webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Teen
Not enough ratings
45 Chs

|43| Final Chapter

| FAITH'S POV |

Nawala ang huling lalaking minamahal ko.

Si tatay...

Si kuya...

At s'ya.

Wala na akong nagawa kundi yakapin na lamang ang picture ni Stay nang unti unti na s'yang ibaon sa lupa. Kasunod no'n ay ang paglaglag ng mga rosas. Tahimik akong humikbi habang pinapanood na magpaalam ang mga nakikiramay sa labi n'ya.

Maraming taon man ang lumipas, hinding-hindi ko malilimutan ang mukha n'ya... Kung paano s'ya ngumiti, tumawa at mang-asar. Hinding hindi ko pagsasawaan kahit kailan ang mukhang 'yon.

Ang dami dami kong pinagsisihan pero ang makilala s'ya ang hindi.

"S-salamat ha, hindi mo... kailanman iniwan ang anak ko..." Tita Stella says with her crack voice.

Niyakap ko s'ya, niyakap rin kami ni Stacey. Ilang sandali lang namin yon ginawa dahil nilapitan na ako ni Samuel. I still thank him for his consideration.

"B-babalik po ulit ako, asahan n'yong nasa tabi n'yo lang po ako lagi," sabi ko sa mag-ina sa katamtamang lakas na hindi maririnig ni Samuel na ngayon ay nasa likod ko lang. Pinahiran ko na ang luha ni Stacey bago kami umalis. "Remember what I said, k-kuya won't be happy if he sees you like that."

Tuloy pa rin sa pag-iyak si Stacey, pero ngumiti s'ya. Niyakap n'ya ako ulit at nagpasalamat. Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman n'ya dahil katulad n'ya, nawalan rin ako ng nakakatandang kapatid.

Sa puntong ito ng buhay ko, hindi ko alam kung kaya ko pa bang ipagpatuloy ang lahat ng wala s'ya sa tabi ko.

---

Galing sa sementeryo, dinala ako ni Samuel sa seaside. Pero kahit seven years na kaming magkasama, hindi n'ya pa rin pala alam na may takot ako sa anumang lugar na occupied ng tubig.

Kung siguro si Stay ang kasama ko, idadala n'ya ako sa park.

"Alam ko," panimula ni Samuel habang nakatingin sa dagat.

"A-alam ang alin?" My voice is crack again. Mugto pa rin ang mga mata ko dahil gabi-gabi, at araw-araw akong umiiyak.

"That he's not your brother at first when we met." Napatingin ako sa kan'ya. Magsasalita na sana ako pero naunahan n'ya na kaagad ako. "Tuwing sinusundo ka n'ya sa DSU, I noticed he was eyeing me. And when I started to date you, he once asked me who am I. And I said that I like you... A lot. At first I thought he'll warn me... But what he said got me."

"A-ano?"

"He said... You know what? I hate giving up the things that I really like. I was born to achieve what I want. I will not say that I'll give her to you... Because at first... She's not really mine. Just take better care at her, and once she say something that makes her turn off... Then I'll do everything to make her mine."

Hindi ko namalayang tumulo na naman ang mga luha ko habang ini-imagine ang sinasabi ni Samuel.

"And once she say something that makes her turn off... Then I'll do everything to make her mine."

"I revealed my real age... He almost spitted, nahulog n'ya pa nga 'yung baso."

"What the fuck is that man?" He coldly said.

What Stay and I had talked about came back to my mind. And it hurts... It hurts to remind what we had before.

Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Naiintindihan ko na kung bakit n'ya nagawang umamin kahit wala naman talaga s'yang balak...

---

Gabi na rin kami nakauwi dahil kumain pa kami sa isang resto. Nasa tapat na kami ng bahay ko, bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang bigla s'yang magsalita.

"W-will you... accept if I'll propose to y-you for the tenth time?" Tinignan n'ya ako sa mga mata at hindi ako nagpatinag roon. His voice is crack too. Hindi ko napigilan maawa dahil puno pa rin ng pag-asa ang mga mata n'ya.

Dahan dahan kong inangat ang kamay ko na may suot na singsing. "T-this..." Fuck. I sighed before continuing to speak. "Sa B-bali..." My tears begin to fall again. "I-i'm sorry, Samuel. I'm sorry for cheating on you... A-and I won't lie, b-because for the last seven years..."

