webnovel

The Girl who can smell death

Shirlooocks · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Kabanata lima

Kabanata Pang-lima

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

Nasa kwarto na ako,wala parin ako sa katinuan mukhang bumabagal ang proseso ng utak ko.Tinawag narin ako ni Zior para kumain pero imbes na ang patay gutom ko pero hindi ako kumain,first time ko atang hindi kumain sa gabi.

Napahiga ako sa kama ko at sout ko parin ang school uniform wala akong ganang kumilos,wala akong ganang magsalita gusto kong mag sink in sa utak ko ang mga nangyayari.

Hindi natuloy ang usapan namin ni weird guy kanina dahil biglang bumuhos ang napakalakas na ulan pero hindi ko makakalimutan ang sinabi niya.

Napaginipan rin niya ang mga naiimagine ko.

Kinabukasan maaga akong nagising at dali daling nag ayus dahil kailangan kong makausap ang lalaking iyon or  baka pinagtripan lang  ako ng lecheng yon.

"Woah himala hindi siya nagpagising"tumbad saken ni Zior amaze na amaze pa siya dahil naka school uniform na ako,nasanay na siguro siya na kakain ako ng walang ligo walang bihis.

"Tse! tabi nagmamadali ako." giit ko at inirapan niya lang ako.

Nilagpasan ko na siya dahil sarap talaga sabunutan ng malditang yan.

"Ateeeee?!" nagulat ako ng sumigaw siya at nakatitig siya sa diaryo ni lolo.

0__0

PUTIK BA'T NAKALUTANG YAN!??

"ATE! TIGNAN MO HINDI KA NAMALIKMATA DIBA?!" sigaw niya at halos hindi ko maibuka ang bibig ko.

Nang tumingin siya saken biglang nahulog ang diaryo at eksaktong kakarating lang ni Mama na kunot noong tumingin samin.

"Anong nangayayari ba't sumisigaw kayo?" nagtatakang tanong ni mama pero wala ni isa samin ang sumagot.

"Hoy Archa? Zior?!"

"M-mama..y-yung ano po..." putol putol na sambit ni Zior

"Wala mama muntikan lang akong mahulog sa hagdan kanina dahil sa pagmamadali ko hehe" sinenyasan ko si Zior na wa muna ngayon at buti matalinong bata agad naka Gets.

"Ba't ba kasi nagmamadali ka? tara na handa na ang agahan ninyo"

Marahan kong hinila si Zior doon dahil titig na titig parin siya doon diaryo at nagulat ulit ako ng unti unti yung lumutang.

Nang tinakpan ko ang mata niya agad naman nahulog ito.

ANO BANG MERON SA BATANG TO?!

Pagkarating ko ng school agad kong hinanap si Weird guy na iyon at tsamba dahil maaga rin siyang dumating pero tanging bag lang niyang naroroon pero wala yung may ari.

Napatingin tingin ako sa corridor pero wala siya pumunta narin ako sa mens room pero walang tao doon.

"Nasaan na ba yung unggoy na yun?" sambit ko sabay upo sa bench napadpad na pala ako dito sa garden ng school.

"Ako ba yung tinutukoy mong unggoy?"

"AY PALAKA!"

"Nako..kanina unggoy tapos palaka?"

Hindi sa OA pero halos sumabog na yung puso ko dahil sa gulat bwesit na unggoy talaga.

"Ba't ka ba nanggugulat ha?" sita ko sakanya at lumapit siya ng bahagya at umupo sa tabi ko.

"Eh ba't mo ba ako hinahanap?" taas kilay na tanong niya.

Hayst bwesit..sa nakikita ko parang hindi siya nerd or weird guy para na siyang bully sa campus dahil sa awra niya ngayon pero hindi siya nakangiti nyeta —_____—

"Hoy tulala ka..may naiisip ka na naman ba"

"Yan..yan..gusto kong aminin mo saken ang kakayahan mo"

"Ha?" kunot noong tanong niya.

"Yung ano..yung sinabi mo saken kahapon na magkaparehas yung sinabi ko sa panaginip mo."

Natigilan siya ng ilang segundo tsaka siya tumayo. "Wala yun." giit niya at dumiritsong naglakad.

"Hoy teka langgg!" giit ko napatigil siya.

"Sasabihin ko sa'yo pero sumama ka muna saken"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya..sumama?..oyy baka rapist ang isang to nyeta!.

"Hindi ako rapist or ano yang iniisip mo okay? sumama ka may ililigtas tayo or..should i say..try nating baguhin ang kapalaran"

"Teka..ano ba yung napaniginipan mo?" tanong ko ng paakyat kami ng fourth floor ng school building namin.

"Yung tinutukoy mo kahapon" simpling sagot niya.

"Eh..diba dito sa school yun? kilala mo ba ang mga mukha nila?"

Bigla akong nabunggo sa likuran niya dahil agad naman siyang huminto..at napantanto ko na nasa stock room pala kami kung saan alam ko dito nakatambak ang mga lumang mga papel.

"At..anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ko at nagulat ako ng bigla niyang binuksan iyon pero hindi ko alam kung paano niya nabuksan.

"Dalhin mo to" giit niya sabay lahad ng fire distinguisher

"Nyete ambigat nito tol" reklamo ko tas may binigay pa siyang isa.

"Tig dalawa tayo para sureness na maapola natin ang apoy kundi patay tayong lahat." giit niya at lumabas na kami ng stock room..shit hindi siya mabigat gurl.

"Kyaaaaah!"

"Arayy!" giit ko ng mahulog ang isa sa FD na dala ko dahil sa gulat ng sigaw ng isang babae.

"Nandito na sila" giit niya at napatanto ko na ang hina lang ng sigaw ng babaeng iyon.

"May naalala ka bang lugar kung saang lugar sila nag punta" tanong niya at biglang may pumasok sa isip ko.

"Madaming mga props..makukulay..may pang festival na props" bulong ko at agad niya akong hinila.

"Sa Mapeh room" giit niya at dahan dahan kaming naglakad papunta doon.

Maraming nagtatakang estudyante bakit agay agay namin ang apat na FD at halos lahat ng classrooms ito at nagsisimula ng magklase.

"Bakit hindi ata tumunog ang bell?" nagtatakang tanong ko.

"Mukhang pinutol ng culprit ang alarm para walang makaalam sa pagsunog nila at parang sinisigurado nilang maaabo ang paaralan na ito."

"Teka..kilala mo ba ang mga mukha nila?"

"Hindi ko maaninag ng maayus dahil tanging mga gamit lang yung nakikita ko at ang boung pangyayari."

"Teka..kaya ba natin pigilan ang dapat na mangyayari? dahil sa pagkakaalam ko Kapag Mangayayri ang--"

"Mangyayari ang dapat na mangyayari. Tadhana na ang may gawa niyan at nakasulat na mismo sa kapalaran ng isang tao"

Natigilan ako sa sinabi niya at patuloy parin siya sa paglalakad..hindi kaya.

"Na try mo na bang nabago ang takbo ng tadhana?" kahit gulat ako nanatili parin yung bibig ko para tanungin siya ng tanungin

"Oo."

"Woahh? talagaaa? ilang beses?"

"Pangalawa palang." giit niya at pumasok kami sa makitid na daan.

"Kwento mo naman para hindi maging boring yung paglalakbay natin." sambit ko at dahan dahan pumasok sa makitid na daan na iyon.

Tumambad samin ang mga props ibang gamiti dito at ganito talaga ang nakikita sa imaginasyon ko.

"Pangalawang beses.. kay mama at sa'yo."