webnovel

Chapter 99 I hope they are fine

(Sena POV)

Heto na ang sinasabi ko.

Yung mukha ng mga bata parang heto pa lang ang unang pagkakataon na makita nila na naghihimotok sa galit yung principal. 

Sa ginalit ng daddy niyo eh. Saka magaling talaga magpagalit Daddy niyo. 

"How dare you." Mahinang sinabi ni Sean dahil nga nasa harapan namin ang mga bata. Napatitig sa akin. "Mauna na kayo sa sasakyan." 

Di ako kumilos. "Tss. Ayaw mo naman ata marinig ng mga bata o makita nila ang maaring mangyari dito?" 

"Sean…" 

"Ang mga bata Sena."

Kaya wala na akong nagawa kundi ilabas nga ang mga babies namin. Agad naman kami sinalubong ng mga tauhan ni Sean. 

"Anong nangyayari Mommy?" Si Shun. 

"Saka sabi ni Ma'am principal, lilipat na kami ng school. Bakit?" Si Sheena.

"Yung eyes niya, galit sa amin Mommy." si Shin. 

O Sean, paliwanag mo sa anak mo yang pinasok mong gulo. Hay naku. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter