47 Chapter 45

Third Person's POV

Kinabukasan, nagulat si Kitkat nang paglabas niya ng bahay ay nakita niya ang taong hindi niya inaasahan.

"Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?"

Sinamaan niya ng tingin si Clark nang mas lumapit pa ito sa kanya at sinubukang hawakan ang kanyang kamay.

"Wag mo akong hawakan! Umalis kana! Matagal na tayong wala diba?"

"Please let us talk!"

"Sabing wala na nga tayong pag-uusapan! Pwede ba! Umalis ka na!"

Hindi nakinig ang binata at mas naiinis na din ito dahil sa hindi siya magawang pakinggan ng dalaga. Hinawakan niya ang braso nito at muling nakiusap.

"Please! Please just hear me out!"

"Nakinig na ako sa 'yo noon pero nasaktan ko lang si Jax! Ayoko nang makinig sa 'yo! Nakakainis ka!"

"I SAID HEAR ME OUT!" sigaw ni Clark dahilan na pareho silang nagulat. Agad namang humingi ng paumanhin ang binata sa dalaga pero mas lalo lang itong lumayo. Pati siya ay nabigla sa kanyang pagsigaw. Hindi niya naman intensyong gawin iyon.

Babalik na sana si Kitkat sa loob ng bahay pero bago pa niya mabuksan ang pinto ay itinukod ni Clark ang mga kamay niya sa pinto para hindi mabuksan. Pinagitnaan niya ang dalaga sa magkabila niyang braso para hindi ito makaalis.

Nasasaktan man ang binata lalo na't takot at galit ang nakikita niyang emosyon kay Kitkat, pero kailangan niyang makausap ito.

"Please! Please hear me out!"

Napahinto naman si Kitkat nang makitang may tumulong luha sa mga mata ni Clark. Mas lalo pa siyang nagulat nang lumuhod ito sa kanyang harapan at niyakap ang kanyang bewang.

"Just hear me out..."

Nakaramdam siya ng awa dito kaya nanatili siya sa kanyang pwesto at hindi na nagpumiglas pa. Wala na siyang pake pa rito. Ayaw lang niyang makinig pa sa mga sasabihin nito. At papakinggan lang niya ito para matigil na.

"I'm sor---"

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin! Hindi mo na kailangang mag-sorry!" pagputol ng dalaga sa kanya na ikinahinto saglit ng binata.

Dahil d'on, alam na ni Clark na wala na talagang pake ang dalaga sa kanya at labis siyang nasaktan at nagsisi dahil doon.

"I'm telling the truth about Jax Blaine. He is really dangerous! Please don't be with him! You can love anyone else but him!"

"Pwede ba! Wala kang karapatang pagsalitaan si Jax ng ganyan! May tiwala ako sa kanya at mahal ko siya! Kung may hindi man ako alam tungkol sa kanya, siya lang ang pwedeng magsabi sa 'kin kung sino talaga siya!"

"He already killed hundreds of people! Please babe believe me! He's the leader of a mafia group and he's the reason why his members were killed!"

"Manahimik ka! Ayokong makinig sa 'yo!"

Pilit na nagpupumiglas si Kitkat para makaalis pero hindi nagpatinag ang binata.

Nakaramdam siya ng takot at kaba dahil sa mga sinasabi ni Clark. Takot na malaman niya ang nakaraan ni Jax na hindi mismo si Jax ang nagsabi. Kahit binigyan siya ng chance na magtanong tungkol kay Jax n'ong iniligtas siya ni Exseven, hindi siya nagtanong sa nakaraan ni Jax.

"Umalis ka na sab---"

"He did all of that because of the woman he love the most!"

Pero kahit ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi ni Clark, bigla na lang tumatak ito sa kanyang isipan. Natigilan siya at hindi alam kung anong i-react.

"HOY GAGO!"

Gulat na napatingin si Kitkat nang makita si Alfonsong galit na galit na lumapit sa kanila. Pagtingin niya sa likuran nito, naroon din si Jax at nagtama ang kanilang tingin.

"J-Jax!" mahina niyang sabi. Kinakabahan siya nang husto na baka narinig ni Jax ang pinagsasabi ni Clark.

