webnovel

1

Tatiana Caden Yvonne Pangilinan POV

My name is Tatiana Caden Yvonne Pangilinan. My focus is academic and I'm also a play girl.  I don't do boyfriends. Other than that, I'm one of the most dedicated students in our department which is Architecture.

"Hay Tatiana! Ilang lalaki na ba pinaiyak mo? Alam mo bang may nagpunta sa unit ko at ginambala ako don dahil daw pinaglaruan mo? God! Kailan ka ba magtitino!?", panenermong bungad sakin ni Cale. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain.

"Pasalamat ka, hindi kita girlfriend kundi matagal na tayong hiwalay",sabat naman ni Tyler.

"Sorry ka basted ka pag nagkataon. I don't do boyfriends and serious relationships. Ang cheap tingnan.", walang pakielam na sagot ko sa kanilang dalawa.

"Ano sabi mo?",biglang umalma si Cale at sinamaan ng tingin si Tyler. Agad namang nilambing ni Tyler si Cale dahil halatang selos na selos na.

"Babe, wala lang yon. Sorry na. I love you",napapailing nalang ako sa kanila at kumain nalang. Baka hindi na ako matunawan sa kanila dahil sa kakalambing nila.

Mabuti nalang at lunch break para naman makapagkwentuhan din kami at maipahinga ang utak namin. Katabi ko silang dalawa. Mga matalik kong mga kaibigan. Ang arrangement ng upuan namin ay tig tatlo. Si Cale, ako at si Tyler. Bale ako yung napapagitnaan nilang dalawa.

"Hindi ka ba naaawa Tatiana?", nakakunot noong tanong ni Tyler.

"Bakit naman ako maaawa? Kulang pa yan sa mga babaeng sinaktan nila na walang ginawa kundi mahalin sila. Pagkatapos magpakasaya, makuha ang gusto, iiwan nalang sa ere. Ako ang magiging karma nila", nakangising saad ko.

Yeah, tama. Ako ang magiging karma nila. Tama lang yan sa kanila dahil kung magpalit sila ng mga babae, daig pa damit. It sucks kapag may nakikita akong umiiyak dahil sa mga kagaguhan ng mga lalaki. Walang kakuntentuhan sa katawan!

"Alam mo, ikaw bruha ka talaga. Bakit ba galit na galit ka sa mga lalaki ha? Para kang dragon kung magalit. Playgirl Queen ka nga. Number one ka... ikaw leader nila.",nanggigigil na sambit ni Cale.

"I hate boys, lalo na kapag pinaglalaruan lang nila ang mga babae. Lagi nalang ang mga lalaki ang naglalaro. Pwes, nagpatayo ako ng sarili kong laro at ang rules don, sila ang iiyak at hindi ako. I'm not Tatiana Caden Yvonne Pangilinan for nothing!", nakataas ang kilay na saad ko pa. I want to see them crying, begging and even kneeling. Masaya ako kapag nakikita kong umaabot sila sa ganon. Walang babaeng iiyak kapag ganon ginawa sa mga lalaki. Mga wala silang modo e!

"Tama na nga yan. Nangyari na ang lahat, wag na kayo magbangayan baka kayo naman ang mag away", saway samin ni Tyler. Definitely, wala syang kinakampihan samin... he just wants us to stop arguing.

"Kaya nasasanay yan dahil iniispoiled mo! Hay nako Tyler! Palibhasa hindi ikaw ang binubulabog gabi gabi", pagtataray na naman ni Cale.

Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Mga aso't pusa kung mag away. Nakakairita minsan pero para akong nanonood ng tom and jerry..At si Cale ang daga. Mag girlfriend boyfriend nga naman. Laging ganito set up nila,minsan naman lambingan ng lambingan.

Totoo ang sinabi ni Cale kanina. Kapag may pinaglalaruan akong lalaki, sa kanya talaga tumatakbo at nambubulabog sa unit nya. May mga ganon palang mga lalaki. Maghahabol at halos lunukin ang pride, bumalik lang ang taong mahal nya sa kanya. Nakakaproud pero at the same time, mahirap paniwalaan.

"Whoah the baddest girl is here", nakangising sabi ng classmate naming lalaki ng pumasok na kami sa loob ng room. Nakangisi ko silang inirapan. Wala akong oras sa mga katulad nyo!

Umupo ako kami ng upuan nang tiwasay. Seryoso lang akong nakaupo don at naghihintay ng lecturer.

Lumipas ang oras at nagsimula na ulit ang klase. Collage student kami at isa akong Architect student. Magaling akong magdrawing at mabilis akong gumawa ng plano pagdating sa paggawa ng bahay at mga buildings.

Ilang subjects ang natapos ng matiwasay. Mabuti nalang at hindi ako nastress sa kakaisip ng design. Pinagdrawing kami ng mga plano. Maganda naman ang kinalabasan kaya mabuti na din na ganon.

