webnovel

THE DIFFERENT WORLD AND DIFFERENT TIME

"One Day, I open my eyes and I'm trapped in my own NOVEL.."- Lenzy Pacheco Lenzy a famous writer and famous fine'art artist.. She discovered herself inside the world of the story she wrote. She met all the characters she named. She experience all the scene she imagined. She heard all the lines she created. Lenzy, loves tragic's love story.. She never fond of happy ending or happy story.. Until she met THYLANDIER THIRD VALDEZ.. THYLANDIER THIRD VALDEZ - A high ranking politics and soldier who used to love the female protagonist. Paano gagawa ng paraan ang isang manunulat kung nasa loob sya ng gawa nyang kwento? Paano pa nya babaguhin ang lahat ng mangyayari kung nasa loob parin sya ng kwentong binuo nya.. Paano nya pipigilan ang mangyayari kung unti unti nyang marerealized na nagsisimula na syang mahulog kay THYLANDIER THIRD VALDEZ ang antagonist ng novel na gawa nito..

Pica_gurl · History
Not enough ratings
38 Chs

KABANATA 09

"Nais ko sanang mahawakan ang iyong mga kamay hanggang sa kailangan ko na itong bitawan."

Halos paulit ulit nagrerecall sa isipan ko ang huling kataga na binitawan ni thylandier sa akin.

Panay ang pagiling ko ng mapatitig ako sa kamay naming magkahawak.. Narito kami ngayon sa kalesa at hanggang ngayon ay hindi nito binibitawan ang kamay ko. Ilang beses ko ng hinihila ang kamay ko sa tuwing napapalingon sa amin si edwardo kapag magtatanung sa amin pero hindi nya iyon binibitawan.

Bakit kailangan kong hayaan to? Panay lang ang pagiwas ko dahil hindi ko pa kayang tumingin sa kanya ng deretsyo.

Naramdaman ko na lamang ang paghinto ng kalesang sinasakyan namin kaya naman dali dali kong inagaw ang kamay ko kay thylandier na kanina pa nya ayaw bitawan..

Kailangan ko ng bumaba.. Kailangan kong maunahan sa pagbaba si thylandier..

Wala na sa isip ko ang mga bagay bagay at tila kinakabahan akong tumalon di oras sa kalesa na ikinagulat ni edwardo at thylandier..

"Binibining Isabel... Ayos ka lang ba?"

Nagaalalang tanung ni edwardo.. Kung kayat nginitian ko na lamang ito.

"Ginoong thylandier aalis na ako.. M-mauna na ako sa inyo."

Hindi kona hinintay pa ang isasagot ni thylandier..

Mabilis kong tinungo ang panuluyan ni inay ising..

"Isabel... Tila humahangos ka ano ang bumabagabag sayo?"

Nanatili lamang ang tingin ni inay ising sa akin.. Panay lamang ang pagiling ko at hindi ko mabuka ang bibig ko para magsalita..

"Magandang gabi manang ising.."

Mas lalo akong napatulala at mas lalo akong naistatwa sa kinatatayuan ko ng maramdaman kong nakatayo si thylandier at edwardo sa likuran ko..

"Magandang gabi sa iyo binibini.."

Mag c-six na ng hapon ng marating namin ang panuluyan ni inay ising.

"Magandang gabi din sayo heneral thylandier at ginoong edwardo.. Ako'y natutuwa na inihatid nyo ang aking anak anakan na si Isabel."

Nakangiting turan ni inay ising sa dalawang lalaki na nasa likuran ko.

"Walang anuman iyon manang ising..."

Nakangiting turan ni thylandier.. Panay lang ang pagiling ko at ramdam ko din ang pag agos ng pawis sa aking mukha.

"Dito na lamang kayo maghapunan.."

Napapikit na lamang ako sa sobrang kaba... Sana pumayag kayo... este sana umalis na kayo!!

