webnovel

The Demon's Heart

Before the last battle of the angels and demons, Ethriel Morrow-the head of the demon troops assigned to steal an orb called "Heaven's Heart" that heaven will use to defeat Satan. During the armageddon, Arcangel Gabriel travelled in the land of mortals to hide the orb away from the demons. Ethriel follow Gabriel to the land of mortals to fight and to steal the orb but he failed. Arcangel Gabriel casts a spell to hide the orb in the heart of a maiden. When Ethriel go back to hell and report the failed mission to Satan, Satan punish him together with Alciel and sent them in the land of mortals to find the orb but not as demons but a mortals.

BadReminisce · Fantasy
Not enough ratings
20 Chs

"The rival is here"

Chapter 15. "The rival is here"

"That would be 1,545 sir." ani Aria sa lalaking nasa tapat ng counter. Nagbigay naman ng dalawang libo ang lalaki na agad naman niyang kinuha. "I received two thousand sir." aniya at nilagay sa counter niya ang pera at kumuha ng panukli. "Here is your change. Thank you and come again."

Naglakad na palabas ang lalaki nang may sunod namang babae ang humarap sa kanya sa counter. Napatingin siya sa babaeng nasa harap. Namangha siya sa taglay nitong puti at agaw atensyong ganda. Naglapag ng strawberry drink ang babae na agad niyang kinuha para i-scan sa counter niya.

"48 pesos Ma'am" masigla niyang sabi sa babae. Inagaw naman ng kanyang atesyon ang matatalas at mataray na tingin sa kanya ng babae. Nagbigay ito ng isang libo at agad na kinuha ang strawberry drink na binili at saka tumalikod palabas. "Ma'am sandali, your change." pasigaw niyang sabi sa babae.

Nilingon naman siya ng babae at nakataas ang kilay siyang tiningnan. "Keep it." sabi lang nito saka tuluyang lumabas ng store nila. Naiwang tulala si Aria at nakaramdam ng insulto at inis sa babaeng nakaenkwentro.

Nasa corridor naman ng apartment nila si Ethriel na tila ba may hinihintay. Mag-aalas onse na ng gabi at hindi pa rin ito pumapasok sa loob para matulog. Bumukas ang pinto ng kanilang apartment at lumabas doon si Alciel na naka-ayos na para pumasok sa trabaho nito sa call center.

"Sir, hindi pa ba kayo magpapahinga?" tanong ni Alciel. Napabuntong-hininga naman si Ethriel at inis na tiningnan lanh si Alciel. Napaisip si Alciel sa inaakto ng panginoon. "May hinihintay ba kayo Sir?" muling tanong nito.

Nabigla naman si Ethriel sa tanong ng kanang kamay at pinanlisikan ito ng mata. Napalunok naman ng laway si Alciel sa takot nang makita ang inis at pikon na mukha ng panginoon. Muli ay bumuntong-hininga si Ethriel.

"Alciel, wala ka pa rin bang balita tungkol sa mahiwagang heaven's heart?" tanong ni Ethriel.

Naging seryoso ang mukha ni Alciel. "Sir, naikwento mo sa akin na kapag hinahawakan mo ang heaven's heart ay nagkakaroon ka ng mahika at nakakabalik sa demon form mo." ani Alciel. Naging interesado naman si Ethriel sa kwento ni Alciel.

"Bakit? Bakit nga ba nangyayari yon?" tanong ni Ethriel.

"The heaven's heart is the magic power source of the heaven, Sir. Ibig sabihin, ang lumalapit dito na may kailangan ng mahika ay nakakakuha ng magic powers sa heaven's heart." paliwanag ni Alciel.

"Hindi ba dapat ay gumagana lang yon sa mga anghel?" isa pang tanong ni Ethriel.

"Nakalimutan mo na ba Sir, na dati tayong anghel." Alciel answered. Tumango-tango si Ethriel nang mapagtanto ang sinabi ni Alciel.