Sa wakas eto na ang pinakainaantay ko, uwian na. Sabay kaming naglakad palabas ng room ng makapag ayos na kami ng gamit. Dadalhin ko nalang ang gamit ko sa locker room para naman wala akong bitbit kinabukasan. Habang naglalakad, dala dala ko ang cardboard na ipapasa ko muna. Ayokong magusot dahil kailangan maayos ko itong ipapasa.

Nang makita ko ang proft's department ay nauna na kong naglakad papasok. Bumati muna ako sa mga teacher bago ako dumiretso sa lecturer namin. Nakangiti syang tumingin sakin.

"Miss, eto na po ang gawa ko.", simpleng sabi ko, nakangiti naman syang kinuha sakin ang cardboard na hawak ko.

"As always, maaga kang nagpasa Ms. Pangilinan."

"Of course, Miss. Time is gold at ayokong magsayang ng oras.", nakangising sagot ko.

"Well then, very good. Keep it up, Miss Pangilinan. You're one of the best student and also dean's lister", papuri nya sakin.

"Thank you Miss. Can I go out? Mauuna na po ako Miss", pormal na paalam ko.

"Go ahead. Take care Miss Pangilinan", yun lang at lumabas na ko ng Archi department.

Nakataas ang kilay ko nang humarap ako sa mga kaibigan ko. Hindi pa sila nakakagawa dahil daldalan ng daldalan kanina. As always, dean's lister ako kaya kailangan ko panatilihin yon to make my parent's proud.

"Bow down to the queen of dean's lister.", pang aasar ni Cale. Nakangisi namang nanggatong si Tyler habang nakatingin kami sa isat isa.

"I'm sure magiging proud pa lalo sayo ang parents mo. Dean's lister ang anak nila. I'm sure pati kuya mo proud na proud sayo"

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Kuya ba kamo? Never naman naging proud sakin ang parents ko well except Mom. But Dad, whatever I fucking do, he'll never appreciate my efforts.

"Una na ko. Gusto ko nang umuwi", wala sa mood na paalam ko sa kanila bago ko sila talikuran. Napabuntong hininga ako ng marahas. Kailan nga ba magiging proud ang mga magulang ko.

Kailangan nga ba nangyaring sinabi nila sakin na proud sila sakin? Ang anak lang nyang lalaki ang nasabihan ni Daddy kung gaano ito kaproud sa kanya.

Bumalik lang ako sa sarili ko nang marinig kong may tumawag sakin. Nang mag angat ako nang tingin, nakita ko ang tatlong lalaking diretsong nakatingin sakin. Tipid ngumiti ang tatlong ito.

"Hi Tatiana", bati nung isa. Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako. Di naman nakakapagtaka dahil Queen bee ako dito.

Tinaasan ko sila nang kilay bago bumaling sa dalawa nyang kasama. Tipid ngumiti ang isa habang ang nasa gitna naman nila ay nakangising tumingin sakin mula ulo hanggang paa. Aba, mukhang matapobre tong lalaking to ah.

"Bro, wag mong tingnan ng ganyan si Tatiana",saway na bulong nung katabi nito sa may kanan sa kanya.

"Ahh Tatiana, pasensya ka na sa kaibigan namin ah.", nahihiyang paghingi ng paumanhin sakin

Ngumisi ako ng nakakaloko roon sa gitna nilang lalaki. Nagtaas naman ito ng kilay sakin bago tingnan ang mga katabi nya at nang mapagtantong sa kanya ako nakatingin ay mas lalo syang nagtaas ng kilay sakin na para bang sinasabing 'anong tinitingin tingin ko' pero wala akong pakialam.

"Zachary, right?", tanong ko don sa lalaki.

"Oo bakit? At kung hindi ako nagkakamali ikaw si Yvonne diba?", tinaasan ko sya ng kilay. Walang tumatawag sakin nyan!

Sumama ang tingin ko sa kanya. Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila ng isang to. Nakakaamoy ako ng pagka play boy nya.

Lumapit sakin ang dalawang kaibigan nito at mukhang kinakabahan pa nga. Hindi naputol ang tingin ko sa kaibigan nila.

"Tatiana, pasensya na talaga sa kaibigan namin. Pagsasabihan nalang namin sya. Hayaan mo at kami ng bahala-"

"Anong karapatan mong tawagin akong  Yvonne, Zachary hmmm?", masungit na tanong ko sa kanya. Hindi ko inintindi ang presensya ng kaibigan nila na halatang kinakabahan na.

"Ooohhhhhh ang Queen bee ng play girl, ganito pala magalit? Pakitaan mo pa ko Yvonne. I want more", nakangising pang aasar nya pa. Matalim ko syang tiningnan.

"Iwan nyo muna kami", marahan kong baling sa mga kaibigan nya. Nag aalangan pa silang tumingin sa kaibigan nila bago bumaling sakin. "I said, iwan nyo muna kami"

"O-Oo, Tatiana. Pasensya na talaga.", tumango pa sila bago bumaling muli sa kaibigan nila. "Bro, una na kami."

