webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Teen
Not enough ratings
45 Chs

|18| Samuel

Faith's Point of View

Tatlong araw na mula ng pumunta kami sa burol ng mommy ni Coleen. Tatlong araw na rin akong hindi sunusundo ni Stay sa school. Todo asikaso s'ya tuwing gabi dahil bukas na ang libing.

Habang naglalakad sa hallway, hindi pa rin mabura sa isipan ko ang nangyari noong Sunday.

Nanatili akong nakahawak sa balikat n'ya. Umiwas ako ng tingin. "A-ah— a-aahon na ko..."

Halata sa mukha n'ya ang pagkailang kaya't inalalayan n'ya na ako paahon. "Sorry."

Pero bago pa ako maunang tumayo, umahon na agad s'ya sa swimming pool. Nagmamadali s'yang pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto.

Mula no'n hindi na kami nakapag usap ng maayos. Ilang araw na kaming busy ang schedule kaya't hindi na nagkakaabutan sa bahay.

"Faith!" Lara called me as I entered the room.

Wala pa si Prof. Medina kaya umupo muna ako sa tabi n'ya. "Hmm? Balita?"

"Favor, please?" Ipinaghawak n'ya pa ang kamay n'ya na parang magdadasal.

I frowned. "What?"

She giggled. "Bukas na ang concert ng jiaydul!"

"Jiaydul?"

Sinundan ko ng tingin ang kinuha n'ya mula sa bag. Isang nakafold na poster. May anim na babae ro'n at magaganda.

(G)i-dle

"This oh!"

"Sino 'yan?" I asked out of curiousity.

She raised her brows. "What? Hindi mo sila kilala?" tanong n'ya. "Eh lahat nga ng kaklasi natin kilala sila."

Ngumuso ako. "Eh 'di sila na lang yayain mo."

Umirap s'ya. "Hays. Basta ha, sa Sunday. 5pm sa waiting shed ng park, okay?"

Hindi pa ako nakakasagot ay biglang pumasok si Prof. Medina kaya nagmabilis na kong pumunta sa upuan ko.

Dumating ang lunch. Mag isa akong kumain sa cafeteria nang may magtanong sa'kin kung pwedeng makiupo.

Naka black polo s'ya at slocks, amoy na amoy ko rin ang matalang n'yang pabango. Hawak n'ya ang isang tray at umupo sa harap ko.

"Ikaw yung bumangga sa'kin sa sementeryo, hindi ba?" tanong niya at nagsimulang kumain.

"Small world," maikling sabi ko.

Tumingin s'ya sa'kin. "So, tiga probinsya ka rin?"

Tumango ako. "Dinalaw ko si tatay," sagot ko at inubos ang pasta. "Ikaw? You look miserable that day."

"Girlfriend ko," sagot n'ya pagkanguya.

Mag re react na sana ako nang bigla pa s'yang nagsalita. "Eh ikaw? Bakit ka tumatakbo?"

"Long story," ani ko at uminom ng tubig.

He nodded. "Okay, I'll respect."

"What happened to your girlfriend?" I asked.

"She died," maikling sagot n'ya.

I frowned. "Yes, I know. But what happened? Why did she died?"

Hindi na n'ya tinapos ang pagkain at tumayo dala ang tray. "Sorry, but I asked you for a seat, to eat and not to talk about private things."

Natigilan naman ako at sinundan s'ya ng tingin ng palayo. Inubos ko ang tubig para makapasok na sa next class.

Patay na ang girlfriend n'ya? Pero bakit nakikipag date s'ya sa iba?

"Narinig ko, nilagyan ng babaeng 'yan ng pampatulog ang inumin mo!"

"I'm used to it."

He's used to it pala. Ibig sabihin, marami na s'yang naka date... pagkatapos mamatay ang girlfriend n'ya?

Ugh. No, no. Don't be so judgmental, Faith.

Nang makapunta ako sa building 2, kung saan ang next subject ko, tumambad sa'kin si Lara. Hinihingal s'yang lumapit sa'kin.

"Wala si Sir ngayon, free time. Kaya huwag ka ng pumunta."

"Ah, sige. Saan ka pupunta?" tanong ko nang makita ang hawak n'yang libro.

Nanlaki ang mga mata n'ya. "B-basta! Mag papa pirma ako."

"Magpapapirma? Clearance ba 'yan?" I joked.

"Hindi! Basta, pupuntahan ko yung idol kong author," ngiting sabi n'ya.

"Bawal akong sumama?" Nakanguso kong sabi.

"Bawal! Magpapa cute ako, baka ikaw magustuhan n'ya! Bye!" aniya at kumaripas ng takbo pababa ng building.

Napangiti na lang ako habang nakalingon sa dinaanan ni Lara. Naisipan kong tumambay muna sa rooftop para makaamoy ng sariwang hangin. Medyo nakaka stress na rin ang tourism.

Pero nang maapakan ko ang huling hakbang papunta sa rooftop, halos dumikit ang mga paa ko sa sahig. 'Yung sariwang sugat ng puso ko, parang nasaktan ulit.

Nang makita ko si Jordan.

He looked so shock when he saw me in front of him. Balak ko nang bumalik nang marinig ko ang nakakainis n'yang boses.

How can his voice be so deep? I suddenly remembered what he said before.

At sa rooftop rin.

"Ah, Faith. Alis muna ako ah, excuse."

"Faith."

Hindi ako lumingon. I pursed my lips to prevent myself from saying anything.

