webnovel

Drunk

Maganda ang kapatid ni Vrenson. Ito ata ang panganay sa kanilang magkakapatid and i think Vyda is the next and then Vrenson. Iisa lang sila ng hugis ng mukha at ilong. Vrenson's face was also flawless like his sisters.

"You may now kiss the bride." The priest said after a mass. Naghiyawan ang mga tao nang halikan na ng groom ang bride. Nakanguso si Vrenson habang nakatingin na naman sa akin.

Sa function hall lang ng hotel ginanap ang reception. Hinawakan ulit ako ni Vrenson hanggang sa makarating kami. Uupo na sana ako sa lamesa namin ng napansin na hindi pa rin bumibitaw si Vrenson.

"Papakilala pa kita sa magulang ko," Aniya. Nagpadala na ako dahil sabi ko nga wala akong karapatang mag inarte!

"Ma,Pa. This is Celestine." Si Vrenson. Hinarap kami ng Mama at Papa niya na nakikipagusap sa mga bisita. Abot langit ang ngiti ng kanyang ina at tinapik naman si Vrenson sa balikat ng Papa niya.

"Finally, Hijo." Ang Mama niya. Medyo malaki ito ng kaonti sa akin. I think the flawless face is from her mother and the height is from her father. Si Vrenson ang Pinakamatangkad sa kanila.

"Good afternoon, Po. " Bati ko. Hinawakan ako ng Mama niya sa magkabilang braso. Nagngingiti ito.

"Your so beautiful..." Pinasadahan niya naman ang katawan ko.

"...and sexy as well" Aniya. Ngumiti nalang ako sa puri niya. Nagbeso ito sa akin. Kinindatan niya si Vrenson na namumula na ngayon.

"Kailan pa kayo nitong anak ko, hija?" Ang Papa niya naman.

Sinagot ko ito bago nagmano. "Kaibigan ko lang po si Vrenson."

"What?" Gulat nilang sabi. Binalingan nila ang anak na nagkakamot ng ulo.

"Nanliligaw pa lang, Ma." Sabi ni Vrenson. Gulat pa rin ang mga magulang niya. I wonder if some people that saw us together think that we're in a relationship? Maybe.

"Well, lalo akong humanga sayo hija. Other girls nowadays were so fast. They giving themselves even if they're not all ready in a relationship." Vrenson's Mom opinion.

I nodded because it was accurate. Ayan nga ang napapansin ko sa mga kaedad ko. Papasok sa relasyon tapos kapag nasaktan sisihin ang pagibig. Love is perfect to discriminate, Lovers are not! Ang tao ang nagkakamali kaya nasisira ang 'pagibig'. I hope people realized that especially all the millenials today. Yes, i am one of them pero pinagiisipan ko muna ang lahat. Well... pake ko ba sa kanila? Ang iniintindi ko lang naman ay ang imahe ng pagibig ngayon. Masyado nang nadudungisan dahil sa maling kapintasan. As what i've said... Love is always perfect.

"Pagpatuloy mo lang yan, hijo. I bet this girl as your wife." Sabi niyang muli sa anak. Ewan ko kung bakit namula ako doon at ganun din si Vrenson.

"I know, Ma." Kinindatan ako ni Vrenson. Ang feeling nitong mokong na to!

"Join us in our table, hija."

"By the way, im Tita Volivia, Vrenson's mom" Dugtong nito. She said it even if i already know it.

Nakisama ako sa pamilya Montero. Nakikinig lang ako sa usapan nila about business. Katabi ko si Vrenson at walang ibang ginawa kundi ang manitig!

"Okay ka lang?" Bulong niya. Nilapit niya ang upuan niya sa akin at pinahinga ang braso sa likod ko. He touching my shoulder softly like it was a normal! Humanda ka sa akin mamaya!

Kung wala lang akong delikadesa ay sinapak ko na itong lalaking ito!

Nagkibit balikat ako para maalis ang kamay niya pero hindi siya natinag! Ngumingisi na ang Mommy at Daddy niya dahil kahit sino ang makakita sa ginagawa ni Vrenson ay aakalaing girlfriend niya nga ako!

