webnovel

THE DIFFERENT WORLD AND DIFFERENT TIME

"One Day, I open my eyes and I'm trapped in my own NOVEL.."- Lenzy Pacheco Lenzy a famous writer and famous fine'art artist.. She discovered herself inside the world of the story she wrote. She met all the characters she named. She experience all the scene she imagined. She heard all the lines she created. Lenzy, loves tragic's love story.. She never fond of happy ending or happy story.. Until she met THYLANDIER THIRD VALDEZ.. THYLANDIER THIRD VALDEZ - A high ranking politics and soldier who used to love the female protagonist. Paano gagawa ng paraan ang isang manunulat kung nasa loob sya ng gawa nyang kwento? Paano pa nya babaguhin ang lahat ng mangyayari kung nasa loob parin sya ng kwentong binuo nya.. Paano nya pipigilan ang mangyayari kung unti unti nyang marerealized na nagsisimula na syang mahulog kay THYLANDIER THIRD VALDEZ ang antagonist ng novel na gawa nito..

Pica_gurl · History
Not enough ratings
38 Chs

EPILOGO (EPILOGUE):

"LENZY WAKE UP, PLEASE!!"

Nagising si lenzy sa malakas na sigaw ni erika ang childhood bestfriend nito.

Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si lenzy habang nararamdaman din nya ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito.

Pakiramdam nya ay may nakalimutan syang napakahalagang bagay.. Bagay na hindi nya malaman ang dahilan ng sakit na dumudulot sa kanya.

"Lenzy are you okay??"

Iminulat ni lenzy ang mga mata nito at puting kisame ang bumungad sa kanya.. Unti unti naman nyang inilingon ang ulo sa mga kaibigan nyang sobra sobra ang pag-aalala sa kaibigan nilang nawalan ng ulirat.

"A-anong ginagawa ko dito?"

Umupo si lenzy at tinignan isa-isa sina erika, noime at beatrix.. Sadyang naninikip at sumasakit ang ulo at dibdib nito habang inaalala ang mga nangyari sa kanya pero ni isa wala syang matandaan.

"5 days ka na dito.."

Nalilitong tumitig si lenzy sa mga kaibigan nyang alalang alala sa kanya hindi malaman kung magsasalita pa ba ito.. Kung magsasalita man sya wala syang maisip na sasabihin o tanung sa mga ito.

"Pakiramdam ko tinamaan ako ng kakaibang bagay sa dibdib."

Halos mapabuntong hininga pa si lenzy iniisip kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya..

"A-ano bang nangyari sa akin?"

"Wala ka bang maalala?? Hindi mo ba maalala na nagpaalam ka sa amin para mag Cr?"

Mas lalong sumakit ang ulo ni lenzy kaya napahawak pa sya sa bunbunan ng ulo nya dahil sa pagiisip..

"W-wala akong matandaan,eh."

Nagkatinginan sina beatrix, noime at erika dahil sa sinabi ng kanilang kaibigan.

"Ang pagkakatanda ko lang ay pumunta tayo sa isang museum hanggang doon na lang ang natatandaan ko."

"Hindi mo ba natatandaang hinimatay ka sa labas ng simbahan?"

Nangunot ang noo ni lenzy dahil sa tanung sa kanya.

"S-saang imbahan?"

"Simbahan ng San Manuel.."

Sa paglipas pa nang buwan unti unti ng nakakarecover si lenzy dahil sa impact ng pagkakaumpog nito nung himatayin sya sa labas ng simbahan.. Ilang linggo din syang pinag stay sa hospital dahil baka mas lalong maapektuhan ang pagiisip nito kung aalis na sya sa hospital na pinagdalhan sa kanya at kung pipilitin nyang maalala ang nangyari.

Sa paglipas muli ng buwan naging successful naman si lenzy dahil sa mga nobela na ginawa nito lalo na ang 'The Daughter of Governor and The Leader of Revolution'..

Gaya ng sinabi sa libro lahat ng ala-ala ni lenzy ay tuluyan ng naglaho ngunit ang kakaibang pagtibok ng puso nito ang nagdudulot sa kanya ng kalungkutan.

"Bakit sa tuwing nababasa ko ang pangalan ni thylandier sa nobela ko anong kaba ang nagpapadulot nito sa akin."

Nakatitig lang si lenzy sa nobelang nag wakas na..

"Maganda ang naging komento ng mambabasa sa nobela mo, lenzy."

Hindi agad nakapag salita si lenzy dahil sa sinabi ni beatrix matapos ang isang taon natapos na din ni lenzy ang nobela.. Nagkaroon ng magandang wakas ang 'The Daughter of Governor and The Leader of Revolution.'

"Halos positive dahil binigyan mo ng chance na magbago si Don Mariano at Thylandier na isa paring Heneral samantalang nalaman ng lahat na si patricio pala ang nagsusulsol kay thylandier na patayin si dairus dahil may pagtingin si patricio kay nathalia.. GRABE ANG PLOT TWIST ng nobela hindi pala talaga masama si thylandier.."

Halos hindi na mawala ang ngiti ni lenzy dahil sa sinabi ni beatrix sa kanya..

"Hindi ko alam kung bakit may puwang sa puso ko na sana nag e'exist si thylandier sa buhay ko.. Feeling ko may iba akong pakiramdam sa tuwing nababasa ko ang pangalan ni thylandier."

"Lenzy!! Siguro ay gusto mong bigyan ng magandang wakas si thylandier.."

"Hindi ko alam!!"

May nagsasabing mas gugustuhin nitong magkaroon ng happy ending si thylandier na kasama sya meron namang nagsasabing hanggang doon na lang ang kwento ni thylandier.

"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko gusto kong mabigyan ng magandang wakas si thylandier na kasama ako."

Hindi naman makapaniwalang napalingon si beatrix sa kanyang kaibigan dahil sa sinabi nito.

"Pakiramdam ko ay nagkasama na kami ng matagal.. Pakiramdam ko ay minahal ko si thylandier kahit nasa libro lang naman talaga sya."

Magsisimula na ang interview ni lenzy dahil sa naging successful ang gawa nitong nobela lalo na at nakuha ang nobela nya para gawing movie. KATHNIEL ang gaganap bilang dairus at nathalia.

Napakasaya ng mga naging mambabasa ng nobela dahil sa wakas ay mabibigyang linaw na ang mga binuo nilang katanungan para sa writer na si lenzy.

"Magandang umaga sa inyong lahat narito na ang famous and successful writer, Ms. lenzy pacheco."

Nagpalakpakan ang mga mambabasa nito na nasa'kanyang interview.. Mabilis na nakuha ni lenzy ang mike na bigay sa kanya.

"Magandang umaga sa inyong lahat... Salamat po sa pagpunta!! Kayo ang inspirasyon ko at natutuwa ako na hanggang sa dulo ay inabangan nyo ang aking nobela."

Masayang turan ni lenzy sa mga mambabasa nito.. Hiyawan at tawanan ang maririnig sa loob ng isang conference nagsimula na din silang maglabas ng papel na may sulat na mga katanungan.

"Sino ang magtatanung?"

Agad na tanung ng host sa interview ni lenzy.. Halos kumabog ang dibdib ni lenzy dahil sa kabang nararamdaman nito nagtaas naman ng kamay ang isang mambabasa.

"What's your name?"

"Unice po!!"

Ngumiti naman si lenzy sa host at tumango pa ito..

"What is your question?"

"Paano po kayo nagumpisang magsulat ng nobela?"

Ngumiti naman si lenzy at itinapat ang mike sa kanyang bibig para sumagot sa tanung ng mambabasa nito.

"Nagumpisa akong magsulat nung makatapos ako ng high school.. Bored ako nun as in!! Wala akong hilig maglagalag kaya naman nagsulat ako ng kwento gamit ang mga notes ko na hindi na ginagamit.."

Kitang kita naman sa mga mata ng mambabasa ni lenzy ang paghanga at kagalakan dahil kuntento naman sila sa isinagot nito.

"Sino sino naman ho ang naging inspiration nyo sa pagsusulat?"

"First GOD, Family and my all friends.."

Nakangiting sagot uli ni lenzy sa pangalawang nagtanung sa kanya..

"Bakit ang 'The Daughter of Governor and The Leader of Revolution ang pinakapatok na nobelang nagawa mo?"

Halos mangatal si lenzy dahil sa third question sa kanya na hindi naman agad nya nasagot dahil pakiramdam nya ay may nagmamatyag sa kanya sa di kalayuan.

"I think mas tumatak sa mambabasa ko na ang nobelang The Daughter of Governor and The Leader of Revolution ang pinakanagustuhan nila dahil sa plot twist at sa flow and quality ng kinalabasan ng nobela."

Nakangiti na namang turan ni lenzy habang nakatitig sa isang matandang babae na nakatitig din sa kanya na nasa labas ng conference room na glass window lang naman ang kabuuan nito kaya nakikita din nya ang nasa labas ng conference room na pinaginterbiyuhan sa kanya.

"Anong masasabi mo sa mga suporter at mambabasa mo, Ms. lenzy?"

"Maraming salamat sa support at sa pagtangkilik ng nobela ko.. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng sariling pangalan sa lugar ng pagsusulat.. Nagpapasalamat ako dahil hindi sila nagsawang suportahan ang nobela ko.. Maraming maraming salamat sa mambabasa at sa mga tumangkilik ng ' The Daughter of Governor and The Leader of Revolution.'.."

Nagsitayuan ang mga nasa conference room at malakas na hiyawan at palakpakan ang ibinigay nila para kay lenzy.. Matapos ang book signing ay nagpapicture pa ang iba kasabay nun ang pagdating nila beatrix, noime at erika na nagpa book signing din sa bestfriend nila.

"Congrats gurna.."

"Congrats lenz.."

"Congrats best.."

Nakangiting pagbati nila noime, beatrix at erika ng matapos mapermahan ang kani kanilang book na sulat ni lenzy.

"So saan mo balak mag celebrate, lenzy?"

Nakangiting tanung naman ni beatrix kay lenzy habang naglalakad sila palabas ng conference room.

"Kahit saan, Libre ko."

Nagtawanan sila at sabay-sabay na lumabas ang magkakaibigan hanggang sa harangan ng matandang babae si lenzy may dala itong nakawrap na malaking bagay.

"Ija sanay matuwa ka sa magandang regalong ito.."

Kinuha ni lenzy ang isang malaking bagay kasama na doon ang isang 'FULL MOON BRACELET'.

"Babagay sa iyo ang porselas na ito.."

Inilagay ng matandang babae ang FULL MOON BRACELET sa kamay ni lenzy na hindi naman tumanggi dahil pakiramdam nya ay nakita na nya ang bracelet na iyon sa hindi nya malamang lugar at kung kailan nya iyon nakita.

"Ang iyong ala-ala ay muling manunumbalik ngunit kailanma'y hindi kana makakabalik sa loob ng nobela at hindi mo na kailanman makakasama ang lalaking iyong iniibig."

Nakatitig si lenzy at ang matandang babae sa isat isa kasabay ng mabilis na hangin ang biglaang dumampi kay lenzy kasabay din ng pagbagsak nya sa lupa kasama ang malaking bagay na nakabalot ng dyaryo.

Malakas na hampas ng hangin ang biglaang nagpabuhay sa ala-ala ni lenzy sa nakaraan.

"K-kung sakali mang m-maulit ang lahat ng ito n-nais kong ikaw parin ang l-lalaking magiging bida sa aking nobela. Gagawin kong muli ito para sa iyo, t-thylandier. A-anuman ang mangyari ikaw at i-ikaw parin ang nais kong makita at m-mahalin."

"Lenzy hihintayin kita kahit ano pang mangyari.. Kahit pa matagalan ang pagbabalik mo hihintayin kita hanggang sa pwede na tayong dalawa."

***   ***

Halos sumakit ang ulo ko ng makabangon ako sa pagkakahiga.. BAKIT BIGLA NA LANG SUMAKIT ANG ULO KO??

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata na bigla bigla na lamang pumapatak sa tuwing may napapanaginipan akong lalaki!!

Nalula ako sa ganda ng FULL MOON na nasa labas ng kwarto ko.. Madilim pa sa labas ng unit ko kaya tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at naglakad palapit sa tapat ng bintana.. Binuksan ko ang bintana at tinitigan ang napakalaking FULL MOON.

