webnovel

The Old Lady of Mabalacat

"Ilang taon na ho ba kayong naninirahan dito, Nay?" tanong ni Kevin habang sinisimsim ang inumin kasama ang tinapay na inihanda ni Aling Lagring.

"Dito na ako lumaki, Ijo. Dito na tumanda at nagka-anak," kwento nito habang nakangiti at may nagbabadyang luha sa kaniyang itim na bilugang mata.

"Po? E, nasaan na po 'yong anak niyo? Bakit kayo na lang mag-isa ang naninirahan dito sa madilim na lugar? Saka ilang anak ho ba meron kayo? Bakit iniwan ka nila rito at hindi magbigay ng tulong? Bakit parang 'di man lang sila makaaala na may nanay silang naghihintay sa kanila?" Theo interrogated Aling Lagring, joining Kevin and Aling Lagring in the conversation while the three of us—Andrea,Nichole, and I-are observing her place.

"Ijo, huminahon ka. Hindi ko masasagot lahat ng tanong mo nang sabay-sabay,"  tumawa ito ng mahina.

76 taon na ang minamalagi ni Aling Lagring dito sa mundo at ayon sa kaniya, gusto niya nang mamahinga pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang kitilin ang sariling buhay dahil kasalanan ito sa Diyos.

Umasim ang mukha ko sa huling sinabi niya. Sa magulang niya dapat siya makonsensya hindi sa hindi naman niya nakikita.

"Anim ang anak ko, apat na babae at dalawang lalaki. Tumakas ang panganay na lalaki ko noon dahil sa pagtatalo ng ama niya dahil sa dinala niyang babae rito sa bahay. Ang sabi ng ama niya, masiyado pa silang bata para magsama. Quince pa lang ang babae at diecisiete naman ang anak ko. Saan na lang sila pupulutin kung magsasama agad sila? Sinuportahan ko sila sa pagsasama nila rito hanggang sa malaman naming buntis si Riya, ang kinakasama ng anak ko," bumuntong hininga si Aling Lagring na tila pasan pa rin ang problema hanggang ngayon.

Nagpatuloy ito sa pagku-kuwento nang may mas diin ang mga salita. Parang hindi niya kaya ikwento ang nakaraan niya.

"Mahirap lang kami kaya malaking problema kung madadagdagan ang gastusin namin lalo na't nag-aaral pa ang dalawang babae naming anak. Nagtalo ang mag-ama ko kinagibahan din ng araw na 'yon hanggang sa kinabukasan, nang gumising kami ay wala na sila pati ang mga gamit nila. Nagbaon pa nga sila ng bigas dahil kumunti ang laman ng bigasan namin. Mula noon, hindi na sila nagparamdam o nagpakita man lang." Malungkot na ngumiti si Aling Lagring. Tumahimik ng sandali ang paligid at halos mapatalon ako sa gulat nang may tumahol sa likod ko kung nasaan ang pinto.

"Pagpasensyahan niyo na, hindi lang sanay si Browny makakita ng bisita. Hindi ko rin kasi siya pinapalabas dahil delikado pero mabait 'yan," she explained while patting Browny's head. Browny is a brown askal, maybe that's why he was named after it.

Naiwan kami ng katangunan, hindi na namin nasundan ng mga tanong si Aling Lagring dahil nagpaalam na ang matanda para magsaing. Inanyayahan niya kaming dito na mag-hapunan at pumayag kami dahil sa kuryusidad tungkol sa mga anak niya.

"Tingin niyo, ano kayang nangyari sa mga anak ni Nanay? May kulang kasi sa kwento niya, e," pagsisimula ni Kevin nang pumunta si Aling Lagring sa kusina.

Nagpalitan sila ng iba't ibang teorya tungkol sa mga pwedeng naging buhay ng mga anak ni Aling Lagring.

