webnovel

Chapter 105 “Really?”

(Sena POV)

Napabuntong hininga ako. Naisandal ang likuran sa upuan at nakatulala sa chandelier. 

Heto ka na naman sa buhay ko Sean. Di ko man lang magawa na i-organize muna ang sarili ko. Okey na ako eh. May papatunguhan na ang buhay ko. 

Pero sinira mo na naman. 

Ulit, nakita ko ang mga dokumento sa mesa. Kinuha ko ang mga ito. Puro kontrata sa pagitan namin ni Sean. 

Pagmamahal kaya Sean? Meron bang namamagitan talaga sa ating dalawa. Oo, mahal kita. Ngunit kailangan na mas mahalin ko ang aking sarili, para mailigtas nga sa mapanakit na taong kagaya mo. 

Saka, isa na nga akong ina, na kung di ko kayang protektahan ang sarili ko. Di ko din magagawang protektahan ang mga anak ko. 

Lumabas si Sean na talagang sinalubong ko ang titig niya, pero agad naman iniwas. Nakapagpalit siya ng damit na tipong di man lang nabawasan sa ginawa ko ang hitsura niya. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter