webnovel

THE DEVIL'S MOUNTAIN (Tagalog)

"There is something happening right now!, were not alone." Sambit ni Kennyth at lumabas na rin, sumunod naman si Ashlire. Nang nakalabas ang binata ay biglang napansin ni Azul ang kakaibang pagngisi ng binata at agad ring nawala, kaya napakunot ang noo nito sa pagtataka. Ngunit sumunod rin. Paglabas nila ay napansin ng dalawa ang biglang pagbunot ni Azul ng damo sa gilid, sunod-sunod nitong binunot ang mga damo hanggang sa wala nang damo sa gilid, at dun nila napansin ang parang isang buto, sinipa naman ito ni Azul papunta sa harapan ng dalawa, at tama nga, isa itong buto ng tao, Isang bungo!. "Wahhh!." Mahinang sigaw ni Ashlire sa gulat. "Bakit mo sinipa iyan papunta sa amin!!." Hindi makapaniwalang anas ni Ashlire. "Hindi lang basta nagpatayan ang mga tao rito! May massacre na nangyari noong araw ng pagsilang ng demonyo!." Malamig na anas ni Azul. Dahil roon ay biglang binunot naman ni Kennyth ang iilang baging sa gilid at nakita ang iilang buto na parang kamay. Kaya bigla nalamang nakaramdam ng panlalamig ang dalawa, ang ibig bang sabihin nito ay.... Pinapalibutan sila ngayun ng mga buto ng tao?. "We're doom!." Mahinang sambit ni Azul. "Az-----" Akmang magsasalita pa sana si Ashlire ng..... "Waaaahhhhhhhh!." Malakas na sigaw ng kung sino sa loob, kaya napalingon sila sa bahay at biglang naalala ang kaibigang naiwan sa loob, kaya nanlalaki ang kanilang mata sa gulat at mabilis na tumakbo papunta sa loob, nagkanda-dapa-dapa ang tatlo sa pagmamadaling makapasok, nang makapasok sila sa kwarto kong saan naiwan ang kaibigan ay napansin nila itong nasa kama... NAKAHIGA!. "W-warren! Bakit nandiyan ka!." Utal na tawag ni Ashlire sa kaibigang nakahiga sa kama. Nauna namang lumapit si Ashlire sa binata, nang makita nito ang ang binata ay biglang nangantog ang paa nito at napasalampak sa sahig sa gulat at takot. "W-w-warren." Nanlalaking mata nitong anas kabang napatulala sa gulat. Agad namang lumapit ang dalawa, nang makita ang mukha ng kaibigan ay napamaang ang dalawa sa nasaksihan, habang ang binata ay napamura sa pagkakagulat. Si Azul naman napaluhod sa pagkakagulat at takot. Dilat na dilat ang mga mata ng binata habang nakanganga ang bunganga, at nakahiga sa kama, habang ang kamay at paa maging ang leeg ay nababalotan ng maitim na likido. Nilapitan naman ni Kennyth ang Kaibigan at akmang ititikom ang bibig nito at isasara ang pagkakadilat ng mata ay pinigilan ito agad ni Azul, at umiling. "Don't!." Mariing anas ni Azul habang Unti-unti naring nagsituluan ang mga luha.

Blue_PenTulip · Horror
Not enough ratings
6 Chs

CHAPTER 2

---(MORNING)---

Bigla akong nagising dahil sa iilang ingay na naririnig ko sa labas kaya agad akong bumangon at napagpasyahang lumabas. Pagkalabas ko galing sa tent ay nakita ko ang mga kaibigan kong nagtutupi ng kanilang pinagtulugang tent kaya napagdesisyonan ko naring itupi narin ang tent ko, alam ko namang hindi nila ako tutulungan eh.

Pagkatapos kong ayusin lahat ng gamit ko ay agad akong lumapit sa kanila.