"... For the past seven years, I'm still into him." Finally, I say it. "We got engaged in Bali... I didn't regret everything from that day. I-i just fulfill what I had promised when we broke up... That I'll come back and marry him. We met in the airlines... And there, my feelings get back, and it became stronger. I know it was my fault... I-i'm sorry for what I have done."

Lalo akong nakaramdam ng awa nang makita kong tumulo ang mga luha n'ya. I didn't deserve this man... He just love me with all of his heart...

"B-bakit sa'kin hindi mo nagawa?"

"I-i'm sorry but I can't remove this ring just for yours... Ito na lang ang pinaka-magandang alaala at patunay ng pagmamahalan naming dalawa. And I'm sorry... I'm sorry if I can't take yours, forever."

I will only wear one ring... And that is what Stay gave me in Bali.

"A-are you breaking up with me?"

I slowly nod, with my tears in my cheeks because of guilt and pity.

"I-i'm sorry... Patawarin mo ako kung nagawa ko man sa'yo 'to, s-sana mapatawad mo ako..."

Tumango s'ya at ngumiti. "Naiintindihan ko... but can I ask a favor?"

"W-what is that?"

"Just let me be with you sometimes... Makasama lang kita kahit ngayon, nasasaktan na ako tuwing nakikita kita. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, handa akong masaktan basta makita lang kita... K-kahit minsan lang."

Then I nod.

"S-sure... In the past seven years, n-napalapit na rin ako sa'yo. And I think... Closure will make you to move on," I said then smiled to give him hope.

Ngumiti s'ya pabalik. Pinunasan na n'ya ang luha n'ya. "Pumasok ka na sa loob, hinihintay ka na ni Mama." Nakangiti pa rin s'ya.

Ngumiti ako, pero bago lumabas ay nagiwan ako ng mga salitang alam kong magpapagaan ng loob n'ya. "Samuel... Salamat. Salamat sa pagpaparamdam na kamahal mahal pa pala ako kahit na marami akong kamalian sa buhay, thank you dahil naiparamdam mo sa'kin ang bagay na 'yon. And don't worry... God has a plan for you... I-i'm sure you'll met a woman who's greater than me. Thank you... I love you."

"I love you so much, Faith."

---

"Nay," bungad ko sa kan'ya pagkapasok ko ng bahay. Naabutan ko naman s'ya na nanonood ng TV. "Kumain ka na?"

"Oo, anak. Kumain ka na, kumusta libing sa kaibigan mo?"

Natigilan ako sa paglalakad. Hindi ko pa rin magawang sabihin sa kan'ya na boy friend ko si Stay, hanggang ngayon... Kasi gustong gusto na n'yang--

"Alam ko malungkot ka... Kumusta naman kayo ni Samuel? Hindi pa ba kayo ikakasal? Diyos Ko, alam mo namang ang swerte mo na kay Samuel, ano." Tapos ay ngumiti s'ya na parang nang-aasar.

Katulad ni Samuel, gusto na n'yang ikasal kami.

Umupo ako sa tabi n'ya. "Nay, alam mo naman hindi ba? Hindi pa ako ready... G-gusto ko munang--"

"Gusto mo munang mag-travel? Maka-ikot sa buong mundo? Ay Diyos Ko, anak... Saulo ko na 'yang rason mo. Halos maikot mo na-- pati nga kasulok-sulukan ng mundo, napuntahan mo na. Ikasal na lang sa isang guwapo, mayaman at abogadong lalaki, ayaw mo pa rin? Ano ba 'yan, anak."

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi n'ya. Wala na akong maidahilan. Hindi ko na alam kung ano pa bang pwede kong ipalusot. Siguro kailangan ko nang sabihin sa kan'ya na naghiwalay na kami ni Samuel.

"Nay... Kakahiwal--"

"Matanda na ako, Faith... Madalas ng sumakit ang mga kasu-kasuan ko, hindi na rin ako nakakagalaw ng maayos, tandaan mo, ayaw kong mabuhay ka ng mag-isa. Maigi na rin iyong may magaalaga sa'yo, at may anak ka na maaasahan mo kapag tumanda ka na."

Namuo ang mga luha sa mga mata ko. Ang mga huling sinabi n'ya... Ay gusto kong maranasan ng kasama si Stay. At hindi na iyon magbabago.

"Isa lang ang hiling ko, kahit sa huling hininga ko ay ito pa rin ang hihilingin ko... Pakasalan mo s'ya, Faith, anak..." Nangungusap ang mga mata ni Nanay, kaya umiwas na ako ng tingin para hindi na ako lalo pang maiyak.

