webnovel

THE EXORDIUM: Part I

"ISANG napakalusog na batang babae," anunsiyo ng doctor habang ibinibigay nito sa kanya ang kanyang anghel.

Hirap man ay maluha-luhang tinanggap niya pa rin ang bata mula rito. Pinagmasdan

niyang mabuti ang maamong mukha ng kanyang anak kahit nanlalabo na ang kanyang mga mata at hirap na hirap na siyang huminga. Saglit niyang nakalimutan ang hirap sa pagluluwal nito nang makita niya ang pagngiti nito. Binalingan niya ang kanyang asawa at mahinang bumulong, "Caia."

"Ha?" Hindi pa rin ito lumalapit para tingnan ang kanilang anak.

"Caia," humigit siya nang napakalalim na hininga nang gumalaw sa mga bisig niya ang

kanyang anak. Pakiramdam niya hindi na kakayanin pa ng kanyang puso ang tumibok. "Caia, ang gusto kong ipangalan sa kanya."

"Bakit?"

Napangiti siya. "Pinagsamang pangalan natin." Tiningnan niya ulit ang kanyang asawa.

"Hindi mo ba siya kakargahin?"

"Carmen…"

Tumulo ang kanyang mga luha. "Please?"

Kinuha naman nito ang bata sa kanyang bisig

nang hindi nagsasalita. Pinagmasdan niyang mabuti ang kanyang mag-ama. "Aalagaan mo siya, di ba?" mahinang-mahina na bulong niya.

"Carmen…" Hirap man sa pagkarga sa sanggol ay hinawakan pa rin nito nang mabuti ang bata. "Di ba, nangako ka sa akin na tayong dalawa ang mag-aalaga sa kanya?"

Ngumiti siya nang malungkot. Hindi na niya masyadong alintana ngayon ang sakit sa

kanyang dibdib. "Ian, hindi ko na kaya."

Napatiim-bagang ito. "Nangako ka." Nakita niya ang paghigpit nang pagkakahawak nito

sa anak nila kaya umiyak ang sanggol.

She tried to respond strongly but her voice sounded so weak. "Nasasaktan si Caia, Ian."

Ipinikit niya ang kanyang mga mata. "Mahalin mo siya kagaya nang pagmamahal mo sa akin. Siya lang ang… Mangako kang aalagaan mo siya."

Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. Iminulat niya ang kanyang mga mata

para itanong sana dito kung nasaan ang kanilang anak nang makita niyang karga pala ito nang isang… anghel?

"Carmen," garalgal ang boses nito nang magsalita. "Hindi ko kaya kung wala ka. Please, hold on a little bit more."

Pero hindi na niya ito pinakinggan. Nakatuon lang ang kanyang mga mata sa anghel na

kumakarga kay Caia… sa kanilang Caia.

"Ibalik mo sa amin ang anak ko," mahina pero may diing sabi niya sa nilalang na

nakatingin lang din sa kanilang mag-asawa. "Kukunin mo na ako, di ba? Iwan mo ang bata."

The angel just looked at her and then to her child. He touched the forehead of the child

and she saw how Caia glowed in his arms.

"Anong ginagawa mo sa anak ko?" may halong takot na tanong niya. Takot siyang baka kunin nito ang anak niya. She sacrificed her life so that Caia would live, so she wouldn't let him get her child.

Caia had to live. Her Caia must live.

"Carmen?"

Itinuon niya ulit ang kanyang paningin kay Ian. Nagtatakang nakatingin lang ito sa kanya.

"Get Caia off him!"

"What?" Tumingin ito sa anak nila na karga pa rin ng nilalang na iyon saka ibinalik ulit

ang pansin sa kanya. Ang mga nurses at doctor naman sa loob ng delivery room ay nagtatakang nagtitinginan. "He's just holding our child."

"He's going to get our child!" She screamed at him. Napatigil naman siya nang bigla

niyang maramdaman ang sakit na iyon sa kanyang dibdib.

Hindi siya makahinga. Caia… My beautiful baby…

"Carmen!" Natataranta na ang kanyang asawa. "Doctor! Nurse! Doctor! Tulong!

Tulong!"

Then it felt like a blurry to her. Hindi na rin niya naririnig ang ingay na nasa paligid niya.

All she could hear is her heart beating wildly. All she could feel is the burning of her lungs. All she could see is darkness.

Caia...

************

KARGA-KARGA ni Ian ang anak habang pinagmamasdan ang puntod ng kanyang asawa.