Yun lang at naglakad na sila palayo samin. Lumapit sakin si Zach at nakangisi kaming tumingin sa isat isa.

"Don't come near me", madiing utos ko sa kanya. Kinagat nya ang pang ibabang labi nya para maitago ang pagngisi nya.

"Bakit? Natatakot ka bang mafall sakin, hmmm?", lumapit pa sya hanggang sa ilang dangkal nalang ang layo namin sa isat isa.

"Ang lakas din naman ng bilib mo sa sarili mo. Hindi ako mafafall sayo. Hindi kita type", nakataas na kilay na pagpapaalam ko sa kanya. Aba, hindi ko sya type noh!

Tumawa naman sya na para bang nang aasar. Nang makuntento ay ngumisi sya sakin at akmang hahawakan ang braso ko nang umiwas ako.

"Play girl ka at maganda ka. Ang kaso nga lang, hindi din kita type. But we can work out for that, yeah?", natawa naman ako na para bang may clown sa harap ko. Nakakatawa talaga sya, nagagawa nyang lokohin at paniwalaan ang sarili nya. Mukhang may bagong biktima na naman ako.

"You're funny. Wag mo kong susubukan at baka ikaw ang mahulog sakin", makahulugang tugon ko sa kanya.

Just a little charm and sweet words and damn! Nagawa ko na ang plano ko. Simpleng 3 magic words lang, hulog na agad sila.

"Wag mo din ako susubukan Yvonne, hindi ako ang lalaking inaakala mo", nang lumapit sya sakin ay nakangisi syang gumilid sakin.  Ang hilig ngumisi nito. Abnormal ba to?

"See you again, Yvonne", nang makaalis na sya, ay hindi ko mapigilang mapangisi at makabuo na naman ng plano sa isip ko. Humanda ka saking lalaki ka.

Naglakad na ko papunta sa parking, sa kotse ko. Uuwi na ko sa condo ko. Ayoko munang umuwi sa bahay dahil paniguradong sesermonan lang ako non.

Sa tuwing umuuwi ako ng bahay, lagi nalang yung anak nya sa labas ang mabuti sa paningin nya. Wala na kong nagawang tama, kaya napagdesisyunan ko na bumili na ng condo para naman hindi ko kailangan ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila. Si Mama lang ang nakakaintindi sakin, si Daddy naman ay laging mali ang nakikita sakin.

Nakarating ako sa labas ng condo ng matiwasay. Pinark ko muna yon at siniguradong maayos na bago bumaba ng kotse. Hilux red ang kotse ko. Tinted din ang pinili ko dahil mas gusto kong hindi ako nakikita sa loob ng kotse. Madalas kasi pinapasundan ako ni Daddy, kaya naman para hindi ako matunton, pinagawa kong tinted ang mga salamin ng kotse ko.

Naglakad na ko papasok sa condo at pinindot ang elevator. At ilang minuto lang ay bumukas na yon. Pinindot ko ang 6th floor kung saan ang floor ng condo unit ko.

Prente akong naglakad palabas ng elevator. Dulo kasi ang condo unit ko pero hindi naman ganong kahaba ang lalakarin ko.

Kinuha ko ang susi nang condo unit ko nang nasa tapat na ko ng kwarto ko. Pinasok ko kaagad yon at pumasok. Hinubad ko ang sapatos ko at nilagay sa gilid  ng pintuan ng  maayos.

Nagshower muna ako bago magbihis ng pantulog. Napapabuntong hininga nalang akong nagbihis ng matapos na akong magshower.

Miss ko na si Mommy. Hindi ko lubos maisip na mangyayari to sa pamilya namin. Wala namang perpektong pamilya pero sumobra naman ang problema ng pamilya namin.

Hindi ako nagdalawang isip at dinial ko ang number ni Mommy. Gusto ko syang makausap, gusto kong marinig ang boses nya.

Isang ring palang ay pinick up na agad nya ang tawag ko. Ngumiti ako ng tipid habang hinihintay ang boses nya sa kabilang linya.

"Hi Mom. How are you?", nakangiting tanong ko nang hindi magsalita si Mama.

"Kailan ka ba uuwi anak? Miss na kita", madamdaming sabi nya.

"Sa sabado po, Mom. Uuwi po ako para sayo. Miss na miss na kita Mom"

"Magbati na kayo ng Daddy mo. Hindi ka na namin nakakasama. Nandito din ang kuya mo. Hinahanap ka lagi"

"Mom, imposible ang sinasabi nyo. Mainit na talaga ang dugo sakin ni Daddy. Alam nyo namang si Grayson lang ang itinuturing nyang anak.",pagsasabi ko ng hinaing ko. Totoo naman, kailan nya ba ako nakita bilang anak nya?

