webnovel

The Girl Who Can't Date

Ira is a 25-year-old teacher na strong, independent, at SINGLE! Raised in an all-men family, she struggles with how to act like a woman, and how to get the right man. In her journey in finding the right person, she gets her heart broken by her first love, gets ghosted by an admirer, and gets annoyed by a sarcastic, blunt colleague. Will she ever get married? Yan ang susubaybayan natin sa kuwentong ito!

Eleventh · Urban
Not enough ratings
19 Chs

Party Aftermath

THE GIRL WHO CAN'T DATE

12

Present...

"On the second night of our vacation, the night was filled with food, music, party balloons, lights and laughter. Parang walang mapaglagyan ang saya ng buong pamilya. Nakadagdag sa katuwaan si Drew at Maggie na ang lakas ng trip at tawa. Panay ang biruan at lokohan nila ni Orion. Nagkataon na magka-wavelength ang tatlo. Meanwhile, Eros' eyes were fixed on Maggie. He can't pocket his smile every time Maggie cracks a joke. Samantalang sweet na sweet naman ang mag-asawang Aries at Seah. Nang lumalim ang gabi, una na kaming pumasok ng kwarto ni Pops upang matulog. Kinabukasan, hindi nag-imikan ang lahat. Yung saya ng gabi biglang napalitan ng grim and awkward atmosphere."

Alas otso na ng gabi ngunit nagpatuloy ang kwentuhan namin nina Trisha at Ashley sa balcony ng bahay namin. I can't believe they would be hooked with my sister's story.

"Bakit po, Dad? Anong nangyari?" interesadong-interesado si Ashley sa nangyari, ganun din si Trisha.

The next morning after the birthday party...

"Drew, kay Stelios kana sumabay pauwi. Ate Ira will ride with us." Si Drew ang kausap ni Orion ngunit ang mga titig niya ay nakatingin ng masama kay Stelios, tila nagbabanta.

"Bakit ikaw ang nagde-decide?" sa tono ng pananalita ni Ira, halatang hindi natutuwa sa pinapakitang mood ni Orion.

"Anong gusto mo, ate? Dun ka sa sasakyan niya? Kayo lang dalawa? Gusto mong masolo siya?"

Ira shot a sharp look at Orion, gritted her teeth and shook her head in disbelief. Hindi lang inis ang nararamdaman niya ng oras na yun kundi sooobrang inis na parang gusto niyang manapak. Umuusok na ang ilong niya sa galit ngunit nagpipigil lang ito dahil maaga pa at mahaba pa ang biyahe nila.

Pumasok ito ng sasakyan at umupo sa pinakalikuran. Tumabi sa kanya si Maggie, nakasuot ng shades at mukhang matamlay. She wasn't her usual jolly self. Si Orion naman ay sa gitna umupo, sa may bintana.

Mayamaya ay dumating na rin si Pops hawak-hawak ako at bitbit ang iilan naming gamit. Nakasunod sa likuran namin si Aries, Seah at Eros.

When Eros was about to sit beside Maggie, she immediately called for my attention.

"Usher, gusto mo dito ka na lang tumabi? Halika! May dala akong unan, pwede kang matulog dito mamaya."

I gladly accepted Maggie's offer. Naisip ko kasi ang malambot na unan. Dahil masikip na sa likuran, napilitang umupo sa gitna si Eros katabi ni Pops. He was the last person to get in kaya siya na ang nagsara ng pinto ng van. Umupo naman sa driver's seat si Aries. Tumabi si Seah. Halatang nag-away sila dahil ayaw man lang tumingin ni Seah kay Aries. Mukha ngang magkaka-stiff neck si Seah kakatingin niya sa bintana.

When we got home, tahimik pa rin ang lahat. Unang umakyat ng kwarto si Maggie. Sumunod ang mag-asawang di pa rin nag-uusap. Samantalang, nanatili sa sala si Ira, hinihintay na matapos si Orion sa pag-akyat ng mga gamit.

I, Usher, noticed that people were really acting weird.

"Pops! Okay lang po ba sila?"

