webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Teen
Not enough ratings
45 Chs

|8| Upside down

Faith's Point of View

Hindi ako mapakali sa upuan, ilang minuto na kaming naghihintay sa labas ng kwarto ni tatay dito sa ospital. Hindi na kumikibo sa'kin si nanay, si Stay naman ay mukhang malalim ang iniisip habang nasa tabi ko.

"Nay!" sigaw ng isang matangkad na lalaki, tumatakbo ito palapit sa'min.

"Kuya!" Agad akong tumayo at niyakap s'ya. Niyakap naman n'ya ako pabalik.

"A-anong nangyari?"

S'ya ang kuya ko. Si kuya Fin, isa s'yang manager sa restaurant at nakabukod na ng bahay. Workaholic s'ya at hanggang ngayon ay wala pa ring balak na magasawa.

Pinaliwanag na ni nanay ang nangyari, na na-heart attack si tatay. Kinwento na rin ni nanay na na-kicked out ako sa school. Kinabahan ako nang tumingin sa'kin si kuya at lumapit. "Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong nito sa'kin.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya. Napama-alalahanin n'ya sa'kin. Kahit ako na ang puno't dulo ng nangyari ay hindi pa rin s'ya nagalit at mas inalala ang kalagayan ko. Tumango ako at pilit na ngumiti.

Lumingon kaming lahat dahil sa pagbukas ng pinto. Tumambad sa amin ang doctor at nagsalita. "A-as of now, he's fine. But he needs to take medicine." Pero sa tono ng pagsasalita n'ya ay parang may mali. Nakita ko namang lumuwag ang paghinga nila kuya. "By the way, Ms. Faith, pinapatawag ka ng papa mo."

Napalunok ako sa narinig. Nagsimula ulit akong kabahan. Paanong nalaman ng doctor ang pangalan ko? At bakit naman ako kakausapin ni tatay? Walang pag-aalinlangan akong tumayo at pumasok sa kwarto.

Halata sa itsura ni tatay ang panghihina at pamumutla, but he managed to smile as I went to his room. Kinakabahan man, ay huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya.

"Tay..."

"Alam mo anak..." Tumingin ako sa kaniya. Ang boses n'ya ay hindi na tulad ng dati, may halo itong panghihina. "S-simula ng umalis ka sa bahay, nangulila ako sa pagtili mo tuwing umuuwi ako ng bahay."

"T-tatay naman..." Nakaramdam ako ng kunsensya at panghihinayang. Matagal ko nang hindi iyon nagagawa simula ng mag-college ako.

"Hindi ko na nayayakap ang maganda kong anak..." Tumingin ako sa itaas para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Bakit ba napaka iyakin mo, Faith?

It really hurts me everytime I saw my father suffering.

"I-i'm sorry tay... P-promise, gagawin ko ulit 'yon pagkauwi natin dito." Pilit akong ngumiti habang punong puno na ang mata ko ng luha. Gusto na nitong bumagsak.

Pigilin ko man, bumagsak ang mga ito nang dahan-dahang umiling si tatay sa sinabi ko. "Hindi na anak, hindi na kaya ni tatay." Lalo pang nadagdagan ang mga luha ko, nanginginig ang tuhod ko at parang gusto kong bumagsak.

Agad kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko. "W-wag ka naman magbiro tay, ang sabi ni doc, okay ka na... Uminom ka na lang ng---"

"Ang dami kong hindi naibigay sayo anak..." Sa boses n'ya ay malapit na s'yang umiyak. "S-sorry," pagkasabi ni tatay niyon ay humagulgol ito.

"Tay naman, ang dami mo ng luho na binigay s-sa'kin, halos ibigay mo na sa'kin lahat, kaya wag n'yong sasabihin 'yan, ha?" pilit kong tinatagan ang aking boses kahit walang tigil na bumabagsak ang mga luha ko.

"Wala akong maipama-mana sayo, anak." Unti unti na s'yang nauubusan ng boses dahil sa pagiyak.

"Sorry, tatay..." Pinahid ko ang aking mga luha. "H-hindi ako nakapagtapos ng college..."

"Basta ang tatandaan mo, anak, proud na proud ako sa'yo." Ngiting sabi ni tatay. "Patawarin mo si tatay kung hindi ko naibigay ang kalayaan mo..."

Walang tigil ang pagtulo ng luha ko. Kahit pigilin ko iyon lahat, kusa itong bumabagsak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Para bang gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lamang ang lahat. Pero kahit sampalin ko man ang sarili ko, hindi maitatangging nasa realidad ako ng buhay.

Tatay, I'm sorry...

"Patawarin mo ang nanay mo, ha anak? Mahal na mahal ka namin..." Humagulgol si tatay. Alam kong hindi na n'ya kaya, alam kong wala ng pag asa, pero mayroon pa ring kung ano sa puso ko na umaasa na kaya pa ng tatay ko.

"Faith, anak..." Hinawakan n'ya ako sa pisngi na lalo kong kinaiyak. Ayaw ko pang magpaalam, tatay. "Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal kita, tatay." Umiyak ako ng umiyak sa harapan n'ya habang hawak ang kamay niyang nasa pisngi ko. "Sorry, sorry po, tatay. P-patawarin n'yo po ako, please, 'tay, h-hindi ko kaya," sabi ko at humagulgol.

Mapait itong ngumiti sa'kin. "Pasensya na, anak... Alam kong hindi ko na kakayanin..." Umiling ako ng maraming beses. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay n'ya.

Mananatili sa'kin ang masasayang ala-ala natin, noong magkakasama at masaya pa tayong lahat...

"Pero mahal kita, anak. H'wag na h'wag mong kakalimutan."

"O-opo!" Pinahiran ko ang aking mga luha. "Mas mahal kita, tatay." Pinilit kong ngumiti kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Ngumiti rin si tatay pabalik sa'kin.

Pumikit ako ng ilang sandali at hinawakan ang kamay n'ya. At sa pagmulat ko, unti unti nang pumipikit ang mga mata ng tatay ko.

"Tay, tatay!" Malakas akong humagulgol at niyugyog s'ya. Masakit isipin na hindi ko na marinig ang paghinga n'ya, pero wala na akong magagawa.

Mamahinga na ang ama ko. Ang masipag kong tatay, na kahit kailan hindi ako pinabayaan. Ang inaabangan kong umuwi tuwing hapon, ang naging kaibigan at kalaro ko nang mamulat ako sa mundong ito.

"Anong ginawa mo!" Nanggagalaiti sa galit si nanay habang kakapasok lamang ng pinto. "Walang hiya ka!" Inilayo ako ng aking ina kay tatay at niyakap ito. Si kuya ay nakasunod sa kaniya habang umiiyak.

Lumapit naman sa'kin Stay. "W-what happened?" kinakabahang tanong ni Stay. Wala na akong nagawa kundi yumakap sa kanya at ibuhos lahat ng luha ko.

"Pinatay mo ang tatay mo! Walang hiya ka talagang babae ka!" Hindi ko inasahang mangagaling iyon sa'king ina. Hindi pa ako bingi, at hindi rin ako nagkakamali ng rinig.

Para sa kanya, pinatay ko si tatay...