"Anak, alam mong hindi totoo iyan. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo. Don't ever think that your father doesn't care about you, because he is. He's your father for pete's sake anak",I got worried when Mom broke her voice. I want to say sorry, but for what? Iyon ang pinaramdam sakin ni Daddy. My step brother,Grayson, has all the favors of Dad. And me, blaming for all the headache he got from work. Ako ang sinisisi lagi kapag stress sya. Saan naman ako lulugar?

"D-Don't cry mom. Sige ka iiyak din ako", pagbibiro ko sa kanya. Natawa naman sya ng mahina na ikinangiti ko.

"Sige na Ma. Magpapahinga na po ako. See you on Saturday.", pag iiba ko ng usapan. Ayokong pag usapan yon dahil hindi ko pa matanggap hanggang ngayon.

I heard her sigh before she speak."Alright baby. I love you",malambing na aniya. Napangiti naman ako dahil don. Damn I really missed my Mom!

"I love you too,Mom",yun lang at binaba ko na ang tawag. Ngumiti ako ng tipid,kahit pilit man yon.

Mabuti pa si Mommy naaappreciate mga efforts ko, samantalang si Dad, failure ng tingin sakin. Actually solong anak nya ako kay Mom. May anak si Dad sa labas.

Yes, he cheated on Mom nung nalaman nyang buntis si Mom and worst nauna pang nabuntis yung babae ni Dad kesa kay Mom. Kinamumuhian ko si Dad kaya umalis ako samin at bumili ng sarili kong condo unit. Galit na galit ako kay Dad dahil hindi nya manlang naisip noon na may asawa na sya. He still cheated and make that woman pregnant!

Grayson Marquez Pangilinan is the name of my half brother. Yes,gamit nya ang apilido ni Dad and he let it happen. Si Dad mismo ang kusang nagbigay ng apilido kay Grayson. Isang taon lang naman ang tanda nya sakin. I don't want to call him 'kuya' pero dahil pinagsasabihan ako ni Dad na igalang ang panganay nya, wala akong choice.

Asawa nga nya,hindi nya magawang igalang. Minsan lang umuuwi di Dad dati dahil mas inaasikaso nya ang panganay nya. Bata palang kasi non si Grayson at nauna syang lumabas kesa sakin. Mom is always end up crying. Pinagbubuntis nya pa ko non but Dad just ignored her. Paano nya nagawa yon kay Mom!? He's just a jerk!

Nagbasa nalang ako ng libro at nagpatugtog ng paborito kong mga kanta. Mahilig talaga ako sa music kaya nga isa akong vocalist sa school namin. I also play guitar and drums. Marunong din akong mag piano. Mom taught me that's why whenever she's sad, I always play music for her. I really love Mom kaya lahat gagawin ko para mapasaya sya kahit sa mga simpleng bagay.

I end up being a play girl because I want to know if magiging masaya ba ako pag may nakita akong nasasaktang mga inosenteng tao. Gusto kong iparamdam sa mga lalaki na hindi masayang mapaglaruan ng taong totoong nagmamahal sayo. Nakakagago sa totoo lang!

Zachary Matthew Fabian POV

Kakauwi ko lang ngayon sa condo unit ko at tinawagan ko ang mga kaibigan ko para uminom. I just want to know some information about Yvonne or also known as Tatiana Caden Yvonne Pangilinan. Yvonne ang tawag ko sa kanya dahil alam ko namang walang tumatawag ng ganon sa kanya. Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya non wala ng iba!

Simula ng makita ko sya kanina,para bang nakakita ako ng anghel. She's a goddess. Napakaganda,maputi,mahaba ang buhok,babaeng babae manamit,hindi maarte at higit sa lahat she has a beautiful eyes. The truth is, lagi akong nakatingin sa kanya. Hindi nya ako kilala kahit pa kilala ako bilang play boy.

"Bro,kanina ka pa nakangiti dyan. Ang creepy ah",pangangntyaw sakin ng kaibigan kong si Blake. Napapailing nalang akong uminom ng margarita.

"Dude, don't tell us na nafall ka na kay Tatiana?",natatawang tanong ni Blaxton.

"Kwentuhan nyo naman ako about sa kanya",pakiusap ko sa kanila habang nilalaro ang yelo sa baso na may lamang alak.

"Well Tatiana is the baddest girl around town. The queen of academics. The queen of play girl. She's the most beautiful and rich girl around campus. Her course is Architecture. ",Sinserong paglalahad ng nalalaman ni Blake habang umiinom ng whiskey. Napangisi naman ako sa mga nalaman ko. Play girl huh?

"Tama ba pagkakarinig ko? Play girl sya? And why is that,hmm?"

"No body knows. I don't know kung trip nya lang ba maging play girl or she has deep reason.",Biglang seryosong saad ni Blaxton.

