1 Chapter 1: Her Last Words

Lionel's POV

"Leo, bumaba ka na!", Pasigaw na sabi ni Mom.

Unang araw na naman ng pasukan, pero it seems just like a normal day for me, ayoko muna talagang pumasok ngayon dahil may isang taong ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha sa araw na'to. Pero I have no choice but to go to school, kaysa naman sa magmukmok ako dito sa bahay, total excited na rin ang mga ka trops ko na magkita-kita kaming muli.

By the way ako nga pala si Lionel Tyrone Quezon, 17 years old, currently a Grade 11 student from Lux Charleston Academy, a school for affluent and smart students. I'm a varsity player for football at isa din sa top student sa entire Grade 11 department. Online gaming is my bet. Girlfriend?, wag muna ngayon, kakabreak-up pa lang kasi namin ni Cyrine kasi nilandi lang naman siya ng anak ng Principal namin na si Avi. And that's the reason why akoyong pumasok ngayon sa school.

After kong maiprepare ang lahat ng gamit ko, bumaba na ako para kumain ng breakfast. Binasa ko muna yung text sa'kin kagabi ng best friend ko na si Marcus.

" Bro, okay ka na ba?, Hayaan mo na yun, total andami pa namang babae sa mundo. She doesn't deserve your love and attention.

Sabay na lang tayong pumasok bukas, sunduin mo na lang ako dito sa bahay ah. Grounded na naman kasi ako for using my car hehehe".

Kala mo concern tong lokong to, yun pala magpapasundo lang kasi di niya naman magagamit yung kotse niya. Masyado kasi tong reckless kung mag-drive to si Marcus kaya parating binabawi ng dad nito yung susi ng kotse niya.

Marcus's POV

Beep!, Beep!,Beep!. Malakas na tunog mula sa alarm clock ko. Sa sobrang inis ko ay nabato ko ito sa sahig at nasira. Dahil Doon ay napaidlip ako ng konti, at hanggang sa kumalabog na talaga yung mahiwagang takip ng kaldero ni Manang Chona.

"Ano Marcus, tatayo ka jan o isasampal ko tong takip sa'yo?" Sigaw niya na parang nakalunok ng megaphone.

"Oo, na manang, tatayo na po!" Matamlay kong sagot.

Pagtingin ko sa relo ko, Oh Sh*t!, Late na'ko, baka andiyan na si Lionel sa baba. Bago pala ako maligo, I'm Marcus Nicholas Enriquez, 17 years old, Hot?, Handsome?, Basketball Player?, Flirt?, Yeah that's me. Masarap kasing maglaro ng feelings guys, lalo na sa mga babae at baklitang marurupok. Wala akong relasyon na siniseryoso, ayoko munang maging taken noh. I enjoy my life flirting, hanging out to some nightclubs while I'm still young.

(What can you say about Lionel?)

He's my best friend ever since bata pa kami, kasi magkakaibigan din yung mga dad namin. Maaasahan sa lahat ng bagay, Lionel is a chill type of person, pero wag mong subukan, coz once you'll do that, he will make your life in total despair.

Parati siyang nasa top ng class pero pagtataka ko, Bakit?, Eh puro lang naman yan ML, tapos kung minsa'y nagcucut yan ng klase para lang mag online games. Siguro ginagayuma niya yung teacher namin. Hmmm

ma-try ko nga.

Pagkababa ko, andun na si Lionel kausap yung Mom ko.

"Nandito na pala yung mabait mong anak tita, himala ah naka-uniform haha, Sige po tita alis na po kami". Sabi nung punggok.

Mukhang late na ata kaming nakapasok sa school, di na namin naabutan ang speech ni Mr.Principal kaya pumunta na lang kami kaagad sa classroom namin. Pagdaan namin sa may pathway, WOW, andaming chix. Para kaming artista na inaabangan ng libo-libong fans.

"Wag masyadong makati bro ah, be gentle lang and use protection Everytime hahaha!" Sabi ni Lionel sabay tumawa ng malakas.

