1 Prologue

Nasa harap ng isang gintong puno ang limang makapangyarihang nilalang, lahat sila'y nakapalibot dito at magkakahawak ang mga kamay habang pare-parehong nakapikit at umuusal ng salita ng mahika.

Habang may isa pang katauhan ang nasa gitna na may hawak na isang bagay na siyang makakapagbigay buhay sa bagong Diyos.

"Gamit ang inilaan niyong kapangyarihan

Ang gintong puno ay magbubunga

Isang panibagong Diyos laban sa kaniya

Ngunit may kapalit ang paggawa

Bawal siyang umibig kanino man

Kailangan niyang gampanan ang nakalaan

Sa aking gabay at kapangyarihan

Siya ay iluluwal na."

Makapangyarihang ani ng lalaking nasa gitna kasabay ng paghagis nito ng isang bagay sa gintong puno.

At mula sa araw na 'yun, naisilang ang bagong Diyos. Ang Diyos na siyang makapagpapabago ng lahat.

avataravatar
Next chapter