webnovel

The Dyosa Show

Just for fun and entertainment. Hosted by: Dyosa

AriadneWP · TV
Not enough ratings
17 Chs

Birthday Special (Part 2)

Tagline: HappyBirthday Dyosa

📌

Part II

JAMES CHARLES & PRINCESS SY: "At nagbabalik ang..."

AUDIENCE: "The Dyosa Show."

JAMES CHARLES: "During commercial break ay hinintay natin si Dyosa na dumating dito sa studio. 

Goodnews dahil parating na siya ngayon dito."

(Biglang nag-play ang isang malaking LED ng isang live video na kung saan ay naglalakad si Dyosa kasama ang dalawang guards. Nakapiring ang mga mata ni Dyosa habang inaalayan siya ng dalawang guards sa paglalakad.)

PRINCESS SY: "Oh my gosh! Ayun na siya."

(Masayang-masaya si Princess nang makita niya si Dyosa sa isang malaking LED. Masaya si Princess hindi dahil sa nandito na si Dyosa, masaya si Princess dahil makakakain na siya. Kanina pa kasi siya gutom. Hahaha!)

JAMES CHARLES: "Guys, ihanda niyo na ang torotot at confetti."

(Hinanda na ng mga audience at staff ang torotot at confetti. 

Biglang bumukas ang malaking LED at nakita nila si Dyosa na nakapiring sa mata habang inaalayan ng dalawang guards.

Inalayan ng dalawang guards si Dyosa papuntang stage.)

PRINCESS SY: "Hello Pretty Dyosa."

(Tinapat ni Princess ang hawak niyang mic kay Dyosa.)

DYOSA: "Hello rin sa'yo."

JAMES CHARLES: "It's time para tanggalin na ang blindfold. Billy and Fredison, removed the blindfold please."

(Tinanggal ng dalawang guards ang piring ni Dyosa which is sina Billy Williams at Fredison Mirko ang dalawang guards na tinutukoy ni James Charles. Nang matanggal na nila ang piring...)

ALL (EXCEPT DYOSA): "SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY DYOSA!"

(Napatakip si Dyosa sa kanyang bibig dahil sa gulat at tuwa.)

DYOSA: "Oh my gosh!"

(May biglang tumulong luha sa mga mata ni Dyosa. Tears of joy kumbaga.)

JAMES CHARLES: "Happy 18th Birthday Dyosa."

(Tinapat ni James ang hawak niyang mic kay Dyosa.)

DYOSA: "Waaaa! Totoo ba 'to? Sampalin niyo nga ako."

(Lumapit naman sa kanya si Princess at sinampal siya ng pagkalakas-lakas.)

DYOSA: "Waaaaa! Totoo nga."

(Hindi makapaniwala si Dyosa sa mga pangyayari. Ito ang unang beses na nabigyan siya ng ganitong birthday surprise.)

JAMES CHARLES: "Wait! There's more. Meron ding mga taong malalapit sa'yo na babati para sa'yo. Ito sila, role VTR."

(May nag-play na isang video sa LED na nagpaluha pa sa kanya lalo.)

MOISES (DYOSA'S FRIEND): "Happy Birthday Dyosa. Alam kong umiiyak ka habang pinapanood mo 'tong video na 'to. Ang masasabi ko sa'yo ay napakabait mong kaibigan para sakin. Sana ay mas tumagal pa ang pagkakaibigan natin and more blessings to come of course. 

Oo nga pala, size 10 nga pala para sakin. Hahaha! Joke lang. Happy Birthday Dyosa. Mahal na mahal kita bilang kaibigan ko. See you on your show."

DYOSA: "Thank you Mhoii. Mahal din kita as a friend."

CHEF BLAKE (DYOSA'S PERSONAL CHEF): "Happy Birthday Dyosa. I have a surprise for you."

(Pinakita ni Chef Blake sa video ang ginawa niyang birthday cake para kay Dyosa. Isang birthday cake na may picture nilang dalawa ni Dyosa sa ibabaw. Ang picture nilang dalawa ni Dyosa ay gawa sa icing.)

CHEF BLAKE (DYOSA'S PERSONAL CHEF): "Pupunta ako dyan para ipadala 'to sa'yo. See you on your show."

DYOSA: "Thank You Chef Blake."

AINSLEY: "Hey hottie, I'm so excited to see you in my condo tonight. I love you My James, I'm so much excited to feel your hot fuck tonight."

DYOSA: "Ha? Sino siya."