"I'm glad you're starting again. What's your course?" tanong n'ya na kinalingon ko.

Hindi ko alam na mas matanda pa si Kaiden sa kan'ya.

Hindi ako sumagot at tinignan ang ID n'ya.

Jordan Caballejo

Chemical Engineering Student

Now I know how they became so close.

Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit hindi ako ang pinili.

"About what happened two months ago..." He sighed. "I'm sorry."

Dahil don ay lumingon na ako at pilit na ngumiti. "It's fine, don't be sorry," ani ko at bumaba na agad ng hagdan.

---

Nang matapos ang isang nakakapagod na araw, mag isa akong naglakad palabas ng University. Wala si Lara (na sana ay kasabay ko.) dahil um-absent s'ya sa natitirang subject.

She really like that author, huh.

"Hey," ani ng naka hood na lalaking katabi ko.

Mabilis s'yang maglakad kaya sumabay ako para makita ang mukha n'ya. Sunod naman ang ID n'ya.

I smiled. "Samuel pala ang pangalan mo."

Pero nanatili s'yang diretso ang tingin habang naglalakad. Palakad na patakbo na ako kung maglakad para mabasa ang nasa ID n'ya.

Samuel Adams

Law Student

Hinawakan ko s'ya sa braso dahilan para tumigil kami sa gitna ng daan.

"Law student? Wow!" I gave a salute.

I am really proud to Law students. Ang pinsan ko noon, tatlong makakapal na libro ang sinaulo n'ya para makapasa sa bar exams. Turns out, she became the top notcher.

I saw how he rolled his eyes. He seemed so disgusted so I pursed my lips.

Inalis ko ang pagkakahawak sa braso n'ya. "Bakit namatay ang girlfriend mo?" tanong ko at sinabayan s'ya maglakad.

"I said I hate talking to private things. Kung ikaw ang tanungin ko, bakit namatay ang papa mo, sasagot ka ba?"

"Oo." I looked at him. "He died because of me," sagot ko pero bigla akong umiling. "Hindi, sakit sa puso."

"Tss. Sakit ka siguro sa ulo."

I frowned. "Look, nasagot ko na ang tanong. Ikaw, sagutin mo na."

"She died because of cancer." Nakita ko kung paano naging malungkot ang mukha n'ya pero huminga s'ya ng malalim.

"Ah. Do you still love her?"

He shrugged. "I don't know... she died because of me."

And that is the private one. Hindi na ako kumibo pa at tumingin na sa daan. Pagkalingon ko, nakita ko si Stay na kumakaway.

Nakasandal s'ya sa kotse at nasa bulsa ang isang kamay.

"Sam, mauna na ko," I said and ran towards Stay.

Medyo hiningal pa ako kaya't huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

He frowned. "Ang laki ng butas ng ilong mo."

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Sakay."

Nagliwanag ang mukha ko. "Susunduin mo na ba ko?"

He smiled. Ginulo gulo n'ya ang buhok ko at tumango. "You really missed me, ah?"

I glared at him. "What? I just hate commuting," ani ko at pumasok ako sa kotse.

"Who is he?" he asked as he started to drive.

"A school mate friend."

"Nakabunguan mo siguro sa cafeteria," seryosong sabi n'ya.

I rolled my eyes. "Ano 'yon? Love story? Ayaw ko no'n."

"Mabuti," maikling sambit n'ya. Dahilan para magsalubong ang kilay ko.

"Nakilala ko s'ya sa sementeryo."

Tumawa s'ya. Hindi magkamayaw ang tawa n'ya kaya nag pout na lang ako at dumungaw sa bintana.

"What the f is that?" aniya sa gitna ng pagtawa.

Hindi ko na s'ya pinansin. Pero ilang saglit pa ay imbis na dumiretso, lumiko s'ya sa kaliwang daan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Bibili tayo ng susuutin mo sa kasal."

Tumawa ako ng bahagya. "Parang ako ang ikakasal ah. Ikaw, may isusuot ka na?"

"Yeah."

---

"Sukatin mo to, ito pa," aniya at binigay ang dalawang red dress.

Tinignan ko ang paligid. "Dito ka tumingin ng ireregalo kay Coleen, di ba?" tanong ko.

Natigilan s'ya sa pagtingin ng damit kaya bumaling ako sa kan'ya. Hinintay ko ang pagsagot n'ya pero hindi man lang n'ya ako tinapunan ng tingin.

Halos sampung red dress ang binigay sakin ng sales lady, magaganda naman iyon lahat kaya hindi na ako umangal pa. Nang masukat ko sa fitting room, hindi ko maiwasan mapatitig sa sarili ko.

"Ang sexy mo," tatawa tawang sabi ko.

Ika sampung beses na akong lalabas sa fitting room. Dalang dala na ako sa reaksyon ni Stay; nakataas ang isang kilay habang naka cross arms.

Nakabusangot na akong lumabas.

He chuckled. "Ayusin mo tayo mo."

Sinunod ko naman s'ya. I stand straight and glanced at him.

"That looks good on you, right?" Bumaling s'ya sa sales lady.

Tumango naman ang babae. "Opo, sir."

Ngumiti na lamang ako, kahit sa loob loob ko ay gusto ko nang umirap. Alam kong sinasabi n'ya lang 'yan para bilhin namin. Lakas mang uto.

"Mukha kang mag se-seven years old."

So I showed my middle finger on him.