"Ahm g-guys!." Pag-aagaw atensyon ko ulit sa kanila, kaya napalingon sila sa akin habang nagtataka. Kinakabahan man ay bumuntong hininga muna ako bago sabihin ang dapat kong sabihin.

"Oh bakit?." Mahinahong tanong ni Selara.

"G-guys dapat na t-talaga tayong u-umalis rito!!." Malakas kong sambit sa kanila habang hindi magkamayaw ang kabang bumabalot sa sistema ko.

Naramdaman ko nanaman ang biglang pagdilim ng awra nila, kaya napa-atras ako kunti at tinitigan sila, pinapahiwatig ko sa titig ko na seryosong-seryoso ako sa sinabi ko.

"Ano nanamang kahibangan iyan Azul!! Ano ba ang kinakatakotan mo rito!!." Nauubusan ng pasensyong singhal ni Warren sakin.

"Hindi ito kahibangan Warren! Ramdam mo ba ang kakaibang titig ng mga nakatira sa bayan kahapon? Parang pinapahiwatig nilang huwag nating ituloy ang pag-pasok rito dahil delikado, at totoo ngang delikado rito, parang tayo na mismo ang humuhukay sa sarili nating libingan, pero bakit chill lang kayu!!?." Nauubusan ng pasensya ko ring sambit sa kanila.

"Ganyan kanaba ka duwag!? Hindi naman delikado ang bundok na ito, bakit nakatulog tayo ng matiwasay kong delikado naman pala ang bundok na ito!?." Untag naman ni Ashlire.

"Kayo lamang ang nakatulog ng matiwasay hindi ako!! Hindi niyo paba talaga naiintindihan ang ibig sabihin ng pagiging tahimik ng paligid? Pakinggan ninyo ang paligid, nakakabingi ang katahimikan!, isa lamang ang ibigsabihin nito, may mangyayaring hindi maganda sa atin, hanggang sa maliwanag pa ay dapat na tayong umalis rito!!." Galit kong saad sa kanila, bakit parang sarado na ang mga kokote nila?.

"Hindi na tayo makakalabas ng basta-basta rito Keyriea!." Malamig na saad ni Kennyth kaya napalingon ako sakanya, himala at may balak pa itong magsalita.

"At pano mo naman nasabi iyan? Isa ka rin eh, sarado naba talaga ang utak ninyo? Hindi ba kayo makaintindi na nasa delikadong setwasyon na tayo!!." Inis kong singhal sa kanila, nauubusan na talaga ako ng pasensya.

Napansin ko naman ang bahagyang pagbuntong hininga ni Ashlire.

"Tama si Kennyth, Azul hindi na tayo makakalabas rito ng basta-basta." Mahinahon nitong sambit na ikinakunot ng noo ko.

"What?."

"Nakakulong na tayo rito sa bundok." Dagdag ni Selara.

"Ano ba ang pinagsasabi ninyo? Hindi ko kayo maintindihan!." Nagtataka kong anas.

"Mas mabuting manahimik at makiramdam ka nalang Azul ng maintindihan mo ang ibig naming sabihin." Malamig na saad ni Kennyth. Magsasalita pa sana ako ng...

"Sige na kumain na tayo." Singit ni Warren, na tinanguan naman nila at naglakad na papunta sa pwestong pinaglalagyan ng mga pagkain. Tahimik na lamang akong sumunod sa kanila habang nagtataka parin sa sinabi nila.

Pagkatapos naming kumain ay maya-maya pa ay nagsimula na kaming maglakad-lakad. Nasa likuran parin nila ako habang tahimik na nagmuni-muni at luminga-linga sa paligid dahil nararamdaman ko nanaman ang mga matang nagmamatyag sa bawat galaw namin. Napakalalim na naman ng iniisip ko lalo na sa mga katagang sinambit nila, na ni isa roon ay hindi ko maintindihan, ano ba ang ibig-sabihin nila?.