"Bro, parang hindi mo naman kilala si Tatiana. Remember, you always saw her at lagi mo syang sinusundan. Patawa ka bro",pang aasar na dagdag pa ni Blaxton.

"H-Hindi ah",pagtanggi ko. Natawa naman sila na para bang nagjojoke ako.

"Scam ka bro. Baka nga matagal mo na syang gusto. Ayaw mo lang sabihin samin",pangangantyaw din ni Blake. Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Baka sila ang scam!

Bigla tuloy akong napaisip. Talaga nga kayang may matinding rason sya kaya sya naging play girl? O baka naman dahil gandang ganda sya sa sarili nya? No,no mukha namang wala syang pakielam sa itsura nya. Ni wala ngang make up,yun pa kayang magmaganda sya. Well,maganda naman talaga sya.

"I want to experience her being play girl. Pero paano? Mukha pa namang suplada yon. Paano naman ako mapapalapit sa kanya?",napapaisip na tanong ko. Nang tumingin ako sa dalawa kong kumag na kaibigan ay nakangisi na ito. Nagkatinginan pa muna silang dalawa bago tatango tangong parang nakaisip ng kalokohan.

"Laro tayo...dare.", nakangising suhestyon ni Blake. Kumunot naman ang noo ko sa kanila. Wala na kong choice kundi ang mag agree nalang dahil magmumukha naman akong kj kapag di ako sumali.

Umupo kami sa lapag dahil yon ang trip nila. Naglagay sila ng bote sa gitna namin bago magsalita at sabihin ang instructions ng laro.

"Okay ganito yon, kung sino ang matamaan ng bibig ng bote,sya ang idedare. Dating gawi.",pag eexplain nila ng mechanics. Mukhang alam ko na kung saan papunta itong larong to.

Pinaikot na ni Blaxton ang bote at napangisi naman ako ng tumapat yon kah Blaxton. Inis naman syang napakamot sa batok nya.

"Sino magtatanong?",tanong ni Blake.

"Ikaw nalang",nakangising suhestyon ko kay Blake. Napangisi din naman sya bago tumingin kay Blaxton na halatang kinakabahan na.

"Mag order ka ng pizza.. 5 box",mahina naman akong natawa sa dinare ni Blake kay Blaxton. Pagkain talaga ang dinare nya ah. Halatang gutom na.

Wala namang choice si Blaxton kundi kunin ang cellphone nya at magtipa don. Nang ilapag nya ang cellphone nya ay kunot noo syang tumingin samin.

Siya ulit ang nagpaikot ng bote dahil sya ang nadare. Nung tinuro ng bote si Blake,ang kaninang ngisi nya ay sumimangot. Maliit na tumawa si Blaxton bilang ganti kay Blake kanina. Tumingin pa muna sakin si Blaxton,nagtatanong ang mga tingin nya kung sino ang magdedare kay Blake.

Nang hindi ako mgsalita,ah si Blaxton na ang nagtanong kay Blake. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pagngisi ko.

"I dare you na itext ang kaibigan ni Tatiana na gusto mo sya"

"May boyfriend yon",pagpapaalala ko sa kanilang dalawa, pero parang wala silang pakielam.

Napangisi naman agad si Blake at agad na kinuha ang cellphone nya. Nagtipa tipa sya doon at halatang nag eenjoy dahil hindi maalis ang ngisi sa mukha nya.

"Done",nakangisi nyang ibinaba ang cellphone nya,at this time sya naman ang nagpaikot ng bote. Ang kaninang ngiti ko ay napalitan ng pagkaseryoso.

Kagaya ng kanina,nagkatinginan din sila bago magsalita si Blake. Nakangisi itong tumingin sakin. Halatang may naisip na kalokohan.

"I dare you to court Tatiana.", tuluyan ng naging blangko ang mukha ko sa sinabi nya. Oo, gusto kong maging close kay Yvonne pero hindi sa ganitong paraan.

"Someone's being serious bro",pagpuna ni Blaxton.

Inis ko syang tiningnan. "Shut up",inis na saway ko sa kanya.

"Yun na ang dare namin bro. What can you say about that huh?",nakangisi pading tanong ni Blake. Palihim kong naikuyom ang kamao ko.

"Bakit naman ganon ang dare pagdating sakin? Seryoso ba kayo don?",tanong ko.

"Of course. Bro parang di ka naman sanay  sa ganito. Trust me,Tatiana and you will be very close after this dare.", pagpapaliwanag ni Blaxton.

"Okay payag na ko pero anong gusto nyong gawin ko? Para malinaw lang", walang choice na tugon ko.

"Simple,kagaya ng dati...bawal mafall. May 1 month ka to do it. At sa one month na yon at kapag narinig mo sa kanya ang 3 magic words,aaminin mo na sa kanyang dare lang lahat to. "

Okay, here I go again. Bumalik na naman ako sa dati na maglalaro ng mga babae. Gagawin lang silang dare pero no feelings attached. Bawal mafall. Number 1 rule kapag nagdadare kami.

