webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Teen
Not enough ratings
45 Chs

|2| Settle Down

Faith's Point of View

Mukha akong tangang nakatitig kay Kaiden mula sa malayo. Wala na ring masyadong costumers kaya busy sya sa pagre-review. He looks so serious while reading books. And that makes him more attractive.

He's a BS Chemistry student at graduating na rin katulad ko... sana. Gwapo, matalino, at hard working pa. He's a total package talaga.

"Psst!" tawag sa'kin ni Mia na katabi ko lang ngayon. Lumingon naman ako sa kaniya.

"Gusto mo si Kaiden 'no?" Tinaas baba nya ang kanyang kilay.

"H-hindi ah!" I answered and avoided looking. Mia grinned and laughed softly.

"Faith!" Nagulat kaming lahat sa pagsigaw ni Stay at pumasok sa café. Ang sungit n'ya talaga kapag naandito. May galit ba s'ya sa mga kapehan?

"Ano na naman?" Inis na sambit ko at tumayo. Hindi ko namalayan na hapon na pala at susunduin n'ya ako rito.

Kinuha ko na ang bag at hinubad ang apron. Abala talaga s'ya kahit kailan, parang ayaw ko ng umalis dito. Hays, nasanay na ako rito tumira kaysa sa sobrang laki ng bahay ni Stay.

"Magpi-piloto ka pala?" tanong ni Kaiden.

"Hindi ba halata?" Stay coldly answered. I rolled my eyes to him. Binatukan ko sya at sinamaan ng tingin.

"Bakit ba ang sungit mo?!" singhal ko.

"Aray! Psh, tara na!" aniya habang hawak ang batok at kinuha ang bag ko.

Bago lumabas, lumapit sa'kin si Mia at bumulong sa tenga ko. "Kung ako sayo, mag ayos ka na para maging attractive ka sa kan'ya." And that made me think as we leave the café.

Paguwi sa bahay, nagulat ako nang makitang may ibinababang boxes si Stay mula sa compartment ng kotse.

"Ano yan?" tanong ko habang sinusundan sya papasok sa kwarto ko. "Hoy, anong gagawin mo?"

"Ayan, nang magmukhang pang-babae naman yang kwarto mo, masyadong simple." Binuksan ko ang box at tumambad ang mga accessories, pati na rin ang mga gamit sa make up. Kumpleto ang mga ito pati na rin ang blower sa gilid.

Lumingon ako sa kaniya. "Sa tingin mo ba magagamit ko 'to?" He smiled at me.

"Eh 'di pag aralan mo," aniya at tinulungan akong ayusin ang mga iyon. Tama s'ya, pag aaralan ko. Parang sumasangayon sa'kin ang tadhana na sundin ang sinabi ni Mia sa'kin.

Pagkatapos no'n ay binuksan ko ang tv sa salas. Si Stay naman ay nagsisimula ng magluto. Teka, hindi marunong magluto 'yon! Dali dali ko s'yang pinuntahan sa kusina at hinampas.

"Hoy! Hindi ka naman marunong magluto, baka mamaya masama ang lasa!" Pinanlakihan ko sya ng mata at inilayo sa lutuan.

"Look, I'm practicing!" Tinikman ko naman ang niluluto nyang sinigang, halos madura ko iyon sa sobrang alat.

"Practicing?! Ano ba 'tong niluluto mo? Adobo?" Hinanap ko ang sinigang mix sa cabinet at inilagay 'yon roon. I heard him laugh.

"I'm sorry okay? I thought it needed salt so... Yeah I'm sorry." Dahilan para tumawa rin ako. Ang tanga talaga ng lalaking 'to. Puro prito ang alam nyang lutuin, kaya okay na rin na tumira ako rito nang hindi s'ya mamatay ng maaga.

"Faith," tawag nito sakin habang nagluluto ako. Agad naman akong lumingon. "May gusto ka kay Kaiden 'no?"

He teased me. Of course I won't say the truth, baka pahiyain n'ya pa ko kay Kaiden. Hindi pa ko umaamin 'no. Tumingin ako sa kanya at sumagot. "Hindi ah, bakit mo naman nasabi yan?"

