webnovel

Beginning "Let's end our marriage."

Bumagsak ang buong mundo ni Martin matapos madinig ang sinabi ng asawa. Sa loob ng tatlong taon ng puno ng pagmamahalan at pagsasama hindi niya akalain na darating ang araw na ito kung saan si Alexa, ang kanyang pinakamamahal ay gugustuhin ng tapusin ang lahat sa kanila bilang mag asawa.

"Anong ibig mong sabihin?" Iyon lang ang tanging nasabi ni Martin.

"Matagal ko itong pinag isipan, Martin. Gusto ko ng makipag-hiwalay sayo. Tapusin ang relasyon natin. I want to be free from you." Walang emosyon na makikita sa mukha ni Alexa habang sinasabi ang mga salitang unti-unting pumapatay sa lalaki.

"Tatlong taon, Alex. Tatlong taon tayong naging mag asawa at minahal kita ng sobra sobra. Kahit kailan di kita niloko, sinaktan." Punong puno ng pait at sakit ang boses ni Martin. "Di ko maintindihan bakit mo ako iiwan."

"Dahil hindi na kita mahal! Ayoko na, pagod na pagod na akong magpanggap na mahal pa din kita! Di ko na kaya, Martin!"

Sa mga salitang sinambit ng asawa, tuluyan ng nahulog ang luha sa mga mata ni Martin kasabay ng pagguho ng kangyang buong mundo.

Pilit na pinigil ni Alexa ang pagtulo ng kanyang mga luha. Kahit nais niyang humagulgol ng iyak ay hindi niya maaaring gawin. Halos madurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang asawa na lumuluha. Nakalarawan sa mukha ni Martin ang labis na sakit dahil sa ginawa ng babae.

Alam ni Alexa na ang lahat ng salitang kanyang binitiwan ay pawang kasinungalingan lang. Diyos ang saksi at makakapagsasabi kung gaano niya kamahal ang asawa.

Si Martin lang ang tanging lalaki na kanyang pinakamamahal at pakakamahalin. Pero kailangan niya itong saktan. Kailangan niyang gawin ang lahat upang ang pagmamahal na nararamdaman ng lalaki sa kanya ay mapalitan ng galit at pagkamuhi.

Ito lang ang nakikitang dahilan ni Alexa.

Ito ang tama....