webnovel

Chapter 1: The Girl Named Anastasia

(Aron's POV)

Kakabalik balik lang namin ng school matapos ang summer vacation, sabay kaming pumasok ng school ng best friend ko na si Erick. Pagpasok na pagpasok namin agad kaming binungad ni Annie, pag sinuswerte ka nga naman

Annie: Welcome back sa campus, nasaan ang ID nyo?

Aron: W-wait, diba ang ID's sa kalagitnaan na ng first sem?

Erick: Kaya nga, anong sinasabi mong "nAsAaN aNG iD nYO?"

Annie: TAHIMIK!

Biglang nagsitinginan samin yung mga tao sa hallway, hilig talaga nya guimawa ng iskandalo kaasar

Annie: Nasaan na yung ID nyo nung Juniors pa kayo?

Aron: Teka, Seniors na tayo di na natin kailangan yun

Erick: Tama, kaya kung pwede tumabi ka na, hahanapin pa namin yung room namin, masyadong kang nagsasayang ng oras

Aron: Tama sya kaya please, padaanin mo na kami

Sa huli wala din syang nagawa kundi padaanin kami

Aron: Thank you

Erick: (pabulong) Bida bida

ERICK! ANONG GINAWA MO?!

Annie: ANONG SABI MO?!

Aron: ANONG GINAWA MO?!

Dali dali kaming tumakbo ni Erick palayo kay Annie, grabe halatang galit na galit sya. Nang makalayo na kami umupo kami hagdanan.

Aron: Loko ka HAHAHA

Erick: HAHAHA, totoo naman na bida bida sya ahh

Nagpahinga lang kami ng mga ilang minuto bago magpatuloy sa paghahanap ng section namin. Naglakad lakad kami para tignan isa isa ang mga papel na nakapaskil sa labas ng kada room hanggang sa makita na nga namin yung room ng section namin. Pumasok kami at naghanap ng mauupuan

Aron: Si Anders ba yun? Malas naman sya pa naging kaklase natin

Erick: Sinabi mo pa, nung grade 9 tayo, nilagyan ng patay na daga yung bag ko

T-teka, t-totoo ba yung sinabi nya? Dahan dahan akong tumingin kay Erick

Aron: P-patay na daga? Nakakadiri yun

Erick: Sinabi mo pa, halos dalawang linggo bago mawala yung amoy sa bag ko

Aron: Teka, nabubulok na yung daga?

Tumingin lang sya sakin at tumango, tangina seryoso ba sya? Nakakadiri, parang gusto kong sumuka. Umupo kami at nakipagkwentuhan sa mga kaklase namin. Ilang minuto ang nakalipas at pumasok na nga ang teacher namin kaya nagsibalikan na kami ng mga kaklase ko sa mga upuan namin, uupo na sana si sir ng biglang may pumasok na isa pang student sa room, dali dali syang naghanap ng upuan pero yung upuan nalang sa right side ko yung bakante

Aron: A-ate!

Sigaw ko sabay taas ng kamay, tumingin sya sakin, sumenyas ako sa kanya na merong upuan sa tabi ko, dali dali syang lumapit at umupo sa tabi ko

Girl: Thanks

Aron: Welcome... I'm Aron by the way

Girl: Kilala kita, kaklase kita nung grade 10

Aron: Wait, seryoso?

Girl: Yep, di lang talaga ako mahilig makipag halubilo sa mga tao kaya di ako kilala ng mga kaklase ko dati

Aron: Oh, teka anong pangalan mo pala?

Nanlaki ang mata nya na parang nagulat, teka anong problema nya? Bakit ganyan sya tumingin? Di naman ako multo ahh

Aron: Uhhhhh, hello?

Girl: Oh sorry, ngayon lang kasi may nagtanong ng pangalan ko

Aron: Wait, seryoso?

Girl: Yep... Anastasia pala pangalan ko, pero tawag sakin ng mga magulang ko Ana, para daw mas maiksi, di ko alam *chuckles*

Teka, seryoso ba sya na kaklase ko sya?

Aron: Oh, please to meet you Ana

Sir Eddie: Alright, so mukhang nandito na lahat let's start our class

Lumipas ang oras ng di namin namamalayan, hanggang sa naglunch na kami. Wala kaming ibang mga subject kasi first day palang naman, tumambay kami ni Erick sa labas ng cafeteria, umupo kami sa ilalim ng puno para presko at nagsimulang kumain

Aron: Erick

Erick: Why?

Aron: May kaklase ba tayo nung grade 10 na Anastasia yung pangalan?

Erick: Sa pagkakaalala ko, parang wala

Sagot nya sabay subo ng pagkain

Aron: Ah ok, yung girl lang kasi kanina na katabi ko, sabi nya kaklase nya tayo noong grade 10

Erick: Anong nickname nya? Baka kilala ko

Aron: Ana daw

Erick: Ah! Sya! Oo kaklase natin sya nung grade 10

Teka, bakit di ko alam?

Aron: Teka, seryoso?

Erick: Sya yung parang weirdo na nakaupo lang lagi sa isang sulok, naka hoddie lagi kahit na mainit dito sa Pinas

Grabe naman sya sa weirdo, ang cute nga nya para eh. Nagpatuloy lang kami kumain, pagtapos namin bumalik na kami sa room namin at nagkwentuhan muna.