Habang luminga-linga ako sa paligid ay may napansin akong napakatangkad na anino sa dikalayuan, sa may mga malalaking bato naroroon ang aninong parang nakatayo malaki ito, kaya nakaramdam na naman ako ng kilabot, kinusot-kusot ko naman ang mata ko dahil baka nagmamalikmata lamang ako dahil sa kapraningan, nang tingnan ko uli ang mga bato ay wala na ang aninong nakita ko kanina, nagmamalikmata lang siguro talaga ako.

Mas binilisan ko ang paglakad ko nang mapansing may kaunting layo nanaman ako sa kanila, buti hindi nila ako napansin dahil baka magalit nanaman sila hys.

Habang nagmuni-muni ako ay bigla akong nakaramdam ng malamig na humipos sa balikat ko kaya napalinga-linga ako sa pagtataka.

"Ano iyon?." Mahina kong bulong. Kaya napahinto ako sa paglalakad at hinimas-himas ang balikat ko'ng hanggang ngayon ay nanlalamig parin.

Ng mapansin kong lumalayo na sila ay bigla akong nakarinig ng mahihinang halakhak sa di kalayuan sa akin, parang nanunuya ang paraan ng pagtawa nito, kaya napalinga-linga ako sa kaba at napansing maslalong lumalakas at dumadami ito, tila'y pinapalibutan ako ng mga halakhak, namamawis kong inikot ang mga mata maging ang katawan upang mahanap kong saan nanggagaling ang boses na iyon ngunit bigo akong mahanap iyon dahil umiikot ang tinig nito.

Lumalakas at lumalakas ang tawang ito, tila'y palapit ng palapit sa akin, napaka sakit nito sa tenga kaya napaluhod ako habang pilit tinatakpan ang tenga ko'ng parang sinisira na ata ang eardrums ko sa lakas, napapaiyak nako sa sakit at takot na naghalo-halo.

"TAMA NA! PLS TAMA NA ANG PAGTAWA!." Malakas kong sigaw habang hindi magkamayaw ang pagtulo ng mga luha ko, biglang may bumulong sakin ng makalapit ang tinig nito.

"They hate you because you are a coward Keyriea! Be careful on who you trust...." Nanunuya nitong bulong na kinatindig ng mga balahibo ko, at muli, pinagtatawanan na naman ako. Ng biglang nakaramdam ako ng biglang may yumogyug sa akin. Sa gulat ko ay napasigaw ako sa takot.

"Ahhh TAMA NA!." Umiiyak kong sigaw at ibinuka ang mga mata ko upang makita ang gumawa non, at don ko nakitang nasa harapan ko na ngayun ang mga kaibigan ko habang nababakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.

"Azul anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Ok kalang ba?." Sunod-sunod na nag-aalalang tanong sakin ni Ashlire at lumapit saakin.

"O-ok l-lang ako." Mahina at nakayuko kong sagot rito, habang pinupunasan ang mga luhang hindi ko napansing tumutulo na pala.

"What exactly happened to you Azul?." Seryosong tanong ni Kennyth.

"W-wala, wag niyo nakong pansinin." I assure them.

"Kong ganon ay tara na." Saad ni Selara.

Tumango nalamang ako habang walang kabuhay-buhay na sumunod sa kanila.

"What did just happened earlier?." Nanlalamig kong bulong, sigurado akong may pinapahiwatig iyon sakin at sigurado akong this time hindi nako nagmamalikmata o kong ano, dahil naranasan kona mismo ang kababalaghang iyon, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala ang sinabi ni Kennyth kanina, na hindi na kami makakalabas pa rito.

Ito ba ang ibig niyang sabihin? May alam ba siya o sila na hindi nila sinasabi sa akin?. Ano iyon? Parang may bagay na tinatago sila sa akin.

Lutang akong sumusunod sa kanila habang ang dalawang babae ay manghang-mangha sa mga magagandang bagay na nadadaanan namin, maging ang dalawang lalaki na kanina lang ay napakatahimik ay nasasayahan sa pagtingin sa paligid.

"Naririnig niyo ba ang naririnig ko guyz?." Excited at malawak na ngiting tanong ni Ashlire. Kaya napakunot ang noo ko sa pagtataka at biglang nakaramdam ng kaba, baka napapansin na rin nito ang kanina kopang napapansing mga nakakasindak na tunog sa paligid.

"Huh? Wala naman akong naririnig ah." Anas ni Warren.

"Shhh!." Pagpapatahimik ni Ashlire sa amin, kaya mas kinabahan ako.

"Hala oo nga no, may naririnig rin akong ingay, parang rumaragasang tubig!." Malakas na sambit ni Selara at nababakas ang galak sa mukha nito.

"Exactly, parang may falls roon!." Saad pa ni Ashlire sabay turo sa kaliwang dereksyon. Napakamot na lamang ako sa ulo, akala ko naman ay napapansin rin nila ang napapansin ko, hys pambihira!.

"Lezzgo guyz tingnan natin kong may falls ba talaga roon." Pag-aaya ni Ashlire samin at nauna nang naglakad kaya sumunod narin kami.

"I know what you know!." Rinig kong mahinang bulong sakin ni Kennyth bago sumonod sa tatlo, kaya bigla nanaman akong nakaramdam ng panlalamig. Ano ang ibig niyang sabihin?.

(FAST FORWARD.)

Nandito nanga kami sa harap ng napakataas na falls, napakaganda nitong pagmasdan dagdag ka ang preskong hangin sa paligid may mga malalaking puno sa paligid at mga bulaklak na nagkalat sa ibat-ibang sulok ng Falls na ito.

"It's so beautiful!." Mahina kong compliment sa lugar at napangiti na lamang, hindi ko akalaing ang bundok na ito ay may tinatagong ganito ka gandang lugar. Nakakamangha!.

"Guys ligo tayo rito! Kanina ko pa gustong maligo wahhh!." Biglang atungal ni Selara, kaya napa-iling na lamang kami sa inasta nito.

"Yeah maliligo naman talaga tayo rito HAHA." Nakangiting sambit ni Ashlire at nilagay na sa tabi ang bit-bit nitong malaking bag at inayos ang sarili gayunrin ang ginawa ng iba, habang ako naman ay napa-upo nalang sa malaking bato na nasa gilid ko lamang.

"Hindi kaba maliligo Azul?." Tanong ni Ashlire sa akin, nagkibit-balikat lamang ako bilang tugon rito, dahil parang wala akong balak maligo, o parang may nararamdaman akong hindi tama habang pinagmamasdan ang talon.

Noong bumaba kami sa bus ay pinagmasdan ko ang bundok na ito ng maigi at wala akong napansin kakaiba na magsasabing may talon rito kaya, siguro ay nasa likorang bahagi kami ng bundok na ito ngayun.

Isa-isa nang nagsitalon ang mga ito at tuwang-tuwang naglalaro sa tubig, parang mga bata, pero....

Parang may silhouette nanaman akong napapansin sa malaking bato sa likoran nila. Kaya napatayo ako bigla, sino iyon?. Napansin kong bigla itong tumalon sa tubig kaya bigla akong nakaramdam ng matinding kaba at pangangantog ng paa.

"B-bakit tumalon iyon?." Gulat na gulat kong anas sa sarili at dali-dali silang nilapitan, habang papalapit ako ay....

"Wahhhh." Matinis na biglang sigaw ni Selara, kaya napatakbo ako sa kaba. Bigla itong nalunod parang may humihila rito galing sa ilalim ng tubig, kaya nataranta na ang tatlo.