"Eh nakahanap ka na ba ng spell na kokontra sa spell barrier na nasa heaven's heart?" sabik na tanong ni Ethriel. Natahimik naman si Alciel sa tanong ni Ethriel at naging seryoso.

"Hindi pa sir. At kulang pa ako sa impormasyon para malaman ang counter spell sa spell barrier na nakalagay sa heaven's heart." ani Alciel.

Isa na namang malalim na paghinga ang ginawa ni Ethriel at napatingin sa babaeng nasa tapat ng gate ng kanilang apartment building na naglalakad papasok.

"Sa ngayon kailangan bantayan muna natin siya." pagtukoy niya kay Aria na napalingon naman sa kanya at nagbanggaan ang kanilang mga tingin.

Kinabukasan ay sabay silang pumasok ni Ethriel. Kulang pa sa tulog si Aria kaya naman ay pipikit-pikit pa siyang nalalakad sa kalsada. Tiningnan naman siya ni Ethriel na hindi rin naging maayos ang tulog.

"Aria, bakit ka ba nagtatrabaho sa gabi?" tanong ni Ethriel kay Aria.

"Syempre para kumita ng pera." tamad at maikling sagot ni Aria. Natawa naman si Ethriel at napangisi.

"Nasaan ba ang pamilya mo? Bakit mag-isa kang nakatira sa apartment?" muling tanong ni Ethriel. Nagising ang diwa ni Aria sa tinanong ni Ethriel.

Huminto silang dalawa sa tapat ng pedestrian lane para hintayin ang go signal ng street lights. Nakatingin lang si Aria sa mga kotseng mabilis na umaandar sa harap nila.

"Nasa malayo sila." sagot ni Aria. Nagtataka naman siyang tiningnan ni Ethriel at tila naghihintay pa sa sagot ni Aria. "Nang mag-debut ako noong nakaraang buwan, nagdisisyon akong mamuhay na ng mag-isa. Ayos lang naman yon kila mama at papa." kwento ni Aria. "Yong kuya ko naman ay may sarili ng pamilya at nasa ibang lugar na rin."

"May mga kapatid ka pala?" hindi makapaniwalang tanong ni Ethriel. Natawa naman si Aria.

Sabay silang naglakad nang mag-go sign na ang street lights.

"Ayoko na kasi maging pabigat kila mama at papa, kaya ito ako na muna ang umaako. Saka tumutulong din ako sa kanila ngayon. Nakakpagbigay kahit papaano." masiglang sabi ni Aria.

Pinagmasdan naman ni Ethriel ang nakangiti at masayang mukha ni Aria. Natulala siya at may kung anong hatid sa kanya ang ngiti ni Aria. Agad na iniwas ni Ethriel ang tingin at napahawak sa kanyang kaliwang dibdib. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"Gusto ko nga umuwi sa amin para makita si Arnold. Yong bunso kong kapatid." sambit ni Aria at saka tiningnan si Ethriel. Nagtaka siya nang tahimik si Ethriel na nakatingin sa kanya at namumula ang pisngi. "Ayos ka lang? May sakit ka ba ulit?"

Aria was about to put her palm in Ethriel's forehead. Pero iniwas agad ni Ethriel ang sarili at naglakad ng mabilis.

"Mahuhuli na tayo sa klase bilis!" sigaw ni Ethriel.

Pagdating nila sa classroom, nagtaka sila nang nasa labas ang ibang kaklase nila at nakasilip sa classroom nila. Agad nilang nilapitan ang mga ito at tiningnan kung anong sinisilip-silip ng mga ito at hindi pa pumasok. Nang pagtingin nila, isang magandang babae na may mahaba at makintab na buhok ang nasa room nila. Agad pansin din ang maputi at makinis nitong balat. Napaisip naman si Aria dahil pamilyar ang babae.

"Siya yong babae kagabi sa store ah." mahinang sabi ni Aria nang biglang tumingin sa kanya ang babae ngunit laking gulat niya nang masaya itong nakangiti sa kanya saka tumayo.

"Ethriel!" sigaw ng babae at saka tumakbo at yumakap kay Ethriel na katabi ni Aria.