webnovel

Chapter 143 Disappointment

(Sena POV)

"Alam mob a ang ibig sabihin niyan Sena? Alalahanin mo na kailangan mo ang trabahong to para sa mga anak natin."

"Dyan ka magaling Sean eh. Binablackmail mo ako."

"Sa wala ka naman talagang choice Sena. Bakit pinagpipilitan mo na i-iwas ang sarili mo sa amin? Pipirma ka o hindi?" 

Tipong naulit na naman ang situation ko noon sa kanya. Palagi niyang kinukuha ng pilit ang pirma ko. 

"Kung hindi lang sa mga bata di ko papatulan ang kabaliwan mo Sean!" gigil kong kuha ng ballpen. Lalong lumaki ang ngiti ni Sean sa akin.

"Sa nagpabuntis ka sa akin Sena. At akalain mo, tatlong baraha ang nasa akin ngayon. Saka kahit itatangi mo nga at pa-ulit ulit kong sinasabi, may nararamdaman ka parin sa akin. Alipin ka ng nararamdaman mo sa akin Sena." Ang saya niya ng sinabi ang mga katagang yun. Grabe talaga ang hangin nito. 

"Magkalinawan tayo Sean, wala akong nararamdaman sayo."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter