webnovel

The Hidden Story Of Mysterious University

"Kasalanan ang bumuhay sayo, at kasalanan rin ang bubuhay sayo."

Yinexiyin_19 · Horror
Not enough ratings
9 Chs

Chapter 2

"Sorry talaga tinry ko lang naman na-." Hindi nya pinatapos ang sasabihin ko nang nagsalita na sya

"Tinry mo?HAH?tangina lumayas ka nga sa harapan ko." Galit na saad nito at pinunasan ang luha nya gamit ang kanyang braso

Hamakbang ako papalayo sa kanya at nung makalayo na ako ay tinuon ko na lang ang tingin ko papunta sa hagdan

"Haysss ang arte mong bakulaw ka." Saad ko na may pailing iling pa

Pumasok na ako sa room at nakita ko naman na lahat nang atensyon nang mga kaklase ko ay sa akin na katuon

"Miss Romero pinapatawag kayo sa SSG room." Walang emosyong saad ni ma'am

"Bakit po ma'am." Mahinahong tanong ko rito

"Just go." Seryosong saad nito habang nagsusulat sa blackboard

Hindi ko na lang sya pinansin at dumeretso na ako sa SSG room

"You're late Miss romero." Nakataas kilay na pagsalubong sa akin ng principal

"Sorry po." Niyuko ko nang kaunti ang ulo ko tanda nang paggalang

"Umupo ka na lang dyan." Saad ng principal at nadako naman ang tingin ko dito sa DarkH 

Pati ba naman dito.

Eh di naman ilalaban yang iba dyan ah bat nandito sila lahat

"I aanounce ko na kung sino nanalo sa botohan." Walang emosyong pagkasabi ng principal.

"Ang nanalo bilang Muse Ay si Yanzee Sammie,Sa escort ang nanalo ay si Xyron Sanchez."pagkasabi ni principal ay binigyan nya nang tingin ang dalawang nanalo

Binanggit nya na kung sino ang nanalo sa p.i.o business manager at sgt arms ito na sa amin 

"For vice president ang nanalo ay si Xavia Morena." Nagulat ako sa sinabi nya 

Ngunit wala naman akong ibang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan 

"But you miss romero pwede mong tulungan si miss xavia ." saad nya na sya rin namang kinatuwa ko.

"And for president ang nanalo ay si Clarrise." Pagkasabi nya ay inayos nya na ang gamit nya.

"Congratulation." Saad nya na wala man lang ka emosyon emosyon at tuluyan ng pumanaw.

Nung pag kaalis nya ay napatitig ako kay Khane na ngayon ay balisa at hindi maayos ang buhok.

Laking gulat ko na lang nung napatingin sya sa akin kaya umiwas ako kaagad.

Tumayo na lang ako kaagad.

"Xavia congrats, Clarrise Congrats." Pagkasabi ko nyan kahit wala pa silang reply ay umalis na ako kaagad.

Naglalakad ako dito upang hanapin ang kaibigan ko ngunit wala akong mahanap ni isa sa kanila kahit anino

Napatili naman ako ng kaunti ng may isang batang babae ang lumapit sa akin at parang hirap na hirap sya.

"Ate tulungan mo po ako." Saad neto,At nanlaki naman ang mata ko ng mapansin kong may kinukuha sya sa bulsa nya,Kutsilyo

"I-ibaba mo yang kutsilyo mo ." saad ko rito ngunit kahit anong sabihin ko ay hawak nya parin ito,Nanginginig sya na parang nilalabanan ang sarili nya

Ummiyak na sya na tila bay di nya gusto ang nangyayari sa kanya.

"Ate tulungan mo po ako." Ngayon pinipigilan nya na ang sarili nya na wag saksakin,Pilit nyang hindi idinidikit sa katawan nya ang kutsilyo ngunit hindi nya kaya.

Nanginginig ako sa knatatayuan ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Please ate maawa ka po." Pagkasabi nya ay isang pagsaksak nang kutsilyo ang napunta sa bibig nya

*shock*

"A-ate tulungan mo po ako." Saad nya na nanghihina at nahihirapan dahil sa natamo nyang saksak sa bibig nyang duguan narin.

Lumapit ako sa kanya ngunit paglapit ko ay sunod sunod na pagsaksak ang ginawa nya sa sarili nya hanggang sa pinaubaya nya na ang sarili nya at nawalan na sya nang buhay.

Para akong tanga na na ka istatwa dito.

Sa pangyayaring yan para ko lang pinapanood ang nangyari sa kapatid ko.

Hindi ko alam pero kusa na lang na natumba ang katawan ko sa sahig nito

Hinayaan kong may taong mamatay mismo sa harapan ko?Yuri Isa kang duwag!!Tanga.Hindi ko man lang sya natulungan hinayaan ko lang na mangyari sa kanya toh?

"Bakit?bakit sakin nyo pinapakita ang pagpatay nyo?." Naluluhang saad ko na nakatingin sa langit

"BAKIT?." tanong ko na parang nawawala sa sarili.

Unti unti nang nagsipuntahan ang mga nanonood dito kanina sa batang magtatangkang saksakin ang sarili nya at pinagkumpulan na sya.

"Sissy grabe pinatay nya mismo sarili nya."

"Sis baka self depression lang." Pagsangayon naman nung isa

"Hindi ata eh." May sumingit na babae sa usapan nila.

"Pano mo naman na sabi nerdy girl?." Mataray na tanong nung isang babae

"Wala." Walang emosyong pagkasabi nung nerd at nabaling ang tingin nya sa akin.

Lumapit sya sa akin at inalalayan nya akong tumayo

"Salamat." Nakangiti kong saad rito 

"Walang anuman." Pagkasabi nya ay pununasan nya ang kanyang palda dahil nadumihan ata dahil lumuhod pa sya kanina nung tinulungan nya ako

Tinanggal nya ang salamin para punasan pero nung makita ko ang mukha nya ay isang pamilyar na babae ang nasa harapan ko.

Kilala ko ba ito?

Nagkita na ba kami?

"Ahm miss nagkita na ba tayo?." Tanong ko rito.

"Ahm ngayon HAHAHAHA." pilosopong pagkasabi nya binalewala ko na lang iyon at tinignan ko ang babaeng sinaksaksaksak ang sarili nya binuhat na sya nang mga lalaki.

Patawad Kawawang bata,Wala man akong nagawa para tulungan ka,Ngunit tinitiyak kong hahanapan kita ng Hustisya,Lahat kayo!Lalong Lalo na ang kapatid ko.

Naglalakad ako kasama ko tong nerd na itoh.

"By the way bat mo tinatanong kung nagkita na ba tayo?." Tanong nito sa akin

"Ako?." Tugon ko rito

"Oo naman ikaw." Saad nya

"Ahm k-kasi." Napakamot ako nang ulo

"May na aalala kanaba?." Tanong nito na sya namang ikanagulat ko

"Naaalala?." Wala naman kasi akong amnesia halos lahat nang pangyayari sa buhay ko alam ko pero bat sinabi nya na may na aalala na ba ako?

"Ahmm wala kalimutan mo na lang yun." Saad nya sa akin

"Sya nga lala ako nga pala si Aisha can we friend?." Tanong nito na nakangiti at nilahad ang kanyang kamay

"Oo naman." Nginitian ko rin ito

"Ahmm balita ko ikaw na lang ang maiiwan dito." Pagkasabi nito ay binaling nya ang tingin nya sa dinadaanan namin.

"What?." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya ano ibig nyang sabihin.

"Nabalitaan ko kasi na si alisha at jean pati si jane zoey at pati si keysi pinapunta sila dun sa isang university para lumaban nang dance conpetition." Mahabang linyahan nito at deretso parin ang tingin sa dinadaanan.

"Bat di ako kasali?." Nagtatakang tanong ko rito

"Kasi tutulungan mo si Xavia." Saad nya na sya namang nag pa ginhawa sa isip ko

"Ahhh." Tanging yun na lang ang nasabi ko sa sinagot nya

"Ahmn wag kang mag-alala pwede namang ako na lang muna ang makakasama mo rito." Masayang pagkasabi nya.

"Talaga?." Masayang pagtanong ko rito

Syempre magiging masaya parin ako kasi kahit papa ano may makakasama rin ako dito

"Oo alam mo ba kung saan yung Class 2?." Tanong nito sa akin

"Sa Class 2 ka rin?." Tanong ko ulit rito

"Ahmm oo hahahahaha alam kong parehas tayo wag ka nang magtaka I can hear your mind.",Wuw pano?pano sya nakakabasa nang iniisip?

"Hayss wag mo na akong tanungin tungkol dyan." Nagulat naman ako sa sinabi nya so?nababasa nya nga talaga astig

"At yung kaninang batang babae grade 7 palang yun,naka section sya sa grade 7 High,karamihan sa nag-aaral dyan sa section na yan ay namamatay gamit ang pagsaksak nang kutsilyo sa bibig nila nakakapagtaka nga lang kasi sa bawat section isa lang ang pamamaraan na nangyayari sa kanila." Bat ang dami nyang alam bakit?alam nya?

"Pumasok ako rito para tulungan ang isang babaeng espesyal sa buhay ko." Mahabang linyahan nya narinig nya siguro ang sinabi ko,Sino kaya yun

"Wag kanang magtanong kung sino yon balang araw malalaman mo rin." Nakakatakot naman pa la ito eh hindi ko alam kong pagtitiwalaan oh hindi?

Hindi na muna ako nag-isip ng nag isip baka marinig nya pa,Ang ipinagtataka ko lamang ay kung paano nya nagagawang makarinig ng iniisip?

Pangalawa,Bat napaka weird nya.

Pangatlo,Bakit ganyan sya kumilos at bat parang pamilyar talaga sya?

"Masasagot din yang mga tanong mo!" Sabay tingin nya ng diretso sa mga mata ko

"Kailan?"

"Kapag alam mo na ang lahat!"Pagkatapos nyang sabihin yun gamit ang seryosong mukha ay ngayon nag iba na ang emosyon nya,Naging parang isang batang masayahing naglalakad.

Isa lang ang masasabi ko,NAPAKA WEIRD!!

"Pasok na tayo." Aya nya sa akin kaya napatango na lang ako

Pagkapasok namin pinag introduce sya

"Hi I'm Aisha Suerez But You Can Call Me Isha." Mahinang saad nito pero sapat na para marinig nang lahat

"Makakaupo na kayo." Saad nang guro namin kaya umupo na kami ni Aisha.

"Sis narinig mo yung balita?." Rinig kong bulungan nang kaklase ko dito sa likod

"Oo sis may nagtangka daw na lumapit kay Khane." Bahagyang nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

Sa panahon talaga ngayon may pakpak na nga ang balita na ka unli pa!!Oh ano?San ka pa?Edi sa Pilipinas.

"At ang sabi daw ni Clark at ni Jake kung sino daw yung babaeng yun paparusahan daw nila." Sa naririnig ko parang nagsitaasan ang mga balahibo ko.

Grabe naman,Dapat pala di ko na lang ginagago yung Khane na yun eh.

"Siguro kating kati na yun kay Khane kaya ganun na lang umasta." Bahagya naman akong napalingon sa likuran nila nung sinabi nya ang katagang iyon.

"Kayo." Sabay turo ko sa dalawang ito

"Wag nga kayong magchismisan dito." Inis na sabi ko rito at napansin ko namang kumusilap sila hindi ko na lang sila pinansin baka lumala pa itong sitwasyon

"Weyt ano pala pangalan mo?." Tanong sa akin ni Aisha

Buti na lang at nagpapalecture palang si sir

"Ahmm Yuna,Yuna Romero." Saad ko naman rito at tinuloy ang pagsusulat ko

"Ahhh." Saad nito na nagtango tango pa

At the canteen

"Grabe Aisha andaming pinasulat sa atin ang sakit na nang kamay ko." Reklamo ko rito at binalingan nya lang ako nang tingin

Haysss nerd na nga feeling maganda pa.

Tskk...

"May sinasabi ka?." Tanong nya na sya namang ikinagulat ko.

"Pwede ba tigil tigilan mo nga ang pagbasa o pagrinig sa mga iniisip ko." Naiinis na ako ah kanina pa sya

"Tsaka ko lang Hindi maririnig ang iniisip mo kapag nasayo na ang Black Pendant." Sagot nito at kinuha na ang inorder nyang pagkain.

Umupo na kami at sinimulan nya nang kagatin ang hamburger na binili namin

"Matanong ko nga lang gano ba kalakas yung Black Pendant?." Tanong ko rito at pinapanood ko lang syang kumain.

"Yung Black Pendant?." Tanong nito at tinigil ang pagkain.

"Ang Black Pendant hindi ka tatablan nang kung anuman ang mapupunta sayong hiwaga." Sagot nito at kinagat niya ulit ang hamburger

"Ano bang hiwaga ang sinasabi mo?." Taas kilay kong pagkasabi rito

"Dito sa university na ito punong puno nang hiwaga na kung saan maraming storya ang nakapalibot dito." At yun tuluyan nya na ngang naubos ang hamburger

"Pano mo nalaman lahat yan eh halos nauna pa akong nakapasok dito sa University kaysa sayo." Nagtatakang tanong ko rito

"Masasagot din lahat nang tanong mo kapag naalala mo na ang lahat." Sabi nito at kinuha nya kaagad ang isang inumin nya at inubos nang madalian.