Kunware inosente, Faith. Ayos yan, good acting sabi ni direk! Keep up the good work! Winning best actress!

"Ako pa ang niloko mo?" Pinilit kong itago ang ngiti lalo na nang maalala ko ang nangyari sa grocery store kanina. I mean, wala namang nangyari. Magkatabi lang kami habang hawak ko ang push cart, but that seems so sweet hindi ba? He even help me on carrying the paper bags.

"Gusto..." I can't stop smiling.

"Hindi ka n'ya gusto." I glared at him. Ang negative n'ya talaga.

"Why do you say so? Am I not attractive enough?" Ani ko habang hawak ang pisngi. I gave a pout.

"My Faith is attractive enough, okay?" I smiled to him. "But I don't think that he feels the same way," he added.

"Ewan ko sayo," sagot ko at bumaling na sa niluluto ko. Hindi ko tuloy maiwasan isipin, paano nga kung hindi n'ya ako gusto?

Relax, faith. Kaya nga gagawa ka na ng move para masigurado mo ng gusto ka n'ya, hindi ba? Relax! You're attractive enough! Pa'no pa kaya kapag nagsimula na 'kong maglagay ng kolorete sa mukha hindi ba?

Kinabukasan.

"Stay?" Kumatok ako sa pintuan ng kwarto n'ya. Tulog pa ba s'ya? Akala ko may pasok s'ya? Hays. Napasandal ako sa pinto. Paano ako aalis nito? 8 AM na, miss ko na si Kaiden, hmp.

Muntik na akong mawala sa balanse nang buksan ni Stay ang pinto. Mukhang kakagising lang nya dahil may muta pa s'ya, kadiri talaga.

Nag-pout ako. "Wala ka bang pasok?" May bakas na panghihinayang sa boses ko. He nodded. "Wala, pero hintayin mo ko. Maliligo lang ako."

"Hahatid mo 'ko?"

Tumango s'ya. "Sasamahan mo muna ako sa mall." Nanlaki ang mga mata ko.

"Bakit?! Late na 'ko Stay, hindi na kaya--"

"Pinatira kita dito, hatid sundo pa kita kaya wag ka ng umangal, hindi magagalit sayo yung Kaiden na 'yon, okay?" Parang kuyang sabi nya sakin. Tumango na lang ako na parang tuta at bumalik sa kwarto.

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Ang lanta ng mukha ko, maputi pero wala man lang kulay. Naghanap ako ng blush on. Bigla akong nagdalawang isip ng makita ko ito, dahil hindi naman talaga ako marunong. Paano kung mag mukha akong clown? Nakakahiya kay Kaiden pag nakita 'yon. Auto turn off, pfft.

Nagsearch ako kung paano maglagay no'n. Madali ko namang na-gets at nag-apply ng kaunti sa pisngi. Gumamit din ako ng concealer para sa eye bags.

At ang huli, lipstick. Nang makita ko ang mga iyon ay nadismaya ako, masyado silang reddish, baka magmukha akong matanda. Wait-- tama! Pupunta nga pala kami sa mall, na sang-ayon sa'kin ang tadhana, ang corny pakinggan pero, ganto talaga pag inlove. Napangiti ako sa naisip.

Kumatok si Stay na agad ko namang pinagbuksan ng pinto. Nang makita nya 'ko ay parang nakakita ito ng multo.

"P-panget ba?" Umiwas ako ng tingin.

He sighed. "Maayos naman, it's simple."

I looked at him. "Talaga?"

"Psh, umalis na tayo."

Habang nasa mall at naghahanap si Stay ng mga damit nya ay pumunta ako sa lipstick corner. Pinili ko ng mabuti ang mga light color lang. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na ako sa pamimili.

"Good choice," sambit ni Stay. Itinago ko naman ang dala kong lipstick. Nakakahiya, dahil first time n'ya akong makita na mamili ng ganitong klaseng bagay.

"H'wag mo ng itago, kanina pa kita pinapanood," aniya habang nasa tabi ko. Paanong hindi ko sya napansin? Inilabas ko na ang dala kong lipstick at sabay kaming pumunta sa counter.