Kitang-kita niya pa ang kakaibang emosyon sa mga mata nito at nasasaktan siyang makitang masaktan ang lalaking mahal niya.

Mabilis tumayo si Clark at nag-labas nang baril dahilan na ikinahinto ni Alfonso sa paglapit. Mas lalong natakot ang dalaga dahil doon. Hindi naman siya makaalis kasi nakaakbay na sa kanya si Clark.

Nakita niya rin sa labas na maliit na gate na lumabas si Kernel mula sa kotse. Kahit na mas marami sila, natatakot pa rin ang dalaga dahil may dalang baril si Clark.

"Ibaba mo 'yan Clark! Ano bang nangyayari sa 'yo!"

Binalingan naman siya ni Clark. Galit ang mga mata nito pero makikita ring puyat ang binata. "I'm very tired of people like them! They ruin us!"

"A-anong pinagsasabi mo?"

"It started with Noreen and Franz. Then the organization. Then that Jax Blaine and them! I'm so tired of dealing all of them!"

"Hindi ko maiintindihan ang mga pinagsasabi mo! Huminahon ka muna pakiusap! Ibaba mo 'yong baril!"

Mabuti na lang at magkalayo ang mga bahay dito at walang nang-uusisang mga kapitbahay.

Agad na napatingin is Kitkat kay Alfonso nang tinawag siya nito.

"Yung itinuro ko sa 'yo!" sigaw ni Alfonso na ilang segundo pa bago makuha ni Kitkat ang ibig sabihin nito.

Nanginginig namang hinawakan ng dalaga ang braso ni Clark kung saan may hawak na baril. Muli siyang napatingin kay Jax nang basta-basta na lang itong naglakad papalapit sa kanila nang hindi man lang natatakot. Dahil doon, inilipat sa kanya ang pagtutok ng baril ni Clark.

Napasinghap naman sa takot si Kitkat. "Clark pakiusap! Huminahon ka!"

Hindi nakinig ang binata at nakipagtitigan lang ito kay Jax. Si Jax naman ay mabilis na nakalapit sa kanila. Palipat-lipat ang tingin ng dalaga kay Jax at sa baril na hawak ni Clark.

Nang makita niyang gumalaw ang hintuturo ni Clark, mabilis  niyang hinila ang braso nito para maibaba ang kamay nito at hindi matatamaan si Jax.

Dahil sa gulat ng binata, aksidente niyang napaputok ang baril at napasigaw naman ang dalaga sa takot.

"Kitkat!" sabay na sigaw nina Jax, Kernel, at Alfonso.

Nang makita niyang tumama ito sa lupa, nakahinga siya nang malalim at hindi na sinayang ang pagkakataon.

Mabilis namang nakalapit sina Kernel at Jax kina Kitkat pero nagulat silang naagaw ni Kitkat ang baril mula kay Clark.

Mabilis namang nahila ni Jax ang dalaga habang agad na sinuntok ni Kernel si Clark. Kukunin na sana ni Jax ang baril mula sa kamay ng dalaga nang nanginginig itong tinatanggal ang magazine ng baril.

"What are you doing?" takang tanong ng binata. Napatingin naman sa kanila sina Alfonso at Kernel.

Hindi nagsalita si Kitkat at naiiyak lang itong pinagtatanggal ang mga piraso ng baril. Nagulat naman sila dahil sa ginawa nito.

"Gago ng tangina! Wala kang respeto sa babae! Pota! Ex mo pa 'yan! Gago!" gigil na gigil na mura ni Alfonso habang sinusuntok si Clark na parang nakatulala pa rin habang hinahayaan lang na suntukin siya ng binata.

Wala namang nagawa si Kernel at nagtataka lang kung bakit galit na galit si Alfonso.

"Gago ka! Ex ka lang! Kaibigan ako! Bweset ng isang 'to! Babae 'yan gago! Pa'no kung matamaan siya ng baril dahil sa katangahan mong potangna ka!"

Napatingin naman si Jax kay Kernel tsaka nagtanguan sila. Hinila niya si Kitkat papasok sa bagong sasakyan ni Kernel at sumakay sila sa backseat. Si Kernel naman ay kinuha niya ang na-disassemble na baril. Pati ang mga bala nito ay nagkalat sa lupa.