Pero sa kabilang banda,makakasama ko sya araw araw. All I need to do is to get her attention and her heart in a harsh way. Kung saan ang dahilan ay ang dare.

It's fine Zachary, all you need to do is not to fall for her. Ayokong matalo sa larong to kaya gagalingan ko. Kailangan ko lang tanggalin ang puso ko para maiwasang mafall sa kanya.

Bago pa man lumalim ang gabi,nagpaalam na silang pupunta na sila sa kanya kanya nilang condo unit. Oo,malapit lang naman sila dito sa condo ko. Nasa kabila floor lang ang kanila pero malapit pa din kami sa isa't isa. Yon kasi ang napagkasunduan namin since 1st year college.

Hinatid ko lang sila palabas ng pinto ng unit ko. Good thing,mataas ang tolerance namin sa alak kaya hindi agad nalalasing. Masisira na ang organ namin kakainom ng alak.

"Oh bro before I forgot",nakangisi na namang humarap sakin si Blake. Tinaasan ko nmn sya ng kilay habang si Blaxton naman ay nagpipindot ang elevator. "Galingan mo sa dare namin sayo. Mas magaling ka dyan,kaya galingan mo."

"Yeah, I know",sagot ko nalang. Tinapik nya muna ako sa balikat bago lapitan si Blaxton na naghihintay kanina pa ng pagbukas ng elevator.

Napabuntong hininga nalang akong pumasok sa loob ng unit ko at niligpit ang mga can beer. Oo,may can beer din dahil sa lakas mag inom ng dalawang yon. 10 can beer, 8 boteng margarita and 3 boteng whiskey. Ganyan kami kalakas uminom.

Nang matapos maglinis ng condo,nagpunta na ko sa kwarto ko at kumuha ng damit. Maliligo muna ako bago matulog. Magbabasa  pa kasi ako ng libro para naman may advance reading ako.

Habang naliligo ako ay pumasok sa isip ko kanina ang dinare sakin ni Blake. Tama bang pumayag ako? Bakit naman hindi ako papayag? Napapikit ako para hindi masilam ng sabon ang mata ko at  nakita ko ay si Tatiana. Ang ganda nya talaga at hindi naman nakakapagtaka na play girl sya dahil sa ganda nya. Model ba sya o artista? Hindi ko alam pero bagay sya don. Napakaganda nya at ang gaan ng aura ng mukha nya.

Nang matapos maligo,lumabas na agad ako ng rest room at nilagay ang twalya sa bewang ko habang ang isa naman ay pinapampunas ko ng buhok ko. Habang nagpupunas ako ng buhok ay napatingin ako sa cellphone ko nang biglang magring yon.

Kunot noo kong sinagot yon. Nilapag ko muna sa balikat ko ang twalya na pinapampunas ko sa buhok ko.

Nang sinagot ko na iyon ay niloud speaker ko lang yon at hindi nagsalita. Hinintay kong may magsalita sa kabilang linya.

"When are you going home? Isang taon ka nang di nagpapakita samin.",bungad sakin ni Dad. Napabuntong hininga naman ako bago magsalita.

"Dad,not now. I'm busy with my studies. Graduating student na po ako",baritonong boses na sagot ko.

"When will you grow up huh? Hindi ka na bata para paalalahanan pa kung anong dapat mong gawin.",inis na pangangatwiran ni Dad.

"Dad, I know what I'm doing. Kagaya nga ng sabi mo,hindi na ako bata so please. Just trust me. Hindi ko naman pababayaan ang negosyo e."

"Damn it!",sigaw ni Dad sa kabilang linya. Narinig ko pang may nabasag na anuman bago muling magsalita. "Siguraduhin mo Zachary dahil ayokong mapunta lang wala lahat ang pinaghirapan natin sa matagal na panahon!"

Nappabuntong hininga naman ako bago marinig ang pagpatay ng tawag sa cellphone ko,tanda na binaba na ni Dad ang tawag.

Pinayagan ako ni Dad na mag aral ng Engineering dahil isa din yon sa mga business namin. Balak ko sanang maging piloto pero sabi ni Dad kalokohan lang daw yon. Yeah, he doesn't support me for what I want, instead he wants me to do what he wants.

Dito lang ako nagiging malaya, whenever I'm with my friends and in school. Kapag naman nasa bahay ako, walang ibang bukambibig si Dad kundi ang negosyo. Halos hatiin ko na ang katawan ko para lang magawa ang gusto nya at ang kailangan kong gawin, ang mag aral.

Engineering ang second choice ko dahil ang gusto ko talaga ay maging piloto. Pero dahil nga si Dad ang laging masusunod,I have no choice.

Nagbihis na ako at nahiga sa kama ko. Sinubukan kong magbasa ng libro pero wala don ang atensyon ko. Iniisip ko yung dare sakin ni Blake at etong pagpepressure sakin ni Dad sa negosyo. Feeling ko kapag hindi ko nagawa ang dalawang iyon, failure ako.