Tumunog ang cellphone n'ya kaya sinagot na agad n'ya ang tawag. Dumiretso na ako sa kwarto at doon itinuloy ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha.

---

After five months...

"Sure ka na ba talaga?" tanong ni Macey. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop dahil napagkasunduan naming mag shopping.

It's been five months. And those times... I always see myself staring at the mirror. I'll comb my hair, then visit Stay's grave. Cry with the raindrops, stare at the bus' window, eat and sleep. Repeat.

And I'm glad I have these friends who help and be with me when I'm alone.

"Si Stay lang ang gusto kong pakasalan," I told after I took a sip of coffee.

"Kawawa naman si Samuel..." said Yumi and placed her chin to her hand.

It's also been five months... Na niyayaya n'ya akong lumabas atleast three times a month. He'll take me to a mall, then we'll eat, and have fun... Sometimes. Ngumingiti naman ako pero hindi ko pa rin maramdaman ang saya tuwing kasama s'ya.

Minsan napapansin kong naiiyak s'ya pero tinatago n'ya 'yon kaya hindi na lang ako umiimik pa. I always say sorry... I always feel bad. But I have no choice but to let him go.

Hindi ko pa pinilit ang feelings ko para sa kan'ya dahil alam kong wala naman talaga. But still... I found myself comparing him to Stay.

They differ in each other.

"H'wag n'yo na pilitin si bakla! You know, first love never dies, 'no!" Brent rolled his eyes to them which made me laugh a bit.

Yeah, first love never dies.

Because I know Stay is still with me.

And as long as I'm calling his name, he will stay.

---

After six months...

White gown.

Blue dresses.

Scented flowers.

Flashing cameras.

Singing choir.

Everything is perfect.

Unti-unting bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Tumambad sa akin ang mga bisitang maliligaya dahil ngayon magaganap ang panibagong kabanata sa buhay ko. Humigpit tuloy ang kapit ko sa bouquet nang makaramdam ako ng matinding kaba.

Dahan-dahan akong naglakad sa mahabang aisle ng simbahan na napagusapan namin. Nilibot ko ang tingin mula sa mga taong nakapaligid at abot tenga ang ngiti na nakatingin sa akin. May naiiyak, may kinikilig.

Habang naglalakad, binabasa ko ang mga emosyon ng lahat. Mula sa mga photographer na nahaharangan ng kamera, mga batang kumakanta, nagpapatugtog ng piano, ang pari, sakristan... ang pamilya at ang magiging pamilya ko.

Masasaya silang lahat.

Lalong tumulo ang mga luha ko. Dahilan para lalong lumapad ang ngiti ng mga taong imbitado.

"Sabagay, ako rin maiiyak kapag naikasal sa lalaking pinapangarap ko."

Hindi mapawi ang mga ngiti nila.

Nakaramdam ako ng pagkabigo.

Pagkabigo dahil... Ni isa sa kanila ay hindi nakakaramdam ng pagkalungkot.

Walang nakakaramdam kung anong nararamdaman ko.

Tama nga ang sinabi nila, sa huli... Ikaw at ikaw lang rin ang makakaintindi sa sarili mo.

At sa huli kong hakbang, tinitigan ko ang nakalahad na palad ng lalaking ngayon ay puno ng pagkagalak ang mga mata at labi. Nagbabadya na ring pumatak ang mga luha n'ya.

Nilingon ko muna si Nanay na ngayon ay umiiyak sa saya, pero hindi ko magawang suklian ang mga ngiting 'yon.

Nagahip ng mga mata ko ang isang lalaking kumakanta, tila ba nawala ang mga batang kanina lang ay naroon sa puwesto n'ya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, at naghalo ang saya at sakit na nararamdaman ko.

"Stay..." Kasabay no'n ang pagtulo ng mga luha ko.

Nakatingin s'ya sa akin, nakangiti habang nagpapatugtog ng piano. Kumakanta s'ya at ng mapagtanto kung ano iyon, ay lalo akong nasaktan.

'Cause there'll be no sunlight

If I lose you, baby

There'll be no clear skies

If I lose you, baby

Just like the clouds

My eyes will do the same, if you walk away

Everyday it will rain

Pagkatapos niyon ay nagsalita s'ya ngunit walang tunog ngunit naiintindihan ko.

"I love you."

"Faith?"

Dinilat ko ang mga mata ko at agad napa-buntong hininga.

Oh God. Thank you.

It's just a dream.