"Guys, hindi ba't sabi ni Nanay, dalawang anak na lang niya ang nag-aaral noong nabuntis si Riya? E di, nasaan na 'yong tatlo pa niyang anak no'ng panahon na 'yon? Baka patay na?" suhestyon ni Andrea. Binigyan namin siya ng matatalim na tingin dahil sa sinabi niya.

"Hindi ka pwedeng magturo ng kung sino-sino kung sino ang patay at hindi," I pointed out. She apologized after it and make new suggestions—a much better.

Pinagmasdan ko ang sala kung nasaan kami ngayon. Mallit lang ito, may mahabang lamesa at may dalawang mahabang kahoy na upuan na kasiya ang limang tao sa magkabilang gilid. May bintana rin sa left side ng pinagtagpi-tagping kahoy na pader at may takip na orange na bulaklaking kurtina. Sa right side naman kung nasaan ang pwesto ko ay lagayan ng plato at maliit na espasyo na daanan papuntang lutuan at sa tabi ng pinto na papunta ng kusina ay ang kahoy na hagdan at mukha pa itong bibigay 'pag sabay-sabay kaming humakbang. Maririnig mo rin ang pagkutkot at pag-iingay ng daga sa kahoy na estante ng bahay.

Matapos ang halos dalawang oras na nakakaluhang pagtitiis dahil sa usok na galing sa kusina ay bumalik si Aling Lagring na may dalang kaldero at karton. Ipinatong niya ang kaldero sa ibabaw ng dalang karton para hindi maulingan ang puting tarpaulin na bumabalot sa mahabang lamesa. Inihanda niya ang ulam para sa gabing 'yon na laing daw ang tawag.

"Ay, Nay! Ako na po maghahanda ng mga plato, hindi naman mabigat na gawain 'yan." Tumayo si Nichole para kumuha ng plato sa likod ko.

"Ako na rin po maghuhugas ng plato pagtapos, marunong naman po ako," pagbo-boluntaryo ni Andrea na may halong pagmamalaki ang tono. Psh, tamad na tamad ngang kumilos 'yan no'ng nasa New Zealand pa kami.

"Naku, Ija. Masiyadong mauling ang mga ginamit kong kasangkapan ngayon, nakakahiya naman kung mauulingan ang isang napaka-gandang dalaga na tulad mo. 'Yaan mo't, hindi naman mabigat ang paghuhugas ng plato para sa akin." Napa-pout si Andrea sa sinabi ni nanay.

"Napaka-swerte ng mga magiging asawa niyo, Ija. Maganda na, maasikaso pa. Kumbaga, jackpot ika nga nila," biro ng matanda saka humalakhak na gilagid na lang ang kita.

"Naku, wala pa nga pong nagbabalak manligaw sa amin, Nay! Aywan ko ba kung para saan pa 'tong pisikal na kagandahan namin kung wala naman kaming nobyo!" dagdag na biro ni Andrea na sinabayan ng maingay na halakhak namin.

"Paano naman kasi, e, halos lahat ng nagkakagusto sa inyo, bina-busted niyo agad! Natakot na yatang sumubok ang iba dahil sa sunod-sunod niyong pangre-reject," I objected jokingly.

Matapos ang pagbabato ng biro sa isa't isa, nagsimula na kaming kumain at sinimulan na rin ng mga kasama ko na paulanan ng mga tanong si Aling Lagring.

"E, Nay? Nasaan na po 'yong iba niyo pang anak?"

"Bakit dalawa na lang sa anim na anak mo ang nag-aaral no'ng panahon na diecisiete pa lang panganay niyo?"

"Anong nangyari doon sa tatlo?"

"`Di ka ba nila dinadalaw man lang?"

"Bakit kayo na lang mag-isa ang naninirahan dito?"

"Nasaan na po 'yong asawa niyo?"