(Nagtataka si Dyosa habang nakatingin sa LED dahil hindi niya kilala ang nasa video.)

JAMES CHARLES: "Oops! H-hindi p-pala yan kasali."

(Hindi mapakali si James sa nakita niyang video mula kay Ainsley. Para sa kanya kasi ang video na yun at hindi para kay Dyosa. Ang video na yun ay noong 7 years ago pa. 

Nang matapos ang video ay hindi mapigilan ni Dyosa ang mapahagulgol sa iyak kaya niyakap siya ni James.)

PRINCESS SY: "Nandito ngayon sa studio ang unang dalawang taong bumati sa'yo. Please welcome, ang kaibigan at personal chef ni Dyosa, Moises and Chef Blake."

AUDIENCE: "KYYYYYYAAAAAAAAA!"

(Nagtilian ang mga girls at gays nang bumukas ang LED at nakita nila si Chef Blake na may hawak na cake at si Moises naman na may hawak na gift.)

PRINCESS SY: "Welcome to the show guys."

DYOSA: "Hi sa inyong dalawa."

MOISES: "Happy Birthday Dyosa."

(Niyakap ni Moises si Dyosa habang si Chef Blake naman ay hinalikan niya si Dyosa sa pisngi. Binigay ni Chef Blake ang dala niyang cake sa isa sa mga staff.)

CHEF BLAKE: "Happy Birthday Dyosa." *sabay kindat*

DYOSA: "Thank you sa inyong dalawa. I didn't expect na nandito pala kayo."

JAMES CHARLES: "Bumati naman kayong dalawa sa Team Wattpad na nandito ngayon sa studio."

CHEF BLAKE: "Hello Team Wattpad."

AUDIENCE: "KYYYYAAAAA! ANG GWAPO MO CHEF BLAKE!"

MOISES: "Good evening—este good morning—I mean good morevening Team Wattpad."

AUDIENCE: "KYYYYYAAA! YOU'RE SO HANDSOME MOISES!"

PRINCESS SY: "Wow! Ang dami agad ng fans niyo Moises and Chef Blake."

JAMES CHARLES: "Oo nga at nag-trending agad silang dalawa nationwide sa twitter, top 6 spot."

(Tinignan ni Princess ang screen ng phone niya at namangha siya dahil sa trending nga sina Moises at Chef Blake sa twitter.)

PRINCESS SY: "Wow! Trending agad kayong dalawa sa twitter. May future kayong maging artista."

JAMES CHARLES: "Tama si Princess, may future talaga kayong dalawa in showbiz."

MOISES: "Thank you po."

CHEF BLAKE: "Salamat."

JAMES CHARLES: "By the way, babasahin ko ang mga tweets ng Team Wattpad tungkol sa inyong dalawa.

Una ay mula kay @StaceyMarieIsLove: 'Grabe, ang gwapo naman si Chef Blake. Sana magkaroon ako ng isang personal chef na tulad niya. Ang swerte ni Dyosa.'

Pangalawa ay mula kay @JosephMarc: 'Ang cute naman ni Moises. Parang gusto ko siya yakapin at pisilin ang pisngi niya.'

At ang pangatlong tweet ay mula kay @H_Khrys: 'Why so handsome nina Moises at Chef Blake? Ang hirap pumili sa kanilang dalawa.'

Grabe Princess, first time lang nilang dalawang ma-discover sa TV pero sikat na agad sila."

PRINCESS SY: "Oo nga James at tama si @H_Khrys. Ang hirap pumili sa kanilang dalawa. Pareho silang gwapo at yummy."

JAMES CHARLES: "Moises and Chef Blake, ano ang masasabi niyo sa mga taong nagustuhan agad kayo? At dahil sa kanila ay nag-trending agad-agad kayong dalawa sa twitter. Ikaw muna Moises."

MOISES: "Wow! I didn't expect na magte-trending kaming dalawa nationwide sa twitter. I feel thankful to them."

PRINCESS SY: "Ikaw naman Chef Blake."

CHEF BLAKE: "Same as Moises, I also feel thankful to them and also I didn't expect that we are trending nationwide on twitter."

JAMES CHARLES: "Yes, we should be thankful to the people who support us especially to God dahil sila ang dahilan kung bakit nandito tayo ngayon."

PRINCESS SY: "Tama ka dyan James at kung wala sila ay wala rin tayo dito."

JAMES CHARLES: "Yup. 

Okay by the way, let's go back to our beautiful birthday celebrant na si Dyosa."

