webnovel

THE HEIRESS (CURSED BLOOD)

Do you believe in reincarnation? An old belief that saying that you were living in the past and reincarnated again to fulfill the story of yours in the old times. What can you do to finish the chain of life and death? This is the undying story of immortal creature who fell in love with a mortal, but unfortunately destiny lead to bring nightmares and circumstances to their lives. How they conquer the game of destiny and death through their eternal love?

augustusthegreat_ · Fantasy
Not enough ratings
8 Chs

3. FURY

CHAPTER THREE

Lumabas na ako ng room para pumunta sa cafeteria na medyo malayo sa Building of Communication Research na kinaroroonan ko ngayon. Malawak kasi ang loob ng campus dahil parang may pagka-enchanted ito dahil sa mga puno at vines na bumabalot sa hallway para 'di lumosot ang init ng araw at pagiging hi-tech nito sa mga gamit na kagaya nalang ng mga pag gamit ng malalaking LED Screen para sa Announcement.

Ang cafeteria ng Ursa University ay 'di kagaya ng ibang Campus dahil naglalaman na 'to ng iba't ibang establishment na kagaya ng Coffee Shop, Japanese Restaurant at iba pa na exclusively functioning for the people inside the campus at inaamin kong hindi ko sila afford sa mahal kaya ako ay naghahanap na ngayon ng vacant bench na nasa labas ng mga establishment para doon kainin ang dala kong pancake na minadali kong iniluto kaninang umaga at bottled milk na binili ko sa labas ng campus.

"Lyra!"

Narinig kong may tumatawag sa akin at nilingun ko naman agad para hanapin hanggang makita ko si Marcus sa 'di kalayuang bench na kumakaway para makita ko at may kasamang magandang babae na nakatingin ngayon sa akin at nakangiti ito.

Pagkalapit ko sa kanya ay piningutan ko agad siya sa kanyang tenga.

"A-Aray!" sigaw niya habang hawak ko ang kaliwa nitong tenga.

"'Di ka naman umuwi. O.T. na naman ba sa trabaho? Ang tigas talaga ng ulo mo 'di ka man lang tumawag o nagtext sa akin. Paano kung—"

Napatigil naman ako sa ginagawa ko noong sumisinyas siya sa akin na tinuturo ang katabi niya. Kaya agad akong tumigil at napangiti sa kanyang kasama, gumanti rin naman siya ng ngiti. Napahiya tuloy ako at napaupo agad sa tabi niya.

Mas natitigan ko tuloy ang kasama niyang babae. Maganda nga talaga dahil mayr'on siyang maamong kulay asul na mga mata at matataas na pilik mata na napaka-perpekto sa kanyang matangos na ilong at pulang mga labi.

"Please, don't mind me. Go on, Lyra." Marahang wika niya sa akin habang nagpipigil ng tawa sa ginawa ko kanina.

Nakakahiya talaga ang ginawa ko kanina. Bakit ngayon ko lang siyang nakita sa campus? Ibig kong sabihin ay kung kilala niya si Marcus 'di man lang sa akin naiikwento ni Marcus sa akin ito, at wala naman akong nakikitang kasama si Marcus dito loob ng campus lalo na isa pa siyang babae. Siguro babae ito ni Marcus.

Sa aming pag k-kwentuhan gumaan agad ang loob ko sa kanya at nalaman ko na transferee siya.

"By the way, I'm Zera Grey," sabay abot ng kanyang kamay.

Napaubo naman ako sa narinig ko na isa siyang Grey. At agad ko ring inaabot ang kamay nito. Kapatid o pinsan niya kaya 'yong tatlo?

"Yes. That three Grey na kaklase mo ngayon ay kadugo ko. Augustine Matthias and Niccolo are my cousins and Lucas Michaelis are my twin brother." dugtong pa nito.

Pero ang layo sa ugali ni Lucas, napaka-friendly nitong kambal niya.

"Don't worry my brother is not that bad the way you've thinking." She assure.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinasabi ni Zera sa akin dahil nalalaman niya agad ang mga nasa isip ko. Binabasa ba niya ang nasa isip ko?

"Iyon lang naman kasi ang nasa isip ng maraming tao tungkol kay Lucas. He is quite and creepy sometimes but he's good." dagdag pa nito.

Nalaman ko pa sa pag-uusap namin kasama si Marcus na magk-klase pala sila sa dalawang subject. After a minute umalis na siya dahil may dadaanan pa raw sa office.

"Mal-late ka na yata Marcus," pamamansin ko sa kanya na tila ayaw umalis sa tabi ko. At habang nagsasabi ng mga corny niyang jokes.

The good thing about Marcus Sena, he is a caring and funny na parang walang problema sa buhay. Kaya kahit kami nalang sa buhay ay hindi pa rin ako nalulungkot.

"Minsan na nga lang tayo magsama pinapaalis muna agad ako." pagtatampo na ngayon nito sa akin.