"Gumagabi na, hindi pa ba kayo tapos kumain? Delikado nang umalis ng gabi. Kung gusto niyo, dito na lang kayo matulog at iku-kuwento ko sa inyo ang nangyari sa pamilya ko," Aling Lagring offered while she piles the plate up that we used on dinner.

"Akala ko, paaalisin na tayo ni Nanay no'ng tinanong tayo kung tapos na ba tayo kumain. 'Yon pala, aalukin pa tayo ng kwento. Kinabahan tuloy ako, akala ko na-offend na natin si Nanay sa dami nating tanong," bulong ni Kevin na nakatuwad sa lamesa, para namang maririnig pa siya ni Aling Lagring sa katandaan.

"Umayos ka nga! Kung makatuwad ka naman diyan, ingat na ingat kang hindi marinig ng matanda, e, mahina na ang pandinig no'n!" I mumbled under my breath.

Nang matapos maghugas si nanay ay inanyayahan niya kami umakyat sa taas. Gawa lang din sa kahoy ang papag ng taas ng bahay ni Aling Lagring.

"Isa-isa lang sa pag-akyat sa hagdan, baka bumigay 'yan at mahulog kayo," Aling Lagring forewarned us before we even got a hold to the wooden stair. It's like a stair on tree houses and to be honest, I don't think it could support the weight of adults.

"Lagay niyo na lang diyan sa gilid 'yang mga sapatos niyo para hindi maging maputik ang hihigaan ninyo," pagpapa-alala ni Aling Lagring ng maka-akyat na kaming lahat.

Maliit lang ang espasyo pero sa tingin ko ay magkakasya naman kami—kung dikit-dikit.

Inilatag na ni Aling Lagring ang makulay na banig. Kumuha din ng mga bagong puting punda sa cabinet saka isa-isang pinalitan ang punda ng unan. Kumuha rin siya ng iilang kumot.

"Pagpasensyahan niyo na, hindi kasi karamihan ang kumot ko rito at kulang din ang unan kaya okay lang sa akin kahit hindi na 'ko mag-unan, kayo na lamang ang gumamit niyan," nahihiyang pagpapaliwanag ni Aling Lagring.

"Saka, ayos lang ba kung magtatabi tayong lahat? Wala na kasing espasyo sa baba," dugtong pa nito.

"Ayos lang po, hindi naman kami maarte. Saka kayo na lang po gumamit ng unan na nakalaan sana para saakin," pag-aalok ng kanina pang tahimik na si Theo.

"Hindi rin nagtagal nang huminto ang dalawang anak ko na babae sa pag-aaral. Tutulong na lang daw sila kasama ang ate nila sa mga gastusin dito sa bahay," mahinang pasimula ni Aling Lagring nang maka-higa kami.

"E, nasaan na po sila ngayon? Nasa ibang bansa?"

Mukhang sa sandaling 'to kuryusidad talaga ang bumabalot sa utak namin.

"Sa Kuwait sila napadpad sa kagustuhang kumita ng malaki. Maayos ang unang taon nila roon, lagi rin silang tumatawag at nagpapadala. Pero bago pa man maka-abot ng ikalawang taon, naputol na ang koneksyon namin. Mula noon, hindi ko na alam ang naging balita sa kanila," malungkot ang tono sa bawat pagsambit ni Aling Lagring habang nagku-kuwento.

"Nay, bakit halos lahat naman yata ng anak mo, iniiwan ka at hindi mo alam kung nasaan na? No offense,Nay,pero parang ang irresponsible naman yata no'n," maingat na suhestyon ko habang naka-tingin sa labas ng bukas na bintana.

"Hindi ko naman sila masisisi kung bakit nila ako iniiwan, Ijo. Kung nahihiya silang magkaroon ng nanay na tulad ko dahil lagi sila nagiging tampulan ng tukso, ayos lang. Pero h'wag naman sana 'yong halos kalimutan na nilang may nanay pa rin sila, mas masakit kasi 'yon."