Habang nasa kotse ay naglalagay na ako ng lipstick. "Stay, okay ba?"

Saglit syang tumingin sa'kin at tumango. "Bagay sa'yo."

"Sorry ha, hindi ko magamit yung lipstick na binili mo--"

"It's fine. Nagpabili lang ako kay Coleen, mas maganda 'yan sayo." I looked at him.

"Who's Coleen? Girlfriend mo?" He laughed.

"No, she's my schoolmate before," he replied. I just nodded but not really convinced. Paano sila naging close hanggang ngayon, eh school mate lang naman sila noon?

Pagdating sa café ay nagulat si Leo sa nakita n'ya. Ngumiti naman si Mia sakin at bumulong ng "Go girl" na kinangiti ko rin.

"Hey, anong meron?" Kaiden amazingly said. My heart's flattered and my cheeks are getting red. I bite my lower lip while wearing the apron.

"Wala naman," I shyly replied. Tinulungan n'ya ko sa pagbuhat ng dalawang tray sa costumers.

"You look great today." Ngumiti s'ya sakin at ginulo ng unti ang buhok ko. Gosh, kanina pa gustong magwala ng puso ko. Parang sasabog na hindi ko maintindihan. I think he's feeling the same way as mine. That's it, as soon as possible, I will say the truth.

I like you, Kaiden.

---

Halos lumuwa ang mga mata ko sa ganda ng mga damit sa closet ko. Ang gaganda ng mga tshirt, blouse, dress pati na rin sa jacket. Mukhang mamahalin pati na rin ang pants at skirts. Dali dali akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si Stay na nasa salas habang nagbabasa ng libro.

"Stay, bakit ngayon mo lang pinaalam sa'kin na bumili ka ng damit ko? Eh 'di sana sinuot ko kanina pagpasok," I said. Umupo ako sa sahig habang s'ya naman ay nakahiga sa sofa.

"Mag pasalamat ka nga," aniya at isinarado ang aklat.

"Salamat!" sagot ko at pinisil ang pisngi nya ng madiin. Pagkatapos no'n ay nagsalita ulit ako. "Pero sayang talaga, sana nagsuot ako kanina diba?"

"Sa tingin mo binili kita no'n para patungan mo lang ng apron?" Napatigil ako ng ilang segundo. Seryoso ang mukha nya. Tama s'ya, hindi ako nag waitress para magsuot ng ganoong klaseng damit.

I nodded. "Sorry." He continued to read the book. Pumunta naman ako sa kabilang sofa at doon umupo para manood ng tv.

"Anong sabi ni Kaiden sayo kanina?" Pagbabago n'ya ng topic.

"I look great daw," ani ko habang naka focus sa panonood ng cartoons.

"Instead of 'you look beautiful'? Really?" I looked at him.

"Gano'n din 'yon!"

"He doesn't like you, Faith."

"Ewan ko sa'yo, basta malapit na, nafi-feel ko na liligawan n'ya ko." Ngumiti ako sa kawalan.

"Liligawan? Eh ikaw nga ang aamin."

"Eh 'di hindi ako aamin!"

"Paanong may mangyayari sa inyo, eh hindi ka nga aamin?"

"Eh di, aamin!"

"Sabihin na nating gusto ka n'ya, paano ka liligawan kung umamin ka na?"

"Eh 'di walang ligawan! Total hindi na uso ang ligawan ngayon, hindi ba?" Bahagya kaming natawa sa naging sagutan namin. "Teka nga."

Lumingon s'ya sakin. "Hmm?"

"Bakit ba puro ako ang topic, eh ikaw? Bakit hindi ka pa nag aasawa?"

"Hey, I'm just 21 years old," aniya.

"Sabi mo sa'kin nung nagaaral pa tayo, 20 years old pa lang, magpapakasal ka na," I replied. Why not? Mayaman naman s'ya at matalino. Gwapo pa. He's a perfect man. A total package. May sigurado ng future para sa kanila.

Napatigil ako nang marinig ang sinagot n'ya,

"The reason why I can't settle down, is because of you."