Nakatulugan ko na ang pag iisip kaya nagising ako kinabukasan dahil sa alarm ko. Tuesday lang ngayon at maaga ang pasok ko.

Tumayo na ako at kinuha ang twalya ko. Kailangan ko ng maghanda para pumasok sa school dahil paniguradong nag aantay na ang dalawang tukmol na kaibigan ko.

Nang tapos na ko maligo, lumabas na ko sa comfort room na nakatapis sa bewang ko ang twalya habang ang isang twalya naman ay pinapampunas ko sa leeg ko.

Nang makapagpatuyo na ako ng katawan ko, nagbihis na agad ako. Ayokong malate dahil bukod sa graduating student na ko ngayong college, never pa kong nali-late. I need to prove myself to all of them,especially to my family.

Nang makapagbihis na ko ay binitbit ko na din ang black back pack ko habang sa kanang kamay naman ay susi ng kotse ko. Habang naglalakad palabas ng unit ko, nagpabango ako at sinuklay ang buhok ko. Hjndi ako mahilig mag gel kaya ganito lang lagi ang set up ko.

Naglalakad na ko ngayon paphnta sa elevator. Pinindot ko ang ground floor ng makapasok ako sa elevator pero bago magsara iyon, nakuha nang atensyon ko ang isang babae na prenteng naglalakad at napansin ko tin na parehas kami ng uniform. White uniform ang nasa loob ng itim kong coat habang naka red na neck tie. Sa babae naman ganon din pero pang babae lang ang red neck tie nila. Painfinity yon habang may isang maliit na butones na design ang neck tie nila. Black pants ang panlalaki habang ang pang babae naman ay black shirt. Above the knee yon.

Pamilyar sakin ang babae pero hindi ko alam kung saan ko sya nakita. Baka namamalikmata lang ako. Nang tuluyan nang nagsara ang elevator, tinuon ko na ang atensyon ko sa pag iisip kung paano ko ba sisimulang pormahan at mapalapit kay Yvonne. Don't get me wrong pero alam kong Tatiana ang tawag sa kanya. Mas gusto ko lang talaga syang tawging Yvonne dahil wala namang tumatawag sa kanya nang ganon. Unique lang kumbaga.

Nang tumunog na ang elevator. Sinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko habang pinapa ikot ikot ang susi ng kotse ko sa kamay ko. Nagllaakad na ko ngayon papunta saparking kung saan nakapark ang kotse ko. Pinatunog ko na iyon at nakita kong umilaw ang kotse ko. Naglakad na ko palapit at binuksan ang pintuan. Prente akong pumasok sa loob at inalis ang bag ko sa balikat ko. Nilagay ko iyon sa passenger seat. Pinasok ko na ang susi ko sa susian at binuksan ang engine. Prente akong nagdrive papunta sa school. Sadyang ayokong malate dahil paniguradong kakantyawan na naman ako ng mga kaibigan ko na pagong.

Ilang minuto lang din at nakarating na ko sa school. By the way, nag aaral ako sa UST. Mas malapit kasi dito ang condo unit ko. And my parents is friend of the owner of it.

Ipinark ko muna ang kotse ko bago bumaba. Dito ako nagpapark sa the usual na pinagpapark-an ko. Malapit lang to palabas sa gate kaya kampante ako. May mga gurads din na nagbabantay sa labas kaya safe dito.

Nang lumabas na ko sa kotse ko, nakasukbit ulit ang bag ko sa kanang balikat ko habang ang susi naman ng kotse ko ay nasa bulsa ng pantalon ko. Habang naglalakad nililibot ko ang paningin ko sa paligid, tinitingnan kung nauna na ang mga tukmol o nauna ako. Nandito ako ngayon sa garden nang school kung saan nag p-PE ang mga estudyante. Nagpalinga linga ako pero sa halip na mga kaibigan ko ang makita ko, nahagip ng mga mata ko si Yvonne! Kinagat ko ang pang ibabang labi ko, pinipigilan ang nagbabadyang ngiti ko.

Habang naglalakad ako palapit sa kanya, pinagmamasdan ko syang mabuti. Naka earphones sya ngayon habang nakapikit. Bumubuka din ang bibig nya, para bang kumakanta o may kinakausap. Hindi nya napansin na nasa tabi nya na ko at matiim na nakatingin sa kanya.

"Common be my love, common be my love baby",pagkanta nya pa. Maganda ang boses nya. Mala anghel ang ganda non kagaya nya.

"I can be your love and baby if you want",sagot ko sa kanya. Nang mag mulat sya ng mata ay halatang gulat ito dahil nanlaki ang mata nya nang tumingin sya sakin.

Tinanggal nya ang ear phones nya at tinago sa bag nya. Ang cute nya pala kapag ganito sya. Pero hindi parin nawawala ang poise nya. Mahinhin pa din at babaeng babae kung kumilos.

