webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Teen
Not enough ratings
45 Chs

|17| Rain

Faith's Point of View

December 25, 2012

Papa God, I want to see her...

If we're still be friends until we're old,

I'll marry her.

We will live in a house designed by myself.

I'll take her in every part of the world.

We'll fly above the skies until she realize that she is my haven.

From now on, I'm going to be a pilot.

"Faith."

Halos napatalon ako sa gulat nang tumambad si Stay mula sa likod. Agad kong sinarado ang diary n'ya at mabilis na binalik sa book shelf.

Ngumiti ako na parang walang nangyari. "A-ah, kakauwi mo lang?"

He glared at me while he formed his arms corssed. I avoided his gaze and cleared my throat. "K-kaya ba hindi ka nagpapakasal kasi may hinihintay ka?"

Hindi s'ya sumagot, kaya nagsalita pa ulit ako. "Sino s'ya? Classmate na'tin?"

"Maligo ka na, we're going to Coleen's house," aniya at tinalikuran ako.

"Si Rose ba?" tanong ko na kinalingon n'ya.

He frowned. "Who the heck is Rose?"

I sighed. "Mae?"

"Sunny? Lizzie? Zina?" Lahat ng 'yan ang natatandaan kong naging crush ni Stay.

His reaction didn't changed. "Nababaliw ka na ba?"

"Ugh. C'mon, sagutin mo na ko."

He chuckled. "Nanliligaw ka ba?"

"Hindi kasi! I mean, sino? Sino yung gusto mong makasama habang buhay?" nakabusangot kong sabi.

He smiled. "Binasa mo ang ka kornihan ko noon?"

"Kahit ngayon naman corny ka, sagutin mo na ko!"

Lumapit s'ya sa'kin at pinisil ang pisngi ko. "You're cute." At iniwan n'ya akong magisa sa kwarto.

Napaupo na lang ako sa malambot n'yang kama at inisip kung sino ang tinutukoy n'ya. Nakaramdam ako ng antok, kaya't napahiga na ako habang nakatitig sa kisame.

"C'mon let's eat," ani Stay na nakadungaw sa pinto.

Lumingon ako sa kan'ya at tinatamad na bumangon sa kama. Nang makapunta sa dining table, napairap ako nang makita ang ulam.

"Itlog lang ba talaga ang kaya mong lutuin?"

"And hotdogs," dagdag n'ya.

Inis akong tumingin sa kan'ya at umupo. Tahimik kaming kumain. Ilang saglit pa ay pumunta s'ya sa ref para kunin ang mayonnaise.

Umupo s'ya pabalik at binuksan 'yon.

"Psh," aniya. Bumaling naman ako don at napansing ubos na ang laman.

I chuckled. "Sa wakas, naubos din."

Bumuntong hininga s'ya at tinakpan 'yon.

"Mayonnaise in peace," he joked while staring at the mayonnaise.

I frowned. "Napaka corny mo," ani ko at sinubo ang natitirang kanin sa plato.

Halos isang oras din bago kami nakapunta sa bahay ni Coleen. Hindi karamihan ang tao kaya nakapasok agad kami ni Stay sa loob. Tumingin ako sa kabaong at tinignan ang mama n'ya.

Wala 'yong emosyon, pero alam kong pagod na s'ya, kaya s'ya sumuko.

Umupo ako sa tabi ni Stay at binigyan ako ng kape. Lumapit samin si Coleen, napansin kong wala pa s'yang tulog. S'ya lang rin ang nag aasikaso sa burol.

"Ikaw lang ba ang kasama ng mama mo?" tanong ko.

Uminom s'ya ng kape at tumango. "My father left since I was young."

Ngayon malinaw na sa'kin kung bakit ayaw n'yang pagusapan ang tungkol sa pamilya n'ya.

"Kailan mo balak ipalibing si tita?" Stay asked.

Mapait na ngumiti si Coleen. "Kung pwede lang, ayokong ipalibing s'ya."

Stay sighed. "Don't worry, hahatian kita sa gastos."

"Thank you..."

"Coleen!" Lumingon ako sa mga bisita na kakadating lang ngayon.

Ang mga Professor ko.

Nandito rin si Prof. Medina. Tinapik n'ya sa balikat si Coleen at ngumiti. Umupo sila sa likod namin habang ang iba ay sumilip muna sa kabaong.

"Ms. Santimoza?" rinig kong tawag sakin ni Prof. Medina mula sa likod.

Lumingon naman ako agad at ngumiti. "G-good morning po!" Dahilan para tumingin rin si Stay sa kanila.

"Oh, Mr. Montemor! Kumusta? Malapit ka ng maging piloto ah," ani Prof. Sentina.

Matamis namang ngumiti si Stay. "Two years na lang, ma'am."

Malamang ay dati ring naging teacher ni Stay si Prof. Sentina. Inalis ko na ang tingin sa kanila at tinignan si Coleen na abala sa pagbibigay ng sopas at kape.

Nilapitan ko s'ya. "Tulungan na kita," ani ko at hinawakan ang isang tray ng mga soup. Binigay ko 'yon sa mga Professor at sa iba pang bisita.

Pagkatapos ay bumalik ako sa upuan. Habang umiinom ng kape ay narinig kong naguusap si Stay at Prof. Medina.

"Alam mo ba 'yang si Ms. Santimoza, napakagaling, nag aral pala s'ya ng Biology? Aba't napaka hirap no'n ah."