Pagkatapos n'on ay pwersahan niyang kinaladkad si Alfonso papasok sa kotse dahil hindi pa rin ito tumigil sa pagsuntok kay Clark. Si Kernel 'yong nagda-drive at katabi niya si Alfonso. Sina Jax at Kitkat naman ay sa back seat.

"It's now fine! I'm here! We're here!" pag-comfort ni Jax kay Kitkat na naiiyak pa rin sa nangyari.

Tumatango naman si Kitkat tsaka hinawakan ang braso ng binata para sana yakapin ito nang mapansin niyang sobrang init ng balat nito.

Agad niya namang hinawakan ang leeg at noo ni Jax tsaka napasinghap. "May lagnat ka, Jax!"

"What?"

"Ano? Tinatablan siya ng lagnat?"

Hindi makapaniwalang tanong ng dalawang nasa harapan.

"Huwag ka nang pumasok, Jax. Magpahinga ka muna! Nilalagnat ka! A-absent din ako!" alalang-alalang pahayag ng dalaga.

"Pft!" pagpipigil ng tawa ni Kernel. "Di kaya na lovesick ang ating Jaxie?"

"Hahahaha!"

"Huwag niyo ngang asarin si Jax!"

"Hahahahaha! Uhhh si baby Jaxie, nilalagnat!" pang-aasar ulit ni Kernel at sabay silang natawa ni Alfonso.

Napansin naman ni Kernel na hindi nag-react si Jax kaya tiningnan niya ito sa front view mirror. Kernel knows that there's something that's been bothering Jax since last night. Then now, he knows that Jax is worrying about what Clark was saying to Kitkat. They heard it.

"Hala! Napa'no naman 'to?"

Agad na itinago ni Jax ang kanyang kamaong nagkasugat-sugat nang napansin ito ng dalaga. Dahil sa nangyari kagabi ay pinagsusuntok niya 'yong kamao niya sa poste dahil sa galit at inis.

"Kern, ihahatid na 'tin siya sa hospital!"

"No need. He'll just rest in his condo. We'll go there!"

Tumango naman ang dalaga tsaka nag-aalalang nakatingin sa boyfriend niya na nakapikit ang mga mata. Naiiyak siya nang maalala ang nangyari kanina. Kung paano magkasalubong ang kanilang tingin n'ong sinabi iyon ni Clark tungkol kay Jax. Na parang umurong ito saglit sa paglapit sa kanila. Na parang takot itong lapitan siya nang mabulgar ang nakaraan nito.

"Alfonso, tell the student council that I'm absent today. Just tell them an excuse," utos ni Jax na nakapikit pa rin.

Tumango naman si Alfonso tsaka nagtama ang tingin nila ni Kitkat sa frontview mirror. Nag-thumbs up naman si Alfonso sa kanya at alam ng dalaga na dahil ito sa nagawa niyang i-disassemble ang baril. Tinanguan naman ni Kitkat ang binata tsaka muling tiningnan si Jax.

Hinawakan niya naman ang ulo nito tsaka isinandal sa kanyang balikat. "Pahinga ka muna. Gigisingin na lang kita 'pag dating na 'tin."

"Thank you."

Huminga naman nang malalim si Kitkat tsaka bumulong. "Mahal pa rin kita kahit anong mangyari. Sabi ko diba 'wag kang mag-alala dahil naiintindihan kita. Mag-aantay akong magkwento ka sa 'kin. Hindi kita iju-judge."

Dahil doon ay napangiti si Jax tsaka huminga nang malalim. 'Yong matinding kaba na nararamdaman niya kanina ay medyo nabawasan dahil sa sinabi ni Kitkat. Pero hindi niya maiwasang mag-overthink.

'What if she'll really know the truth? If I tell her all about me, about what I did in the past, will she still accept me?'

Kagabi pa siyang walang tulog dahil sa nangyari. Hindi maalis sa kanyang isipan ang nagpapanggap na Exseven at kung paano nasangkot ang dalawa.

Nang maihatid na nila si Alfonso sa paaralan at makarating na sila sa condo, agad namang tinulungan ni Kitkat si Jax na makapasok sa kwarto nito. Si Kernel naman takang-taka sa nakita.

"Didn't know you're clingy, Jaxie my loves!"