Nang maayos nya ang sarili nya, umiwas sya ng tingin sakin. Para bang gusto kong matawa sa reaksyon nya. Ang cute nya kasi.

"Anong ginagawa mo dito?",utal na tanong nya. Napangisi naman ako ng palihim dahil don.

"Nakita kita dito kaya pinuntahan kita.", simpleng sagot ko. "So, ano nga ulit yung sabi mo kanina?",nang aasar na tanong ko. Nakita ko ang ilang paglunok nya dahil don. So cute!

"K-Kumakanta ako",maikling sagot nya.

"Your voice is angelic just like your face", papuri ko sa kanya. Nakangisi naman syang tumingin sakin at tumayo sa kinauupuan nya.

"Yeah? Are you flirting with me hmm?", nakangising tanong nya. Umayos ako ng tayo at hinawakan ang strap ng bag ko. Tumikhim muna ako bago sumagot.

"It's too early for that Yvonne. No one's gonna think to flirt with you when the sun is rise",seryosong sagot ko sa kanya. Nawala ang ngisi nya dahil sa sinabi ko.

Nangunot naman ang noo nya at narinig ko ang pag ngisi nya. She looks like innocent yet, baddest girl. She looks like walking red flags.

"Don't you dare flirt with me Mr. Zachary. Baka ikaw ang mahulog sakin nang wala sa oras.",nakangising banta nya pa. Para bang seryosong seryoso sya don. Seryoso nyang nilagay sa balikat nya ang bag nya bago tumayo. Walang emosyon  syang tumingin muli sakin at nakipaglabanan naman ako ng tingin sa kanya. She looks deeply serious about everything, except sa love and relationships.

"Till next time Mr. Fabian",aniya bago marahas na inalis ang tingin sakin at naglakad papunta sa room nila.

Tumikhim muna ako bago naglakad papunta sa room namin. Hindi ko makita ang dalawa dito kaya papasok nalang ako sa loob ng room namin. Feeling ko hindi ko naachive ang dare nila sakin. This is the first time, I felt failed sa mga dare nila. Lagi ko kasing nagagawa ng tama yon at hindi ako nahihirapang ligawan at pasagutin ang mga babae pero si Yvonne, she looks difficult to reached. Ang hirap basahin ng isip nya dahil bawat galaw ko, mukhang alam na nya kung anong pakay ko. Paano ko naman ba magagawa ng tama ito? Ni hindi ako makakakilos ng naaayon sa dare nila.

Nang makapasok ako sa room namin, nakita ko na agad ang dalawang tukmol sa unahan. Nasa harapan kasi kami nakaupo kaya kita agad kung may paparating na teacher.

Nang makaupo na ko sa upuan ko, para bang mga tanga tong mga kaibigan ko dahil nakangising aso ang tingin sakin. Seryoso akong tumingin sa white board, ignoring their presence.

"Ang aga aga kumikilos ka na ah. Ano kamusta? Nagawa mo na aba ang first move mo kay Ms. Pangilinan?", tanong ni Blake. Nang tingnan ko sya, nakangisi sya sakin na para bang namimikon.

"Bro kamusta? Napapaamo mo na ba? Close na ba kayo? Kayo na ba o liligawan mo palang? Kamusta?",sunod sunod na tanong ni Blaxton. Mabuti nalang at nandito ako sa bintana at hindi sa gitna nila. Tatluhan kasi ang upuan sa unahan habang sa pangalawa hanggang pang pitong row, 6 na ang upuan.

Sinamaan ko sila nang tingin. "Ikalma nyo yang bagang nyo. Maghintay lang kayo. Kakasimula palang ng araw, yan na agad tanong nyo? Nagmamadali ba kayo?",inis na singhal ko sa kanila. Nagkatinginan ang dalawang tukmol at mahinang tumawa.

"Wag kang mag alala bro. Sa lahat naman ng lalaki ganyan yan si Ms. Pangilinan. Pwera nalang don sa kaibigan nyang si Tyler. Boyfriend yon ni Cale, yung bestfriend nyang babae.",ani ni Blaxton.

Hindi na ako nagsalita dahil dumating na din ang head teacher namin. First subject namin si Mr. Castudio. Teacher din sya sa Architecture. Nagtuturo sya sa mga Engineering at Architecture students. Mabuti nga at hindi nalilito si Sir sa mga tinuturuan nya.

Matiim akong nakikinig, ganon din ang dalawang kaibigan ko. Buti nga at pagdating sa klase seryoso sila. It's good to be their friends. Pag aral, aral lang talaga walang kalokohan.

Don't worry Ms. Pangilinan, makukuha ko din ang loob mo. Ngayon parang nagugustuhan ko na ang dare ng mga kaibigan ko sakin. Pagbubutihin ko hanggang sa makuha kita.