"Ang iyong ala-ala ay muling manunumbalik ngunit kailanma'y hindi kana makakabalik sa loob ng nobela at hindi mo na kailanman makakasama ang lalaking iyong iniibig."

Nahawakan ko ang Full Moon Bracelet na bigay sa akin ng matandang babae sa tapat ng conference room kung kailan ako nagbook signing at na'interview.

Anong ala-ala naman ang kailangan manumbalik? Sinong lalaki naman ang iibigin ko?

GOD TULUNGAN MO NAMAN AKONG ALAMIN ANG SINABI SA AKIN NG GINANG NA IYON!!

Napabuntong hininga naman akong tumitig na naman sa Full Moon sa labas ng unit ko habang hawak hawak ng kanan kong kamay ang bracelet full moon na inilagay sa akin ng matandang babae.

Napatingin ako sa malaking bagay na nakabalot ng dyaryo na nasa taas ng upuan..

"Ija sanay matuwa ka sa magandang regalong ito.."

Anong regalo kaya to?

Nilapitan ko ang upuan kung saan ko ipinatong ang malaking bagay na nakabalot sa dyaryo.

Halos kumabog ang dibdib ko ng makita ko kung gaano kaganda ang painting na nasa harapan ko ngayon... Isang painting na nasisiguro kong ako! Ako yung babaeng nasa painting.

Sino naman ang gumawa nito?

Tinignan ko ang kabuuan ng painting hanggang sa mahinto ako sa isang sulat kamay na pangkastila.

" Creo que me estoy enamorando de ti "

Kunot noo kong kinuha ang phone ko at nagpunta ako sa spanish - tagalog translations.

Translations: "Sa tingin ko nahuhulog ako sa iyo"

Pakiramdam ko ay narinig ko na ang salitang ito!!

Muli kong sinuyod ang kabuuan ng painting hanggang sa mapatitig naman ako sa isa pang salitang espanyol.

"Te amo, lenzy. Estoy dispuesto a esperar mucho tiempo para estar contigo de nuevo, mi amor."

Muli kong ginaya ang nakasulat sa painting at halos kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa tagalog nito.

Translation: "Mahal kita, lenzy.. Handa akong maghintay ng matagal makasama lang uli kita, aking mahal."

Nagmamahal ang iyong sinta

— Thylandier

T-thylandier?? Napahawak na lamang ako sa aking ulo habang unti unti akong nanghihina.. Nangibabaw ang kakaibang takot at kaba sa dibdib ko.

**_**

"Isabel ikakasal na si heneral thylandier.."

Pagkamulat ko ay biglang nanumbalik lahat ng ala-ala ko sa loob ng nobela..

"Kailangan nyo pong itakas si senior thylandier.."

"Ate Isabel naguumpisa na ang kasal kailangan mo syang pigilan.."

Halos manghina ako sa sinabi ni edwardo ang isa sa mga tauhan ni thylandier.

"Kung matutuloy man ang kasal gusto kong naroon ka upang itakas ako."

Kailangan kong tuparin ang pangako ko sa kanya.. Kailangan ko syang ilayo sa kasal na ito baka pagsisihan ko kapag wala akong nagawa para iligtas sya sa pag ibig na hindi naman talaga para sa kanya..

"Kailangan ka ni Senior thylandier.."

Hindi ko alam pero napatakbo ako papasok sa simbahan.. Tama nga sila naguumpisa na nga ang kasal ni nathalia at thylandier.

"S-sandali..."

Wala sa sariling sigaw ko kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat kasama na doon sina nathalia at thylandier na malungkot ang mga mata ngunit naglaho ang lungkot na yun ng magtama ang paningin naming dalawa..

"Sino naman ang binibini na iyan?"

"Anong ginagawa ng isang babaeng bayaran sa simbahan na ito."

Maraming haka haka ang naninira sa akin pero wala na akong pakialam dahil nakangiti siya sa akin.

"I-itigil ang kalokohang kasal na ito.."

Mabilis kong sigaw at lumapit na sa pinakaharap..

"I-isabel.."

Narinig ko ang tinig ni nathalia ng mapagtanto nito kung sino ang kaharap nya..

"Ako dapat ang panagutan ng lalaking iyan———"

Dinuro ko pa si thylandier na halos lumawak ang ngiti sa labi at kitang kita ang biloy sa magkabilaang pisnge nito.

"B-buntis ako at siya ang ama..."

Wala sa sariling habol ko sa sinabi ko kaya halos magbulungan ang mga taong naroon nakita ko pa ang nakangiting reaksyon ni nathalia.

"Salamat at dumating ka kaibigan.."

Gulat akong napatingin kay nathalia ng magsalita ito.

"A-ang totoo nyan ay napipilitan lamang kami ni thylandier na magpakasal kahit na may ibang itinitibok ang aming mga puso.."

Napayukong turan ni nathalia sabay nilingon si thylandier..

"Puntahan mo na ang babaeng nagpapatibok ng iyong puso.."

Nakangiti namang hinawakan ni thylandier sa kamay si thylandier..

"Salamat!!"

Nakangiting niyakap ni thylandier si nathalia halos magbulungan ang lahat nangunguwestiyon kung bakit nagka'ganoon ang pangyayari.

Nakangiti namang tumakbo palapit si thylandier sa akin.

"Akala ko'y hindi kana tutupad sa iyong pangako kahit na sinabi kong h'wag ka ng bumalik sa magulo naming mundo."

Napangiti ako ng niyakap nya ako ng sobrang higpit kaya naman niyakap ko din sya pabalik.. ANG PANGAKO AY KAILANGAN TUPARIN!!

"Dahil mahal kita, thylandier."

Bulong ko habang nakayakap parin kaming lahat..

Hinawakan nito ang kamay ko at nakangiti itong tumango sa akin..

"Nais kong lumayo rito kasama mo..."

Tinalikuran namin ang lahat at nakangiti kaming tumatakbo palabas ng simbahan ngunit napatigil kami dahil sa pagharang ng ilang mga lalaking nakasuot ng damit magsasaka habang may salakot na pula ang mga ito.

"Sa tingin mo ba ay maitatakas mo ang aking pakakasalan..."

NO WAY!! Patricio?

Dali dali akong hinila patalikod ni thylandier dahil sa biglaang pagpapakita ni patricio sa amin..

Pinalibutan kami ng ilang mga lalaki kaya mas humigpit ang pagkakahawak ni thylandier sa akin.

"Kahit anong mangyari hindi ko bibitawan ang iyong kamay.."

Mas lalong hinigpitan ni thylandier ang pagkakahawak sa akin..

Biglang sumugod ng sabay ang mga lalaki ngunit ganun na lang ang paghanga at pagkamangha ko ng mapalayo sila dahil sa bilis ng kilos nito para protektahan lang ako..

"Ano man ang mangyari sa akin hinding hindi ko hahayaan na magkahiwalay na naman tayo, lenzy."

Muli nya akong itinago sa likuran nya ng tumakbo palapit ang dalawang lalaki kasabay nun ay pinalibutan na naman kami ng iba pang kalaban.

Out of nowhere mabilis kong hinila ang kamay ko sa kanya at mabilis na kumilos para harangan ang dalawa pa na susugod sana kay thylandier.

Malakas na tadyak ang ibinigay ko sa lalaki at isang malakas at mabilis na uppercut ang ginawa ko sa mukha nito.. BUTI NA LANG AT MAY NATUTUNAN AKO SA TAEKWANDO ..

Naramdaman ko na magkatalikod kami ngayon ni thylandier habang hinaharap ang iba pang mga kalalakihan na nakaharang sa amin.

"Paano mo nagawa ang bagay na iyon?"

Napapikit na lamang ako dahil sa tanung nito.. Imbes magfocus kami ay nagawa pa nyang magtanung sa akin.

"Nakakalimutan mo ata na magkaiba ang ating mundo?"

Inis kong sagot sabay tinadyakan ang lalaking papalapit sa akin..

"Thylandier..."

Sigaw ko ng mapadapa ito habang nakahawak sa kanyang tagiliran.

Shit may dugo!!

Tumayo si thylandier na para bang walang nangyari ngunit ako naman ang natigilan ng maramdaman ko ang malakas na suntok sa tiyan ko napatitig pa ako sa langit bago ko naaninag ang mukha ni patricio na sobrang lapit sa akin.

"Ngayon ay nakuha na kita.."

Isang malakas na sigaw lang ang naririnig ko na nagmumula kay thylandier ng buhatin ako ni patricio na parang sako unti unti akong nanghihina kahit ang pagpikit ko ay pilit kong nilalabanan..

No!! Thylandier..

Nakita ko kung paano sinuntok at pinagtulungan ng mga lalaki si thylandier na nanlalaban at humahabol sa amin.

**_**

Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kakaibang ala-ala na bigla na lamang sumulpot sa aking isipan.

Naipikit ko lalo ang aking mga mata dahil sa hapdi at pagkibot kibot nito.

**_**

Naimulat ko ang mga mata ko kasabay nun ang pagbukas ng pinto kung saan ako nakalagak..

"Maganda hapon, mahal ko."

Nakangising turan ni patricio sa akin pagkapasok nito sa kwarto kung saan ako nakalagak noon.

"P-pakawalan mona ako patricio..."

Nagbabakasakaling mapapayag ito ngunit hindi nya ako pinakinggan.

"Pakakawalan lamang kita kung hindi mo ako tatakasan.."

Ano na ang nangyari kay thylandier?

"Bakit kailangan mo pa akong igapos kung hindi naman ako makakatakas sa silid na ito, patricio."

"Mas mabuti ng nakagapos ka.. Hindi na ako papayag na makuha ka ni thylandier kahit pa ni dairus."

Makahulugang turan nito.. Umupo sya sa tabi ko matapos nyang ilapag ang dala nitong pagkain sa mesa na malapit lang sa akin nanatili lang ang masamang tingin ko sa kanya. HINDI AKO PWEDENG MAGTAGAL DITO.

"A-anong ginawa mo kay thylandier"

Nanginginig na ang buong katawan ko sa kakaibang galit habang masama ang tingin kay patricio.

"H'wag kang mag alala hindi ko pinapatay si thylandier.. Dahil sigurado akong may gagawa nun para sa akin."

Nakangising turan nito na syang nagpakaba ng dibdib ko.. Sana mali ang hinala ko!! Sana hindi si dairus ang nakatakdang pumatay kay thylandier.

"A-anong plano nyo??"

Wala sa sariling tanung ko kay patricio.. Kailangan kong malaman ang plano ng sa ganon ay makagawa ako ng hakbang laban sa kanila..

Sa totoo lang natatakot ako.. Natatakot ako sa oras na hindi ko magawa ang plano, alam ko sa sarili ko na mananatili ako habang buhay dito sa loob ng nobela at pagsisisihan ko iyon habang buhay dahil hindi ko nagawa ng maayos ang dapat kong gawin para kay thylandier.

"Nais mo bang masaksihan kung paano bitayin ang iyong ina, isabel."

Naikuyom ko ang aking mga kamay at napatitig kay patricio.

"P-paano mo nagagawa ang bagay na ito, patricio?"

Patuloy na ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.. Dahil sa akin ay mahahatulan ng kamatayan si inay ising.

"Ibinigay na ng gobernador cillio ang kanyang hatol sa iyong ina.."

Hindi ako makapaniwalang napatitig kay patricio.. Inaalam kung totoo ba ang sinasabi nito sa akin.

"Ibinigay na din sa akin ng gobernador ang pagiging heneral habang nasasadlak ang iyong mahal sa kwartel."

Hindi makapaniwalang napalingon ako kay patricio dahil sa sinabi nito na mas lalong nagpahirap sa aking kalooban.

"A-anong s-sinabi mo??"

Nahihirapan na ako dahil din sa higpit ng pagkakagapos sa akin.. Paano ko matutulungan si thylandier kung nakakulong at nakagapos ako dito.

"Ang sabi ko ay nasa akin na ang lahat... Ang pagiging heneral na ipinagkatiwala sa akin ng gobernador.. Ang buhay ng mga taong hadlang sa aking plano at ang mga hadlang sa ating dalawa."

"P-pakawalan mo ako dito.."

Inis kong sigaw kay patricio ngunit hindi nya ako pinakinggan dahil mas lalo itong ngumisi sa akin.

