1 CHAPTER 1

[Kazane's pov]

"get out miss ozaki...geett oouuuutttt!!!"sobrang galit na sigaw sa akin ni maam murano..bagay sa kanya ang apelyido niya kasi madalas siyang mag mura eh..

Nakangisi akong tumayo at naglakad palabas..pero bago pa ako makalabas sa pintuan ay nilingon ko si maam..kita ko yung mga mata nya na puno ng galit at ng inis..tsk.."sinong tinakot mo?"maangas kong sabi na ikinakuyom ng kanyang kamao at sobrang salubong na kilay..tss..ang lakas ng loob ng isang toh..maangas akong naglakad palabas ng room at naglakad na ako sa hallway

Ako nga pala si kazane ozaki..ang babaeng kinatatakutan ng buong campus..subukan lang nilang haharang harang sa dinaraanan ko matitikman nila ang kamao ko..di ako takot sa mga teacher dito..sila pa nga ang takot eh..yung murano lang yung malakas ang loob..alam ko din naman na hindi ako ma-eexpell dahil isa sa mga shareholders ang papa ko..malaki ang naiambag ni papa sa school na toh..may balak nga siyang bilhin to eh..

Habang naglalakad..syempre madami akong fans...ako pa..

"ang angas talaga niya noh"

"oo nga..ang cool niya tingnan"

Ilan lang sa bulungan ng mga estudyante..oo boyish ako..and im proud of it..

Habang naglalakad ay may nabangga akong isang lalaki..yan..eto ang gusto ko..may mapagtitripan nanaman ako..

"s-sorry miss"sabi nung lalaki habang inaayos yung libro niya..nagulo kasi ang pagkakahawak niya sa libro eh..

"ano ka ba?..di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?..gusto mo bang mamatay?"maangas kong sagot habang tinutulak ko ang balikat niya..nerd pala tong lalaking to..tss..wala akong sinasanto kaya humanda siya..

"sor--"naputol ang sasabihin niya nung  itulak ko siya ng malakas kaya natumba siya sa sahig..yung mga dala niyang libro ay naka-kalat na..nakakatawa ang hitsura niya HAHAHA

Nilapitan ko siya..tiningnan ko siya mata sa mata..halos 1 inch ang layo ng aming mukha.."kasama ka na sa weak list ko..ano pangalan mo?"medyo nakakatakot kong sabi..patay talaga tong lalaking to sa akin..ihanda niya ang mga luha niya at araw araw siyang iiyak..

"K-kazuya m-m-matsuyama"nauutal niyang sabi..nice name..ibig sabihin ng kazuya ay the calm and peaceful one..halata naman sa kanya..

"grade and section?"tanong ko ulit sa kanya..

"10 A"

Pagkatapos niyang sumagot sa tanong ko ay lumayo na ako sa kanya..nginisian ko lang siya at tinalikuran ko na siya at naglakad na ako paalis..

Ayus meron nanaman akong pagtitripan..nakaka umay ang mga mukha nung mga pinagtitripan ko eh..

Habang naglalakad ako sa hallway..nakasalubong ko ang grupo nina Kenzou..isa payan sa sakit sa ulo..anak din siya ng isang share holder ng school..kaibigan ni papa ang ama ni Kenzou pero hindi talaga kami magkasundo..ayaw niya kasing tanggapin na mas malakas ako sa kanya..

"nandito pala si tomboy"nang aasar na sabi ni Kage..isa sa kaibigan ni kenzou..akala niya ata maaasar ako..tss..alam ko naman na hindi ako tomboy..boyish lang..

"sakto pala ang dating niyo eh"maangas kong sabi sa kanila na ikinakunot ng noo nila..tss.

"at bakit naman?"tanong naman ni Kazu..isa din sa tropa ni kenzou

"hindi pa kasi nakakapg excercise ang kamao ko"maangas ko ulit na sabi at pinalagutok ko ang mga daliri ko..

Sumugod naman si Kage at mabilis ko itong iniwasan at sinuntok ko siya sa tiyan na ikinaunat niya..

Sumunod naman si Kazu at akma niya akong susuntukin ng masipa ko siya sa mukha..yann..tikman mo sapatos ko..

Ramdam ko naman ang pagkilos ni kage sa likod ko kaya pagtalikod ko ay sinipa ko siya..tumama ito sa mukha niya na ikinangiwi niya..kita ko din ang pagdugo ng kanyang ilong..tss..mas lalo siyang pumanget.

Pagkaharap ko ay bumungad sa akin ang suntok ni Kenzou na ikinangiwi ko..napaatras ako ng kaunti at ramdam ko ang pagdugo ng labi ko..loko tong kenzou na to ah..humanda siya sa akin..

Akmang susuntukin niya ulit ako nung sipain ko siya na paaperkat..kita ko ang pagdugo ng ilong niya..oh..t*ena mo..buti nga sayong g*go ka..