Katatapos lang nitong ilibing nang mga sandaling iyon pero hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala nito sa kanya.

Carmen…

Matagal na pala nitong alam na hindi pala ito pwedeng magbuntis dahil na rin sa sakit

nito sa puso. Pero kahit kailan ay hindi nito sinabi iyon sa kanya. Nalaman nalang niya ang

kalagayan nito nang minsang mahimatay ito at pitong buwan na ang kanilang anak sa

sinapupunan nito. Gusto man niyang isakripisyo ang buhay ng bata para lang sa buhay ng kanyang asawa ay hindi ito pumayag.

"She's our child, Ian. I would do anything so she could live."

Labag man sa kalooban ay hinaayan niya ito sa gusto. He loved his wife more than

anything else. And she promised him that she'd stay strong. Na makakasama niya pa itong palakihin ang kanilang anak. Na hindi ito bibitaw.

You lied, sweetheart.

He felt the baby stirred in his arms. Saglit na nakalimutan niya ang hinanakit sa asawa

nang mapagmasdan ang mukha ng kanyang anak. Some people told him Caia looked like him but he beg to disagree, Caia looked a lot like her mom.

"Napakagandang bata."

Lumigon siya sa pinanggalingan ng boses. Napansin niyang mangilan-ngilan nalang ang

mga taong nasa sementeryo. Nakita naman niyang hinihintay na siya ng kanyang mga magulang sa kotse. Nagboluntaryo ang mga itong tulungan siya sa pag-alaga kay Caia sapagkat wala naman siyang kaalam-alam kung paano mag-alaga ng isang sanggol.

"Salamat," sagot niya sa napakagandang babae. Nakasuot ito ng itim na damit na hapit

sa katawan nito na hanggang tuhod ang haba at may itim rin na sombrero itong suot na may

kaunting belo na tumatakip sa mukha nito. He can vividly see her pale skin and her red lips.

She's a knockout, he thought.

"Pwede ko ba siyang kargahin?" tanong nito. Napansin niya ang itim na gloves na suot

nito. Magtataka sana siya sa iginawi nito dahil hindi naman niya ito kilala pero nang titigan niya ang mukha nito pakiramdam niya nabighani siya sa ganda nito.

He extended his arms to give her his child.

"Ian!"

Nagulat siya nang marinig ang sigaw na iyon. Marahil nagulat din si Caia kaya umiiyak

ito. He cradled her again habang pilit na niyuyugyog nang mahina.

"Ian," inis na sabi sa kanya ng kanyang ina. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Nilingon niya ang mama niya habang pinapatahan ang kanyang anak. "Nothing." Then he turned to lady in front of him, "I'm sorry –"

"Kanino ka nagso-sorry?"

Hindi niya ito pinansin. Napalunok nalang siya nang mapansin niyang nasa harap na pala

niya ang bangin ng sementeryong iyon. At wala na ang babaeng kausap kanina.

"Ian," hinila siya ng kanyang ina papunta sa ligtas na bahagi ng sementeryo. "Mag-usap

nga tayo, balak mo bang ihulog sa bangin ang anak mo?"

Napalunok nalang siya nang mapagtanto ang dapat na mangyari. Kung ibinigay niya sa

babaeng iyon ang kanyang anak, malamang…

"Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng asawa –"

"Hindi ko kailanman papatayin si Caia," he said forcefully. "Oo, aaminin kong gusto ko

siyang ipaabort para mabuhay si Carmen, pero ayaw ni Carmen, at mahal na mahal niya ang batang ito kaya hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang sakripsyo ng asawa ko." He hugged the child. "Ngayong kami nalang dalawa ni Caia ang natitira, hindi ko hahayaang pati ang tanging alaala na iniwan sa akin ng asawa ko ay mawala rin."

Tinitigan lang siya nang kanyang ina. "Hindi iyan ang nakita ko kanina, Ian."

"I-i…."

"Isipin mong mabuti ang mga pinanggagawa mo." Tumalikod na ito. "Umalis na tayo."

Tiningnan niya sa mga bisig ang kanyang anak. Ano bang nangyari sa kanya kanina?

Sigurado naman siyang may kausap siyang magandang babae at gusto lang nitong makarga ang kanyang anak kaya ibibigay niya lang sana ito saglit. Pero bakit siya napunta sa may bangin ng sementeryo?

"Ian!" sigaw ng kanyang ina.

"Opo," ganting-sigaw niya saka naglakad na papunta sa kanilang sasakyan.