webnovel

CHAPTER 6 Mysterious Man Affection

Love is a powerful weapon to give or to express your feelings to someone you love. Then if you defend yourself to hurt, what is your shield to protect your feelings?

"Oh ano may sasabihin ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya kaya bigla niya akong hinatak papalapit sa kanya kaya nabigla ako tsaka nagulat din ang mukha ng kausap niya.

"This is my boyfriend, Sander Mecardo" sabi niya kaya naman gulat akong napatingin sa kanya. Halos nabilog ang mata nang babae habang palipat lipat ng tingin sa aming dalawa.

"W..what?, Seriously? Him?" Hindi siya makapaniwala halos nauutal siya sa mga binabanggit niyang mga salita. Kahit naman ako gulat sa sinabi niya kaya tiningnan niya ako na sumabay sa trip habang nagmamakaawa na mukha niya.

"Do you hear what I'm say so, get lost" madiin na sabi niya kaya naman nagsimula naman itong umiyak.

"I..I know this is not true but don't hurt me this kind of b*llsh*t Philip, so stop this nonsense prank" maiyak iyak na sabi niya kaya naman sinagot siya ni Philip.

"If you don't want to believe, then don't. Tara na Sander, We need to go" madiin na sabi niya sa ex niya kaya hinatak na niya ako papalayo tsaka umalis na kami nakatayo parin yung babae habang umiiyak ito ng madiin.

Nang makalayo na kami ay pumiglas ako sa pagkakahatak niya.

"Ano ba yung sinasabi mo Philip, anong kalokohan ba yun huh?" Sigaw ko sa kanya dahil nakakahiya yung ginawa niya sa akin dinamay pa ako sa kalokohan nila.

"I'm sorry, ayaw niya kasi akong tigilan kakasunod sa akin, bakit pa kasi umuwi pa dito sa pilipinas yon" sagot niya sa akin kaya naman nag buntong hininga nalang ako tsaka hinarap siya.

"Nag hire ka nalang ng babaeng gagamitin mo dinamay mo pa ako sa kalokohan mo, sino namang babaeng maniniwala sa iyo na mag jowa tayo, puro naman tayong lalaki. Mas iisipin na prank lng yun" sabi ko sa kanya kaya naman biglang nag seryoso ang mukha niya.

"Bakit di ba pwede?" Diniin niya yung salitang "pwede".

"Ewan ko sayo bahala ka diyan, naghihintay na yung ate ko sa parking lot, mapapagalitan naman ako nun dahil sa kalokohan mo" sabi ko sa kanya at mabilis na umalis para hindi na hahaba ang conversation naming dalawa.

Nang makarating na ako sa parking lot ay nandoon na yung ate ko na nakatayo habang may kausap sa cellphone niya habang kinikilig ito.

"Oum, sige na baka paparating na yung Kapatid ko, bye mwaah" sabi niya sa katawag niya, yun nalang ang narinig ko sa huli nilang pag uusap.

"Bat ang tagal mo? Kanina pa ako rito namamanhid na yung paa ko sa kakatayo dito." Sabi niya kaya naman tinanong ko siya sa kausap niya kanina.

"Ate sino yun?" Tanong ko sa kanya tsaka hindi siya mapakali sa tanong ko halata sa kilos niya.

"Ahmm friend ko, nag uusap lang kami sa project" sabi niya kaya sumakay na ako sa motor tsaka nagsalita ulit.

"Kinikilig ka kasi, lalaki ba yung friend mo?" Tanong ko sa kanya tsaka bigla siyang ngumiti pero bigla ding nagbago.

"Oo hhee.. i mean hindi, bat ang dami mong tanong simulan muna diyan" sabi niya tsaka sabay kirot sa tigiliran ko kaya naman napa hiyaw ako sa sakit nito.

Nang mag 7 PM na ay pumunta ako sa eskineta upang lumanghap ng sariwang hangin sa paligid. Tumingin ako banda na kung saan ang bahay nina Philip itinayo.

Biglang sumagi sa isipan ko ang mga ginawa niya kanina kaya naman biglang sinapian ako ng inis sa kanya na ang sarap niyang sakalin.

Nang dahil sa lalim ng pag iisip ko ay di ko namalayan na nandoon na pala siya sa eskineta nila habang nakatayo ito at nakatingin sa akin. Naka tuwalya lang ito na bagong ligo dahil sa basa niyang buhok habang nakangiti ito sa akin.

"Pinapantasyahan mo ba ako?" Sabi niya habang walang Boses na lumalabas sa bibig niya kaya naman nag f*ck y*o sign ako sa kanya at natatawa naman ito na parang g*go. Pumasok nalang ako sa loob tsaka humiga na sa kama.

Nag log in muna ako sa fb at kaka open ko palang ang dami nang notification at spam message sa account kaya tiningnan ko ito.

Nag chat sa akin si Larance mga 3 hours ago.