DYOSA: "Hihihi! Alam ko namang beautiful ako." *kinikilig kay James*

JAMES CHARLES: "Beautiful kapag gabi."

(Sumimangot bigla si Dyosa sa sinabi ni James.)

JAMES CHARLES: "Hahaha! Joke lang. 

By the way, ikuwento mo naman samin kung paano mo nakilala sina Moises at Chef Blake."

DYOSA: "Well, nagkakilala kami ni Mhoii nang maging magkaklase kami noong Grade 11 pero hindi yun ang first time na makita ko siya. Kilala ko siya since elementary pa pero hindi niya ako kilala. Nagkakilala lang kami sa isa't isa sa pagtungtong namin sa Senior High School at naging close kami. 

Si Blake naman ay nakilala ko siya sa karinderya na pagmamay-ari ng Mama niya. Costumer nila ako nun at nagustuhan ko ang mga dishes nila. Tinanong ko ang Mama ni Blake kung siya ba ang nagluto ng mga dishes na inorder ko at ang sagot naman niya ay 'hindi'. Ang anak daw niya 'which is Blake' ang nagluto ng mga dishes na inorder ko. Na-impress talaga ako nun sa mga dishes na niluto ni Blake kaya binigyan ko siya ng isang offer. Isang offer na maging isang personal chef ko siya. Hindi naman siya tumanggi dahil malaki raw ang pa-sweldo ko, mas malaki pa raw ito kesa sa kinikita nila sa karinderya."

PRINCESS SY: "How nice naman Dyosa. Parang may pagka-similarity tayo dun sa chef thingy. Pero ang pagkakaiba lang natin ay naging boyfriend ko ang chef ng buhay ko na si Chef Aldren. Yieeee!" *kinikilig*

DYOSA: "Edi ikaw na ang may boyfriend na chef." *bored tone*

JAMES CHARLES: "Kayo naman ang tatanungin ko Moises at Chef Blake. Ano ang masasabi niyo sa birthday celebrant natin na si Dyosa? Ikaw muna ang unang sasagot, Moises."

MOISES: "Well, mabait naman siya at matulungin sa'kin. Kaya lang may pagka-horny siya."

DYOSA: "Hoy! Bawiin mo ang sinabi mo sa huli." *warning tone*

MOISES: "Totoo namang may pagka-horny ka. Hinipu—Ouch!"

(Hindi natuloy ang pagsasalita ni Moises nang kurutin siya ni Dyosa sa taligiran.)

DYOSA: "Manahimik ka."

JAMES CHARLES: "Ikaw naman Chef Blake. Ano ang masasabi mo kay Dyosa?"

CHEF BLAKE: "Sobrang napakabuti po talaga ni Dyosa at matulungin po siya sa ibang tao. Dahil sa kanya ay maganda na ang pamumuhay namin ngayon at hindi na kailangang magtrabaho pa ni Mama para kumita dahil sa trabaho na inalok niya sa'kin."

JAMES CHARLES: "Sobrang bait talaga ng birthday celebrant natin. Pati ang mga nangangailangan ay tinutulungan niya."

CHEF BLAKE: "Oo nga po, kaya dahil sa kabutihan niya samin ng Mama ko ay binibigay ko sa kanya ang mga gusto niya o hiling niya."

JAMES CHARLES: "Hiling niya? Anong klaseng hiling?"

CHEF BLAKE: "Well, gusto niyang hawakan ang ab—Ouch!"

(Hindi natuloy ang pagsasalita ni Chef Blake nang kurutin siya ni Dyosa sa tagiliran gaya ng kay Moises.)

DYOSA: "Sige ituloy mo lang. Baka mawalan ka ng trabaho." *sweet tone*

CHEF BLAKE: "Joke lang." 😁

JAMES CHARLES: "Grabe, nakakatuwa naman sina Moises at Chef Blake, right Princess?"

(Tumingin si James sa may kanan niya at nakitang niyang wala na si Princess.)

JAMES CHARLES: "Princess?"

PRINCESS SY: "Nhandisho hakoh Jamesh. [Nandito ako James]"

(Tumingin ang lahat ng nasa studio sa mga pagkaing nakahanda sa stage at nakita nila si Princess na kumakain na. Napa-iling naman si James sa nakita niya.)

JAMES CHARLES: "Okay sa ating pagbabalik ay haharanahin na ng 18 serenaders si Dyosa. Sino-sino kaya ang mga 18 serenaders ni Dyosa? 

Malalaman niyo yan dahil susunod na yan. We will be right back after this commercial break."

- COMMERCIAL BREAK -