Stay chuckled. "Oo nga, sir. Hindi naman siguro s'ya nabu-bully don, hindi ba?"

Saglit na tumahimik si Prof. na kinatigil ko rin sa paglagok ng kape. Alam kong maghi-hysterical si Stay kapag nalaman n'yang hindi ako gusto ng ibang estudyante roon.

"Don't worry, I am teaching them to respect anyone in the class."

Lumingon ako sa kanila.

"So, binubully ka?" tanong ni Stay sa'kin.

Agad akong umiling. "Hindi naman nila ako pinapansin."

"You don't deserve that."

"May kaibigan ako don, si Lara!" sagot ko.

Narinig kong tumawa si Prof. "Napaka sweet mo namang nobyo, Montemor. Ilang taon na ba kayong nagde-date?"

Lumuwa ang mga mata ko. "Sir, I'm single!"

Stay frowned. "Tinatanggi mo ba ako?"

"Tumigil ka nga Stay, you guys are living in one house but that doesn't mean you're a couple," singit ni Coleen sa usapan na kinatahimik ng lahat.

Bumalik ako sa pagkakabaling sa harap at inubos ang kape.

Lumipas ang mag hapon ay wala na akong ginawa kundi tulungan si Coleen sa pagse-serve ng pagkain at kape. Si Stay naman ay abala sa paglalaro sa cellphone n'ya.

Dumating ang gabi, nagpasya na kaming umuwi. Pinipilit ni Coleen na dito na kami matulog pero tumanggi na si Stay. Habang nasa biyahe, chineck ko ang social media accounts ko.

Sa pagbukas ko ng instagram, bumungad sa'kin ang wedding photoshoot ni Lei. Iyong isa sa mga kaibigan ko noong highschool. Kasama n'ya ang isang lalaki habang nasa tabing dagat.

Masayang masaya sila.

Ang lalaking 'yon siguro ang hinihintay n'ya noong reunion. He must be our school mate before, pero hindi ko na namukhaan.

"Stay," tawag ko sa kan'ya habang s'ya ay naka focus sa pagd-drive.

"Hmm?"

"Lei's getting married."

"Really?"

Agad kong minessage si Lei at tinanong ang tungkol sa kasal.

Lei Simbrano

Hey, right timing!!! I was about to send you the invitation, eh. My wedding's gonna be this Saturday, hope you can attend!!

Faith Santimoza

Sure!

Lei Simbrano

The girls will wear red dress, I'm sure you'll find one! See you on the wedding!!!

Faith Santimoza

Okay! See you!

Lei Simbrano

Oh! Your friend, Stay Montemor must attend din ha!

Faith Santimoza

Sure, we'll come.

Hindi ko maiwasan mapangiti dahil ang isa sa mga kaklase ko noon, ay ikakasal na. Ang iba may boyfriend, at ang iba ay successful na. Bigla akong nakaramdam ng pagka-down dahil ako ang naiiwan sa linya.

"Hey, what's with that face?" tanong ni Stay.

"We're invited to Lei's wedding. I'm going to find red dress, sa'yo naman white suit."

"I'm busy."

I glared at him. "What?! No, you'll come with me!"

Hindi s'ya sumagot na lalo kong kinainis. "Look, it's a wedding. It's her most important day in her---"

He sighed. "Alright, alright. Calm down, I'll go with you."

Nang makauwi kami, hindi muna ako agad pumasok sa loob ng bahay. Umupo ako sa garden at pumikit para damhin ang simoy ng hangin.

Tumabi sa'kin si Stay. Tahimik lang kami hanggang sa bumagsak ang malakas na ulan.

"Hey, let's go," aniya at hinawakan ako sa kamay.

Inalis ko 'yon. "Ayaw."

"Psh, c'mon magkakasakit ka!"

Basang basa na kami sa ulan at malamig pa ang hangin. Kaya nakaisip ako ng plano.

I smirked and glanced at him. "Habulin mo muna ako!" ani ko at tumakbo paikot sa garden, agad naman n'ya akong hinabol.

Hindi ko maiwasan mapangiti dahil ito ang lagi naming ginagawa tuwing umuulan pauwi galing school. 

"Hey! What the heck!" Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nagpaikot ikot ako sa swimming pool sa likod ng bahay.

Hindi ko mapigilan tumawa habang nahihirapan si Stay na hulihin ako.

"Hey! Stop!"

Muntik akong madulas pero nabalanse ko din na kinatawa n'ya. I glared at him and smirked. "Tinatawanan mo ko?"

Hinabol ko s'ya papunta sa garden habang puntik putik na ang mga paa namin. "Lampa!" Pang aasar n'ya at tumawa.

"Anong sabi mo?!" sigaw ko at lalong binilisan ang takbo.

Lumiko s'ya na sinundan ko naman, hanggang sa pumunta s'ya sa swimming pool at lumangoy. Titigil na sana ako sa pagkatakbo nang madulas ang paa ko sa tiles.

Dahilan para mahulog ako sa swimming pool.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman na napunta ako sa ilalim, ilang segundo ang lumipas at lumutang rin ako agad. Hindi ako nakahinga agad dahil sa gulat.

Hanggang sa...

Maramdaman ko ang kamay ni Stay sa bewang ko. Nakangiti s'ya at malapit ang mga mukha namin sa isa't isa, na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Sa gitna ng malamig na simoy at ulan, naramdaman ko ang tibok ng puso n'ya habang nakatingin sa mga mata ko.