Napapailing na lang si Kitkat habang pinaupo si Jax sa kanyang kama.

"I need to change first."

"Gusto mo tulungan kita?"

"Ows!" react ni Kernel.

Namula naman si Kitkat. "Tulungan kitang kunin 'yong damit! 'Yon ang ibig kong sabihin!"

Natawa naman si Kernel tsaka tinawagan si Violy.

"Yow sister, our baby Jaxie is sick! He cannot even walk on his own!" Sumimangot naman si Kitkat.

"Sino tinawagan mo? Meron kayong private doctor?" namamangha niyang tanong.

"Our family doctor! Our sister, Violy!" sagot ni Kernel tsaka muling nakipag-usap kay Violy.

Pagkatapos ng tawag, agad namang nagtanong si Kitkat.

"Si Violy, siya po ba 'yong member niyo sa organization?" curious na curious na tanong ni Kitkat dahilan na napatingin ang dalawang lalaki sa kanya.

"How did you know about that? Did someone told you?" panghuhuli ni Kernel sa inosenteng dalaga na ikinabigla nito.

Tumikhim naman si Jax tsaka inilingan si Kernel. Nakuha naman nito ang punto ni Jax tsaka agad na nginitian ang dalaga.

"She's famous and yes she's the best in our org," pagsasakay ni Kernel tsaka seryosong napatango si Kitkat. "Bakit? Gusto mo ba siyang makita? Mabait siya!" dagdag pa nito.

"Pupunta siya dito?" excited na tanong ng dalaga. Tumango naman si Kernel tsaka ginulo ang buhok ni Kitkat.

"Get your hands off her!"

"Hahaha! Tsk! Tsk! Jaxie, nagseselos na ako ah! Di mo na ako love! Hmp!" sabi pa nito tsaka lumapit sa pinto. Bago lumabas ay ngumisi pa ito nang nakakaloko kay Jax nang i-lock niya ang pinto. "Hmmm!" pagpaparinig pa nito.

'Bastard!"

"Jax saan dito 'yong pajama mo? Ako na kukuha, magpahinga ka lang!"

Nakangiti namang itinuro ni Jax ang walk-in closet. Namamangha naman iyong pinuntahan ng dalaga.

Inilibot niya pa ang kanyang tingin at kinikilig pa nang makita kung gaano kaayos at ka-arrange ang mga damit ni Jax. Pangmamahalin talaga.

Nang makuha niya ang pair na royal blue na silk pajama, agad niya itong binigay kay Jax. Nagulat pa ang binata nang hawakan niya ang noo at leeg nito.

"Bakit nilalagnat ka nang gan'to?"

"I don't know!"

"Sige magbihis ka para makapagpahinga, gagawan kita ng mainit na sabaw."

Tumango naman si Jax tsaka agad na hinubad ang suot niyang pulo. Nanlalaki naman ang mga mata ni Kitkat habang pinagmasdan niya ang hubad na pang-itaas na katawan nito.

Kitang-kita ni Jax kung paano bumuka ang bibig ng dalaga tsaka muling itinikom. Lumapit pa ito sa kanya tsaka mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang hawakan nito ang kanyang dibdib... kung saan may malaking peklat.

"I had a heart surgery. I was stabbed there," pagkekwento niya dahilan na mas lalong nagulat si Kitkat.

Hindi naman nagtanong si Kitkat at parang naghihintay lang ng kanyang sunod na sasabihin.

"What Clark said... They are all true."

Napatingin naman si Kitkat sa kanya at nagtama ang kanilang tingin. Damang-dama ng kanyang palad ang lakas ng pagtibok ng puso nito. Dahil doon alam niyang kinakabahan nang husto si Jax.

"Ang hirap man paniwalaan pero past na 'yon, Jax. Aaminin ko, natatakot akong malaman ang past mo. Pero unti-unti akong nagkaroon ng idea dahil sa mga kaibigan mo at sa mga taong kabilang sa past mo. Handa akong makinig tungkol sa 'yo basta't ikaw mismo ang magsasabi!"

'Mula pa kay Lavandeir, kay Exseven, Reid at kay Aki. Nagkaroon ako ng hint. Kung paano normal lang kina Kernel ang mga delikadong bagay. Lalo na sa sinabi ni Clark,' sa isip ni Kitkat.

