webnovel

Chapter 30 A Devil's Help

(Sena POV)

"Okey lang magpahinga Ma'am basta wag kayong titigil. Nadapa man tayo ngayon… aasahan namin na babalik kayo ulit para subukan nga…. ulit." na siyang ikinagulo ko ng buhok ni Ronnie. 

Napatango na lang din ako. 

"O siya. Naririnig niyo naman ata ang kaliwa kanang tumutunog na telephono at phone ko… Ako ang haharap nito at walang kailangan na madamay kahit isa sa inyo. Send ko na lang yung email kapag naibalik ko na ang pera sa mga bank account ninyo." 

"Maari ka naming tulungan Ma'am." May ngiti na tinangihan ko ang alok nila. Tama na yung nasira ko ang pag-asa nila. 

Nag-sialisan ito na di ako nakukumbinsi. Nilakasan ko ang aking loob na sagutin ang mga tawag. Bulyaw ng ilang artist ang natangap ko at yung iba naiintindihan nila ang nangyari. Nang binuksan ko ang aking social media, sabog ito sa gusto nilang ipamukha sa mundo na naging pabaya ako. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter