webnovel

The Boy She Hated The Most

They say Love and Hate has a very thin line. They say that when you hate a certain person there's a possibility that, that certain percentage of hate could turn into love.

loreenaces3 · Teen
Not enough ratings
3 Chs

One

Nagising ako dahil sa lakas ng kanta na mula sa speaker. Matalim na tingin ang ipinukol ko sa taong nakahilig sa pintuan. Ng makita niya akong bumangon ay nginisihan niya ako at pinatay ang kanta.

"Good morning sleepy head!" Bati niya sa akin.

"What's good in the morning? Kung yang mukha mo ang palaging nakikita ko tuwing pag-gising ko?" Pataray na saad ko.

"Psh. You're so grumpy kaya hanggang ngayon ay zero lovelife ka pa rin."

"Nahiya naman ako sa'yo girl. Bakit meron ka bang ex? Na palagi mong pinapatugtog ang shout out to my ex na 'yan?" Pambara ko sa kanya.

"Hay ewan ko sa'yo Blythe. Dalian mo na jan at malelate ka na." Aniya at pabagsak na isinarado ang pinto ng aking kwarto.

"Kahit kelan talaga Ariadne Faye napaka mo talaga!"

Nanghilamos lang ako at nagbihis since malamig naman ang klima sa SoKor kaya walang paki ang mga tao kung naligo ka o hindi. Idinaan ko na lang sa dry shampoo para kahit papano ay bumango naman ang buhok ko. Simpleng puting t-shirt at faded jeans ang suot ko saka pinatukan ito ng trench coat. At pinaresan ng ankle boots. Since natural na wavy ang buhok ko di ko na kelangan pang lagyan ng kung anong arte. Konting blush on at lip tint.

"Hey, ayaw mo mag breakfast?"

"Wag na, bibili na lang ako mamaya. Knowing na may pagka-dragon ang boss ko pag malelate ako. Annyeongs!"

Habang naglalakad ako papunta sa work place ko ay pakiramdam ko may nakabuntot sa likod ko. At ng lumingon ako ay may isang black na volkswagen na mabagal ang pagmamaneho. Huminto ito sa harapan ko at pagkakita ko pa lang ng plate number ay agad na nag-init ang ulo ko.

"Hop in," cool na sabi niya.

"Ayaw ko as in No! Aniya! Andwaeyo!"

"Sasakay ka o Isusumbong kita?"

"Psh. Fine! But this will be the last na bumuntot ka sa akin? Are we clear Renz?"

"Yeah.. fine!" Suko niya.

Tahimik niyang binaybay ang daan papunta sa workplace ko.

Kinalas ko ang seatbelt ko at akmang aalis na sana ng pinigilan niya ako.

"Wait.."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Just please take care of yourself. And they're looking for you."

Napapikit ako sa sianbi niya. "Just give me some time okay?" Pagkasabi ko no'n ay lumabas ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng building.

Pumunta muna ako ng cafeteria para makapag light breakfast and when I say light breakfast-

"Juice naman oh!" sigaw ko ng madako ang paningin ko sa orasan. Mabuti na lang at walang may nakaintindi. Hala 7:25 na! Five minutes na lang at malelate na ako. Dali-dali akong tumakbo paalis ng cafeteria at pumunta patungong sakayan ng elevator. Shit!

Antagal naman! Kaya my only choice is maghagdan. Lakad-takbo ang peg ko habang umakyat patungong fifth floor.

"Haaa. Juice na man oh!"

Nang makarating ako sa fifth floor ay dinaig ko pa ang nakipag catfight sa lansangan. Mabuti na lang at nakatalikod ang dragon. Dali-dali kong sinuot ang protective gears at pumunta sa assigned station ko.

"Hoy teh! Anyare ba't hingal na hingal ka?" Tanong ni Zeus. Yeah Zeus just like a greek god ang beauty niya but wag kayo. Mas babae pa ito kesa sa akin.

"Linakad ko lang naman galing groundfloor hanggang dito." Bulong ko sa kanya.

"Yes Ms. Lee? Any suggestions?" Masungit na baling sa amin ni dragon este ng boss namin.

"No sir,"

"Next time if you want to chit chat with your friends do it outside. It's office hours so you better do your job properly." Aniya saka lumabas ng work station.

"Ann, the boss said you will be the one to make a design about the cake that our client wants. It will be delivered the day after tommorrow." Sabi ni Eyah sabay bigay ng folder.

The fudge? Ano ako robot? Hayysss

"Did the client said what design they want?"

"Nope. All that he said is that he wants something unusual. But kind of elegant."

"For what occassion ba yung cake?"

"For a surprise party daw for a girl. Nakasulat na man diyan kung anong flavour at some little details na makatulong sa pag-gawa mo ng cake."

Napatango na lang ako.

"Hey, girl." Tapik ko kay Zeus."Ikaw na lang magtapos ng mga 'yan I have another cake to make." Tukoy sa mga edible flowers na ginagawa namin.

Hinubad ko ang 'protective gears' according to Zeus. At nagtungo ng cubicle ko para mag brainstorming.

This will be a long day.