Sabay-sabay namin siyang nilingon dahil sa pagtataka. Bakit naman sila magiging tampulan ng tukso kung mukha namang normal nanay nila?

"Bakit naman po sila mahihiya maging nanay kayo? Mukha naman kayong normal o baka abnormal lang mga anak niyo." Tumaas ang gilid ng labi ko sa biglaang pag-interrupt na ginawa ko.

Kung hindi magulang ang may problema, paniguradong ang bunga ang may deperensya.

"Isa akong kaladkarin noong kabataan ko. Dahil na rin sa kakapusan ng pera kaya napilitan akong pasukin ang gano'ng buhay. Parang apoy ang pagkalat tungkol sa trabaho ko kaya ilang linggo rin akong hindi lumabas pero kung habang buhay akong magkukulong dahil sa kahihiyan, hindi rin ako tatagal dahil sa gutom. Ni wala akong natanggap na kahit anong respeto mula sa mga tao rito maliban kay Ramil, ang asawa ko. Inalis niya 'ko sa ganoong buhay at nagsikap para may mapakain sa mga anak namin nang ikasal kami." May halong galak habang ikini-kwento ni Aling Lagring ang nakaraan niya. Ni walang halong kahihiyan habang sinasambit niya ang mga salita.

"So, nasaan na po 'yong isa pang lalaki niyong anak? Limang anak niyo pa lang nababanggit niyo."

"Gising ka pa pala? Akala ko, patay ka na sa sobrang tahimik mo, Theo," may halong pang-aasar na sabi ni Kevin sa katabi niya. Nakatanggap naman siya ng isang matunog na hampas ang natanggap niya kay Theo.

"Masiyado nang malalim ang gabi, kailangan niyo pang matulog. Lilibutin niyo pa ang ibang lugar dito sa Pampanga kaya dapat lang na mas maaga kayong lumisan kinabukasan." She faced the wall without looking at us. I guess, she doesn't want to open that topic.

"Okay, sorry po. Goodnight saka sweet dreams na rin sa 'yo, Nay, pati sa inyong lahat!" Kita sa madilim na gabi ang kinang sa mata ni Kevin nang magpaalam ito para matulog.

Tanging kuliglig at hilik ng mga kasama ko ang maririnig sa malamig at madilim na gabi. Para na 'kong zygote dito kakapa-ikot-ikot sa higaan ko. Namamahay yata ako.

Napapikit ako sa silaw na nanggagaling sa phone nang buksan ko ito. Sumalubong ang mukha ng isang babae na kasama ko sa larawan. Kitang-kita ang saya nito sa ngiti na pinapakita sa larawan. Ang mapupulang labi at kayumangging kulay ng mga mata na kumikinang sa tuwing nasisinagan ng araw. Pinunasan ko ang tumulong luha galing sa aking mata, sana nagkaroon man lang ako ng huling pagkakataon na mayakap ka bago ka nawala.

Tinignan ko ang mga litrato mula sa gallery ng phone ko na halos puno na ng mukha nila Andrea at Nichole. Kung hindi naka-wacky, naka-fierce o kaya ay naka-bad finger. Napailing na lang ako saka nag-scroll pababa, makikita ang ngiti sa mukha ng iba't ibang tao na tinulungan namin dito sa Pampanga.

Nagsimula na kaming mag-donate ng relief goods dito sa Pampanga sa tulong nila Kyle-o Kyla (raw) sa gabi—at ang iba pang kaibigan niya na bakla. Marami rin kaming hi-ni-re na tao para pumunta rito kasama namin at para na rin mas madali kaming matapos.

Nabuo na ang idea na gusto kong ipinta pagbalik namin sa Manila. Nagsisi ako dahil hindi man lang ako nagdala kahit na sketch pad. Ipinikit ko ang aking mata para makapagpahinga na dahil alam kong mahaba-habang araw na naman ang kahaharapin namin bukas.