Lionel's POV

Pagpasensiyahan niyo na po tong kaibigan ko, minsan kasi lumalaki tong ulo ng lokong ito kasi peymus raw siya. Mabuti na rin at nakaalis na kami sa pathway, ansaket sa tenga.

Pagdating na pagdating pa lang namin sa classroom, Hayyssst, eto na naman, tulad ng nakasanayan.

" Hi Lionel, free ka ba raw sabi ni Yvette, baka pwede raw paisa" Sabi nung grupo ng mga mahaharot na babae sabay kagat sa labi.

Like What the f*ck, si Marcus baka pwede yun wag ako.

Lumapit yung Yvette sa'kin tapos hinawakan nito yung left leg ko. Biglang nandilim yung paligid ko habang pataas ng pataas yung kamay niya patunggong *toot* ko. Kaya namura ko yung babae ng wala sa Oras at muntikan ko na rin itong masapak, pero pasalamat siya at di ako pumapatol sa mga pokpok.

I put my headset on at naglaro ng ML nang may biglang nagtanggal ng headset sa tenga ko. "What the fuck!, Can't you see that I am playi......." Napatigil ako sa pagsasalita nang si Alliana pala yung kumuha nito.

"Ummmm, Alliana pasensiya na sa nasabi ko, di ko alam na ikaw pala yun, sana humarap ka muna sa'kin bago mo tinanggal". Sabi ko sa kaniya

"Hindi, okay lang yun, humarap naman ako eh, kasi lang focus na focus ka sa paglalaro mo kaya kinuha ko nalang yung headset mo. I just want to say Good Morning and I'm happy that were classmates ulit hihi". Sagot niya nakangiti na parang dI man lang nasaktan sa mga nasabi ko. Manhid ba to?

Alliana's POV

Okay lang yun, sanay na akong ma-trashtalk ni Lionel. Alliana Morisse Segovia pala, 17 years old, gorgeous, beautiful and pretty of course alangan naman i-down ko yung sarili ko di ba. Ang loyal admirer ni Hubby Lionel. Speaking of loyalty, sana ako na lang yung minahal mo Lionel eh, ayan tuloy pinagpalit ka ng bruha mong ex sa hinayupak na anak ni Principal.

Sino ba naman ang di magkakagusto dito kay Lionel Tyrone Quezon, full package na kaya siya. Gwapo, Matangkad, Smart, Sporty,at higit sa lahat yung pandesal niya, Mayged sarap kainin rawr.

"Okay ka lang ba jan Alliana?, Parang kanina ka pa kasi nakanganga diyan" Ngekkk!, What the...., Nandito pa pala siya.

"Ah, wala Lionel okay lang hehe, ah ano malalim lang yung iniisip ko." Jusko baka marunong tong bumasa ng isip, Katakot.

"Alis muna ako Ali ha, pupuntahan ko muna si Catalina." Paalam niya sa'kin.

Bigla akong natahimik, parati niya nalang kasing pinupuntahan si Catalina kahit di naman siya pinapansin nun. Wala rin naman akong magagawa eh, barkada namin si Catty eh. Siguro ginagayuma niya ng kagwapuhan si Catty.

Catalina is the Top 1 in our department, Pangalawa naman si Lionel. Lakas kong makapanira ah parang di nila ako best friend. Nagseselos lang naman kasi ako eh.

"Mas bagay si Lionel at si Catalina kaysa kay Cyrine." Biglang tumindig yung tenga ko sa sinabi ng kaklase ko.

"Anong sabi mo?!, Mas bagay kami, MAS BAGAY KAMI!." Pasigaw kong sabi kaya tumahimik ang buong classroom.

"Dianne, isang joke naman jan." Sabi ko sa kaniya.

"Ah-eh, ano kasi, pasensiya na wala kasi ako sa mood para magpatawa." Balisa niyang sabi sa'kin.

Pinuntahan ko siya at napansin kong may malaking pasa siya sa may braso, kaya tinanong ko siya patungkol dito.

"Ahh, wala lang to, nasuntok kasi to ni kuya Arvin, kasi may pinag-aawayan alam mo na, SIBLING'S WAR hehe." Sabi niya.

"Akala ko mabait yung kuya mo, sayang crush ko pa naman siya noon." Biro ko kay Dianne

Catalina's

Arrrgghhh!, Kainis tong mga kaklase ko oh, ang ingay. Kala mo ngayon lang nagkita after 48 years, focus na focus pa naman ako dito sa paggawa ng opening speech para sa Ball Party bukas.

Ako pala si Catalina Audrey Yu, 17 years old. All I can say about myself is I am happy and contented of who am I, kaya sa mga ingetera diyan, MAGLAWAY KAYO!.

Half Korean po ako. Hiwalay ang mama ko sa tatay kong Koreano na nagmamay-ari raw ng isang malaking kompanya sa Korea. Sinustentuhan naman ako ng tatay ko sa

pag-aaral ko. Kaya nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya na kahit malayo siya at may iba na siyang pamilya ay tinutupad niya as always yung obligation niya sa amin. Until now nga eh, pinanghahawakan ko pa rin yung promise niya na on my 18th birthday na pupuntahan niya ako rito.

Okay tama na ang drama.

(What can you say about Lionel?)

*No Comment*

Often tawag ng mga kaklase ko sa'kin ay Ms.Barako dahil raw sa pagiging boyish ko, naiinis na ako kung minsan. Bakit kasalanan ko ba maging boyish?.

"Hi Catty." Sabay ngiti na pagbati ni Lionel sa'kin.

Oh well pasensiya na, suplada talaga ang ate gurl niyo so no comment ulit.

"Suplada mo namang ginang ka!" Sabi niya sabay walk-out.

Anong sinabi mo Doraemon?!, Di ako ginang langya ka!" Galit kong sabi ko sa kaniya.

Umalis siya na para man lang walang narinig, pero bigla nalang iyong bumalik at may sinabi sa'kin.

"Lakad tayo mamaya together with the trops, treat ko na."

Kung libre lang naman ang pag-uusapan, game na game ako jan kaya umoo ako sa sinabi niya. Sayang kasi eh.

.......................

Natapos na rin ang araw at isa-isang nagsilabasan ang mga mag-aaral sa academy. Lumabas na rin sila Lionel kasabay ng mga kaibigan nila.

May napansin silang grupo ng kababaihan na pinapalibutan yung isang babae sa may gitna.

"Si Dianne yun di ba?" Sabi ni Clint

"Mga grupo naman yan ni Dianne, baka may sinasabi lang sila kaniya. Pero pansin ko kanina, ang tahimik lang niya sa classroom. I asked her for a joke pero wala siyang kibo." Pangngatwiran ni Alliana.

Biglang nagtaka si Catalina bat may hawak na gunting yung leader ng grupo nila na si Cyrine. Pero binalewala lang niya ito at nagpatuloy sila sa paglalakad patungong parking area.

"Sinusumpa ko sa lahat ng makakarinig ng aking sasabihin, di ko kayo patatahimikin!"

Sigaw ni Dianne kaya napaharap sina Lionel.

Nakita nila si Dianne na punit-punit yung uniform at may mga sugat pa sa katawan dahil sa paggunting ni Cyrine.

"Isakay niyo na yan!" Sabi ni Avi habang tumatawa ng malakas.

Tumakbo sila Lionel patungo sa kanila pero huli na ang lahat, nakaalis na yung kotse kung saan isinakay si Dianne.

"You're too late ex." Sabi ni Cyrine.

"Ano babe, save ba yung ginawa ko sa kaniya?. Oh look who's here andito pala yung talunan mong ex hahaha!" Sabi ni Avi sabay halik sa lips ni Cyrine.

"Anong gagawin niyo sa kaniya!" Galit na sabi ni Lionel.

"She will be fine my dearest ex, let's go babe." Patawang sabi ni Cyrine.

Di mapalagay si Lionel kung ano ang gagawin nila kay Dianne. Sumunod naman sina Avi sa kanilang kasamahan sakay ng kotse niya.

"Sana wala silang gagawing masama sa kaniya." Sabi ni Marcus.

"Sana nga." Nag-aalalang sabi ni Lionel

Itutuloy......

avataravatar