"H'wag kang mainip... Pakakawalan kita sa oras ng hatol para sa iyong ina at kay thylandier.. Hintayin mo ang panibagong linggo, mahal ko."

Nakangiti itong tumayo at iniwan akong magisa sa loob ng silid..

Napasandal na lang ako sa higaan ko at napatulala na lang sa pagkaing iniwan sa mesa na kapalit sa akin.

Magkakasunod na pagpatak ng luha ang naramdaman ko sa mga mata ko habang inaalala ang masasayang araw na nakasama ko si thylandier at kung paano nya pinapabilis ang tibok ng puso ko bawat salita at kilos nya ay naaagaw din nya kahit ang halik nito ay hindi na din matanggal sa isipan ko ang lahat.. Kaya mas nasasaktan ako dahil hindi ko magawang ibigay ang kasiyahan na deserved nya.

Nakatulugan ko ang pag iyak ng mamulat ang mga mata ko ng nakatitig sa akin ang ina ni patricio na hindi ko alam kung kanina pa ba sya pumasok dito sa loob ng silid.

"Hindi ka pa kumakain?"

Nagaalalang tanung nito sa akin nanatili lang akong nakayuko walang balak na magsalita.

"Alam kong nagagalit at nasasaktan ka sa iyong sitwasyon, ija."

Patuloy nito sa pagsasalita hindi ko parin sya nilingon at wala akong balak na makipag usap..

"Patawad kung wala akong magawa para sa iyo.. Kung mayroon man ay sabihin mo sa akin baka matulungan kita."

Sa pagkakataong ito ay naghalo halo ang emosyon ko at wala sa sariling nilingon ang ina ni patricio na naaawa sa sitwasyon ko.

"M-matutulungan mo nga ba talaga ako??"

Emosyonal kong tanung sa ina ni patricio na papalapit na sa akin.

"Tutulungan kita kung pakakasalan mo ang aking anak.."

Napaiwas ako ng tingin at muli ko na namang naramdaman ang pagdaloy ng luha ko.

"May mga tao talagang tutulong pero may kondisyon.."

Natawa pa tuloy ako habang pinipilit pakalmahin ang aking sarili.

"Magpapakasal ka sa aking anak sa ayaw o sa gusto mo.. Hindi ko nanaisin na malungkot at magpabaya ang aking anak dahil lang hindi nya nakuha ang gusto nya."

Napalingon ako sa kanya at hindi makapaniwalang napatitig sa matandang babae na kaseng idad ni inay ising.

"Ikaw ang nais ni patricio kahit na hindi kita gusto para sa kanya.. H'wag kang mag-alala ginagawa ko lamang ito para sa aking anak."

"Pareho lang kayo ng anak mo.. Hindi ko nanaisin na makasama ang halimaw mong anak."

**_**

Ano bang nangyayari sa akin?? Anong ala-ala ba ang nawala sa akin? Bakit masyado akong naaapektuhan sa ganitong ala-ala??

**_**

Kinabukasan, isang babae ang namulatan ko na nagaayos sa aking silid.

"Magandang umaga sa iyo seniorita.. Ako nga pala si Julieta ang makakasama nyo sa lahat ng oras."

Nakangiti nitong sambit habang nagaayos parin..

"Hindi ko kailangan ng makakasama kung nakagapos naman ako ng ganito.. At isa pa habang buhay na akong nakalagak sa impyernong silid na ito."

Sagot ko at hindi sya nilingon nanatili lang akong nakasandal sa higaan ko.

"Kinausap ho ako ni senior patricio.. Pakakawalan ko po kayo ngunit kailangan kasama nyo ako kung saan kayo magtutungo hanggang sa maikasal na kayo."

"Anong ibig mong sabihin??"

Nakuha nya ang atensyon ko sa sinabi nito.. Makakawala ako pero makakasama ko sya!!

Lumapit sya sa akin at pinakawalan na ako nito.

"Maligo na ho kayo seniorita.. Sasabay ho kayo kina senior sa umagahan."

Nakangiti itong tumalikod at lumabas ng silid.. Naitaas ko naman ang mga kamay ko dahil sa higpit ng pagkakagapos sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako at tuluyan ng pumasok sa palikuran sa loob ng silid.

Matapos kong maligo ay sinuot ko na ang isang puting sa'ya na inilagay ni Julieta sa upuan.. Nakita ko iyong inilapag nya kanina at alam kong iyon ang ipinasusuot sa akin ni patricio.

Matapos kong ayusin ang aking sarili lumabas na ako ng silid at napansin kong napakarami ng bantay sa loob kahit sa labas ay may mga bantay.

"Bakit maraming bantay??"

Nagtatakang tanung ko kay Julieta ng lumapit ito sa akin matapos nya akong makita.

"Ang pagkakaalam ko po seniorita ito ay paraan ni senior patricio upang mabantayan ang buong hacienda.."

Nakakunot ang noo ni julieta sa akin.. Nasisiguro kong nagtataka din ito.

"Tumabi ka sa akin, isabel."

Tinapik tapik pa ni patricio ang upuan na katabi nito. Pabuntong hininga akong lumapit habang nakayuko.

"Ija may problema ba??"

Nagaalalang tanung ng ama ni patricio.. Nagtataka naman akong nilingon ito.

"W-wala hong problema.."

Nanatili akong nakayuko ang mga kamay ay nakatago habang nakahawak sa braso ko si patricio..

"Patricio ano bang nangyari?? Nawala lamang ako ng ilang linggo ay nagkaganyan na ang iyong kasintahan."

Istriktong tanung ng ama ni patricio at nasiguro ko na walang kaalam alam ito sa nangyari.

"Wala ho ama... Sadyang may pinagdadaanan lamang ang aking kasintahan sapagkat nasa piitan ang kanyang tiya."

Napansin kong nilingon ako ng ama nito..

"Ako'y nagugulumihan sapagkat wala akong kaalam alam sa nangyari sa iyong tiya.. Kung may nalalaman lamang ako ay handa kong tulungan si ising.."

Makahulugang turan ng ama ni patricio habang nakatingin sa akin.

"Wala na ho tayong magagawa sa sitwasyon ni manang ising, ama."

"Bakit??"

Napapatingin lamang ako kay patricio at sa kanyang ama na kausap nito.

"Mabilis na hinatulan ng gobernador cillio si manang ising.."

"Kailan ang kanyang paghahatol??"

Nasasaktan ako para kay inay ising.. Wala akong nagawa para tulungan sya!!

"Isang linggo na lamang ho ang natitirang araw nito para mabuhay, ama."

Sagot ni patricio sa kanyang ama na hindi parin makapaniwala sa narinig.. Napatitig ako sa ama nito dahil kapansin pansin ang kakaibang emosyon nito.

Natahimik ang lahat at kumain na ng umagahan habang ako ay hindi parin makapaniwalang nakita ko ang ibang emosyon sa mga mata ng ama ni patricio.

"Julieta pakisamahan si isabel sa panahian ng kanyang maisusuot sa nalalapit naming kasal."

Tumango lamang si julieta matapos naming kumain..

"Tara na ho seniorita.."

Inalalayan ako ni Julieta ngunit bago kami makarating sa pinto ay narinig ko ang sigaw ng ina ni patricio..

"HANGGANG NGAYON AY MAY PAGTINGIN KA PARIN SA ISING NA IYON.. HINDI PARIN SYA NAWAWALA SA IYONG ISIPAN? HINDI KA NAMAN NYA MINAHAL NGUNIT HANGGANG NGAYON AY NANDYAN PARIN SYA SA IYONG PUSO KAHIT NA HINDI NAMAN IKAW ANG MINAHAL NITO.. SI MARIANO ANG MAHAL NI ISING."

Halos manlaki ang mata kong napatingin sa pinto na nilabasan namin ng hilain na ako ni julieta.

Hindi ako makapaniwalang si inay ising pala ang One true love ni Don Mariano ang ama ni thylandier.. Habang palihim na minamahal naman ng ama ni patricio si inay ising kahit alam nyang si Don Mariano ang mahal nito.

*_**_*

"Mahilig si manang ising sa mga magagandang halaman kaya ganito na lamang karami ang tanim nitong bulaklak.."

"Si mang basilio naman ang nagdidilig ng mga halaman para kay manang ising.. Hindi na kase nagdidilig si manang dahil naaalala nya ang kanyang kasintahan na hindi sya ipinaglaban."

"I-iniisip ko lang kung magagaya ba ako sa aking ama na kahit kailan ay hindi minahal ang aking ina.. D-dahil may ibang babaeng nagpapatibok sa puso nito."

"D-dahil hanggang ngayon hindi ko maibaling kay nathalia ang pagibig na alam kong gusto nyang maihandog ko sa kanya."

"Nagkaroon ng k-kasintahan ang aking ama ngunit nakatakda syang ikasal sa aking ina noong kabataan nito.. M-mahal na mahal ni ama ang kanyang kasintahan ngunit mas pinili nya ang desisyon ng kanyang magulang na magpakasal sa aking ina na kailanman ay hindi nya nagawang suklian ang pagmamahal na inalay nito para sa kanya.. L-labis na nasaktan ang aking ina at dinamdam nya ito hanggang sa tuluyan na syang nakagawa ng h-hindi maganda.."

"A-at ayaw kong mangyari yun sa akin, Isabel."

*_**_*

Halos mapalunok ako ng maalala ang mga itinuran ni thylandier sa akin nung magkasama kami sa hardin ni inay ising.. Kung paano ko nakita ang lungkot sa mga mata ni thylandier ay ganun din ang lungkot na nakita ko sa mga mata ng ama ni patricio.

"Ayos ka lang ho ba seniorita?"

Napalingon agad ako kay julieta ng magtanung ito sa akin.

"Ayos lamang ako julieta.."

Pagkarating namin ni julieta sa pamilihan ay inalalayan ako nito at ng isang lalaki na nagpapatakbo ng kalesang sinasakyan namin.

"Narito na ho tayo... Tutungo tayo kay manang ikang para pagawaan ka ng iyong maisusuot sa iyong nalalapit na kasal."

Tahimik lang ako na sumabay kay julieta hanggang sa narating na namin ang sinasabing patahian ng susuotin ng ikakasal.

"Sabi ho ni senior na mauuna na ho kayo sa pagpapatahi at bukas na daw ho sya magpapatahi sapagkat nais nyang makausap ang kanyang ama."

Patuloy ni julieta ng makapasok na kami sa patahian ng sinasabing manang iking..

"Magandang umaga mga binibini.."

Napalingon naman agad kami ni julieta sa isang matandang babae na kakapasok..

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

Tanung uli nito kaya si julieta na ang sumagot sa matandang babae ng mapansin nitong ayaw kong magsalita.

"Ikaw ba si binibining isabel? Halika rito, ija."

Tumingin naman ako kay julieta pero tinanguan lang ako nito bago sya lumabas ng patahian.

"Totoong kay ganda ng mapapangasawa ni senior patricio.."

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa bago sya lumapit sa akin at nagumpisa ng kuhanan ako ng sukat.

"Sana'y pagpalain kayong dalawa..."

Napapayuko na lang ako dahil sa mga sinasabi nito..

Matapos ang pagsusukat sa akin ay nagpaalam na ako nakita kong nakatayo si julieta sa tapat ng kalesa kaya naman nilapitan ko ito.

"Saan mo balak magtungo ngayon seniorita??"

Napatitig ako sa kanya dahil sa tanung nito sa akin.. Pagkakataon ko na ito para makausap si inay ising..

"N-nais ko lamang magtungo sa kwartel upang makita ang aking ina.."

Napansin ko ang paglunok ni julieta..

"N-nagmamakaawa ako sa iyo julieta.. Nais kong makita ang aking ina."

Wala na akong pagkakataon pero gusto kong magmakaawa para makita at makausap ko lamang si inay ising.

"Sige ho seniorita ngunit h'wag nyong sabihin kay senior patricio na pumayag ako at sinamahan ko kayo sa kwartel para makita ang inyong ina.."

Napangiti agad ako at niyakap si julieta pagkawala ko sa kanya at nangiti ito sa akin at hinarap ang lalaking nagpapatakbo ng kalesa..

Nais ko ding makita at makausap si thylandier!!!

**_**

Thylandier na nasa libro ba?? Halos maimulat ko ang aking mga mata na tumama pa sa Full Moon na nakasakto sa bintana ng unit.

**_**

Pagkarating namin sa kwartel dali-dali kaming bumaba sa kalesa napansin namin na maraming bantay sa labas nito kaya naman nakiusap ako sa isang guwardiya ngunit natigilan ako ng mamukaan ako nito at mamukaan ko ito.

"E-edwardo!!"

Wala sa sariling bulong ng makitang si edwardo ang lalaking nasa harapan ko ngayon..

"B-binibini!!! Ano ang iyong ginagawa dito?"

"Nais kong makita sina ina at thylandier.."

Natigilan ito at napatingin pa sa likuran ko kung nasaan si julieta at ang lalaking nagpapatakbo sa kalesa..

"N-narito ho ang aming senior thylandier, binibini.?"

Napalunok akong napatitig uli kay edwardo sa tingin ko'y wala syang kaalam alam na narito ang kanyang senior.

"Itatakas ho namin si manang ising sa kamay ni senior patricio ngunit narito ka ngayon at hindi namin alam na narito rin ang senior.."

"Nais ko ding makita ang aking ina.. Papasukin mo na ako.."

Tumango tango ito sa akin bago nya ako alalayan..

"Wag mo akong tatawaging isabel.. Nais kong tawagin mo akong lenzy ng hindi tayo mahuli."

Bulong ko kaagad kay edwardo ng mapasok namin ang unang parte ng kwartel.

"Sino ang binibining ito??"

"Sya ho si binibining lenzy ang anak ni manang ising.. Nais nyang makita at makausap ang kanyang ina."

Sinuyod nito ang kabuuan ko bago sya tumingin kay edwardo na nagpapanggap bilang guwardiya civil.

"Ipagkakait pa ba natin sa binibining ito na makita ang kanyang ina sa huling linggo nito sa ating mundo?"

Walang nagawa ang guwardiya civil kundi papasukin kami ni edwardo.

"Nasa pinakadulo ang iyong ina samantalang hindi ko alam kung saan idinala si senior thylandier dahil ngayon ko lamang nalaman."

Aalis na sana si edwardo ngunit natigilan ito ng hawakan ko ang braso nito ng maalalang si edwardo ang kasama ni ernesto sa paghalughog sa opisina ni hukom sibestero.

"Nais kong malaman kung nasaan si ernesto??"

"Ernesto? Ang lalaking iyon ay binihag din ni senior patricio, binibini."

Napansin kong ilang kulungan din ang nakahilera sa kwartel kaya nasisiguro kong narito lamang si ernesto..

"Balita ko'y narito din ang tinutukoy nyong ernesto,binibini."

Tinanguan ko na lang ito at sinenyasan na lamang sya na lumabas upang makapagusap kami ni inay ising.

Magkabilaan kong hinanap si ernesto sa piitan hanggang sa magtagpo ang paningin namin sa isa't isa.

"B-binibini..."

Tumayo ito at hinarap ako kaya naman napalapit ako sa kanya.

"Nakuha mo ba ang talaan na pinapakuha ko sa iyo?? Naibigay mo ba kay hukom martin ang talaan?"

Natahimik ito at napayuko na lang dahil sa magkasunod kong tanung sa kanya..

"Ibinigay ko ho kay Juan ang talaan... Ang sabi ko ay hanapin nya si hukom martin dahil iyon ang ibinilin nyo sa akin. S-samantalang patay na ho si natong dahil inalay nya ang kanyang buhay makatakas lamang kami ni Juan. N-ngunit nagpahuli na ho ako para mailayo at maibigay ni juan ang talaan sa hukom na ipinapahanap nyo sa amin."

Lumuwag ng kaunti ang paghinga ko kaya napangiti ako sa kanya..

"Makakaalis ka din dito maghintay ka lang!! Kung sakali mang naibigay na ni juan ang talaan na mangiipit kay patricio sigurado akong makakaalis kayong lahat sa piitang ito."

"Salamat binibini..."

Tinanguan ko na lang ito at si inay ising naman ang hinanap ko ..

Nang makita kona sya dali dali akong lumapit ng makitang nanghihina at may mga pasa ito.

"I-inay ising.."

Napalingon sya ng tawagin ko ang kanyang pangalan.. Kahit nanghihina sya nagawa parin nyang makalapit sa akin.

"I-isabel..."

Hindi makapaniwalang napahawak sya sa aking kamay ng humawak ako sa rehas kung saan sya nakatayo.

"Anong ginawa nila sa iyo, ina.?"

Wala sa sariling tanung kay inay ising.. Napatitig pa ako sa mukha nito na may mga pasa.

"H-h'wag mo na akong intindihin anak... Ang intindihin mo ay ang iyong tungkulin."

Alam na kaya ni inay ising??

"Alam kona ang lahat, isabel."

Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa sinabi nito sa akin.

"Sa oras na mamatay si thylandier hindi ka na kailanman makakabalik sa tunay mong mundo... Kung kaya't h'wag ako ang iyong intindihin."

Sa oras na mamatay si thylandier hindi ka na kailanman makakabalik sa tunay mong mundo!!

Napatitig akong muli kay inay ising hinahanap ang kanyang reaksyon..

"Isabel nais ko lang malaman mo na hindi ako nagsisising kinupkop kita.. I-itinuring kitang tunay kong anak sapagkat nais kong magkaroon ng anak na kasing tapang mo, may paninindigan ka at alam kong kakayanin mo ang lahat.. M-may busilak kang puso kung kaya't marami ang nagmamahal sa iyo."

Naramdaman ko ang pagpisil ni inay ising sa kamay kong pinatungan ng kamay nito.

"Mahal na mahal kita ina... I'm so sorry po kung nadamay pa kayo.. I'm sorry kase napadali ang buhay nyo sa loob ng nobelang ito ng dahil sa pagdating ko."

"Mas gugustuhin kong mamatay isabel.. Mas nanaisin kong magsakripisyo para sa iyo at kay thylandier."

Napahagulhol na ako dahil sa sinabi nito na mas nagpabigat sa nararamdaman kong sakit.

"Ipanatag mo ang iyong isip at puso anak ko... Alam kong kakayanin mo pa ang darating na pagsubok.. Alam kong mapagtatagumpayan mo ang iyong tungkulin bilang may akda sa nobelang ito."

Nagkatinginan kami ni ina ng marinig namin ang boses ni thylandier na katabi lamang pala ng kulungan ni inay ising.

"Puntahan mo na sya!!"

"Opo ina..."

Dali dali akong pumunta sa katabing kulungan at naroon nga si thylandier bugbog sarado maraming pasa sa mukha at may saksak sa tagiliran..

Bakit hindi sya dinala sa pagamutan??

"T-thylandier..."

Nakita ko ang pagpilit nyang pagmulat sa mata nito hanggang sa nakita ko ang pagkakangiti nito sa akin.

"Ipangako mo sa akin na mabubuhay ka ng matagal..."

Wala sa sariling turan ko sa kanya na ikinalawak ng ngiti nito sa akin kahit hirap na hirap syang magmulat at ngumiti dahil sa mga pasa sa mukha nito.

"H-h'wag kang mabahala... Hindi ko hahayaan na manatili ka sa loob ng nobelang ito. Mas nanaisin kong mabuhay ng mag isa dahil alam kong gagawa ka ng p-paraan para bumalik sa akin.."

Panay ang pagtango ko sa kanya kahit walang kasiguraduhang makakabalik pa nga ba ako sa loob ng nobela oras na mailigtas ko sya.

"A-at kung hindi ka man m-makakabalik sa akin.. A-ako mismo ang pupunta sa iyo.. A-at kung hindi mo man ako maalala, magpapakilala ang puso ko sa'yo."

Paglipas, ng tatlong araw si julieta na ang lagi kong kasama at ang lalaking nagpapatakbo ng kalesa..

"Seniorita nais mo bang mamasyal sa pamilihan?"

Nakangiting tanung ni julieta sa akin.. Matapos kong makausap si inay ising, ernesto at thylandier hindi na uli ako nakabalik sa kwartel upang kumustahin sila dahil sa kwartel na nagpapalipas si patricio.

"Nais kong magtungo sa pamilihan.."

Napangiti naman si julieta at tinanguan ako nito.

"Julieta maari mo ba kaming iwan sandali ni isabel."

Napalingon kami ni julieta ng marinig ang boses ng ina ni patricio.

"Maari ba kitang makausap?"

Tinanguan ko naman si julieta na lumabas na muna ng aking silid bago nilingon ang ina ni patricio.

"Nais kong makausap ka ng may mapagsabihan ako sa aking hinanakit.. I-inaamin kong hindi kita gusto para sa aking anak na si patricio ngunit wala akong nagawa para tulungan ka at hinayaan ang gusto ng aking anak."

"Naiintindihan ko po... Pero masyado nyong tinutolerate ang anak nyo sa mga bagay na makapapanakit sa iba at sa kanya."

Napansin ko ang pagkunot ng noo nito dahil hindi nya masyadong naintindihan ang ibig kong sabihin..

"Ang ibig ko pong sabihin ay masyado nyong hinahayaan si patricio.. M-maari syang mapahamak kung hinahayaan nyo lamang sya sa kanyang ginagawa."

Napaiwas ito ng tingin at malalim na paghinga ang ginawa nito.

"Bilang ina kailangan mong suportahan ang kagustuhan ng iyong anak.. K-kahit na nakakasakit na ito kailangan nya ng susuporta sa kanya.. K-kailangan nya ng isang ina at ako lamang ang makakagawa non sa kanya."

Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko ang mama ko sa kanya.. Lagi din akong sinusuportahan ni mama.

"Naiintindihan ko po..."

"Kaya ako narito upang pakiusapan kang intindihin na lamang ang aking ugali.."

Tumango naman ako at bahagyang ngumiti sa kanya at ganun din ito sa akin.

"Alam ko ding narinig mo ang aking isinigaw sa aking asawa.. Si ising ang lihim nyang minahal kahit na may mahal na iba ang iyong tiya."

Tumayo na ito at naglakad na papunta sa pinto tumingin muna sya sa akin bago nya pinihit ang saradura.

"Sana ay maintindihan mo parin ako.."

Napabuntong hininga na lang ako ng makalabas na ito ng silid.

"Tayo na ho seniorita... Naghihintay na si Ginoong pino.."

Nakangiting bungad ni julieta pagbukas nya ng pinto kaya naman tumayo na ako at lumabas.

Nagpaalam naman kami ni julieta sa ina ni patricio na tumango lang sa amin.

"Seniorita maari ba akong magtanung?"

Napalingon naman ako kay julieta pagkasampa namin sa kalesa.

"Ano naman iyon?"

Nagtatakang tanung ko sa kanya.. Napangiti naman ito bago sya nagsalita.

"N-nais ko sanang malaman ang ngalan ng ginoong kausap mo.. Tila magkakilala kase kayo."

Nakamot ko ang noo at nagtatakang nilingon ito.. Sinong ginoong kausap ko?

"Yung guwardiya civil na ginoo... Tila magkakilala kayo! Ano ang ngalan nya?"

Nakangiti at kinikilig nitong tanung sa akin.. Ah!! Si edwardo..

"Edwardo ang ngalan ng ginoong tinutukoy mo.. Bakit?? Siguro ay may pag tingin ka sa ginoong iyon?"

Sinundot ko pa ang tagiliran nito kaya mas napangiti sya at tumango sa akin.. Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng kaibigan na gaya ni julieta.. Hindi ko man lang namamalayang nagiging malapit na kaming dalawa sa isa't isa.

"Nais ko syang makita uli, seniorita."

Napangiti naman ako sa sinabi nito sa akin ngunit naramdaman ko ang mabilis na paghinto ng kabayo.

"Anong nangyari??"

Nagaalangang tanung ko kay pino dahil sa gulat..

"Seniorita may lalaking tumatakbo... Baka tayo ay mapahamak."

Nalingunan ko ang lalaking sinasabi nito at parang nanghina ang buong katawan ko ng mamukhaan ang lalaking hinahabol ng mga guwardiya civil..

JUAN!!

"S-seniorita tutuloy pa ba tayo??"

Rinig kong tanung ni pino sa akin ngunit ang paningin ko ay na kay Juan na tumatakbo palayo sa apat na guwardiya civil.

