webnovel

The Demon's Heart

Before the last battle of the angels and demons, Ethriel Morrow-the head of the demon troops assigned to steal an orb called "Heaven's Heart" that heaven will use to defeat Satan. During the armageddon, Arcangel Gabriel travelled in the land of mortals to hide the orb away from the demons. Ethriel follow Gabriel to the land of mortals to fight and to steal the orb but he failed. Arcangel Gabriel casts a spell to hide the orb in the heart of a maiden. When Ethriel go back to hell and report the failed mission to Satan, Satan punish him together with Alciel and sent them in the land of mortals to find the orb but not as demons but a mortals.

BadReminisce · Fantasy
Not enough ratings
20 Chs

"Can't Believe that Happened"

Chapter 6. "Can't Believe that Happened"

"Dico vobis hunc terrarum orbem servanda est. Poprotektaha impius orbe potestas. Vos can utor orbis imperium inde ex altera ripa clade. Non praesto est, ut quis in orbis cunctis diebus vitæ tuæ."

Iyon ang huling mga salita na narinig niya noong gabing iyon bago mawala ang anghel sa harapan niya Hindi mawala sa isip ni Aria ang nangyari sa kanyang limang araw na ang nakakalipas. She literally saw an angel! Hindi naman siya naniniwala sa mga fantasy na tulad niyon. Pinipilit pa rin niyang hindi maniwala na nangyari iyon. That angel really made an impact to her mind. Hindi mawala sa isip niya ang mga titig ng asul na mga mata nito sa kanya. Maging ang pagyakap na ginawa nito sa kanya.

"Aria, di ka pa uuwi?" tanong ng kaibigan niyang si Millie. Nakatulala na naman siya habang iniisip ang anghel na nakita niya.

"Uuwi na may pasok pa ako sa store." sagot niya saka tumayo para ayusin ang kanyang mga gamit sa school.

Kasalukuyang nasa grade 12 na si Aria. Pangalawa siya sa tatlong makakapatid. Pumanaw na ang kanyang ama noong nasa grade 6 pa lamang siya, kaya naman ang kanyang ina na lamang ang nagtataguyod sa kanilang tatlong magkakapatid. Kaya naman naisipan na niyang magtrabaho pagkatapos ng kanyang klase para makatulong sa kanyang pag-aaral.

She is working in a convenience store and take a closing shift everyday. Kaya naman madalas ay gabi o madaling araw na siyang nakakauwi. Ayos lang naman sa kanya iyon dahil hindi siya mapapahamak. Isa lang naman siyang champion pagdating sa taekwondo ay black belter pa.

Habang naglalakad pauwi kasabay ang kaibigang s Millie ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyaring iyon. She even search about angels and demons these past few days to get some information about that incident. She is also trying to recall what was the angel said to her for her to search and translate it to understand. Ngunit hindi niya maalala ang lahat ng sinabi ng anghel ba iyon sa kanya. Hindi niya nga alam kung anong lingwahe ba iyon.

Pagdating ni Aria sa kanyang apartment ay nabigla siya nang makitang good vibes ang land lady niyang si Mrs. Puff. Hindi talaga iyon ang pangalan ng matabang babae ngunit iyon lang tawag niya sa kanyang isipan.

"Aba, Mrs. Gomez, mukhang mabenta ang mga basahan natin ah!" natatawang bati ni Aria sa kanyang land lady.

"Huwag mo ngang sirain ang araw ko, Aria. Nasaan na ang bayad mo last month?" bulyaw ni Mrs. Gomez. Napabuntong-hininga si Aria. Sabagay, makalimutan na ni Mrs. Gomez maligo wag lang makalimutang maningil ng renta.

"Mamaya po susubukan kong manghiram ng pera." sagot niya sa kanyang land lady. Hindi na niya pinansin ang pagtataray ng kanyang land lady at pumanhik na lamang sa kanyang kwarto. Papunta na sana siya sa kanyang kwarto sa may dulo ng ikalawang palapag nang magtaka siya dahil okupado na ang unahang kwarto. Napahinto siya at sinilip ang peep hole ng pinto nang bigla itong bumukas dahilan para bumangga ang pinto sa kanyang mukha.

Napaupo sa sahig si Aria sa lakas ng pagbukas ng pinto. Nagulat naman si Ethriel nang makita ang isang babae na nakaupo sa harap ng kanilang pinto.

"Sino ka?" nagtatakang tanong ni Ethriel sa babae. "Hoy! Alciel may nakakadiring babae na naman!"!sigaw ni Ethriel na kinabigla ni Aria.

Padabog na tumayo si Aria at pinanlisikan si Ethriel ng tingin.

"Anong nakakadiri?!" bulyaw niya sa lalaking nasa harap.

Naniningkit naman ang mata ni Ethriel na pinagmasdan ang babae. Nilapit pa nito ang mukha niya na tila pinagiimbistigahan ang mukha ng babae.

"Kung tutuusin, mas nakakadiri ka nga roon sa babaeng mataba." ani Ethriel na pinagtaka ni Aria na sandali lang ay napagtanto niyang tinutukoy nito si Mrs. Puff.

Ngunit nainis siya dahil hindi niya tanggap na mas okay pa pala si Mrs. Puff sa kanya? Napasinghap siya sa inis sa lalaking imiinsulto sa kanya.

"Bakit Sir, anong meron?" tanong ni Alciel pagdating sa tapat ng pinto.

"Mayroong babaeng nakakadiri na naman." sagot ni Ethriel saka turo kay Aria.

Hindi na nakapagtimpi si Aria sa talas ng bibig ni Ethriel kaya naman nakatikim na ito ng malakas na sipa sa tiyan dahilan para masuka pa ito. Agad-agad siyang tumalikod sa dalawa at nagpatuloy sa pagpunta sa kanyang kwarto. Namilipit sa sakit si Ethriel sa natamong sipa kay Aria.

Nagbihis na si Aria para pumasok sa kanyang trabaho. Pababa na sana siya nang pagdaan niya sa kwarto nila Ethriel ay biglang bumukas ang pinto at niluwa nito Si Ethriel. Nagkatinginan ang dalawa at agad na napataas ng kilay si Aria nang makita ang lalaki. Habang si Ethriel naman ay nagtataka sa inaasal ng babae.

"Ikaw na naman nakakadiring babae?" tukoy ni Ethriel kay Aria. Aria greeted her teeth in pissed. Kanina pa siya tinatawag ng nakakadiri ng lalaking bagong lipat na ito.

"Baka gusto mong makatikim na naman ng sipa kumag?" banta niya sa lalaki. Napangisi si Ethriel aa tinuran ng babae. Naisip ni Ethriel na gamitin ang mind control para mapaglaruan ang babae. Ethriel raised his hands in front of Aria's face and start to cast the spell. But when he is about to cast the spell, Aria's chest suddenly pound and make her hard to breathe. Nagpanic si Ethriel nang makita ang nangyayari kay Aria.

"Oy ayos ka lang?" tanong ni Ethriel kay Aria. Hahawakan niya sana ito nang bigla siyang nakaramdam ng kakaibang mahika kay Aria. Malakas na mahika ang kanyang naramdaman.

"Huwag mo akong hawakan!" sigaw ni Aria at dali-dali bumaba ng apartment. Sinundan ng tingin ni Ethriel ang babae nang may labis na pagtataka sa kanyang mukha.