"Pinaghandaan ko ang hapunan nyo.. Makisabay na kayo sa amin."

Nakangiting habol ni inay ising kina thylandier at edwardo.. No no way!!! Wag na please..

"S-sige po manang ising.. Tila ako'y nagugutom na sapagkat kakanin at suman lamang ang kinain namin kina manang berta."

"Kayo'y nagtungo sa kabilang baryo upang bisitahin ang mga bata at si berta?"

Magkakilala naman si Inay Ising at Manang Berta.. Sila ay magbestfriend na nagalaga sa mga Valdez.

"Opo!! Tuwang tuwa ang mga bata sapagkat naroon ang senior thylandier at senior dairus."

Nakangiting sagot ni edwardo sabay tumabi kay inay ising at nagpauna na sa paglalakad papasok sa panuluyan..

"N-nandyan ka pala heneral thylandier.."

Naiilang at panay na naman ang pagiling ko habang nakayuko ng magtama ang aming paningin.. Karma is real ba?

"Tayo'y pumasok na at mukhang masama ang iyong pagkakabagsak kanina."

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi nito.. Hindi ko tuloy alam kung nangaasar ba sya o seryoso ito.

Anong gagawin mo kapag pumayag ang ama ni nathalia na magpakasal sayo??

Hulog balikat kong pinagmasdang naglakad na papasok ng panuluyan si thylandier. GALIT BA YUN?

"Bakit ba naguguluhan ako sa mga kilos nya? Hindi ko din mabasa ang mga iniisip nya ngayon.."

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa mga ito papasok ng panuluyan.. Hindi ko din napansin na hinintay pa ako ni thylandier na makapasok.

"Pasensya na kung ako'y naging mapusok sa iyo kanina, Isabel. Gusto ko lamang mahawakan ang iyong kamay binibining Isabel."

***   ***

Kanina kopa iniisip kung anong klaseng pakiramdam ba ang bumaon sa pagkatao ko. At hindi ko maintindihan ang sarili ko sa twing nakikita,nakakasama at sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni thylandier.

"Kami ay aalis na manang ising... P-pakisabi na lamang sa binibini na salamat dahil pinaunlakan nya kaming samahan kanina sa kabilang bayan.."

Teka!! Hindi paba nakakaalis sina thylandier at edwardo?? Panay lang ang pagbuntong hininga ko dito sa aking silid.. Matapos ko kaseng kumain ay nagpaalam na ako na mamamahinga ako sa aking silid kaya pinayagan lamang ako ni inay ising.

' Binibining Isabel hayaan mona ako dito.. S-sapagkat unti unti ko ng tatanggapin ang lahat. '

Muli na namang tumatak sa isipan ko ang sinabi ni dairus sa akin kanina.. Kailangan kong mailihis ang lahat!! Kailangan kong itama ang lahat.. Hindi ito ang itinakda ko sa mga bida.

Panay lang ang paglagok ko sa iniinom kong tubig habang nandito sa kama at nakaupo.

"Kung magpapatuloy pa ang lahat ng to maaring magbago ang nakatakda sa nobela ko.."

Naiinis kong bulong sa aking sarili habang iniisip ang nangyaring piging at nangyari kanina sa kabilang baryo kung saan naroon din si dairus.

Napalingon naman agad ako sa paulit ulit na pagkatok sa pinto..

"Isabel, iha."

Inilapag ko na muna ang tubig na iniinom ko bago ako tumayo at naglakad papunta sa pinto para pagbuksan si inay ising.. Nasasanay na akong tawagin syang inay!!

"Isabel maari bang pakihatid si heneral thylandier sa kanilang kalesa sapagkat nauna na si edwardo.. At gusto ka daw makausap ng senior."

Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang kay inay ising.. Lumabas ako ng silid at bumaba nakita ko pang nakatayo si thylandier.

"I-ihahatid na kita G-ginoong thylandier.."

Napipilitan kong ngiti sabay nagpauna na sa paglalakad palabas.