"Nais kong sundan nyo ang lalaking iyon.."

"Ngunit seniorita mapanganib po ang gusto nyong gawin."

Tumingin ako kay pino na may pagnanais na sundan si Juan.. Kailangan ako ni juan!!

"Sige na... Nais kong sundan natin ang lalaking iyon."

"Seniorita kilala ho ba ninyo ang ginoong iyon?"

Tumango tango naman ako kay julieta para hindi na magtanung pa ito sa akin.

"Sige na sundan natin ang ginoong iyon masiguro ko lang na hindi sya sasaktan ng mga bagong guwardiya civil na humahabol sa kanya."

Walang nagawa si pinong kundi sundan si juan na tumatakbo na ngayon papunta sa gubat makalayo lamang sa apat na guwardiya civil na nakasakay ng kabayo.

"Hindi tayo maaring makita ng mga guwardiya civil manatili lamang tayo dito.. Kailangan ko lang masigurong ligtas si Juan."

Tumango naman si pino at julieta na kasama ko lamang..

Nanlaki ang mata namin ng makitang tumumba si juan dahil tinamaan ito ng bala na kagagawan ng isa sa mga guwardiya civil.

"Seniorita saan kayo patutungo??"

Nagaalalang tanung ni julieta ng bumaba ako ng hindi nagpapaalam..

"Dito lang kayo... Hindi ko kayo tatakasan. Gusto ko lang tulungan si juan.. H-hindi sya masamang tao kaya kailangan nya ng tulong ko.."

Hindi kona sila hinayaang sumagot mabilis kong hinila ang itim na balabal at isinuot ito bago tinakbo ang pwesto ni juan na nakadapa dahil sa tama nito.

"Juan..."

"Ate isabel!!!"

Tinulungan ko syang tumayo at inalalayang makaupo sa patagong bato..

"Dito ka lang juan.."

Tumayo ako at humarap sa mga apat na guwardiya civil..

"Binibini nakita mo ba ang ginoong tinamaan ng aming baril?? Nagnakaw ito sa kwartel kaya pinapahuli sya ng bagong heneral.."

Itinuro ko ang right side ko..

"Doon sya nagtungo mga ginoo.."

Tumango sila at pinalo ang pwet ng mga kabayo nila para tumakbo ito sa tinuro kong side.

Nang makitang wala na ang mga ito mabilis ko itong pinuntahan at inalalayan dinala ko na din ito sa kalesa.

"Ate isabel akala ko'y hindi mo na kami babalikan matapos ibigay ni ernesto sa akin ang talaan na ito."

"Seniorita saan natin dadalhin ang ginoong ito?"

Napaisip ako ng bahagya dahil tama si julieta mapanganib kung pagala gala ito dahil hinahabol sya ng mga guwardiya civil sa utos ni patricio.

Paano kung dalhin ko sya kay manang edna sa kabilang bayan!! At alam kong mapagkakatiwalaan si manang edna.

"Dalhin natin sya sa kabilang bayan.. May kilala akong makakatulong sa atin."

*••**••*

Lumipas, pa ang ilang araw hindi ko na alam ang balita kay juan nangako din ito sa akin na gagawa sya ng paraan para mahanap si hukom martin para sa katahimikan ng lahat.. Para wala na ding mapahamak at madamay. Simula din ng ipaubaya namin sya kay manang edna.

Ngayong araw na ito magaganap na ang kaparusahang ibinigay kay inay ising.. Hindi ko alam kung kaya ko syang makita sa ganitong kondisyon.

"Seniorita nais mo bang magtungo sa bayan? Nais mo bang puntahan si Juan sa kabilang bayan?"

Tanung ni julieta sa akin napayuko ako dahil hindi ko alam kung papayag ba akong magtungo sa kabilang bayan para kamustahin at alamin kong maayos ayos na ang kalagayan ni juan.

"Seniorita isabel may nagpapabigay po nito sa inyo.."

Napatayo ako ng pumasok sa loob ang isa sa mga kasambahay nila patricio may dala itong tela na may laman na bagay.

Ang librong naiwan ko sa loob bahay panuluyan sa bulakan!!

"S-sinong nagbigay nito?"

Nagtatakang tanung ko sa kasambahay nila patricio na pinagbigyan sa tela na nilalaman ng libro.. Librong pinaghirapan ko!!

"Hindi po nagpakilala seniorita.. Nais lang daw nyang ipabigay ito sa iyo.. Nais din daw nyang sabihin sa iyo na malapit na daw ang wakas, anong ibig sabihin ng taong iyon, seniorita."

Inosenteng tanung ng nagbigay sa akin ng tela na laman ay ang nobelang gawa ko.

"H'wag mo ng lamang alamin ang sinasabing wakas.. Maari mo na kaming iwanan ni julieta."

"Sige ho seniorita.."

Tumango pa ito sa akin bago lumabas ng aking silid.. SINO ANG NAGPAPABIGAY NITO SA AKIN?

"Ngayon na hahatulan si ising..."

"Sinong tao naman ang magkakaluno kay ising? Kawawa naman ang isang iyon."

"Tama ka riyan kawawa naman si ising hindi man lang sya binigyan ng pahintulot na makita ang mga taong mahal nito."

"Balita ko'y nahuli na din ang magnanakaw na nagngangalang juan.."

Si Juan?? Kailangan ko syang makausap at makita!!

"Nakita daw ng guwardiya civil si Juan na kakalabas lamang ng hukuman at doon na sya hinuli ng mga ito.."

"Kawawa naman ang binatang iyon, lubos na ulila na ang juan na iyon matapos mamatay ang kanyang kuya felipe.."

Kailangan kong malaman kung nagkita na ba sila ni hukom martin..

"Julieta nais kong magtungo sa kwartel.."

"Ngunit seniorita kabilin bilinan ni senior patricio na hindi ka maaaring magtungo sa kwartel ng wala itong pahintulot."

Dali dali akong lumuhod sa harap ni julieta para magmakaawa sa kanya.

"N-nais kong makita ang aking inay ising.. Nais kong naroon ako sa tabi nito kahit sa huling sandali nito."

"N-ngunit seniorita——— Baka ako naman ang mapahamak.."

Nag dadalawang isip nitong sagot hanggang sa bumukas na naman ang pinto ngunit sa pagkakataong ito ang ina at ama naman ni patricio ang pumasok ng aking silid..

"Hayaan mo julieta kami na ang magpapaliwanag kay patricio.. Samahan mo na ang pakakasalan ng aking anak."

Nakangiting turan ng ama ni patricio.. Napatayo ako at napayakap sa mag asawa..

"Maraming salamat ho.."

Nakangiti kong bulong sabay nilingon si julieta na nakahinga na ng maluwag at bahagya din akong nginitian..

Mabilis kong hinila sa kamay si julieta at patakbo naming pinuntahan si ginoong pino para makasakay ng kalesa..

"Sigurado ho ba kayong magtutungo tayo ng kwartel seniorita?"

Nagtatakang tanung ni pino sa akin ng makasakay na din ito..

"Oo!!! Kaya naman kailangan na nating magmadali.."

Tumango ito at mabilis na pinatakbo ang kalesang sinasakyan namin ngayon.. Nais ko na ding makita si inay ising kahit sa huling sandali nito sa mundo ng nobela.

"Narito na po tayo seniorita.."

Mabilis akong nakababa ng kalesa napahinga ako ng maluwag ng makitang nagsisidatingan pa lang ang ibang tao at ang mga nasa gobyerno kasama na doon ang gobernador cillio na syang hahatol ng tuluyan kay inay ising.

Napansin ko naman ang paglabas agad ni patricio para salubungin ang mga nagsidatingang bisita para makita ang kamatayan ni inay ising na pinagbintangang kasamahan ng tulisan.

"Seniorita nais mo bang makapasok sa loob ng kwartel?"

Biglang bulong ni pinong sa akin kasama si julieta..

"Gusto ko... Subalit napakaraming guwardiya civil at baka mapansin pa tayo ni patricio.."

"May alam ho kaming lagusan ang kwartel... Ang totoo nyan ay ipinadala kami ni senior thylandier sa inyo.. Isa din po kami sa mga tulisang tinutugis ni senior thylandier noon pero binigyan nya kami ng pagkakataong mabuhay ng aking kuya pino.."

Halos manlaki ang mata kong nilingon si julieta at tinitignan kung totoo bang nagsasabi sila ng totoo..

"Si seniorita nathalia naman ho ang nagsabing tignan ka namin para kay senior thylandier na dinakip ng mga guwardiya civil.."

"Si seniorita nathalia din po ang nagmakaawa sa amin na h'wag ka naming iwanan sapagkat nalalaman naming nanganganib kayong pareho ni senior thylandier.."

Halos walang kurap akong napatitig kina Pino at Julieta na seryosong seryoso sa mga sinasabi nila..

"Tara na ho seniorita... Habang nasa labas pa lamang ang heneral patricio.."

Hinila na ako ni julieta papunta sa likod ng simbahan na kalapit lamang ng kwartel.. Binuksan naman agad ni pino ang isang maliit na pinto sa ibaba ng lupa.

Halos mapaatras ako ng makitang may hagdan ito pababa (hagdang lupa) .. Napakamot amp sa noo ko ng hindi ko matandaang meron akong dinescribe na ganito sa nobelang ito.

"Ano pang ginagawa mo seniorita.. Oras na para sumunod ka sa amin."

Tumango ako at bumaba na din isinara ni pino ang pinto at kinuha ang isang lampara na nasa gilid ng hagdan.

"Bilisan natin baka hindi na natin maabutan si manang ising.."

Patakbong lakad ang ginawa naming tatlo hanggang sa marating namin ang isang lagusan papunta na nga sa loob ng kwartel.

"Magiingat ka seniorita.. Hihintayin ka na lamang namin sa harap ng kwartel."

Tumango ako at niyakap sina pino at julieta na mag kapatid pala.. Hindi parin ako makapaniwalang nagmakaawa si nathalia sa kanila para bantayan ako..

"Salamat uli sa inyo .."

**_**

Halos mapahiyaw ako dahil muling kumibot kibot ang sakit ng ulo ko.. Hindi din agad ako makahinga ng maayos tila mas humihina ang paghinga ko sa tuwing may ala-alang nanunumbalik sa akin.

**_**

Pagkarating ko sa loob ng kwartel halos manginig ang buong katawan ko ng makita ang kabuuan ni inay ising na halos hindi na makakita dahil sa mga pasa nito.. Napatingin naman ako sa left side ko kung saan nakalagak si Juan samantalang nasa katabi naman ng kulungan ni inay ising ang kinalagakan ni ernesto samantalang nasa kabilang side naman ng kulunga ni inay ising ang kinalalagakan ni thylandier na halos wala ng makita sa dami ng pasa sa mukha.

Napadapa na lamang ako ng masilayan silang apat kasama na din si edwardo na nasa katabing kulungan ni juan..

"Bakit narito ka?"

Nahihirapang tanung ni thylandier ng lapitan ko ang kulungan nito.

"Gusto kong marinig mula sa iyo na mananatili kang buhay gaya ng sinabi mo sa akin nung nagtungo ako dito."

Pilit nitong ibinabangon ang kanyang sarili habang nakakapit sa rehas para ipaupo ang kanyang sarili.

"Hindi ako bumibitaw sa pangako, lenzy.. Pagsinabi kong mabubuhay ako kahit wala ka sa tabi ko gagawin ko at tutuparin ko dahil gusto kong makabalik ka sa totoo mong mundo."

Halos magsidaudusan ang luha sa mga mata ko na napahawak sa kamay nito na nakakapit sa rehas ng kulungang kinalalagakan nito.

"Ikaw ang mangako.. M-mangako kang babalikan mo uli ako para makasama mo."

Hindi ko kayang mangako!! Dahil walang kasiguraduhan kung makakabalik at makakaalala pa ako matapos kitang iligtas..

Napayuko na ako ng tuluyan hindi ko nais mangako ng hindi ko naman alam kong tutuparin ko ang pangako na bibitawan ko.

"Gagawin ko ang lahat para sa iyo.. Gagawa ako ng paraan makabalik lamang sa iyo, thylandier."

Napangiti ako ng makitang ngumiti ito sa akin..

