1 Panaginip

Madilim ang paligid habang naglalakad ako sa isang kalsada ng may nakita akong isang babae, nakaputi sya at may mahaba ang buhok na kulay ginto. Napaisip ako "Anong ginagawa nya at gabi na nasa labas pa?" Naglakad nako palayo ng mapansin kong may truck na parating. Biglang naglakad ang babae patawid. " Oh shit ano gingawa nya?" Miss!!! Tigil!! Parang kusang kumilos ang katawan ko at dali dali akong tumakbo palapit sa kanya upang pigilan sya hanggang sa paglingon ko masasagasaan na kami pareho..

(Slap) Isang malakas na sampal ang gumising sakin. Araaaay!!! Tanghali na kanina pa kita ginigising! Pagalit na sabi sa akin ng ate ko. Oo na babangon na. Sariwa padin sa aking isip ang mga napanaginipan ko. Nanaginip akong namatay ako o hindi sino yun sya naba ang forever ko? Natatawa kong naisip habang pababa sa sala para kumain.

Ako nga pala si Neorito John 16 yrs. old Senior High. Masasabi kong may kaya ang pamilya namin. Habang nagaalmusal bumalik sa isip ko ang napanaginipan ko. Pa, pag ba namatay ka sa panaginip mo ano ibig sabihin nun? "Bagong buhay anak" Bakit mo natanong? Nanaginip kasi ako pa ng nasagasaan ako nung pabangga na sakin isang malakas na sampal naramdaman ko. Natatawang sagot ko sa tatay ko. "Eh pano ambagal gumising ng kumag na to". Sabi ng ate kong tuwang tuwa sa ginawa nya. Nagtawanan nalang din kami.

Unang araw ng klase naglalakad ako ngayon papasok ng paaralan ng may biglang umakbay saakin. "Ooyy Neo tignan mo to Epic nako!" Masyang pagmamayabang saakin nag kaibigan kong si Jef. Simula elementary magkaibigan na kami parang magkapatid na turingan namin. Ang tinutukoy nya eh ang rank nya sa Mobile Legends. Usong uso ito sa kabataan ngayon at maraming nawiwili sa larong ito. "Woow mamaw mo naman na bat d ka nagaaya"? Nagpabuhat lang ako kaninang umaga kay Paolo sinama nya lang ako kasi may pilot sya ngayun. Aniya. "Sige mamaya sama moko daming cancer sa GM eh" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami malaput sa classroom namin. "Cge cge" maya nalang! Magkaibang section kami. Una ang room ko dulo pa sa kaniya. Kaya nagtatatakbo na sya. papunta sa klase baka mag bell na.

First Subject as usuall ang tradisyong pagpapakilala sa sarili. Mula unahan hanggang likod. Nasa bandang gilid ako mejo likod malapit sa binatana kaya kahit papano matagal tagal pa bago ako. Isa isa silang nag introduce ng sarili nila karamihan kilala ko naman na may mangilan ngilang bagong mukha kung tawagin namin. Hanggang sa turn ng isang babaeng mukhang taga ibang bansa. Magaling sya magtagalog mejo cute nga accent nya. "Ako nga pala si Triana. nagtransfer ako dito dahil sa isang tao" Pagpapakilala nya ng biglang tumingin sakin habang sinasabi nyang dahil sa isang tao. Sadya bayun o napatingin lang? naguguluhang naisip ko. Natapos na kami lahat sa introductions at nagumpisa na lessons.

"Riiiiinnggg" Hayy sawakas break time nadin. patayo na sana ko papuntang canteen ng lumapit si Triana sakin. "Matuwa ka at ikaw ang napili namin" aniya. matapos nyang sabihin yun ay umalis na sya kasama ang ibang mga babae palabas. Naiwan akong naguguluhan. "Anong napili?? " Ano yooooon its a prank ba yun? Oh baka naman napiling mahalin? Hahaha mejo natatawa kong naisip. Anyway hayaan mo na baka nantitrip lang yun .

Uwian na at magkasama kami ni Jef habang nagkukwentuhan about sa laro at nagtatawanan. natigil kami ng nakita namin nasa harapan si Triana. Nakaharang sya samin. Ngayun ko lang napansin mukha syang pamilyar at maganda sya ah. Oy tol ganda oh chix kilala mo bayan? Oo tol bagong kaklase. "Crush ko pre pakilala mo naman ako!" sabi sakin ni Jef habang mejo kinikilig. Natigilan kami sa asaran ng bigla syang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. "And the contract is signed". sabi nya sabay lakad papalayo . Naiwan kaming nakatulala ni Jef. Ako naman ay nagkabrain lag at loading ang utak ko. Nagising nalang ako sa biglang pambabatok sakin ni Jef. " Anong contract yun ikaw ah nagrerenta kana ata ng babae magkajowa lang" natatawang sabi sakin. Dun lang ako natauhan. Gagu d ko alam yan Hahaha. Tulala padin ako at d padin nagsisink in sa utak ko ang nangyare.

Nakauwi na kami at tulala padin ako. Ano yun? Anong contract yun? May oagkahalong lito at saya ang naramdaman ko. Nakahalik ako ng babae woohooo!!! Magkakagf na ata ko haha mejo naeexcite nako bukas! tuwang tuwa kong naisip. D mapigil ang ngiti ko. Hanggang sa nakatulog nako.

avataravatar
Next chapter