Nakapagtataka na itong babaeng to 

Wala naman akong amnesia

"Tapatin mo nga ako sino ka ba talaga?bakit mo sinasabi na pag na alala ko na lahat eh wala akong amnesia,tinatakot mo ba ako?." Tanong ko rito na may halong inis

"Hindi." Pagkasabi nya ay binaba nya na ang pinaginuman nya

"At meron pa." Saad nya ulit.

"Isa lang ang black pendant." Ngayon nakatingin na lang kami sa mata 

"Isa?sabi ni maam Dalawa Dalawa sa bawat room meron." Takang tanong ko rito.

"Dyan kayo nagkakamali,isang blackpendant lang ang alam kung meron ."

"Pano mo naman nasabi?."Pang-uusisa ko.

Maganda rin palang kasama to ah masyadong madaldal at maraming alam tungkol rito 

Pero pano nya nalalaman lahat?

"Ang sabi ko malalaman mo rin kapag nakaalala ka na." Sa pagkasabi nya ay parang naiinis na sya

"Eh wala nga akong amnesia." Inis ko ring sabi rito

"Hayss weyt nalalayo tayo sa usapan eh bakit isa lang amg blackpendant?." Tanong ko ulit rito.

"Sinabi lang sa inyo na 2 per section or room para pag may nakahanap na sa inyo nang black pendant hindi kayo magdadalawang isip na ipag-sabi sa iba,

Pag-ikaw ang nakahanap nang Black Pendant wag na wag mong sasabihin kahit kanino dahil pag nalaman nila na na sayo,maraming magtatangkang pumatay sayo." Mahabang linyahan nya na sya naman nagpanganga sa akin

"Bakit kailangan nilang pumatay?." Tanong ko rito

"Ngayon ang university natin ay wala na, iniba na ang patakaran pwede kanang pumatay na hindi makukulong." Nakakapanganga ang mga salitang naririnig ko mula sa kanya.

"Handang pumatay ang iba para lang sa Black Pendant para sa kaligtasan nila kase iniisip lang nila ang sarili nila." At yun nag cross arm sya at seryosong tumingin sa akin

"Tara nga nga napahaba na usapan natin dito." Tumayo sya at hinila ako

"Saan tayo pupunta?." Saad ko rito

"Samahan mo akong maglibot dito." Nakangiting sabi nya at tumingin sa daanan

"Aray!." Isang napakalaking kamalasan at nakatingin lahat nang tao sakin dito sa canteen.

"HAHAHAHAHAHA."

"HAHAHAHA."

*Click*

Tangina pinicturan payon?.

Pano ba naman kasi natapakan ko ang Lubid dito sa may pintuan nang canteen at isang mantika na may kasamang harina ang napunta sa mukha ko.

"WAHAHAHAHA GRABE LAUGHTRIP PUTA!!!." isa lang naman yan sa mga tawanang naririnig ko

Binaling ko naman ang tingin ko kay Aisha na halatang pinipigilan ang galit sa mga tumatawa 

"SINO ANG MAY GAWA NITO?!." pasigaw na tanong ko sa mga ito at tinuro turo sila

"MALAMANG MALANDI KA KAYA DAPAT LANG SAYO YAN!." sabay sabay na sigaw nila dito sa canteen

Konti na lang ay tutulo na ang luha ko pero pinipigilan ko lang dahil ayoko nang nakikita nila akong mahina sa harapan nang ibang tao kagaya nang ginawa nila sa kapatid ko

"Umalis na lang tayo dito Yuna." Mahinahong saad ni Aisha 

Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko para di ako makagawa nang kasalanan 

Niyukom ko ang kamay ko dahil sa inis 

Isa lang naman ang may kagagawan nito.

Sino pa ba?edi si Khane

Pakyu kang Vergaz ka.

Malalagutan ka sakin hayup ka

Inis akong umalis dun at nagpaalam kay Aisha saglit

Sinabi kong hinatayin nya nalang ako sa canteen dahil may aayusin lang ako

Pumunta ako sa Special Room na tinatawag nang malalanding babae.

Ano pa ba edi room nang DarkH kailan pa ba naging special mga toh?

Inis akong kumatok dito at sinipa sipa ang pinto

Napahiya ako dahil lang dyan sa Khane na yan.

Tignan lang natin