"P-pangako ko iyon thylandier... Hahanapin ko ang daan pabalik sa iyo."

Niyakap ko sya kahit na may bakal sa harapan naming dalawa.

"ILABAS NA SI ISING AT JUAN.."

Nagkatinginan kami ni thylandier kaya napatayo ako at humarap kay inay ising..

"I-ina patawad... Wala akong magawa para iligtas ka."

Pilit kong inuuga ang heras ni inay ising nagbabakasakaling matanggal ang nakalagay sa kulungan nito.

"W-wag mo ng pilitin ang iyong ginagawa, anak."

Halos mapahagulhol ako ng marinig ko ang salitang anak mula na naman sa bibig ni inay ising na itinuring kong ina sa loob ng nobela na ito.

"T-tama na iyan... Sinasaktan mo lamang ang iyong sarili."

Naiinis ako sa sarili ko wala akong magawa para tulungan si inay ising sa kapalaran na hindi naman dapat nya pinagdadaanan ngayon. PINAGSISISIHAN KONG NAKAPASOK PA AKO SA NOBELANG ITO!!  NASASAKTAN AKONG MAKITANG MAS LALONG LUMALALA ANG TRAHEDYA NA PINAGDADAANAN NG MGA TAUHAN.

"Paano ka nakapasok dito?"

Halos mapatayo ako at napahagulhol ng makita si patricio na palapit na sa akin.

"Nagmamakaawa ako sa iyo.. W-wag nyo ng ituloy ang hatol sa aking ina."

Napaluhod na ako sa harap ni patricio ngunit hindi ako pinansin nito.

"Magiging maayos din ang lahat anak..."

"Ate isabel naibigay ko na ho kay hukom martin ang talaan na sinasabi nyo.."

Mas lalong nanikip ang dibdib ko ng ilabas na ng mga guwardiya civil sina Juan at Inay Ising..

"Patricio h'wag nyo ng ituloy ang hatol sa aking ina.. N-nagmamakaawa ako sa iyo!!"

Nakaluhod akong lumapit sa kanya ngunit itinulak ako nito at tinalikuran ako sabay sinenyasan ang dalawang guwardiya civil na bantayan ako ng mga ito kaya naman dali dali akong tumayo hanggang sa makatakbo ako palapit kay inay ising..

"Magiging maayos din ang lahat, lenzy. Nais kong sabihin sa iyo na masaya akong nakilala ka anak, ko."

"Dalhin na iyan..."

Sigaw ni patricio sa guwardiya civil na nakahawak kay inay ising..

"Ate isabel salamat sa lahat.."

Nakangiting turan ni juan ng hilain na din ito ng isa pang guwardiya civil.

Tatakbuhin kona sana sina juan at inay ising ng hawakan ako ng dalawang guwardiya civil.

Napahagulhol na naman ako ng piringan si juan habang nakatali ang mga kamay at paa na ibinitin pa sa puno habang naka ready naman ang limang guwardiya civil na babaril sa kanya habang nakapatiwari.

"Hinahatulan ka ng kamatayan Juan sa pagkakasalang ika'y nagnakaw at isa ka sa mga tulisan na kailangan ng mawala sa mundo."

Sabay sabay na binaril ng limang guwardiya civil ang nakapatiwaring katawan ni juan.. Halos manginig ako ng makitang tumutulo ang sariling dugo nito sa kanyang katawan.

"Pinapatawan ng kamatayan ang babaeng ito na syang kasapi din ng tulisan.."

Halos mapaluhod ako ng makitang hilain ng guwardiya civil papunta sa gitna si inay ising..

"Ising Valencia ika'y pinapatawan ng kamatayan gamit ang pagbigti sa iyo sa lubid na ito (Garrotte).."

Pagkababa ng gobernador cillio sa kanyang hawak na papel ay tumalikod na ito patunay lamang na ayaw nyang makita ang parusang ipinataw nya kay inay ising..

Pinatayo ng guwardiya civil si inay ising sa upuang kahoy na nasa tapat ng lubid na gagamitin sa kanya.

"Bawiin nyo ang hatol sa aking ina..."

Pagmamakaawa ko sa mga ito ngunit walang pumanig at nakinig sa sigaw ko.. Hindi kona kinakaya ang sakit ng puso ko habang nakatitig kay inay ising na nilagyan na ng lubid sa leeg para bitayin na ito.

Malakas na hiyawan ang narinig sa buong paligid ng malakas na sinipa ng guwardiya civil ang upuang kinatatayuan ni inay ising.. Pigil hininga akong tumayo at nagpupumiglas na makawala sa dalawang guwardiya civil na nakahawak sa braso ko.

"INAY!!! INAY ISING.."

Kasabay ng malalakas na hiyawan at iyakan ang malakas namang pagsabog sa likod at loob ng kwartel halos tumilapon ako dahil sa lakas ng impact na ginamit para sa pagpapasabog..

Hindi makapaniwalang napalingon ako sa mga nagtatakbuhang mga taong nakatayo lamang kanina para tunghayan ang pagkamatay ni inay ising at juan..

"SENIORITA!!"

Napalingon naman agad ako sa pinanggalingan ng boses at tawag ni julieta at pinong sa akin..

Halos madapa ako ng takbuhin ko ang pwesto ng dalawa ngunit natigilan ako ng may humawak sa braso ko at hinihila na ako palayo..

"B-bitawan mo nga ako..."

SINO BA TO??

Nahinto lang ako sa pagpupumiglas ng tanggalin ng lalaki ang kanyang suot na balabal..

"T-thylandier... thylandier ikaw nga!!"

"U-umalis na tayo!!! Ikaw naman ang ilalayo ko kay patricio."

Napangiti ako sa naiisip na kaya nya din akong hilain palayo sa mga taong makapapanakit sa akin.

Hindi pa kami nakakalayo baril na ang narinig namin mula sa malayo.. Halos hindi na ako makagalaw dahil sa higpit ng kapit ko sa braso ni thylandier..

"Mas mabuti na lang kung ibibigay mo sa akin si isabel, thylandier.."

Nakangiting turan ni patricio habang nakalahad ang kamay nito.

"Sumama ka sa akin isabel.. Hindi ko papatayin si thylandier!!"

Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit na hawak ni thylandier sa akin.

"Hindi ko sya ibibigay sa iyo patricio.."

Itinago pa ako nito sa kanyang likuran ngunit natigilan ako ng manghina ito sa kanyang kinatatayuan..

Nagpalinga-linga pa ako hinahanap kung sino ang bumaril sa kanya.. Nakita ko sa di kalayuan ang lalaking nakasuot ng salakot gaya sa panaginip ko halos mawalan ako ng balanse ng muli nyang itinutok ang hawak nyang baril kay thylandier.. HINDI AKO MAARING MAGKAMALI!! KILALA KO ANG TINDIG NG TAYO NITO KAHIT NA ANG MGA MATA NYA NA NATATAKPAN NG SALAKOT..

Matinding kaba ang bumalot sa akin ng muling binaril ng lalaki ang isa pang binti ni thylandier na syang tuluyang pagkatumba nito.

"T-thylandier!!!"

Napaluhod na lang ako sa harap nito at hinawakan ang mukha nya..

"Ipinapangako ko hindi ako mamamatay sa ganitong paraan... H-hindi ako mamamatay,lenzy."

Napayakap na lang ako sa kanya habang nakatingin sa taong nakasuot ng salakot.. Nahawakan ko pa ang dugo na nasa likuran ni thylandier ng muli itong binaril mas naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin.

"Halika na..."

Hinila ako ni patricio palayo kay thylandier panay ang paghagulhol ko ng makitang tumumba ito ng tuluyan.. Halos magpumiglas ako kay patricio ng ikasa nito ang hawak nyang baril at walang awang binaril ang katawan ni thylandier na marami ng tama sa katawan.

"Wala ng aagaw sa pwesto ko at sa iyo isabel... Patay na ang lalaking nagpapatibok ng iyong puso kaya naman magagawa mo na akong mahalin."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.. Sa huling pagkakataon tinignan ko ang katawan ni thylandier na hindi na gumagalaw.. BUHAY KA DI BA THYLANDIER!!

"Itapon ang katawan ng dating heneral sa ilog ng makasalanan..."

Halos masama akong lumingon kay patricio sa sinabi nito sa dalawang guwardiya civil.

"Hindi!!! Ikaw ang makasalanan at hindi si thylandier.. Wala kang awa at wala kang puso, patricio."

Nanginginig kong sigaw ngunit hindi sya natinag sa sinabi kong iyon.

"Walang magmamahal sa iyo, patricio.. Mamamatay kang nag-iisa dahil walang magmamahal sa iyo, sarili mong magulang itatakwil ka dahil sa ugali mong ito, patricio."

"Sa tingin mo ba paniniwalaan ko ang iyong itinuran... Mas lalo mo lang itinutulak ang iyong sarili palapit sa akin dahil sa ugali mong iyan ako nabighani, isabel."

Halos kilabutan ako ng hawakan nito ang mukha ko na syang ikinaiwas ko pa sa kanya.

"Pwes hindi kaibig ibig ang ugali mo patricio.. Hindi kita kayang mahalin dahil si thylandier ang mahal ko.."

Lumipas, na ang ilang araw nanatili akong nakakulong sa silid.. Pinaalis na ni patricio sina pino at julieta pinagtanggol ng ina ni patricio ang dalawa ngunit hindi sya nakinig sa ina at ama nito nagdesisyon parin syang paalisin na sina pino at julieta habang ako ikinukulong na naman ni patricio sa silid na ito.

"Nais mo bang subuan pa kita?"

Nasa tono ang inis ni patricio ng hindi parin ako kumakain ilang araw na din akong hindi kumakain at hindi nakakatulog ng maayos dahil nangangamba ako na baka wala ng buhay pa si thylandier.

Nais kong malaman kung okay lang ba sya!! Nais kong alamin kung buhay pa ba sya sa ilang tama ng baril ang natamo nito sa kama ng lalaking may salakot sa mukha at sa kamay ni patricio.

"Ipinatapon ko na ang katawan ni thylandier sa ilog makasalanan kaya h'wag mo na syang isipin pa, isabel."

Mas lalo lang akong nasasaktan para kay thylandier hindi man lang sya binigyang mabuhay ng tahimik sa loob ng nobela na ito..AKO ANG NANGPAHAMAK SA KANILA!!! AKO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAKAGULO DITO SA LOOB NG NOBELA!! AKO ANG DAHILAN KUNG BAKIT WALA NA SI INAY ISING, JUAN NGAYON AT SI THYLANDIER..

"Umalis ka sa aking harapan, kinamumuhian kita, patricio.. Hindi kita kayang mahalin at hindi kita kayang makasama ng matagal.. Pinatay mo silang lahat!! Pinatay mo yung mga taong malalapit sa akin."

Inis kong sigaw ngunit imbis na magalit pa ako ng husto gulat at napatulala ako ng mahigpit nitong hinawakan ang braso ko nakatingin ito sa akin ng masama.

"Papatayin ko din si esperanza kapag patuloy mo akong susuwayin, isabel."

Pagbabanta nito at malakas akong itinulak nito..

"Kumain ka kung ayaw mong mapahamak ang iba mong mga kaibigan."

Nanghina ako ng husto dahil sa pangbabanta nito sa akin.. Hindi ko tuloy alam kung ano pa ang kailangan kong gawin. Iniisip ko kung  makakabalik pa ako sa mundo ko.

Nangangamba ako ng husto kina sylvia at miranda dahil naging malapit na din sila sa akin.. Kahit na panay ang pagdaloy ng luha ko patuloy kong nginunguya ang pagkaing iniwan ni patricio sa kama.

Bakit ako humantong sa ganito?? Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga tauhan sa aking mga nobela.. Hindi ko inaasahan na mararanasan ko ang lahat ng ito.

"SENIOR PATRICIO..."

Halos mahinto ako sa pagiisip ng marinig ko ang boses ng isang lalaki na sa tingin ko ay tinakbo pa ang kinaroroonan ni patricio.

"Ano ang iyong ginagawa dito?"

Napakunot ang noo ko at tumayo upang pakinggan ang usapan ni patricio at ang lalaking nagmamadaling puntahan ito.

"Naitapon na ba ang katawan ni thylandier?"

Halos mapahawak ako sa dibdib ko ng marinig muli si patricio..