"Lets take a picture, Everyone!" Sabi ng Bride  kasama ang groom at cameraman. Tumingin ito sa akin at ngumisi. Sa gilid silang magasawa at nagpicture na.

"Girlfriend ka ba ng kapatid ko?" Ngiti niyang sabi. Nagapir ang asawa niya at si Vrenson.

"Hindi. Kaibigan lang." Sabi ko dahil totoo naman. Ngumisi lalo ito.

"Ka-i-bigan? Joke. Buti nalang at sinama ka nitong si Vrenson. Ikaw lang ang pinakilala sa amin niyan." Sabi nito. Nagulat ako roon. Vrenson had so many exes at hindi man lang niya ito pinaalam sa pamilya niya?

"By the way, maiwan ko muna kayo. Enjoy the party. ahm?"

"Celestine." Sabi ko.

"Enjoy, Celestine. Nice meeting you." Nakangisi niyang sabi at umalis na. Bakit ngiting ngiti ang pamilya ni Vrenson kapag kinakausap ako?

"Thats my ate Vylodia." Ani ni Vrenson.

Palalim na ng palalim ang gabi. Wala akong ibang ginawa kundi ang kumain. Impernes! Ang sasarap ng pagkain.

Minsan nahuhuli ko si Vyda na nakatingin sa akin at nagiiwas na kapag tinitignan ko siya. Weird.

"Celestine! Wanna drink?" alok sa akin ni Vylodia. Halos lahat naman ng bisita ay yun ang ginagawa kaya makikisabay na rin ako.

"No! hindi siya umiinom, ate." Naunahan na ako ni Vrenson. Epal!

Ito na ang tamang oras para manlaban! Hindi parati siya ang masusunod!

"Sure. Pero hindi pa hard sa ngayon. Maybe when im 20?" Nakangiti kong sabi. Nagdilim naman ang paningin ni Vrenson at umigting ang panga.

"Then, nandun yung counter. Drink what you want, girl!" Sabi ni ate Vylodia at tinapik muna si Vrenson bago umalis.

Ngumisi ako sa nakabusangot na Vrenson. Kasabay ng pagtayo ko ay ang paghawak niya sa kamay ko.

"Lets drink together and be drunk then?" He smile. Nangiinsulto. Tumaas agad ang altapresyon ko sa lalaking ito!

Tanginamo, Vrenson!

"Margarita and bourbon." Sabi nito sa server. Umupo ako ng padabog. Nasa gilid lang kami ng counter.

Hindi ko alam pero nasanay na din ako. Si Vrenson ang naging kainuman ko at kakwentuhan. Night is getting deep. Nakakaramdam na din ako ng pagkahilo. Naubos na ata ang margarita at kung hindi red label, jack daniels, tres cepas, juice ang ibinibigay sa akin. Halo halo na ang iniinom ko. Kami ni Vrenson.

"Alam mo, gusto mo lagi nalang ikaw ang masusunod." Sabi ko, halatang lasing na ako sa boses ko.

"Mahirap na, baka mapunta ka pa sa iba." Aniya.

Hindi ko na siya inintindi. Inunahan ko na siyang umalis.

"What the hell, Celestine?!" Aniya at hinawakan ako sa baywang. Paliko liko na ang lakad ko at wala na sa kondisyon. Si Vrenson ang umaalalay sa akin.

Bumaliktad ang sikmura ko kaya napahinto ako at sumuka. Im dizzy and drunk.

"Ang kulit mo talaga, Babe!" Si Vrenson na binuhat na ako.

I felt comfortable at his arms. Idinikit ko ang mukha ko sa dibdib niya. Wind is so cold. Nanginig ako ng kaunti at naramdaman iyon ni Vrenson kaya binaba niya muna ako at isinuot sa akin ang suit niya at muling binuhat.

"I love you, Vrenson." Sabi ko.

Napansin kong huminto siya sa paglakad at di kalaunan ay nagpatuloy din.

"You just drunk." He murmured.