Pops forced a smile. "Mukhang hindi, anak!"

Eros was behind us. "Pops! Alis muna ako."

Hindi na umangal si Pops. Mukhang gusto rin mapag-isa ni Eros.

"Hayaan na muna natin sila, okay? Tara umakyat na tayo."

Pops and I went to our room. Samantalang. Naghihintay pa rin si Ira kay Orion. Nang matapos ito sa kanyang ginagawa, dinaanan lang nito si Ira na nakatayo sa may pintuan.

"Ion!" tawag nito sa dumaang kapatid ngunit di siya pinansin nito. Sinundan niya ang kapatid at hinila ang braso. "Ano ba! Mag-usap tayo."

"Sige, ate! Pag-usapan natin yang ginagawa mo!" sagot nito ng harapin niya si Ira.

"Ginagawa ko? Ano bang ginagawa ko? Anong masama sa ginagawa ko?" nandidilat na ang mga mata ni Ira sa pagtatalo nila ni Orion.

"Ate, naman! I don't mind if you date or get yourself a boyfriend, jowain mo na kahit sino diyan pero pwede bang wag lang si Stelios?" nanginginig na sa galit si Orion.

"Bakit hindi? Kaibigan mo naman siya, ah?"

"Kaya nga! Kaibigan ko siya kaya ako na ang magsasabi sayo na jowain mo na kahit sino wag lang siya!"

"BAKIT NGA???"

"Do you really like him that much? To the point na makikipagtalo ka pa sa 'kin?"

"Kasi nga ipaintindi mo sa 'kin kung bakit ayaw mo sa kanya? Bigyan mo ko ng valid reason!"

"BASTA! KAHIT SINO WAG LANG SIYA! OKAY?"

"BAKIT NGAAAA???"

"Bakit mo ba pinipilit, ate? He's too young for you! Ganyan ka na ba ka-desperada magka-boyfriend dahil kahit na mas bata sayo papatulan mo? Di mo ba inisip na pwede kang asarin ng mga tao? Na pwede ka nilang tawagin child abuse kahit di naman minor ang kasama mo? Na pwede ka nilang tawaging sugar mommy? Na pwede ka nilang tawaging desperada?"

Natahimik si Ira. Naiiyak sa naririnig mula sa kapatid. She can't believe she would be hearing these words from her own brother. For a few seconds, naging tahimik ang dalawa. Ira was trying to compose herself, pinipilit na di maiyak sa harap ni Orion.

"So, that's why? You're not really trying to protect me, are you? Iniisip ko na baka dahil ayaw mo sa kanya kasi may nalalaman ka na di mo masabi... but the truth is you're just embarrassed of me. Nahihiya ka na malaman ng mga kaibigan mo na yung ate mong desperada ay pumapatol sa mas bata."

"Ate, that's not –"

"...shut up! You never really cared about me not even once. It's all about you and your reputation! Yang mga sinasabi mo? Sa totoo lang I won't get hurt if people would think of me like that. Pero nasasaktan ako kasi... ikaw ang nag-iisip niyan, sarili kong kapatid. Nasasaktan ako kasi ang babaw pala ng tingin mo sa 'kin."

Di na napigilan ni Ira na maluha kaya pinili niyang umakyat ng kwarto. When she got there, the room was dark and Maggie was on the bed. She was crying too. Humiga na rin si Ira sa kanyang kama at umiyak ng umiyak hanggang sa maubos ang luha.

The house was surprisingly dark and quiet at 5 PM. When the clock struck 6, isang mahinang katok ang narinig ng dalawang dalaga mula sa pintuan. Sabay na tumayo ang dalawa at nagtinginan.

"Di ka pa pala tulog?" tanong ni Ira.

"Di ako makatulog eh." Sagot ni Maggie.

"I'll get the door."

Tumayo si Ira at binuksan ang pinto. When she opened it, isang matamlay na Seah ang nakaabang.

"Are you girls up for some shots?" she offered.

Agad na tumayo si Maggie sa kama, parang biglang nabuhayan at lumabas sabay hila sa dalawa.

