan pa ko sa inyo?" sabi ko at tinignan sya

Tumayo ito sa kinauupuan nya sa kabilang lamesa at umupo sa tabi ko

"Ohh? Ba't lumipat ka?" tanong ko at inurong ng bahagya ang inuupuan ko. Masyado kaseng nagdidikit ang katawan namen.

Bakit ako napatanong? Well, sa dinami dami ng bakanteng upuan dito, bakit dito sya uupo sa tabi ko?

"Well, sabi mo kanina hindi pa tayo close ehh, so eto close na close na tayo," sabi nito at ngumisi

"Loko-loko ka"

Muli kaming natuon sa pagbabasa.

Ilang sandali pa'y napatingin ito sa relo nya at tiniklop ang binabasa nyang libro.

"Ayy! Time na pala,"

"Sige Klein, may klase pa ko. Una na ko hah?" sabi nito at tumayo

Tumango lang ako

"Ahh pakisabi si Leigh, yung libro kamo hah"

"Bakit nga pala di mo sya kasama?"

"Ahh hindi ko alam may pupuntahan daw"

Tumango-tango lang ito

Nagpaalam pa ulit ito bago tuluyang umalis.

***

Natapos ang huling klase namen.

Hindi pumasok si Leigh dahil sasali daw sya screening ng theater.

Kasalukuyan kong tinutungo ang daan papuntang gate nang nasa kalagitnaan na ako ay biglang pumatak ang butil ng ambon hangang lumakas.

Aishhhh ba't ngayon pa.

Dali-dali akong naghahanap ng masisilungan para kuhain ang payong sa bag ko.

Tinungo ko ang pinakamalapit na masisilungan sa kinaroroonan ko.

At nang makasilong ako ay binuksan ko ang bag ko pero,

Pero, faking tape??! sa sobrang minamalas ay nakalimutan ko palang ilagay ang payong sa bag kanina.

Kase kanina balak ko sanang magdala ng payong dahil medyo madilim pero agad namang uminit kaya nakalimutan ko ring dalhin.

Tatawagan ko sana si Leigh ngayon pero naalala kong kasalukuyan pala syang nasa screening ng theater at baka maistorbo ko sya. Nagjoin si Leigh dahil balak nyang sumali sa susunod na pagtatanghal ng naturang stage play.

Aiishhh! Hindi ko naman kayang takbuhin ang gate dahil siguradong mababasa ako.

Mas lumakas ang ulan at no choice ako at walang magagawa kundi hintayin itong tumila.

Ilang oras na ang lumipas at hindi parin tumitila ang ulan

"Hmmmmhh! Anong oras na"

Unti unti nang dumidilim at unti unti na ring nababawasan ang mga estudyanteng nakikita ko

Maya-maya ay may nakita akong imahe ng lalaki at tinungo ang direksyon ko.

"Wala kang payong?" tanong nito

Umiling ako

"San si Leigh? Nakauwi na ba?"- tanong nya

"Nasa screening sya ng theater kanina, di ko alam at baka nakauwi na nga."

"Bilis silong na! Kanina ka pa ba dito?" tanong ni Calix at tinaas ang payong na dala nya para makasilonh ako

"Oo"

Pinasilong nya ako sa payong na dala nya inilapit ang kanyang katawan sakin. Maliit ang payong and it seems very awkward ang sitwasyon namin ngayon. So ano pa nga bang magagawa ko? Kesa naman gabihin ako at hintaying tumila ang ulan.

Kasalukuyan naming binabaktas ang daan palabas ng gate.

Nang makalabas na kami ay tinungo namin ni Calix ang pinakamalapit na waiting shed.

Pinauna nya akong pasakayin ng jeep. Sya nama'y hihintayin nalang daw na tumigil ang ulan. May motor naman daw syang sasakyan.

***

Nang makababa ako ng jeep ay hindi na gaano kalakas ang ulan. Mabuti na lamang ay katabi lang ng kalsada ang gate ng compound ng aking apartment at hindi na ako gaanong nabasa.

Dali dali akong naligo at nagpalit ng makapal na damit, para iwas lagnat at sipon. Ang hirap pa namang magkasakit at wala pa dito ang mga magulang ko.

Nag-init ako ng tubig sa heater at ibinuhos ito sa bowl na may lamang oatmeal. Wala akong ganang kumain kaya 'eto nalang ang kakainin ko ngayon.

Nang naging ready ang oatmeal ay nilagyan ko ito ng kaunting cocoa & milk powder 'tsaka asukal. Plain oats kase ito at walang flavor.

Habang kumakain ako ay scroll lang ako ng scroll sa news feed ko.

Puro naman walang kwenta ang lumalabas at masyadong boring.

Nasa pagiiscroll ako nang maalala ko ang pinagsasabi ni Calix kanina sa library.

Totoo ba ang sabi ni Calix kanina?

Kung totoo man ang mga ganoong bagay ay ano kaya marahil ang kinalaman ng madalas kong mapanaginipan. Totoo kaya yun?

Kung totoo man yun, anong koneksyon sakin ni Kathalina.

Sino si Kathalina?

Anong kinalaman nya sa pagkatao ko?

Nang matapos akong kumain ay ininom ko na ang gamot ko.

Nagsipilyo rin ako at naghugas ng paa .

Nahiga na ako sa kama at inalis ang gumugulo sa aking isipan.

***

THE INNOCENT KILLER

BY: JayCeexxvi