"Tinambangan po kami ng mga lalaking nakasuot ng puting salakot at pilit na kinuha ang katawan ni senior thylandier sa amin kung kaya't hindi namin ito naitapon, heneral."

Napahawak naman ako sa bibig ko dahil sa aking narinig.. Maaaring buhay ka pa thylandier!!

Matinding kilabot at pag atras ang nagawa ko ng marinig na binaril ni patricio ang lalaking nagmamakaawa sa kanya.. NAPAKASAMA MO TALAGA PATRICIO!!

May pag-asa pa akong makabalik sa totoo kong mundo kung sakaling buhay pa si thylandier!! Mamamatay man ako dito sa loob ngunit mapapanatili kong ligtas si thylandier sa kamay ng taong nakasuot ng itim na salakot pinagdududahan ko si dairus dahil sa tindig at kulay ng mga mata nito.

SANA MALI ANG PAGDUDUDA KO SA IYO, DAIRUS!!

Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at pinilit na kumain habang ipinagdarasal kong sana ay buhay si thylandier!!

"Buti naman at kumain ka na... Kailangan pa kitang takutin para gawin ang ninanais ko."

Umupo ito sa dulo ng kama malayo sa akin ng kaunti..

"Anong kailangan mo??"

Ngumiti lamang ito sa akin bago sya tumayo at lumapit sa harap ko mabilis akong nakakilos dahil sa paglapit nito.

"Kailangan kong makita ang aking lakas bago ako bumalik sa kwartel.."

Hinawakan nya ang buhok ko kaya hindi agad ako nakakilos sa paghaplos nito sa aking buhok.

"Malapit na tayong ikasal kaya naman sa oras na maikasal ka sa akin hindi ko na papayagan pa ang iyong pagiiwas sa akin."

Tinop nya ang ulo ko bago sya tuluyang lumabas ng silid na syang ikinahinga ko ng maluwag.. Napasandal pa ako sa dulo ng kama at doon na naging emosyonal.

Paano kung hindi ako magtagumpay sa binabalak ko? Paano kung habang buhay na akong mananatili sa nobelang ito? Habang buhay na akong magdurusa dito kasama ang lalaking hindi ko naman mahal.

Natawa na lang ako sa dami ng iniisip ko habang pinupunasan ang mga luhang nagsisidaluyan sa aking mga mata.

Nakatulugan ko ang pagiyak ko ng marinig ko ang paulit ulit na ingay sa mataas kong bintana kaya naman nagmulat ako ng mata at tumayo para buksan ang bintana sa aking silid kahit mataas ito ay nagawan ko naman ng paraan gaya ng ginawa ko noon nung umakyat sa bintana si thylandier kung paano nya ako hinalikan nung araw na yun.

Mabilis kong iwinaksi ang isiping iyon at binuksan ang bintana na may kataasan kaya kailangan pa ng upuan.

Kumunot ang noo ko ng makita ang limang papel na nakalagay sa bato na ipinatong sa bintana ng silid.. Sumilip pa ako ng kaunti bago ko dinampot ang limang papel na nakalagay sa bintana ng pinapatungan ng limang bato.

Dali dali kong binuksan ang unang papel..

(Kung nais mong makalabas sa nobelang ito kailangan mong isakripisyo ang iyong sarili para kay thylandier.)

KUNG GANUN AY MAARING BUHAY PA SI THYLANDIER!!

(Kung matatapos na ang nobelang ito magigising ka na wala ng maaalala pa sa mundong ito!! Hindi mo maaalalang nakapasok ka sa nobelang ito kaya naman tanggapin mo ang magiging kapalit (consequence ) nito sa iyo.)

Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko sa sinabi sa sulat pakiramdam ko nagmanhid ang buong katawan ko sa nakasulat hindi ko maibuka ang bibig ko at nanghihinang tinitigan ang bawat letra na nakasaad sa sulat na hawak ko ngayon.

Ang kapalit ng pagpunta ko sa nobelang ito ay hindi na kailanman makakabalik pa ang aking ala-ala na gusto kong panghawakan sa oras na makabalik ako sa tunay kong mundo gusto kong dalhin sa paglabas sa nobelang ito.. Ang mga ala-alang nagbibigay sa akin ng lakas at saya pero mukhang kahit na yon ay mawawala sa'kin.

(Sa oras na magawa mo ang iyong tungkulin kay thylandier magbabago na ang nakatakda at takbo ng nobelang ito kasama na ang pangit na karahasan at karanasan ni thylandier ..  Kahit ang kanyang ama ay hindi na manganganib pa sa kamay ng mga taong mangpapahamak sa kanila.. Nakita mo na ang iyong nobela kahit na ang mga sekreto nito ay iyong nasaksihan.)

Halos mangatal ako at hindi nakapag isip ng maayos.. Hindi ko alam kung babasahin ko pa ang dalawang letter.

(Kaya mo nga bang iwan ang lalaking iyong minahal ng biglaan? Kaya mo bang mawalay sa mga taong naging malapit sa iyo? Ngunit ang matinding tanung kaya mo na bang lisanin ang nobela at hayaang umikot ang iyong mundo sa mga bagay na pamilyar sa iyo? Kaya mo bang tapusin ang nobela kahit ang kapalit nito ay ang kaligayahan nyo ni thylandier.)

Kaya ko nga ba talaga?? Kaya mo ba talaga lenzy??

Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang huling papel na nasa kamay ko ngayon.

(Tapusin mo na ang nobelang hindi maganda ang wakas... Tapusin mong masaya at kagigiliwan ng iyong mambabasa.. Kailangan mo ng wakasin ang trahedyang ito sa mismong araw ng kapanganakan ni thylandier hangga't maaga pa.

Basahin mo ang nakatala sa huling pahina ng iyong libro bago ka magisip ng magandang plano kung paanong wakasin ang nobela sa maganda at maayos na wakas..)

Halos lingunin ko na ang libro na ibinigay sa akin ng kasambahay nila patricio.. Kailangan ko na nga bang malaman ang nakasulat?

Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at wala sa sariling kinuha ang libro bago ko buklatin ito may isang maliit na papel ang nahulog kaya naman dinampot ko iyon at binasa..

HANDA KA NA BA??

Panay lang ang pagiling ko nagdadalawang isip kung babasahin ko ang nakasulat sa huling pahina ng nobela.

Sa sobrang pagiisip at panginginig wala akong nagawa kundi buksan ang huling pahina at binasa ang nakasulat roon..

"Sa araw ng iyong kasal magwawakas na ang nobelang ito... Ang araw ng kasal na iyon ay ang araw ding kaarawan ng bidang lalaki kung kaya't hanapin mo ang lalaking nakasuot ng berdeng damit na may suot ding itim na salakot sa mukha.. Sa oras na makita mo ang taong yun at sa oras na babarilin ng lalaking yun si thylandier kailangan mong saluhin ang bala para sa ganun ay makabalik kana sa iyong mundo at maibang muli ang takbo ng nobela na sa gayon ay maililigtas mo naman ang mga taong mapapahamak sa kamay ni patricio at ng lalaking nakasuot ng salakot.. Kailangan mo ng makabalik sa iyong mundo hindi ka nararapat sa lugar na ito.. At kung hindi ka man magwawagi sa iyong tungkulin habambuhay ka ng makukulong sa loob ng iyong nobela habang nagluluksa at nahihirapan sa piling ni patricio."

(ARAW NG KASAL)

Nakaupo ako ngayon dito sa azotea habang inaayusan ako ng isang babae na pinatawag pa ni patricio sa kabilang bayan..

Panay ang pagpahid ko sa luhang naguunahang magsidaloy sa mga mata ko.

Iniisip ang mga sulat na nabasa ko nung araw ng linggo..

(Kung nais mong makalabas sa nobelang ito kailangan mong isakripisyo ang iyong sarili para kay thylandier.)

(Kung matatapos na ang nobelang ito magigising ka na wala ng maaalala pa sa mundong ito!! Hindi mo maaalalang nakapasok ka sa nobelang ito kaya naman tanggapin mo ang magiging kapalit (consequence ) nito sa iyo.)

(Sa oras na magawa mo ang iyong tungkulin kay thylandier magbabago na ang nakatakda at takbo ng nobelang ito kasama na ang pangit na karahasan at karanasan ni thylandier ..  Kahit ang kanyang ama ay hindi na manganganib pa sa kamay ng mga taong mangpapahamak sa kanila.. Nakita mo na ang iyong nobela kahit na ang mga sekreto nito ay iyong nasaksihan.)

(Kaya mo nga bang iwan ang lalaking iyong minahal ng biglaan? Kaya mo bang mawalay sa mga taong naging malapit sa iyo? Ngunit ang matinding tanung kaya mo na bang lisanin ang nobela at hayaang umikot ang iyong mundo sa mga bagay na pamilyar sa iyo? Kaya mo bang tapusin ang nobela kahit ang kapalit nito ay ang kaligayahan nyo ni thylandier.)

(Tapusin mo na ang nobelang hindi maganda ang wakas... Tapusin mong masaya at kagigiliwan ng iyong mambabasa.. Kailangan mo ng wakasin ang trahedyang ito sa mismong araw ng kapanganakan ni thylandier hangga't maaga pa.

Basahin mo ang nakatala sa huling pahina ng iyong libro bago ka magisip ng magandang plano kung paanong wakasin ang nobela sa maganda at maayos na wakas..)

Panay lang ang pagdaloy ng mga luha ko kaya panay lang ang pagkuskos ko sa aking mga mata para hindi tuluyang magsihulog ito sa aking pisnge..

Anong gagawin ko kapag hindi ako nagtagumpay na makita ang lalaking makakabaril kay thylandier? Paano kung imbis na saluhin ko ang tama ng baril sa akin kay thylandier iyon lalong dumaplis o tumama?? Paano kung makulong ako sa binuo kong imahinasyon? Sa nobelang pinagtuunan ko ng matagal..

Paano kung hindi ako pupuntahan ni thylandier sa kasal na ito? Paano kung matuloy parin ito?

Napahawak na lamang ako sa aking dibdib tila kinakapos ako ng husto at hindi ko maigalaw ang aking katawan para sundin ang utos ng babaeng nagaayos sa akin.

"Hindi nagkamali ang senior sa pagpili sa iyo, seniorita."

Nakangiting puri ng babae sa akin kaya ngumiti lang ako ng kaunti sa kanya..

"Tila hindi kayo masayang maikasal kay senior patricio?"

Hindi parin ako nakapagsalita sa itinuran nito sa akin.. Imbis na sagutin ko ang tanung nito tila na pipi ako at walang lumabas na salita sa aking bibig.

Hindi ako makapagisip ng maayos dahil sa kabang bigla ko na lang naramdaman ..

"Ayos na ba?"

Pumasok ang ina ni patricio at umupo sa aking tabi habang patuloy parin akong inaayusan.

"Buhok na lamang ang tatapusin ko, donya."

Tumango lamang ang ina ni patricio at muling tumingin sa akin.

"Patawarin mo ako, ija."

Wala akong nagawa kundi ang yumuko sa ina ni patricio..

Hindi ko namalayang mayroon na namang namumuong luha sa mga mata ko habang nakayuko.

"Hintayin ka na lang namin sa simbahan, ija."

Nakasakay na ako ng kalesa habang nakikita ko kung paano nagsasaya at natutuwa ang mga taong nais na makasaksi ng kasal namin ni patricio naglalakad sila papunta sa simbahan. Nabuuan ako ng kaba at takot para sa aking sarili.. Gustuhin ko mang tumakas ngunit pinagbantaan ako ni patricio na isusunod nya sina esperanza, ang buong pamilya ni sylvia at miranda kahit si nathalia ay idadawit nya kapag hindi ako sumunod sa kanyang kagustuhan.

"Seniorita h'wag kang mag-alala darating si senior thylandier para sagipin ka nito sa kamay ni patricio."

Nawala ang takot sa puso ko ng marinig ko ang familiar na boses at hindi ako maaring magkamali dahil si pinong ang nagsalita.

"Nakiusap ako kay mang totoy na ako na lamang ang maghahatid sa iyo sa simbahan... Kailangan din ho kase kitang makausap isa pa ho ay ipinabibigay ni senior thylandier ang sulat na ito para sa iyo."

