webnovel

Chapter 21

Chapter 21: Oras

"Adrianna Teresa Zamora! Gumising ka na! Finals niyo ngayon! Bakit tulog ka pa rin?"

"Finals niyo ng 10 am and it's 9 now. You wake up! Come on!"

"Shit! Ang sama ng panaginip ko."

"Huy, Addie! Ang isipin mo yung exam mo hindi yung panaginip mo. Ihahatid ka namin kaya kumain ka na at magbihis. Sayang ang inaral mo."

Halos bangag pa ako sa dahil sa napanaginipan ko. Sa lahat ng oras na pwede ko maalala yun ay sa panaginip ko pa talaga.

"Ready ka na ba?" Tanong sa akin.

"Ready na ready na. Let's go."

Pinatakbo ni William ang sasakyan. Tapos na kasi ang finals nila. Ako na lang at si William ang mag-eexam ngayon.

"Yung requirements mo? Ready na? Yung I.D at Test Permit mo?"

"Yes, I have all of it here with me."

"Okay. Susunduin ka namin uli mamaya ah. Dito mo na kami antayin mamaya, okay?"

"Okay, Thank You, Kendie and Trinna. William, Let's go?"

"Tara na. Ikaw na bahala sa car ko. Bruha ka ingatan mo ito." Paalala ni William kina Kendie.

"Yes, Ma'am.. Ay! What I mean is Sir."

Sabay na kaming pumasok ni William pero iba ang classroom niya at nauna na siyang pumasok dahil nadaanan namin ang room niya at ako naman ay nasa ikalawang palapag.

"Ms. Adrianna Zamora, Please hand me your test permit."

Tumayo ako at inabot ang papel na hinihingi ng Proctor namin. After this examination, I am finally done with academics. Then, Graduation na next month.

I prayed before I started answering my exam. I studied so hard for this and hopefully, the outcome would be great.

Natapos ko naman ang exam at the given time ng aming proctor. We were given an hour for each subject then 20 minutes for the breaktime.

"Then, You're all done! Congratulations, Architects!"

Pagkalabas ko ng classroom ay pinuntahan ko agad si William sa room niya. Pero wala na akong naabutan kaya napag-isipan ko na pumunta na sa pinag-babaan nila sa akin kanina.

"Hello?" Sagot ko sa tumawag sa akin.

"Hi, Babe!"

"Zach! I miss you!"

"Kamusta ang exams mo, Architect?"

"It went great. Hinahanap ko ngayon sila William kasi susunduin nila ako."

"Nasa quad daw sila, Babe."

"Ah, Okay. Teka, Quad? Pano mo naman nalaman?"

"Pumunta ka na lang daw doon."

Nag-lakad ako papunta sa quad. Hindi ko naman kinaya ang nakita ko. Hindi ko alam kung magugulat ako o sisigaw ako sa quad dahil sa saya.

"Zach!" Tumakbo ako papunta sa kanya. Niyakap ko ito at naramdaman ko ang mga bisig na matagal ko ng hinahanap.

"I miss you so so much, Addie!" Hinalikan niya ako.

"Bakla, Easy lang ah. Nasa quad tayo." Singit ni William.

"Sorry." Tumawa kami at nag-aya na si Zach na kumain ng lunch kasama kami.

Tinuro ko iyong restaurant na lagi namin pinupuntahan nila Kendie. Gustong-gusto ko na iuwi si Zach kaso kailangan ko pa siya ipakilala sa mga kaibigan ko.

"Order lang kayo, It's my treat." Sabi ni Zach kina Trinna.

"I'm sorry if I couldn't call you for the past few days. I wanted to surprise you."

"It's okay, Zach. I'm happy that you are here."

"I heard that you're staying with Trinna."

"Oo, Since last week. I'm planning to move out after graduation."

"You stay with me, okay? I'm taking you today."

"H-Huh? Okay lang ba? Baka nakakahiya kila Tito."

"Ako lang naman ang nasa bahay."

"Thank You." I hugged him.

Kinuwento namin kina Kendie kung paano kami nagkakilala. Pinaalam na rin ako ni Zach na sa kanya na ako ngayon maninirahan.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa condo ni Trinna. Kinuha ko na ang mga gamit ko. Nag-impake na ako at nagpaalam kay Trinna.

"Trinna, Thank you ah."

"Okay lang yun and besides, sino pa ba ang magkakapitan, diba?"

"I'll stay with Zach. So, Kita na lang tayo sa graduation?"

"Yes, Kita tayo doon."

Kinuha na ni Zach ang maleta ko. Pupunta kami ngayon sa bahay na tinutuluyan niya.

"This is it, Babe. Nagustuhan mo ba? This is where we stay when we were still in the Philippines."

"Wow, Ang ganda. Is this an ancestral house?"

"Hmm, What do you think?"

"Very old-fashioned ung details ng house. Plus, Stone-houses are mostly known detail of ancestral homes."

"Very good, Architect Zamora. Shall we bring your luggages in our room?"

"Our room? Iisang kwarto lang tayo?" Tanong ko.

"Yup. I want you to stay close to me. I miss you a lot, Babe." Hinalikan niya ang leeg ko.

"Mamaya na. Aayusin ko muna ang mga gamit ko."

"Fine, Let's go." Tinuro niya ang daan papunta sa kwarto.

Pagkapasok ko ng kwarto niya ay maayos ito. Siguro may caretaker anv bahay. Malawak pa ang kwarto na ito. Nakita ko rin ang maleta niya na mukhang di pa niya naaayos.

"Ilapag mo na rin yung maleta mo. Ako na rin ang mag-aayos niyan."

"Hmm? Naayos ko na kaya."

"Talaga ba? Bat naka-lock pa?"

"Galing talaga ng girlfriend ko. Sige magbihis ka muna para maging kumportable ka."

"Sige, Maliligo muna ako."

"Sama ako." Ngumuso siya.

"Hindi. Dyan ka lang."

"Nakakatampo ka naman. Isang buwan din tayong hindi nagsama ah."

"Mamaya na kasi. Wala tayong matatapos sa paglilinis at pag-aayos."

"Edi simulan na natin para matapos na."

"Manahimik ka dyan, Mr. Zacharius Ainsley Buenavidez."

"Fine then, Ms. Adrianna Teresa Zamora. I'll be waiting." He winked.

Naligo na ako at nagbihis. Half-bath lang ang ginawa ko para mabilis at gusto ko lang na ma-preskohan kahit na air-conditioned ang kwarto ni Zach.

"Oh, Bat wala kang t-shirt?" Tanong ko pagkalabas ko ng cr.

"Kasi alam ko naman na miss mo ko. You're way too busy so I want you to miss me more."

"Tigilan mo ko. Sige na, Aayusin ko na ang gamit natin."

Inuna ko ang gamit niya dahil mas kaunti ito. Nilagay ko ang mga gamit niya sa itaas na cabinet sa walk-in closet niya.

Tinupi ko ang mga ito at ang ibang toiletries niya ay nilagay ko sa may lababo. Pagkatapos ng gamit niya ay ang akin naman ang inayos ko.

"Pwede na?" Tanong ni Zach.

"Nagugutom ako. Kakain muna ako sa baba."

"Gagawa na lang ako ng sandwich para sayo. Pero promise ka muna."

"Na ano?"

"Pagbibigyan mo na ako. Kasi miss na kita. Gusto na kitang mayakap, gusto na kitang halikan, at gusto na kitang makasama."

"Opo. Wish granted." Hinalikan ko siya at alam ko naman na alam niyo na kung saan patungo ang usupan na ito.

I miss him so bad. Kahit isang buwan lang kaming hindi nagkasama ay parang ilang taon na iyon para sa aming dalawa.

Nakatulog kami pagkatapos non. Tapos ginising ako ng malakas na tunog mula sa phone. Nang nabasa ko ang pangalan na 'Mommy' ay inayos ko ang upo ko.

"H-Hello, Mommy?"

"Hi, Anak. Kamusta ang exams mo?"

"Okay naman po and I'm very confident na makaka-graduate ako. Kamusta ka na, Ma? Si, Dad?"

"I'm okay, Anak. Can we meet later for dinner? Tumawag kasi sa akin si Zach and I wanted to see you."

"Dinner, Ma? Of course. Pupunta po kami ni Zach."

"That's great. I'll see you, Anak."

Pagkababa ko ng tawag ay tinapik ko si Zach para magising.

"Zach! Gising!" Tapik ko sa kanya.

"Bakit? Sarap kaya ng tulog ko."

"Alis tayo. Punta daw tayo kay Mommy. Dinner daw."

"Sige, Babangon na ako pero kiss ko muna."

Hinalikan ko siya ng mariin. Mahal ko to pero minsan pabebe talaga. Kala mo mawawalan ng oras eh