[Sander, pakisabi sa mga subject teacher natin bukas na excuse muna ako, nilalagnat kasi ako, busy sina daddy at mommy sa trabaho di sila makakapunta]

Kaya nag ok nalang ako sa kanya. Nag chat din sa akin si Silent Mood 1 day ago na.

[Bihira ka yata mag online]

Chat niya kaya nag reply naman ako sa kanya.

[Tinatamad ako]

Pagkachat ko palang tiningnan na agad kaya naka reply agad siya.

[Ayhh ganun, halata naman]

Chat niya kaya tila na curious ako sa kanya.

[Sino ka ba, kahit mag send ka lang ng pic para recognize kita kahit di ko alam ang pangalan mo]

Tiningnan niya lang ito tsaka mayamaya nag reply naman siya.

[Soon pero not now baka i block mo ako kapag nalaman mo kung sino ako]

Sabi niya kaya hindi ko nalang ito tiningnan at natulog nalang ako.

Kina umagahan ay natanghali ako ng gising kasi hindi ako masyadong nakatulog kagabi.

Bumaba na ako tsaka dumiritso agad sa banyo upang maligo.

Sumabay na lng din si ate kay daddy dahil maaga naman itong nagising tsaka wala naman kaming klase kasi mag pa practice lang naman kami ng sasalihan naming laro para sa foundation day ng Ateneo.

Pagkatapos kong kumain ay nag toothbrush na ako tsaka agad nang pinaharorot ang motor ko.

Pagdating ko agad sa parking lot ay pinark ko na agad ang motor ko tsaka nilock itong mabuti at pumunta na ng room dala pa rin itong payong.

Nakailang hakbang palang ako ng may biglang nagsalita sa di kalayuan kaya tiningnan ko naman ng mabuti kong sino yun.

"That's my umbrella, I guess?" Sabi niya sa akin habang papalit siya dito sa gawi ko hanggang sa nasa harapan ko na siya.

Matangkad siya, maputi, makapal ang kilay, pinkish yung labi at sosyal manamit naka aesthetic.

"Ahhm, sayo ba to? Salamat pala nito isasauli ko sana ito kahapon kaso di ko kase alam ang pangalan mo kaya kaya ito salamat" sabi ko sa kanya sabay abot ang payong kaya kinuha naman niya ito.

"I'm Vuitton Louis Ferino" sabi niya habang nakalahad ang kamay niya. So nickname niya pala yung nasa payong alam na ehh wala namang brand na VL sa payong.

"Ako si Sander Mecardo, salamat talaga sa payong mo brad. Paano ka nun baka nabasa ka?" Tanong ko sa kanya kaya naman ngumiti siya.

"Dalawa dala kong payong tsaka nagkataon nakita kita kaya ibinigay ko yung isa parang nagmamadali ka yata nun kaya ayun" sabi niya kaya naman tumawa nalang ako na halatang awkward.

"Sge una muna ako baka hinihintay na ako ng mga kaibigan ko" sabi ko sa kanya tsaka nagsimula ng lumakad. May pahabol pa siyang sinabi sa akin kaya huminto naman ako tsaka tumingin sa kanya.

"Sge, good luck sa araw mo brad" sabi niya kaya sinagot ko din siya.

"Kung may oras ka sabay tayong kakain, treat ko" sabi ko sa kanya kaya tumango naman siya habang nakangiti kaya ngumiti nalang din ako sa kanya.

Habit niya bang ngumiti parang ang weird naman nun di ba mapupunit labi niya sa kakangiti.

"Bat ngayon ka lang, nakita na kita kanina sa parking lot ahh kakarating mo lang nun" biglang sabat ni Philip sa harapan ko kaya nagulat naman ako. Bat ang weird ng araw ngayon. Kung may ngiti ng ngiti may emotionless naman.

"May kinausap lng dun" sabi ko sa kanya kaya naman tumingin siya sa likuran ko.

"Sini naman?" Tanong niya kaya naman sumeryoso ako ng tingin sa kanya.

"Bat mo naman tinatanong? Private na yun" sabi ko sa kanya kaya naman nagbuntonh hininga nalang siya at akmang aalis na sana ako ng may sumigaw sa likuran ko.

"Sander, ito ID mo nahulog sa parking lot" sabi ni Vuitton kaya nag thank you naman ako sa kanya tsaka ngumiti siya sa akin pero nawala din ito kaagad ng tumingin siya kay Philip kaya tumingin din ako kay Philip na ang seryoso ng mukha.

Anong nangyari sa dalawang to naka drugs ba to. Ang aga aga pumapangit na agad yung mga mukha kaya akmang aalis na sana ako ng biglang nag tanong si Vuitton.

"Sino yang kausap mo Sander, kaibigan mo ba?" Tanong niya kaya naman sasagot na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Boyfriend niya ako. Ikaw sino ka" sabi niya kaya naman nag lipat lipat ang tingin ko sa kanila. B"wset ka talaga Philip.

Dear,Diary:

"Affection, who bloom like a cherry blossom but unknown owner"