"K-kasama mo si thylandier?? N-nasaan sya? Maayos ba ang kanyang lagay?"

Hindi ko napigilang maging emosyonal habang tinatahak pa rin namin ang gubat palabas para marating ang simbahan na kalapit ng kwartel.

"Matapos po kaming paalisin ni senior patricio sa kanilang hacienda narinig ni julieta na ipapataon ni senior patricio ang katawan ni senior thylandier sa ilog makasalanan kung kaya't sinundan namin ni julieta ang dalawang lalaki sakto namang tumatakbo palayo si Ginoong martin na syang tumulong sa amin na bawiin ang katawan ni senior thylandier na may buhay pa."

Halo halong saya at galak ang naramdaman ko sa sinabi ni pino sa akin.. Hindi ko akalaing nakaligtas din si thylandier kay patricio nung araw kung kailan binitay ng walang kaawa awang si inay ising na itinuring kong tunay kong ina. Si Juan na binaril ng nakapatiwari na itinuring akong ate at pinagkatiwalaan ako ng sobra.

"S-sandali nais kong malaman kung ang Ginoong martin ay isa ding hukom?"

Sya kaya ang hinahanap ko? Ang sabi ni Juan ay naibigay na nya ang talaan na magpapabagsak kay patricio pero bakit wala pa syang ginagawang hakbang para dakpin ang patricio na iyon?

"Opo seniorita... Ang pagkakatanda ko ay nais nyang sirain ang kasal ni patricio kung kaya't makakaalis ka din hintayin mong dumating si senior thylandier para itakas ka sa kamay ni senior patricio."

Napayuko ako at napatitig sa liham na hawak hawak ko ngayon.. Nais kong basahin ang liham na bigay ni thylandier sa akin. Nais ko ding makasigurado kung sulat kamay nga ito ni thylandier.. Natatandaan kong nakita ko na twice ang sulat kamay ni thylandier nung nasa bulacan kaming dalawa.

Mahal kong isabel (lenzy)

Nasa maayos akong kalagayan alam kong nalalapit na ang kasal nyo ni patricio kung kaya't naisip kong iligtas ka sa kamay nito sa mismong kasal nyong dalawa.. Gusto ko ding gawin sa iyo ang ginawa mong pagligtas sa akin nung ako ay ikakasak kay nathalia.

Hintayin mo ang aking pagdating h'wag mong kaligtaan na mahal kita anuman ang mangyari sa aking plano.. Nangako akong mabubuhay kahit anong mangyari kung kaya't muli akong mangangako sa iyo na magtatagal ako dito sa loob ng nobela anuman ang plano at kahihinatnan nais kong makabalik ka na sa iyong tunay na mundo.. Mas nanaisin kong mabuhay na wala ka keysa iwanan ka sa loob ng nobela na may pagsisisi at may puot sa sarili mas nais kong hintayin kang muli kahit sobrang tagal pa basta't masiguro kong makakabalik ka sa aking piling, mahal ko.

H'wag mo akong alalahanin sapagkat kaya kong protektahan ang aking sarili at nais ko ding protektahan ka sa kamay ni patricio.

—> Nagmamahal thylandier <—

Halos hindi kona maalis ang ngiti sa labi ko habang nakatitig sa ibinigay sa aking liham ni thylandier.

"Narito na po tayo seniorita.."

Nawala lamang ang ngiti sa aking labi ng sabihin ni pinong na narito na kami sa simbahan.

"Matatapos din ang kasamaan ni senior patricio, seniorita."

Ngumiti ako at tumango kay pinong bago nya ako alalayang makababa sa tapat ng simbahan. Halos gumilid ang mga taong gustong makasaksi sa kasal namin ni patricio.

Muli ko na namang naramdaman ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.. Muli ko ding naramdaman ang sakit, takot, kaba at pangamba na nabubuhay sa loob ng aking dibdib..

Malakas na kalembang ang nagpadausdos sa luha ko hudyat na maitatali na ako kay patricio ngunit ang kakaibang takot ay napalitan ng kakaibang emosyon lalo na at nalaman kong buhay si thylandier.

Naglalakad na ako sa gitna ng pulang karpet papunta sa harapan ni patricio ang mga mata ng taong nakapalibot sa akin ay may kakaibang ipinahihiwatig sa akin tila nakikiramay sila sa aking saloobin. Ang iba naman ay may paghanga at saya samantalang ang iba ay hindi na malaman kung tunay bang magiisang dibdib kami na may pagmamahal para sa isa't isa.

Nagulat ako ng hilain ni patricio ang braso ko at isinukbit ang kamay nito sa bewang ko habang nakaalalay ito sa lakad ko patungo sa altar.

"Hindi kana makakaiwas pa sa akin, isabel."

Hindi ako tumugon sa sinabi nito mas naging busy ang mga mata ko sa paghahanap at pagbabakasakaling makita ko si thylandier at masigurong buhay talaga sya.

Nasa harap na kami ng paring mangkakasal sa amin ni patricio.

"Tatagan mo ang iyong loob, ija."

Napatitig ako sa pari ng marinig syang palihim na nagsalita.. Halos mapalunok at mapailing ako ng makita kung sino ang paring mangkakasal sa amin ni patricio.

FATHER LINO?

Ngumiti ito sa akin at tumango naman sya kay patricio na nakangisi sa kanya.. Muli kong naalala ang huling salita sa libro.

(Ang lahat ng iyong napagdaanan sa nobelang ito ay hindi mo na kailanman maaalala.)

Parang tumarak sa puso ko ang mga salitang nabasa ko nung araw na alamin ang laman ng huling pahina sa nobela.

Naramdaman ko ang bagay na nasa kamay ko halos nagtuloy tuloy ang luha ko ng makita ang FULL MOON BRACELET na bigay sa akin ni thylandier.

"Magsalita na ang tumututol sa kasal na ito.."

Nasaan ka na thylandier?? Kailangan kita!!

Walang tutol na naganap sa kasal namin ni patricio kung kaya't ang tuwang nararamdaman ko ay biglang napalitan ng pait at takot sa katotohanang hindi ako kayang iligtas ni thylandier sa kasal na ito.

Akala ko'y ililigtas mo ako sa kasal na ito thylandier? Bigo kang gawin yon para sa akin.

Napangiti ako ng may pait at lungkot habang nakayuko at palihim na pinupunasan ang aking mga luha.

"Nais kong makasama habang buhay si isabel, pader."

Napalingon ako sa pinto ng simbahan ng makita ang isang lalaki na nakasuot pang Gobernador Heneral kasama ang isa pang lalaki na sa tingin ko ay si Hukom martin naalala ko kung paano idescribe ni Hukom Sibestero si hukom martin sa akin kaya natitiyak kong si hukom martin ang kasama ng Gobernador Heneral.

"Itigil ang kasalang ito.."

Halos magulat ang mga taong nais makita ang kasal ng bagong heneral na si patricio ngunit tila nangunguwestiyon sila dahil hindi matutuloy ang kasal namin ni patricio.

"Ikaw ay maraming pagkakasala.. Isa na doon ang lihim mong pakikipag-ugnayan sa mga tulisan.. Marami ka na ding pinatahimik na inosente kaya naman hinahatulan kita, patricio."

Magsasalita na sana si patricio ngunit hinuli na sya ng mga guwardiya civil na inutusan nila hukom martin at ang Gobernador Heneral na syang nagbibigay ng senyales kung huhuliin ba o manghahatol ng taong may pagkakasala.

"LENZY!!!"

Halos mapangiti ako ng makita si thylandier na tumatakbo palapit sa akin kaya naman bumaba ako sa altar at tinakbo din ang hallway ng simbahan mapuntahan lang si thylandier.

Hindi ko pinansin ang sigaw ni patricio ng posasan na sya ng mga guwardiya civil habang nakaluhod kina hukom martin at sa gobernador heneral.

"Pasensya ka na kung hindi agad ako nakapunta hinarangan ako ni nathalia at sinabing mas makakabuti kung mauuna sina Hukom Martin at ang Gobernador Heneral."

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa sinabi nito at hindi na din mawala-wala ang ngiti sa aking labi.

"Ligtas ka na sa kamay ni patricio, lenzy."

Mas dumiin ang yakap nito sa akin malakas ang pakiramdam kong malaki ang ngiti nito sa akin.

Magkasama kaming lumabas ng simbahan ngunit natigilan ako ng makita ang lalaking nakasuot ng itim na salakot sa bubong ng bahay kainan sa kalayuan ng simbahan.

Napahigpit ang paghawak ko sa kamay ni thylandier lalo na at hinubad ng lalaki ang kanyang salakot.. Hindi si dairus ang lalaki ibig sabihin ay hindi si dairus ang bagong kontrabida?? Sino ang lalaking iyon?

Hindi ko masyadong mamukaan ang lalaki dahil sa sinag ng araw..

"Lenzy ayos ka lang ba?"

May namuong kaba sa puso ko ng makitang ikinasa ng lalaki ang kanyang baril at itinapat iyon sa amin habang may ngisi sa kanyang labi.

Hindi ko agad nahila si thylandier kung kaya't tinamaan sya sa kanyang braso.

"H'wag kang bumitaw sa aking kamay.."

Narinig kong turan ni thylandier sa akin ng hilain nya ako patalikod sa kanya.

Tinamaan muli si thylandier sa kabilang braso hindi parin nya ako binibitawan.. Mabilis kong napansin ang isa pang lalaking naka suot ng itim na salakot sa gilid ng simbahan kung saan kami nakatayo ni thylandier..

Nakita ko kung paanong ikasa ng lalaki ang baril na hawak nito napatitig ako ng makita ang pamilyar nyang tindig kahit ang mga kulay ng mata nito ay pamilyar sa akin.

DAIRUS!!

Itinapat nya ang baril kay thylandier kung kaya't mabilis kong sinalo ang bala na para kay thylandier naramdaman ko ang pagbulusok ng bala sa dibdib ko nanghihina at tila kinakapos ako sa paghinga ng maramdaman kong nasalo ni thylandier ang katawan ko..

"Lenzy h'wag mo akong iwanan sa ganitong paraan.."

Narinig kong turan ni thylandier kung kaya't ngumiti ako sa kanyang harapan para ipakitang gagawin ko ang lahat para sa kanya.

"K-kung sakali mang m-maulit ang lahat ng ito n-nais kong ikaw parin ang l-lalaking magiging bida sa aking nobela. Gagawin kong muli ito para sa iyo, t-thylandier. A-anuman ang mangyari ikaw at i-ikaw parin ang nais kong makita at m-mahalin."

"Lenzy hihintayin kita kahit ano pang mangyari.. Kahit pa matagalan ang pagbabalik mo hihintayin kita hanggang sa pwede na tayong dalawa."

HINDI AKO MAARING MAGKAMALI SI DAIRUS ANG LALAKING MAKAKAPATAY KAY THYLANDIER.

Unti unti ko ng nararamdaman ang panghihina at ang pagpikit ng aking mga mata naramdaman ko ding may dumampi sa aking noo.

"Hanggang sa muli mahal ko.."

Thylandier ikaw ang masayang bagay na babaunin ko.. Ikaw ang lalaking gusto kong makasama balang araw.

"M-maligayang kaarawan, thylandier."

"Hinding hindi kita malilimutan, lenzy."

**_**

B-bakit ngayon lang?? Bakit kailangan kong maiwanan ang lalaking nagpatibok sa puso ko

Nahawakan ko ng mahigpit ang painting ng malinaw na sa akin ang mga ala-alang nakalimutan ng isipan ko pero ang puso ko nananabik na maalala kong muli ang lahat.

Patawarin mo ako thylandier!! Patawad kung hindi na ako makakabalik sa iyo..

Halos manghina ako ng husto dahil sa mga ala-ala ko.. Hindi ko namalayang napahagulhol na lamang ako habang yakap yakap ngayon ang painting na hawak hawak ko ngayon.

I'm so sorry thylandier!!

Napahawak na lamang ako sa aking bibig ng mas lalo akong naiyak dahil hindi ko man lang naalala agad si thylandier na syang naging dahilan kung bakit nakaramdam ako ng saya, tuwa at pagmamahal na hindi ko man lang naramdaman sa iba.

"HANGGANG SA MULI, MAHAL KO!!"

——-*** ***———

Votes and comments thank you sa nagbasa at nagbabasa pa lang..