"Parang gusto kong maglasing ngayon! TARA!!!"

Natawa naman ang dalawa sa di pagdadalawang-isip ni Maggie. Using Aries' car, pumunta ng 7-11 ang tatlong babae at bumili ng maraming beer at chichiryang pampulutan. Bumalik agad sila sa bahay at sa balcony nag-inuman.

"Nasaan nga ba ang asawa mo? Himala ata na di ka niya hinahanap." tanong ni Maggie.

"He actually went out with his brothers. Nag-inuman din kaya sila."

"Nag-away ba kayo ni Kuya Aries?" tanong ni Ira kay Seah. "Ano bang nangyari kagabi?"

Lumalaklak ng isang bote ng beer si Seah bago ito nagkwento.

"Aries wanted to have sex last night but I refused. Then, he got angry."

Nakatingin ang dalawa sa kanya with questions in their mind.

"Why would he get angry just because of sex? Is that normal?" Ira asked innocently.

"Why would you refuse sex? That is not normal!" Maggie animatedly reckoned.

Natawa naman si Seah sa tanong ng dalawa.

"Wait! Wait! Di ko alam kung sinong unang sasagutin ko hahahaha. Nakakatawa kayo."

"Seriously, Ate Seah. Why would you refuse sex? He was your husband."

Lumalaklak ulit si Seah ng beer saka sumagot. "Alam mo, Maggie, sex is not how we think it is. When you're not married, parang ang sarap niyang gawin kapag bawal kasi exciting, may thrill. Pero when you're married, parang nakakapagod na, nakakatamad. May mga times na gusto mo siyang gawin, pero madalas nakakaumay din."

Ira scratched her head in disbelief. "I can't believe it. Ganun ba talaga ang mga lalaki? Nagagalit kapag di nakukuha ang gusto?"

"Well, married guys think right nila yan sa asawa nila. And they have this feels kasi na kapag their bodies are into it, kapag hinahanap ng katawan nila, they really wanted to be satisfied." Maggie explained.

Ira and Seah looked at her with confusion.

"How did you know about that?" Ira asked.

"Sabi ng mommy ko. Matatanda na sila pero kapag hiningi daw ni Dad yun, binibigay niya talaga. Tsaka paliwanag ni Mommy na sex daw is something we should really give to our spouse."

"Wait! Did you just say na nagse-sex pa ang parents mo? How old are they?" curious si Ira.

"Hmmm, 58 ata si Mommy at 60 si Daddy?"

"Eeeh! Umay!" parang masusuka si Ira nang marinig niyang matatanda na nga ang mga magulang ni Maggie at di niya maisip na kaya pa nila magtalik. "SHAAAAT!"

"Eh, ikaw Maggie? Bakit ang tamlay mo rin? Ano bang nangyari?"

Maggie buried her face between her legs and covered her head with her arms. "Hnnnnnnngggg! Nakakahiyaaaaa!"

"Ikuwento mo na! OA naman nito." Pamimilit ni Ira.

"Eeeeh! Nahihiya ako, Ira!"

Ira grabbed a bottle and stared at Maggie sharply. "Magkukwento ka ba o ipupokpok ko' tong bote sayo?"

"Wssht! Harsh naman nito!" medyo tipsy na ang pananalita ni Seah. Marami-rami na rin ang nainom niya. "Ikuwento mo na, Maggie, baka dumanak ang dugo dito sa balcony HAHAHA!"

"O sige na nga! Ganito kasi..."

The night after the party...

Pagkatapos ng celebration, nauna nang tumuloy ng kwarto ang mag-asawa, samantalang nagpatuloy naman sa pag-inuman sina Orion, Drew, Stelios, Maggie at Ira. Marami-rami na rin ang nainom ni Maggie at lasing na siya nang gabing yun. Sa gitna ng katuwaan, napansin niyang hindi pala nila kasama sa si Eros. Kaya tahimik itong pumuslit at hinanap ang binata.