"aww..my handsome face"galit na galit nitong sabi habang hinahawakan ang mukha..."pagbabayaran mo to Kaz..t*ena mo"sabi nito at tumakbo na papalayo sumunod naman ang kaibigan niya..buti nga sa kanya..

Kahit naman hindi ko sipain ang mukha niya..panget pa rin siya tsk..

Naglakad na ako papuntang canteen..mag be bell na kasi eh..

Pagkadating ko sa canteen ay agad bumungad sa akin ang maangas kong kaibigan..

"heyy Kaz"Si AKANE...boyish din siya pero may jowa na yan..mamaya ipakikilala ko..

"Bakit ka may dugo ka sa labi?"si Emi..boyish din pero sobrang tahimik..single pa yan..ang dami ngang nanliligaw diyan..maganda din kasi siya..

"di ka nagsabi..eh di sana nakapag exercise tong kamao ko"si HIKARI...sobrang angas niyan..pero medyo may pagkalampa..gusto lang daw niya kaming gayanin kasi ang cool daw..girly talaga yan..at madaldal

"halika na Kaz..lalamig na ang pagkain mo"si HIDEO...sya yung BF ni Akane..magaling din yan sa labanan..sikat din siya at siya ang campus hearthrob. 

Naglakad na ako papunta sa kanila at umupo na ako at nagsimula na din akong kumain..

"Emi..i add mo nga sa weak list si Kazuya...matsuyama ata..10 A."sabi ko kay emi at nilista niya ito sa listahan namin.

"si Kenzou ba ang may gawa ng sugat mo sa labi?"tanong naman ni akane..tumango tango nalang ako..

"Naku..talagang hindi titigil yung gunggong na yun eh..makakasapak pa yata ako mamaya"maangas na sabi ni Hikari..binatukan ko nga siya.."aray" daing niya..

"tumakbo ka muna ng hindi nadadapa in ten second"natatawang sabi ko sa kanya..napanguso nalang siya..arte nito ah.."ingud ngud ko kaya yang nguso mo sa sahig?"maangas kong sabi kay Hikari kaya napa ayos siya..

"sabi ko nga"sabi niya at kumain na din siya..pinagpatuloy ko na ang pagkain hanggang sa mahagip ng mata ko si Kazuya..nakain siyang mag isa..

"pag sinuswerte ka nga naman oh"sabi ko at tumayo ako sa kinauupuan ko..kita ko naman ang pagtataka sa mukha ng mga kaibigan ko..di ko na sila pinansin at naglakad na ako papalapit sa lalaki..

Kasalukuyan siyang naglalagay ng ketsup sa ulam niyang manok..dali-dali kong kinuha ang ketsup at ibinuhos ko lahat sa manok..sinama ko na din ang kanin..kita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya nung tingnan niya ako..

"anong tinitingin tingin mo?"maangas kong sabi sa kanya kaya nag iwas siya ng tingin..siguro sinusumpa na ako nito sa kanyang isip..subukan lang niya..matitikaman niya ang sarili niyang dugo..

"kainin mo yan!"sigaw ko sa kanya pero hindi parin siya kumibo.."sabi ko kainin mo!"muli kong sigaw..wala na akong pake kung pinagtitinginan na kami ngayon..basta ang gusto ko lang ay mapagtripan siya..

"mukhang may bago nanaman siyang weakling ah"

"oo nga..lagot siya kay kazane"

"sinabi mo pa"

Bulungan ng mga estudyante..di ko na sila pinansin at tinuon ko nalang ang aking paningin kay kazuya.."di mo ba yan kakainin o ako mismo ang magsasalpak niyan sa bunganga mo?"galit ko nang sigaw..kanina pa ako pinag iintay nitong lalaking to ah..ayaw ko na ako'y pinaghihintay..kita ko ang kamay niya na kinuha ang kutsara niya at sumubo ng kaunti..medyo napangiwi siya dahil ata sa lasa..hahha..nakakatawa siya..

Bago pa siya maka limang subo ay hinampas ko na sa mukha niya ang kaniyang pagkain na punong puno ng ketsup..

"ang bagal mo kasing kumain eh"maangas kong sabi at nginisian siya at tumalikod na ako..

Pagdating ko sa upuan ay sumalubong sa akin ang palakpakan ng mga kaibigan ko..

"hoo..dabest ka talaga Kaz"

"nag iisa ka"

Papuri nila at ako naman ay nakatingin lang kay kazuya na pinupunasan na ang kaniyang mukha gamit ang tissue..

"siya ba yung kazuya?..ang cute niya ha"kinikilig na sabi ni Hikari..binatukan ko nga siya ulit..

"tigilan mo yang kalandian mo ha"sabi ko sa kanya at tiningnan ko muli si kazuya..napatawa nalang ako sa aking isip

..CUTE NGA SIYA...

----------

MULTI_ANTI

L

avataravatar
Next chapter