Inilapit naman ni Kitkat ang kanyang tenga sa dibdib ni Jax para pakinggan ang pagtibok ng puso nito. Sumasabay naman ang pagtibok ng puso niya. Mabilis at masasabing kinakabahan din siya.

Niyakap naman siya ni Jax tsaka huminga ito nang malalim. "My past isn't good! You might hate me for it."

"Susubukan kong hindi."

Ilang segundo pa bago nagsimulang magkwento si Jax, na inantay naman ng dalaga.

"I, Exseven, Reid, and Natasha were once friends. Natasha is in comatose right now. She's the cousin of Exseven. And Reid, you know where he is..."

"And there was a girl named Cath who happened to help me back then... Hmm.. I fell for her but I found out she's a member of an underground organization. She recruited me to be part of them and I asked Reid to join with me."

"Things happened and we found out that Exseven and Natasha were also part of other organization, which happened to be the enemy of us."

Agad namang napahawak si Kitkat sa kamay ni Jax at naramdaman ng binata ang mahigpit na paghawak nito sa kanyang kamay.

"N-nagulat lang akong malaman na magkalaban pala kayo ni Exseven. Pero hindi ko naramadamang na-hate kita. Makikinig pa rin ako Jax," pag-e-encourage niya dito.

Doon pa lang ay alam na ni Kitkat na hindi basta-basta ang pinagdaanan ng kanyang boyfriend.

"We had a conflict and slowly the four of us were divided into two. Me and Reid then the cousins. Cath became my girlfriend and she told me she had a mission... which was to get closer to Exseven and let him fall for her, gain his trust to get an information..."

'Ang sama niya, Jax! Kung may rason man siya kung ba't ginawa niya iyon, nasasaktan ka pa rin,' sa isip ng dalaga. Hindi niya kayang i-voice out ito dahil minsan na ring minahal ito ni Jax.

"Exseven didn't know about our relationship. He doesn't even know that it was Cath who recruited me. She's like an assassin. Exseven and her got into a relationship and Cath fell for him harder. Because she failed the mission, she was killed by the organization. Yumi, that's our organization."

Napaiyak naman si Kitkat dahil sa kanyang narinig. Dahil kakaiba at grabe ang nararanasan nila kumpara sa normal na tao.

'Nagmahal lang naman sila... Pero sa parte ni Jax, ang sakit kapag nalaman mong tino-two time ka.'

Nakayakap pa rin sila sa isa't-isa at nananatiling nakikinig si Kitkat sa pagtibok ng puso ni Jax. Unti-unting nawala ang kaba ng binata at alam iyon ni Kitkat.

"I was very angry and out of my mind. All I wanted was revenge. I even blamed everyone. I blamed Exseven. What I got after she died, I became the leader of rank 1 group in Yumi. I feel that everyone was under me," kalmado pero malakas ang impact na pagkasabi nito.

"I was abandoned by my biological father and the person who I trust the most, Cath betrayed me. I don't even have any other purpose to live back then but to revenge. I wanted to let everyone suffer and let them feel what I felt."

"Since I was the owner of the Elites College University---"

"Ang yaman mo pala?"

"Silly! You only reacted to that?"

"N-Nagulat lang ako."

Natawa naman si Jax at nang marinig 'yon ng dalaga, napangiti na lang din siya.

"I was the owner of the University, but it's really from my father, I became the Leader of Elites."

"Yong pinakasikat na Elites? Hala! Elites College University? Diba 'yon 'yong nag-close na ngayon?" tanong ng dalaga at napabangon pa talaga para tingnan si Jax.

"Ang daming nangarap na makapasok sa paaralang 'yon! Hindi basta-bastang pasukin iyon! Puro mga mayayayaman lang! 'Yong super yaman talaga! OMG! I-ikaw ang may-ari n'on?" hindi niya pa rin makapaniwalang tanong.

"What about it?"

"Jax! Ang mamahalin mo pala!"

"I'm not! Silly hahahah! Is it big deal?"

"Tapos pinakain lang kita ng pancit canton? Na malapit na pang mag-expire?!"

