webnovel

The Heartless Heiress: Unveiling the Mystery

As the Heartless Heiress, I stand apart, shrouded in mystery. Malevolent forces seek to exploit my abilities, but as I uncover the truth, I find a potent prophecy linked to my heartless nature. The prophecy speaks of someone who possesses the power to either destroy or save the world by unlocking a mysterious force. I must navigate the treacherous world of magic and power, facing off against dark forces and making impossible choices. I must confront my fears and insecurities and trust in my own abilities. With the help of allies, I will unravel the mystery and discover the purpose of my powers. Follow me, Ylrza Ravenfolds as I embark on a journey like no other, in a world where anything is possible, and where even the impossible can come to life.

mtano92 · Fantasy
Not enough ratings
12 Chs

Sobre

Driver's POV

Ylrza, anak, mag-iingat ka. Patawarin mo sana ako kung nagpanggap man akong ibang tao. Di ko kasi maatim na magpaalam sa'yo ng harapan. Kung may ibang paraan lang sana upang masiguro ang iyong kaligtasan ay hindi na dapat pang mawalay ka sa amin ng mommy mo. Sana'y patnubayan ka ng Poong Maykapal sa iyong paglalakbay.

Paalam na Ylrza. Paalam anak ko.

...

Ylrza's POV

Kanina pa ako nakatayo dito sa waiting area ng bus station hawak-hawak ang mga gamit ko at karamihan ng mga tao sa paligid ay nakatitig sakin. Wala talaga akong maisip na tamang gawin dahil nauubusan na ako ng ideya at pasensya. Ang init pa naman ng panahon ngayon. Ako'y hindi halos makahinga ng maayos.

Maya-maya pa'y may lumapit sa aking mataba at madungis na batang babae at may inabot na sobre.

"Ate, kanina ko pa po kayo hinahanap. Nakita ko kasing nahulog niyo ang sobreng 'to sa daan kanina. Baka importante kaya pinulot ko po," sabi ng bata sa akin na hinihingal at nakangiti pa.

Ano naman kaya ang gagawin ko sa walang kwentang bagay na yan? Mas lalo lang tuloy uminit ang ulo ko kaya di ko na lang siya pinansin. Ayoko ko kasing kinakausap ako ng mga taong di ko kakilala.

"Ate, o, nangangalay na ako. Narinig niyo po ba ang sinasabi ko sa inyo? Bingi po ba kayo o nagbibingi-bingihan? Ako na nga tong nagmamagandang loob upang hanapin kayo at ibigay sa inyo ito hindi niyo pa po ako pinapansin. Kahit tango lang sana ok lang. Pero, sige ilalagay ko na lang po ito sa ibabaw ng maleta niyo," mahabang litanya ng gusgusing bata.

Aba't may attitude din pala tong isang to kaya pinandilatan ko na lang siya at mukhang natakot yata kaya kumaripas ng takbo. Hindi niya tuloy nailagay nang maayos ang envelope at muling nalaglag ito sa lupa.

Sa lahat ng ayaw ko ay ang tumanaw ng utang na loob kahit kanino pero kahit papano nagpapasalamat pa rin ako sa batang iyon at least kahit papano may lead na ako kung ano na ang susunod na gagawin.

Kaya nung nakalayo na ang batang iyon ay kinuha ko na ang envelope at naalala kong ito pala yung iniabot sa akin ng driver kanina na ipinabibigay daw ni mommy. Ano na man kaya ang laman nito?

Normal lang naman ang itsura nito. Ito'y kulay puti, gawa sa papel at kasing laki lang ng isang normal size notebook. Umupo muna ako at binuksan ko na ito pero wala na man palang laman. Kaya pala walang nagkainteres dito e. Itapon ko na lang kaya to?

Pero ang pinagtataka ko ay bakit biglang tumahimik ang paligid. Pagtingala ko ay may napansin akong virtual screen sa harapan ko at nang lumingon ako sa paligid ay walang gumagalaw ni isang tao o bagay na para bang nagkaroon ng time freeze. Napakaimposible naman ng nangyayari ngayon baka nanaginip lang ako.

Kinurot ko ang sarili para malamang di nga ako nanaginip. Ako'y nasaktan kaya alam kong hindi ito panaginip. Sinubukan kong tumayo at pumunta sa mga taong hindi gumagalaw pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko at para bang nakadikit na ang mga paa ko sa lupa. Weird.

Dahil dun pinagtuunan ko na lang ng pansin ang virtual screen na nasa harapan ko. Kasing laki ito ng dalawang computer monitors at nahahati ito sa dalawang bahagi. Ang nasa kaliwa ay kulay asul samantalang kulay berde naman ang nasa kanan.

Sa blue screen ay may layout na kagaya ng isang website pero di ko mabasa ang mga nakasulat dito. Parang ancient writings ito at may mga larawang hindi ko maipaliwang dahil ngayon ko pa lang ito nakita. Sinubukan ko itong hawakan para sana manavigate pero walang nangyayari kasi tumatagos lang ang kamay ko. Hologram lang yata ito e. Tsk. Walang kwenta.

Tinignan ko na man ang kabilang screen. Di tulad ng isa, ito walang nakasulat maski ano. Talagang blank screen lang at mas lalo itong walang kwenta. Ano ba yan.

Kaya itinuon ko ulit ang pansin ko sa envelope at sinuri itong mabuti. May napansin akong kakaiba sa gitna ng throat nito. May isang nagbiblink na microchip na kasing laki lang ng kuko ang nakadikit dito. Bakit kaya di ko to napansin kanina? Siguro saka lang to natrigger nang lumabas ang virtual screen.

Hinawakan ko ang microchip at pinindot ang napakaliit na red button nito. Tumigil ang pagbiblink at nang tumingin ako sa virtual screen ay nag-iba na ang anyo nito. Nawala na ang mga nakasulat sa kaliwang screen at naging blanko na lang ito samantalang ang kaninang walang nakasulat na parte ng screen ay may lumilitaw na parang logo sa gitnang bahagi nito.

Mga ilang segundo bago naging malinaw ang imaheng iyon at napagtanto kung logo pala iyon ng school na papasukan ko. Nakapagtataka naman kaya sinubukan kong hawakan uli ang screen na iyon at inilapat ko ang daliri ko sa gitna ng logo. But, just like the last time, nothing happened. I still can't touch and navigate it.

Ngunit nang lumipas ang ilang saglit ay biglang lumiwanag ang screen. Ito'y sobrang nakakasilaw na liwanag. Pakiramdam ko ay may humihigop sa akin at unti-unti akong nakaramdam ng antok. Kahit anong pilit kong panatilihing nakabukas ang aking mga mata ay hindi ko na talaga kaya itong pigilan kaya ipinikit ko na lang ang mga ito at tuluyan ng nagpalamon sa antok.