Agad na pina-alis ng dalawa si Ashlire, habang ang mga lalaki ay natatarantang hinahanap si Selara, nagdive pa si Kennyth sa ilalim upang hanapin si Selara, ng makalapit ako sa kanila ay agad kong sinabihan si Ashlire na lumayo sa tubig habang tinatalasan ko ang paningin at pilit na hinahanap kong saang banda ito napunta, but to no avail ay naging tahimik ang paligid habang si Warren ay kanda lingon-lingon sa paligid habang ang dalawa ay hindi parin umaahon.

Kaya nanlalamig at nanginginig nako sa pag-aalala. Bigla ko namang naalala ang silhouette na tumalon kanina. Don't tell me iyon ang humila kay Selara pailalim.

——(THIRD PERSON'S POV)——

"Wahhhh." Matinis na sigaw ng dalaga ng biglang may humila rito pailalim.

Pilit itong nagpupumiglas sa nilalang na humihila rito, nang tingnan niya ang nilalang na humila rito ay napansin nitong isa itong itim na parang anino o parang isang usok, mahigpit na hawak-hawak nito ang isang paa nito habang lumalalim na sila. Takot at kaba ang lumipol sa sistema nito, nanginginig at halos hindi ito makagalaw sa takot habang hinihila ito.

Nang biglang nakaramdam ito ng mga kamay na pilit rin itong hinihila paitaas kaya napaangat ang ulo nito at nakita ang kaibigang lalaki na pilit itong nililigtas.

Mapait naman itong napangiti, dahil ramdam na ramdam na nito na mawawalan na siya ng buhay, at hindi na niya kaya ang pagpipigil ng hininga.

Umiling-iling ang dalaga at pilit na tinutulak ang binata, sinenyasan itong hayaan na siya at umalis na sila rito. Ngunit hindi siya pinansin ng lalaki, sa halip ay lumangoy ito papunta sa nilalang na humihila sa babae at pilit na kinakalas ang mga kamay nito.

Ilang segundong pagpupumiglas ay sa wakas ay binitawan na ito ng maitim na nilalang ngunit nawalan na ng malay ang babae kaya mabilis na hinila ito ng lalaki paitaas ng makaahon ay humihingos ito sa pagod at napahalukipkip ng hangin. Dali-dali namang lumapit ang tatlo pa nitong kaibigan, binigyan naman ng CPR ng isang babae ang nawalan ng malay na babae.

——(KEYRIEA POV)——

Nangingig na ang mga kamay ko habang hinihintay ang dalawang makaahon sa tubig, ilang minuto ang makalipas ay may nakikita nakong maliliit na bula, ilang sandali pa ay may dalawang ulo ang lumitaw, nang titigan ko ito ay nakaramdam ako ng tuwa dahil sina Kennyth at Selara ito ngunit si Selara ay walang malay, kaya dali-dali kaming lumapit sa dalawa ng makaahon ito sa gilid.

Agad na nilapitan ni Ashlire si Selara at binigyan ito ng CPR. Sa bagay nursing naman si Ashlire kaya mas may-alam ito kesa sa amin pagdating sa mga ganitong setwasyon.

Ilang minuto nang siniCPR ni Ashlire si Selara ngunit hindi parin ito gumagalaw kaya nagsimula nakong kabahan.

"Selara come on!!." Nanginginig na sambit ni Ashlire at binigyan uli ito ng hangin.

Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi parin ito nagigising o nagpapakita ng senyales nang paggalaw.

"Ash, namumutla na si Selara!." Nanginginig na sambit ni Warren, habang nababakas rito ang matinding takot, maging si Ashlire ay nanginginig narin ang mga kamay habang pilit na ginigising si Selara.

Lumapit ako kay Selara at lumuhod sa gilid nito, nanginginig na tinapik ko ang pisngi nito at pilit na ginigising ko ito.

"H-hey S-selara gumising kanga!." Nanginginig na boses kong sambit, naiiyak nako dahil napakalamig na ng kamay nito ng hawakan ko ito.

