webnovel

The Brown Soil

Si Percy Sebastian ay isang transferee student sa Hamford University at napabilang sa Section F ( ang pinaka-mababang section ) o mas kilala bilang " The Brown Soil Section ". Magbabago ang takbo ng buhay ng bawat estudyante sa Section F sa kanyang pagdating at pinaniniwalaan na meron siyang isang kapangyarihan na ninanais ng bawat tao sa mundo.

Pyxis_Fryxell · Realistic
Not enough ratings
2 Chs

KABANATA 2- BAGONG KAKLASE

Pagpasok sa room namin ay napatingin sa'kin lahat. Napahinto naman si Mrs. Lopez sa pagtuturo at madiin na tumingin sa akin.

Pagkatapos nun ay tumingin na silang lahat sa blackboard sa harap at hindi na ako pinansin. At ako, katulad nang palaging ginagawa, ay dumiretsong pumasok at naglakad sa aking upuan.

Sanay na rin naman sila na palagi akong nahuhuli sa klase.

Inilabas ko ang libro sa English at binuklat kung saang pahina ang binabasa ng katabi ko. "Basahin daw yung kuwento tapos sagutan yung Learning Activity." Sabi sa'kin nung katabi ko na nakalimutan ko ang pangalan kaya tatawagin ko nalang siyang 'Babaeng Kulot'.

Tumango nalang ako at binasa ang kuwento. Habang nagbabasa kami ay may kumatok sa pinto. Tinaas ko ang ulo ko at nakita ko kung sinong kumatok: Si Mr. Jim.

Agad na tumayo si Mrs. Lopez sa kanyang upuan at lumabas muna ng room. Habang kaming mga naiwan sa loob ay nagkakatinginan at kunot ang noo kung bakit tinawag ng Principal ang aming adviser.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na si Mrs. Lopez pero may kasama. At lalong doon kumunot ang noo ko.

Isang sobrang payat na lalake ang kasama ni Mrs. Lopez. Parang nagkasakit at lapitin ng sakit. Maliit din siya. Siguro kung titignan, hanggang balikat ko lang siya at 'take note', huling tingin ko sa height ko ay 5'2 at halos isang buwan na ang nakakalipas.

Makapal at mahaba ang buhok niya. Konti nalang ay matatakpan na nito ang kanyang dalawang mata. Ang kanyang mga mata. Noong una kong nakita ang mata niya, kalungkutan kaagad ang nakita. Malungkot siya, pero bakit? Dahil ba nasa last section siya?

Ang kanyang uniporme, oversized na sa kanya. Parang ang huling nagsuot nito ay ang kanyang matabang tito at napansin ko rin na gusot-gusot ito. At.... seryoso ba 'tong lalake na 'to? Naka-tsinelas lang na pumasok sa eskwelahan.

Kung maglalakad siya ng naka-ganyan mamaya sa pasilyo, malamang pagtatawanan siya ng mga tao dahil sa dalawang bagay. Una, dahil sa kasuotan niya. At pangalawa, dahil nasa klase siya ng mabababa.

At ayon sa postura niya, palagi siyang nabubully at halata sa katawan niya na hindi siya lumalaban kung sakali man na awayin namin siya. Anong meron sa lalakeng ito at bakit siya nandito sa Class F?!

"Class, siya nga pala ang inyong bagong kaklase." Bati ni Mrs. Lopez sa kanya at ang iba sa amin ay nagulat. Parang mga tanga nagulat pa. Halata naman na magiging kaklase namin 'yan dahil nandito kanina at kasama ang Principal. Pero ang nakakapagtaka lang ay bakit ngayong Agosto lang siya pumasok dito.

"Ah, magpakilala ka sa mga kaklase mo." Sabi sa kanya ni Mrs. Lopez. Napatingin sa kanya ang lalake at nakita kong lumunok ng ilang beses. Halata sa kanya na kinakabahan siya. Kung ako sa kanya ay matutuwa pa ako dahil kapag nagpapakilala ako sa maraming tao, ginagago ko lang ang mga pinagsasasabi ko na nakatira ako sa taas ng bundok kasama ang mga higante na maliliit naman ang mga bayag.

Dahan-dahan tumingin sa amin yung lalake at lumunok ulit bago magsalita. "A-ako nga pala s-si P-Peter Villamor." Kabado ang boses niya. Bakit siya kinakabahan? Pagkatapos niyang magsalita, ginawa niya ulit ang isang bagay na nakapagtaka sa'kin, tumingin ulit siya kay Mrs. Lopez. May crush siguro siya kay Ma'am.

"Age? Hobbies and talents?" Tanong sa kanya ni Mrs. Lopez at napalunok na naman si Peter.

Dahan-dahan ulit siyang tumingin sa amin at sinabi ang limang salita:

"15. Walang talent at hobbies."