"S-sandali lamang isabel.."

Sa kauna unahang pagkakataon na tinawag nya ang pangalan ko na walang binibini nakaramdam na naman ako ng tuwa at kakaibang kilig.. NAKU LENZY!! HINDI KA KAYA MARUNONG KILIGIN.

"Ano yon Ginoong thylandier?"

Nakangiti kong tanung pagkaharap na pagkaharap ko sa kanya.

"N-nais ko sanang magpasalamat sa iyo.."

Nakangiti nitong turan.. Shems!! Yung ngiting yun.. Napapalunok naman ako ng maalala ko kung paano nya ako ngitian nung tulungan nya akong makatayo sa may narra na kinauupuan ko nung first day ko dito.

"Wala iyon ginoo.. Natutuwa akong masilayan ang iba mong katangian.. Hindi ko inaasahan na may iba kapa palang tinatagong katangian.. Dahil ang isang Thylandier Third Valdez ay hindi ngumingiti kanino'man. Hindi din nakikipagusap ng maayos sa iba lalo na't kung hindi mo naman sila close at isa pa hindi ko inexpect na may tiwala sayo sina manang berta at inay ising.. Nakakatuwang makita kopa ang mga katangian na meron ka na kailanman ay hindi ko naman nilagay sa iyong description."

Mahabang lintanya ko kaya naman tumingin ako sa kanya hanggang sa maisip ko ang mga pinagsasabi ko about him.. OMG!!! WHAA I'M LUTANG ATA.

"B-binibining isabel... A-ano ang iyong mga pinagsasabi?"

Kitang kita ko sa mga mata nito ang Curiosity at pagkamangha..

Para akong tangang tatawa tawa sa harap nito habang sya mas lalong kumunot ang noo nito.. Yung Perfect na pagkakakunot na syang bumagay sa mga mata nito na hindi naman malaki at hindi naman maliit.. Sakto lang!!

"Wag mo na lamang pansinin ang aking mga itinuran ginoong thylandier.."

Tumango tango na lamang ito kahit na gustong gusto naman nyang magtanung sa akin.

"Narito na tayo sa iyong kalesa ginoo.."

Nakangiti kong turan ng makalapit na kami sa kalesa nito nakita ko pang tumayo si edwardo at yumuko pa sa akin.

"Magandang gabi sa iyo binibining Isabel."

Nakangiti itong tumingin sa akin bago sya sumakay.

"Magandang gabi din sa iyo ginoong edwardo.."

Nakangiti kong sagot sabay tingin kay thylandier na nakatitig na sa akin at seryoso pa ito. BAT BA ANG HOT NYA?

"Binibini.."

Mas lalong tumindi ang pagkabog ng puso ko ng maramdaman ang napakaseryoso nitong presensya..

"May gusto akong sabihin sa iyo.."

Muli nitong habol sa akin.. Curious tuloy ako sa sasabihin nito.

" Creo que me estoy enamorando de ti "

Ano daw?? Espanyol ang salitang binanggit nya,ah.

" H-hah?? Ano ang ibig sabihin ng iyong sinabi,ginoo? "

Ang kaninang seryosong mukha nito ay napalitan ng kakaibang aura habang nakatitig kami sa isat isa.

"Alamin mo ang ibig sabihin ng aking sinabi sa iyo, Isabel."

Gosh!! Pakiramdam ko importante ang sinabi nya sa salitang espanyol. ANO NAMAN KAYA ANG IBIG SABIHIN NUN?

"Kapag nalaman mona ang ibig sabihin ng aking itinuran gusto kong bigyan mo ako ng sagot."

Tanung kaya yun?? Lalo tuloy akong nakakaramdam ng kaba sa sinabi nya.. Kaba na hindi ko alam kung anong ibig!!

"Hihintayin ko din ang iyong kasagutan sapagkat napakahalaga sa akin ang iyong isasagot, Isabel."