Pagewang-gewang niyang inikot ang buong resort at sa wakas ay napadpad siya sa Jacuzzi. Sa loob, she saw a man resting peacefully in the bubble bath. Sigurado siya na si Eros yun. She can tell from his hair and his back.

Lumapit siya. Eros noticed her na papalapit and he can tell that she wasn't sober dahil sa tingin ng mga mata niya at sa lakad nito.

"Kenay jewn ya?"

"I'm naked. Do you mind?"

"Pft!" Maggie smirked.

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Eros and still joined him in the tub. Then, she rested her arms on the side of the tub and looked at Eros sexily. She was trying to seduce him.

Eros was a man. It was impossible na hindi siya maakit kay Maggie especially with her outfit. She was wearing a black two-piece. Napaka-sexy ng katawan niya at napakaputi at makinis din ang balat nito. Mapang-akit din ang mga mata nito at kahit man ang kanyang mga labi ay kissable. It was too impossible to resist such beauty.

Slowly, Maggie moved closer to Eros. Tila lalong uminit ang tubig sa Jacuzzi nang magkalapit ang mga hubad nilang katawan. She was ready for anything. She was willing to give everything.

"I like you, Eros!" she whispered.

Eros did not respond. He was just there... quiet. Nakatingin lang sa mukha ni Maggie.

When Eros did not move an inch after the confession, she initiated a kiss. Pero iniwasan siya ni Eros. He moved his face away, and gently pushed Maggie.

"You're just drunk, Maggie!"

Then Eros stood up and left the tub. He grabbed his towel and covered his bottoms. Sumunod si Maggie nagsisigaw.

"I am not drunk, Eros! I know what I'm saying!"

"Wag mo kong susundan. Go to your room and sleep!"

Maggie was heartbroken. She thought... no, she hoped na may feelings din si Eros para sa kanya. After all, naging malapit naman sila lately. But that night, she felt rejected and embarrassed.

Meanwhile, magkasama naman si Stelios at Ira, hinahanap si Maggie nang mapansin nilang medyo matagal itong nawala.

"Maggie? Maggie?" Ira knew Maggie was drunk kaya alalang-alala ito para sa kanya. "Aaaayeee! Awwwe! Araaaaay!"

Biglang natapilok si Ira dahil di niya napansin ang maliit na crack sa daan.

"Uy! Mag-ingat ka naman! Okay ka lang?"

Napaupo sa sakit si Ira. Inalalayan naman siya ni Stelios.

"Sandali! Medyo masakit. Na-sprain ata ang paa ko."

"Teka! Wag ka munang gumalaw."

Binuhat ni Stelios si Ira at nilipat sa bench kung saan mas komportable siyang makakaupo. Marahan naman nitong minamasahe ang paa upang maibsan ang sakit.

"Aray! Aray! Dahan-dahan lang!"

"Kaya mo bang maglakad? Kasi kung hindi, bubuhatin na lang kita papunta sa room mo." Alok ng binata.

"Di na! Di naman malala eh. Magiging okay din 'to."

Tumabi si Stelios kay Ira habang hinihintay nila na mawala ang sakit sa paa ni Ira. Naging pagkakataon din yun para kay Stelios na makausap ng seryoso si Ira.

"Ira?"

"Mmmm?"

"I do like you."

Natawa si Ira. "Alam ko. Paulit-ulit? Hahahaha!"

"Eh wala ka naman kasing sinasagot sa tuwing nagko-confess ako sayo."

"Okay. Eh di, thank you!"

"Wow! Sana all talaga thank you!"

"HAHAHAHA! Eh ano ba dapat ang sagot? I like you too? Eh di naman kita gusto."

"Ooooouch!" hinawakan ni Stelios ang dibdib niya, umaarte na parang sinaksak siya sa puso. "Grabeee! Masyadong brutal! Ang honest masyadoooo!"

Natawa ulit si Ira. "Ano bang inaasahan mo? Alangan naman magustuhan kita agad. Di pa nga kita gaanong kilala."

"Kahit konting crushback, wala ba?"

"HAHAHAHA! Baliw ka talagang bata ka. Natutuwa na ako sa'yo ha. Wag kang masyadong ano diyan..."

"Bakit? Nafa-fall ka na?"

Umiling lang na natatawa si Ira sa mga banat ni Stelios.

"Pero seryoso, I like you as a person. Masarap kang kausap at nakakatawa. I really want us to be friends."

"Ouch! Friendzoned! Pero may tsansa bang mag-escalate tayo to more than friends?"

"STELIOS!!!"

Napalingon ang dalawa nang biglang dumating si Orion, nakasimangot at mukhang di natutuwa sa nakikita.

"Uy bro! We're just..."

"Pinopormahan mo ba ang ate ko?"

Di makapagsalita si Stelios.

Sa balcony...

"So that explains Ion's mood in the morning! S is for Stelios para, the secret admirer!" Maggie concluded.

"OMG! I can't believe you like my Kuya! And you confessed to him!" Ira added.

Hindi inaasahan ni Maggie ang magiging reaksyon ni Ira nang malaman nito na gusto ni si Eros. "What's with the reaction, girl? Ayaw mo ba sa 'kin for your kuya?"

"No, no, no! It's the other way around. I don't like my kuya for you. He doesn't have a good reputation when it comes to dating, Mags. He's a complete Cassanova. Linggo-linggo yang nagpapalit ng babae."

Seah grabbed a bottle of beer at sumigaw.

"Aye naku! Enough of that girls! CHEERS SA MGA INAAYAWAN ANG ASAWA NILA NA MAKIPAG-SEX! HAHAHAHA!"

"Baliw ka, Ate Seah hahahaha!" Tawa naman ng tawa si Maggie. But she also grabbed another bottle and shouted her own cheer. "CHEER SA MGA NAG-CONFESS NG FEELINGS PERO REJECTED! HAHAHAHA"

"AT CHEERS SA MGA NANGFI-FRIENDZOOONED AHAHAHA!"

Buong gabing nag-inuman ang tatlo at lasing na lasing. They were very drunk that they became wild and crazy. Halos magising ang kapitbahay nila sa kaingayan. Buti na lang dumating na ang Pardilla brothers at inawat sila.

"Babe! That's enough!" pang-aawat ni Aries kay Seah.

"Ooooh! Hi there, babe! Gusto mo ng sex? HAHAHAHAHAAH! TARAAA!"

Eros and Orion looked at her with weird faces. Di nila maisip na masasabi ni Seah yun because she had a gentle and conservative image. Hiyang-hiya naman si Aries sa nangyayari.

"Grabe! Ang wild pala ni Ate Seah malasing, kuya!" Natatawang puna ni Orion.

"Sorry narinig niyo pa 'to. Sa akin lang naman siya ganito magsalita. Anyway, ipasok nyo na yang dalawang babae sa kwarto nila.

Binuhat ni Orion ang bagsak sa sahig na si Ira at una nang ipinasok sa loob ng kwarto. Samantalang sumasayaw pa mag-isa si Maggie habang hawak-hawak ang isang bote ng beer.

Eros, crossed arms, watched her longingly.

Nang mapansin ni Maggie na pinapanood siya ni Eros, ibinaba niya ang bote at pagewang-gewang na lumapit sa binata.

"Huy! Pinapanood mo ba 'ko?"

"Oo. So?"

Biglang tumawa si Maggie.

"Shabe ko na nga ba. Gushto mo ren ako, eh? Kashe ako... gushtong-gushto kita! Gushto kitang i-kish, gushto kitang i-hug, gushtong kita maging mine... HAHAHAHA!"

Eros breathed heavily.

"Why is it every time na magko-confess ka you're always drunk? Haaay!"

Eros carried Maggie on his shoulders. Nakatulog rin agad si Maggie sa kalasingan. He quietly went inside Ira's room and gently placed her on the extra bed. Then as he tucked her in, tinitigan na muna niya ang maganda nitong mukha at natatawa sa tuwing naiisip niya ang pinanggagaw nito.

Obviously, Eros liked her too.