Natatawa namang hinawakan ni Jax ang kanyang ulo at tsaka ibinalik sa pagsandal sa kanyang dibdib. Tuluyan nang nawala ang kanyang kaba sa pagkwento at gumagaan na din ang kanyang loob.

"Sige ituloy mo naJax hehe!"

"Then Lavandeir came. She's a scholar student and made it to top 2 in overall ranking. She's smart... but she was once a loser and me being a stupid ass let my members bully her. I am worse than you thought. I can even relate to the gangsters when they're bullying you. I was once like them. I was worst!"

"Lavandeir even caught my attention when knowing that Exseven was being protective of her. So I tried to bully her more and let Exseven feel what I felt. But in the end, they got together because of me. Their story started when I bullied her and he save her."

"But involving Lavandeir was my mistake. We found out she's the granddaughter of the leader, the mafia boss of our enemies' organization. She got revenge to us. Dakumasuta, they became rank 1 in underground organization after the war between our org. Since then 'til now, no one replace them as the top rank."

"During that war, I and Exseven confronted each other and decided to fight. One will die and one will survive. After realizing how foolish I am, that because of me my members died. Because I was too focused on getting my revenge, I let Reid died. Because of the guilt, I surrendered and let Exseven stab me in the heart."

Naramdaman naman ng binata ang paghigpit ng yakap ng dalaga sa kanya. Napangiti na lang siya nang makaramdam ng sobrang gaan sa kanyang puso. Alam niyang naka-move on na talaga siya sa nangyari noon.

Hinimas naman ni Jax ang buhok ng dalaga at iniyakap ang isa pa niyang braso sa bewang nito.

"I was waiting to die back then. But then Violy and others save me. It was Violy who treated me and took care of me. Then Exseven and Lavandeir gave me a chance to live again with a normal life. So after almost two years, I transfered here and change my family name and background profile."

At ikweninto niya pa ang lahat ng nangyari. Kung paano niya pinagmasdan ang gangsters noon, nakalaban ang mga ito. Sinabi niya rin na naging member na siya ngayon ng Dakumasuta at may bago silang misyon pero hindi na niya sinabing misyon ito galing kay Exseven. Hindi na rin niya idenitalye ang ibang impormasyon dahil sa fake Exseven na iyon.

"Kaya pala nasabi ni Lav noon na ibang-iba ka na raw ngayon. Pero sana, maka-move on ka na sa past."

"I already did. You're now here."

Humiwalay naman sa yakap si Kitkat tsaka mahinang hinampas ang braso ni Jax. "Jax naman eh!"

"You're here and it's just you and me in my room..." nakangising sabi ni Jax dahilan nang mabilis na napatayo si Kitkat.

"N-nakalimutan ko palang bihisan ka!"

Mas lalong ngumisi si Jax tsaka umayos ng upo sa kama. Para na kasi silang nakahiga kanina.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Nakalimutan nating kelangan mo palang magbihis! Hehehe!"

Mabilis naman siyang hinila ni Jax at muling niyakap. "Thank you for listening. I was damn nervous thinking you'll hate me."

"Unti-unti na akong naka-adjust sa mundo mo. Kahit iba pa 'yang mundo mo, mahal pa rin kita! Yieeeeh!"

Nakarinig naman sila ng katok sa pinto. "Hello? Is the patient still alive?" tanong ni Kernel at nai-imagine na ni Jax ang mapang-asar na ngisi nito.

"Jax magbihis ka bilis! Baka ano pang iisipin ni Kernel sa 'tin!" at hinila na niya si Jax para makatayo.

"I can't walk. Will you help me?"

"Anong I can't walk ka diyan! Pinakatatakutan ka nga noon at I can't walk na agad dahil sa lagnat?"

"Hahaha! Okay! Okay fine!" At bago pa siya pumunta sa banyo, muli niya pang niyakap ang dalaga. Napahinga siya nang malalim at nanggigil sa pagyakap dito.

"I really wanted to live a normal life with you."

Nang pumasok na ang binata sa comfort room, napahinga naman nang malalim ang dalaga. Nakaramdam siya ng awa kay Jax dahil sa pinagdadaanan nito pero mas lalo pa siyang bumilib dito... dahil alam niyang kung siya ang nakaranas noon, baka gusto niya na lang magpakamatay.