"W-wala n-n-na s-i-ya, p-p-pa-tay na siya!." Nagkanda-utal-utal na sambit ni Ashlire habang hawak-hawak nito ang pulso nito sa kamay maging sa leeg. Bigla naman akong binalot ng lamig at takot sa narinig.

Walang boses, Wala akong masabi, napahagulgul na lamang ako habang mahigpit na hinawakan ang napakalamig na kamay ni Selara. Wala na siya, Wala na ang isa sa malapit kong kaibigan, napasabunot nalang ako sa sarili.

Kung sana nilapitan kona at tinawag sila ng makita ang nilalang na iyon, buhay pa sana si Selara ngayun, sana hindi ako nagdalawang isip na puntahan sila, na sana binalaan ko sila patungkol sa hindi magandang nararamdaman ko, sana, sana nailigtas ko siya!.

Napansin ko naman ang mahihinang hagulgul ng dalawa habang si Kennyth naman ay nakatagilid ngunit napapansin ko ang iilang pagsinghot nito. Napayuko nalamang ako dahil sa matinding pagsisisi at sakit.

"W-we s-should bury Selara peacefully." Mahinang sambit ni Ashlire habang sumisinghot-singhot parin sa dami ng luhang nailabas, pilit nitong tinatapangan ang sarili ngunit alam kong nasasaktan ito ng subra ngayun.

Walang tunog at boses na nilapitan ni Warren ang katawan ni Selara at maingat itong binuhat ng pa bridal, tamihik lamang kaming sumusunod kay Warren habang hindi parin magkamayaw ang mga luha ko'ng tumutulo parin, hindi ko mapigilan ang sariling hindi maiyak, kaibigan ko yun eh, sa mismong harapan kopa binawian ng buhay. Napaka Tanga ko!!.

Nasa harap kami ngayun ng malaking puno, napagdesisyonan naming dito na lamang ilibing si Selara, para may kasama ito sa ilalim.

Nagsimula na kaming magbungkal ng lupa, napakahirap magbungkal lalo't matulis na kahoy lamang ang gamit, Wala kaming dalang pala eh kaya tulong-tulong kaming naghuhukay. Tatlong oras rin ang inabut namin bago makahukay ng malalim, hanggang balikat ang lalim nito sa akin.

Maingat na binalot namin ni Ashlire si Selara ng sarili nitong kumot, pagkatapos ay maingat naman itong binuhat ni Kennyth at binaba sa ilalim, maging ang mga gamit na dala nito ay sinabay namin sa libingan nito naglagay rin kami ng mga bulaklak na napitas sa tabi-tabi.

Nagdasal kami saglit bago tuluyang tabunan ang katawan nito, mahinang umiiyak na tinatabunan ng dalawang lalaki ang katawan ni Selara, habang kaming dalawa ni Ashlire ay mas lalong napahagulgul sa sakit, hindi ko kaya, hindi kona kayang manuod pa, kaya tumalikod nako at naglakad papalayu sa kanila ng kunti at napakasandal sa puno, hindi ako makatingin sa kanila, kaya napahilamos nalamang ako sa mukha sa frustrations at sakit.

"Azul tara na!." Tawag sakin ni Ashlire kaya napalingon ako rito, habang ang mga mata ko ay lumuluha parin maging si Ashlire ay naiiyak parin. Tumango nalamang ako at sumunod sa kanila, tahimik at walang imik akong naglakad, ni isa sa amin ay wala nang balak na magsalita pa.

Nang makabalik kami sa lugar kong saan namin iniwan ang mga gamit namin ay agad rin namin itong kinuha at umalis na, kailangan na talaga naming umalis rito!.

Habang naglalakad kami ay may napapansin nanaman akong nilalang, this time ay para itong Isang babae base sa haba ng buhok nito, nasa likod ito ng malaking punong parang balete sa laki, nakasilip lamang ang katawan nito.

Ano nanaman ito!!.

Ng biglang.....

_______________