webnovel

CHAPTER 1

March 9, 2006

First day ng school ngayon ni Hikaru. He is college now. Nakadungaw si Hikaru sa binta ng kwarto niya.

Hikaru's POV

"That day still haunts me... Bakit kada dumudungaw ako sa bintana ng aking kwarto naaalala ko ang araw na iyon?.."

Pumasok ang mama ni Hikaru sa kanyang kwarto.

"Anak, ready kana? Malalate kana sa school."

Sabi ng nanay ni Hikaru.

"Gumugulo parin ba sa isipan mo yung nangyari noon?" Sunod na sinabi ng nanay ni Hikaru.

"Ahh. Hindi po, kinakabahan lang."

Sabi ni Hikaru sa kanyang nanay.

"Hindi mo kailangan kabahan, the best ka kaya."

Sabi ng mama ni Hikaru.

"Eto naman si mama nambola pa, alis na tayo malalate na ko sa school."

Sabi ni Hikaru.

After 30 minutes

Nakarating na si Hikaru at ang kanyang ina sa kanyang school ang "Cresent University (School Of Genius)". Nagpaalam na si Hikaru sa kanyang ina at nagmadaling pumasok sa loob ng paaralan.

Third Person's POV

"I will tell you about Crescent University. Crescent University is the most popular school in the whole country because of its talented students and they are also famous because of their spacious and beautiful classrooms."

Dali-daling hinanap ni Hikaru ang kanilang classroom. Nagmamadaling maglakad si Hikaru hanggang nakita na niya ang kanilang classroom. Binuksan ni Hikaru ang pintuan ng silid at naghanap ng bakanteng upuan. Nakahanap si Hikaru ng upuan sa tabi ng isang babaeng blonde, curly ang buhok, at maputi.

"Ahh pwede ba umupo sa tabi mo?"

Tanong ni Hikaru sa babae.

Tinanguan lang ng babae ang tanong ni Hikaru.

Ilang minuto pa ay dumating na ang kanilang guro.

"Good Morning Everyone. My name is Eleanor Campbell' I"ll be your class adviser in Class D. You don't need to introduce yourself. I already know all of you because of the nametags attached to your clothes"

Sabi ng guro sa harap ng classroom.

After 3 hours

Natapos na ang ikatlong subject. Tumunog na ang bell ng school. Nagsimula nang lumabas ng classroom ang mga kaklase ni Hikaru. Lahat ay lumabas maliban kay Hikaru at isang lalaki na nakaupo sa likod ng upuan nya.

"Lumabas silang lahat?!"

Sabi ni Hikaru.

"Uhmm. I'm here."

Sabi ng lalaki sa likod ng upuan ni Hikaru.

"Ohhh. Hi."

Sabi ni Hikaru sabay kaway.

"Hi my name is Apollo Lincoln. You?"

Sabi ng lalaki sa likod ng upuan ni Hikaru

"Uhh I am Ishikawa Hikaru. Nice to meet you."

Sabi ni Hikaru kay apollo.

"Ang pogi niya!! Apollo Lincoln. Ok If you're wondering why I'm blushing on well I'm gay."

Sinabi ni Hikaru sa sarili.

"Cute! That red long hair and cold visual its lovely"

Sinabi ni Apollo sa sarili.

After 6 hours

Natapos na ang mga klase mabilis na nagsilabas ang mga kaklase ni Hikaru. Kinuha narin ni Hikaru ang kanyang bag at lumabas ng classroom, paglabas niya sa gate ng kanilang school nakita niya ang kotse ng kanyang ina. Nagmadali pumunta si Hikaru sa sasakyan.

"Bakit di mo sinabing susunduin mo ako?"

Tanong ni Hikaru sa ina.

"Nagchat ako sayo di mo ba nakita?"

Sabi ng ina ni Hikaru.

"By the way how's the first day huh? May kaibigan kana ba?"Dagdag ng kanyang ina.

"Well there is someone na nakaupo sa likod ng upuan ko and nagusap kami nung recess."

Sabi ni Hikaru sa ina.

Habang nagmamaneho ang mag-ina biglang tumunog ang selpon ni Hikaru. Chineck ni Hikaru ang kanyang phone at nakita na may nagmessage sa kanya pero walang pangalan kundi number lang

"Naaalala mo parin ba yung mga nangyari nung 1994?"

Message ng numero kay Hikaru.

"Sino ka? Pano mo nalaman yung nangyari nung 1994?"

Message ni Hikaru sa numero.

"Kung gusto mokong makilala. Gumawa ka ng paraan para malaman kung sino ako. Goodluck Hikaru!"

Message ng numero kay Hikaru.

Ipinakita ni Hikaru ang mga message sa kanya ng nakausap niyang numero lang ang nakalagay. Hindi rin kilala ng ina ni Hikaru kung sino ang kanyang nakausap, inutusan ng ina si Hikaru na iblock or ireport nalang ang number pero tumanggi si Hikaru.

"Mom. Alam nya yung nangyari nung 1994! What if kilala nya yung pumatay?!"

Sabi ni Hikaru sa ina.

"Ano naman kung kilala niya yung pumatay?! Ano gusto mong gawin? Magpapakabayani ka?"

Pasigaw na sinabi ng ina ni Hikaru sa kanya.

"Hindi naman sa ganun Ma. Pero atleast we can help the girl kahit konti diba?!"

Sabi ni Hikaru sa ina.

"Nako Hikaru!.. Wala akong oras makipagtalo sa iyo pagusapan natin yan sa bahay pag-uwi."

Sabi ng Ina ni Hikaru sa kanya.

Pagkatapos ng ilang minuto nakarating na sa bahay ang mag-ina. Pagpasok ng pintuan ng bahay umupo si Hikaru sa couch sa sala.

"Mom. I think kailangan ko tulungan yung babae."

Sabi ni Hikaru sa ina.

"Ano?! Hindi! Wala kang gagawin at wala kang kailangan gawin tungkol sa kaso nayan. Hindi ka naman pulis para magimbestiga ng mga bagay bagay kaya itigil mo yang kahibangan mo."

Sabi ng ina ni Hikaru sa kanya.

"Kahit naman pulis hindi naresulba yung case diba? Ni wala nga silang nahanap na suspect na pwedeng pumatay dun sa babae eh."

Sabi ni Hikaru sa ina.

"Sumasagot kana?! Hindi kina pinalaking bastos Hikaru!"

Pasigaw na sabi ng ina ni Hikaru sa kanya.

"Pero araw araw padin gumugulo sa isip ko yung nangyari! Kada dudungaw ako sa bintana ng kwarto ko naaalala ko yung mga nangyari nung araw na yun!.."

Pasigaw na sinabi ni Hikaru sa ina.

Habang nagaaway ang mag-ina tumunog nanaman ang selpon ni Hikaru.

"Hikaru. Hikaru. Gusto ko lang sabihin na natatandaan mo pa ba yung name tag na napulot mo noon."

Message ng numero kay Hikaru.

"Kasi kung ako ikaw siguro naghahanap nako ng mga clues sa social media tungkol sa tunay na pagkamatay ni "ALEXA HANSLEY" diba Hikaru?"

Sunod na message ng numero kay Hikaru

Pagkatapos makita ni Hikaru ang message. Nagmadali siyang umakyat ng hagdan at pumunta sa kanyang kwarto. Pagpasok niya ng kwarto binuksan nya ang drawer na katabi ng kanyang kama at nakita ang name tag ng babaeng nakaschool uniform.

May taong nakahoodie sa kabilang side ng bahay nila Hikaru. Pagkatapos makita si Hikaru sa bintana ng kanyang kwarto, bigla itong umalis.