'Silang lahat na kabilang sa underground organization... grabe na ang pinagdadaanan nila pero walang alam ang karamihan sa totoong buhay at pinaglalaban nila. Galit na galit pa ako sa mga katulad nila noon. '

...

Nakatingin sina Kernel at Kitkat kay Violy habang may pinapainom ito kay Jax na gamot. Tumulong din si Kitkat at siya ang nagpresentang magpunas kay Jax at ang bantayan itong magpahinga.

Nagluto din sila ng soup at mabilis namang naging close si Kitkat sa iba. Dumating kasi sina Clent, Veign, Angel at nakauwi na din si Alfonso nang mag-alas syete na ng gabi.

May dahilan kung bakit sila nandito lahat. Unang-una ay hindi sila makapaniwalang nilagnat nga si Jax nang matindi. Mahimbing nga itong nakatulog.

Pangalawa, meron silang gustong i-confirm. Magre-report din sila ngayon kay Jax sa mga ginawa nila pero kapag makaalis na ang dalawa.

Nagising naman si Jax at nakasimangot nang makitang nandiyan na naman ang ibang members sa kanyang condo.

"I wasn't aware that my place automatically became the the meeting place!"

"Sus! Gusto mo lang ma-solo si Kitty-katty!" bulong ni Kernel na mas lalong ikinasimangot ni Jax.

Sabay naman silang kumain at hindi maiwasan ni Kitkat na pagmasdan ang mga taong kasama niya ngayon.

'Sila 'yong mga totoong kaibigan ni Jax. Sila 'yong tumulong sa kanya. Maganda sana kung nandito si Exseven, Lav at 'yong si Natasha.'

Tapos na kasi silang makipagkilala sa isa't-isa at alam ni Kitkat na mabubuti lahat ng taong kasama niya ngayon.

"By the way, I found this in the headquarter," sabi ni Kernel tsaka inilapag ang isang larawan.

Larawan nilang lahat. Magkatabi ang apat na members ng Black Chili, at members ng Aeon.

"Bakit wala ka diyan, Jax?"

"Jax Blaine that time was having his dramatic revenge back then! I'm with him supporting his ass!" kumento ni Clent na ikinatawa nilang lahat. Nakuha naman agad ni Kitkat ang ibig nitong sabihin. Iyon 'yong time na kaaway pa sila sa Dakumasuta.

"Ito ba si Natasha?" tanong ni Kitkat kay Jax at tumango naman ito. "Ang ganda niya pala!"

"This is Marj and Ethird, and my husband Hero," turo naman ni Violy.

"Wow! You are really proud of your husband!" sarcastic namang sabi ni Jax na ikinailing lang ni Violy.

"Jax naman! Mas matanda pa sa atin si ate Violy, gumalang ka naman!" bulong ni Kitkat nang maalala niyang 11 years ang pagitan nila ni Violy.

"How's your... your baby?" awkward namang tanong ni Jax kay Violy.

"We're healthy if that's what you're worrying about."

"Bakit Jaxie? Gusto mo na ring magka-baby?" nakangising tanong ni Kernel dahilan na na-awkward silang dalawa ni Kitkat.

"Ikaw Kernel? Gusto mo na rin?" tanong ni Angel dahilan nang natawa silang lahat nang hindi alam ni Kernel pa 'no mag-react.

"Ito! Sino naman ito?" nabaling silang lahat kay Alfonso nang ituro ang picture ni Exseven.

"He died!" sagot naman ni Jax.

Palihim naman nagkatinginan ang mga ito maliban kina Alfonso at Kitkat. Sinabihan na kasi ni Jax si Kernel kagabi at sinabi ni Kernel sa iba pa nilang kasama ang tungkol sa nagpapanggap na Exseven.

"Sorry," pagpaumanhin ni Alfonso.

"Bakit wala si Exseven diyan?" tanong naman ni Kitkat dahilan nang napunta sa kanya ang tingin ng lahat.

Agad naman siyang nataranta at napahawak sa kamay ni Jax. "B-bakit? Bawal ba siyang banggitin? Akala ko sa harap lang ni Lav?" tanong niya kay Jax.

"No... It's just that... we didn't know where he is," sagot naman ng binata.

...

Itutuloy....

avataravatar
Next chapter