Tiningnan ko naman siya ng matalim para matakot siya at na sa tinging 'yon ay sinasabi kong seryoso ako. Kaya agad siyang napatayo at inayos ang mga gamit nito.

"Mag-iingat sa pag-uwi. H'wag masyadong lumapit sa gubat maraming galang hayop ngayon." seryosong wika sa akin ni Marcus bago tinapik ang ibabaw ng ulo ko at umalis. Natawa nalang ako sa kanya at hindi na nakipagtigasan pa ng ulo.

Pagkaalis niya ay umalis nalang din ako at pumunta na sa susunod na klase pero mag-iisang linggo na pero 'di pa rin nagpapakita ang propesor namin. Pagdating ko roon. May narinig akong bulong-bulongan galing sa aking mga kaklase na nakatambay sa loob ng room. Nakita na raw ang aming propesor na nasa loob ng gubat na wala ng buhay at naliligo sa sarili niyang dugo na tila inatake ng isang mabangis na uso dahil sa mga kalmot sa katawan niya. Bago mayamaya lang ay may nakita na ko sa aming LED Screen Board na wala na kaming klase.

"Class dismissed. Your professor is now 15 minutes late. Keep safe!"

Kaya dali-dali na akong lumabas sa room at tumatakbo pa rin sa aking isipan ang mga narinig ko kanina. Kung totoo nga ba na patay na ang propesor at kung inatake nga ba talaga siya ng uso o iba pang mabangis na hayop sa gubat dahil... baka naman ibang nilalang 'yon kagaya ng Bampira siguro.

Ano ba 'tong naiisip ko masyado na akong kinakain ng lesson namin kanina!

Nasa labas na ako ngayon ng campus at napatigil nalang ako noong may narinig akong kaluskos sa mga mapunong bahagi ng daan. At nakakita ako ng isang aninu ng batang lalaki kaya pumasok ako roon para sundan 'yon at pagsabihang mapanganib ang lugar na pinasok niya.

"Bata! Bata!" sigaw ko sa gitna ng gubat habang nililingon-lingon ang paligid. Pero pakiramdam ko ay naligaw na rin ako kaya nagtatakbo nalang ako para mahanap ang daan palabas.

Hanggang sa parang lumalakas na ang hangin na hinahampas ang mga mayayabong na dahon ng mga puno na tila papunta sa direksyon ko kaya mas binilisan ko ang pagtakbo at ngayon ay pumapatak na ang aking mga luha dahil sa kaba.

Hindi konna namalayan ang pangyayari at biglang may kamay na bumalot sa aking leeg at bigla akong inangat sa lupa. Isinandal niya ako sa isang puno at pahigpit ng pahigpit pa rin ang pagsakal nito sa akin. Kahit hirap na hirap na ako sa paghahabol ng hininga ay pinilit ko pa rin siyang tingnan at nanlaki ang aking mga mata sa mga nasaksihan nito. Nakita ko ang isang lalaki na may mapupulang mga mata at pangil na tila nakita ko na sa aking panaginip. Hindi na ako nakakapag-isip ng ayos kung totoo ba 'to o isang panaginip dahil ang tanging nais ko nalang ay iligtas ang sarili.

"T-Tulong! Tulong!" Pilit kong sigaw kahit nahihirapan na ako dahil nawawalan na ako ng hangin sa katawan.

At bigla niya nalang akong itinapon sa kalapit na puno na nagdulot sa akin ng mga galos at pagkabali ng aking kanang kamay ko pero pinilit ko pa rin tumayo at paika-ikang tumakbo upang makahingi ng tulong pero sadya siyang mabilis dahil nasa tapat ko na agad siya. At kagaya ng dati ang mga mata niya ay nangliliksik pa rin.

Ngayon ay inangat niya ulit ako at nakangisi na siyang nakatingin sa akin bago itinapon ulit ako sa kanang bahagi ng gubat at paikot-ikot akong gumulong sa lupa. At pagtama ng aking ulo sa isang bato na nasa sahig na nagdulot sa akin ng matinding paghilo at paglabo ng aking mga paningin hanggang dumapo ang aking paningin sa aking kasuotan na sira-sira na ngayon at puro sugat na ang aking katawan.

Naghahabol hininga na ako sa sakit na nararamdaman ko at papalapit na ulit siya sa akin. Kitang kita ko na ang mas tuminding kagustohan niyang mapatay ako dahil halos mabaliw na siya kung tingnan ako pero bago man siya tuloyang makalapit sa akin ay bigla na lamang siyang binalutan ng mga ugat ng puno at pinugutan ng ulo ng isang lalaki. Ang mainit-init pa niyang dugong tumalsik sa aking mukha ay umagos na ngayon sa aking mukha na nagpadagdag ng panglalabo ko ng mata.

Sa kalayuan ay nakita ko ang isang lalaki at babae na nakasuot ng uniporme na kagaya ng sa akin pero 'di ko na sila maaninag at tuloyan na akong nawalan ng malay.