webnovel

CHAPTER 10 Status On

"MATURED CONTENT ALERT-R18"

The most nostalgic experience in my life was courage and passion. But this time, what I'm supposed to do to live in this life with no regrets?

"Sorry, ikaw kasi ginulat mo ko akala ko kung ano" ani ko kaya naman napatingin siya sa kamay ko at agad niya itong kinuha.

"Anong nangyari dito? Bat may sugat ito, wala naman ito kanina" tanong niya kaya naman hinatak ko nalang ang kamay ko at pinalayo sa kanya.

"Na aksidente lang kanina di ko napansin. Alis na ako" sabi ko sa kanya kaya naman bigla niya akong niyakap sa dahilan na natigilan din ako sa ginawa niya sa akin.

Pinilit kong lumayo sa kanya pero bat di maigalaw ang katawan ko na tila gusto rin itong yakapin. It can't be, I think i fell in love with him.

Agad akong humiwalay sa kanya at agad na umalis na diretso papunta sa amin. Naramdaman ko rin ang presensya niya dahil sa mga yapak ng paa niya. Diko siya pinansin kahit anong tawag niya sa pangalan ko, but this gusto kong lumayo sa kanya dahil di na tama ang naramdaman kong ito.

"Teka lang, ano bang problema mo? Bat ka ba ganyan? Ano bang nagawa ko sayo huh?" Sabi niya sa akin na may pagtataka kaya naman huminto ako saglit at pumikit nang madiin bago humarap sa kanya at this time tila naghalo halo na ang Emosyon ko ngayon na tila galit, kaba, tsaka naawa sa sitwasyon ngayon.

"Bat mo ba ito ginagawa sa akin Philip, utang na loob kahit ngayon lang patahimikin mo naman ang isip ko, nakaka stress na di ko na alam ang gagawin ko" tila na iirita na sambit ko sa kanya kaya naman nagtaka naman ang mukha niya.

"A..ano bang ibig mong sabihin Sander? Linawin mo naman para maintindihan ko." Ani niya kaya naman di ko napigilan ang sarili kong lumapit sa kanya at bigla siyang sinuntok sa mukha sa dahilan na galit siyang tumingin sa akin. Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya upang makalapit sa kanya.

"Kahit sa sarili ko ay di ko na maintindihan dahil simula nung nagtapat ka sa akin kahapon hanggang ngayon di ko maipaliwanag na may gusto na ba ako sayo o gusto na ata kita" saad ko sa kanya sa dahilanan na tumahimik siya at gulat na napatingin sa akin. Kahit ako nagulat din sa sinabi ko kaya naman napabitaw ako sa kanya at medyo lumayo ng kaunti sa kanya na tila di inaasahang pag amin kong ito.

"Te..teka lang, may feelings ka na sa akin? Seryoso?" Saad niya kaya naman napapikit nalang ako na tila nahihiya sa sinabi ko kanina.

"Di pa naman ako interesado sa sinabi ko kanina, naguguluhan kasi ako kaya tigilan mo muna ako kahit ngayon lng." Sabi ko sa kanya at akmang tatalikod na sana ako sa kanya ng bigla niya akong hinila at agad na hinalikan sa labi sa dahilan na nabitawan ko ang binili ko kanina. Tila ninanais din ng labi ko na halikan din siya pabalik kaya naman nagpatuloy parin kami sa paghalik. Siya na mismo ang humiwalay sa akin kaya naman agad akong tumakbo hanggang marating ko ang bahay at agad na pumasok diretso sa kwarto ko.

Naka upo ako ngayon sa kama ko habang tulala at hinihimas himas dahan dahan ang labi ko na tila di parin mawala sa isip ko ang pangyayari kanina kaya naman na sinabunutan ko nalang ang sarili ko. Habang napasigaw ng dahilan na pumunta si ate sa kwarto ko.

"Ang ingay mo, ano bang nangyari sayo?" Tanong niya sa akin kaya di ko siya pinansin habang nakatulala parin kaya naman natilapon nalang ako bigla nang hampasin niya ako ng unan ng malakas kaya napasigaw nalang ako sa sakit.

" Bat di moko sinasagot nababaliw ka na ba huh?" Sabi niya kaya naman sinagot ko nalang siya para tumahimik na ang bunganga nito.

"Wala, ano bang paki alam mo. Umalis ka na nga dito nakaka badtrip ka talaga lagi shoo." Ani ko dahilan na kinurot niya ako sa tagiliran at nag Boombastic side eye nalang siya bago lumabas sa kwarto ko.

Iba na talaga to, sa iilan kong naging naka relationship ko, ngayon lang ako kinilig na ganito na tila first time ko palang nakaranas ng ganito kaya naman humiga ako sa kwarto ko at tumiklop na ako ng kumot ko para makatulog na ako ng maaga.

Kinabukasan ay wala kaming pasok sa university dahil weekend ngayon wala akong ibang ginawa ay nandito lang sa loob ng kwarto nag ccp tsaka nagbabasa ng comic book.

Di ko namalayan ang oras na hapon na kaya naman tumulong nalang ako ni mommy sa kusina para mapabilis ang gawain niya at pagkatapos naming kumain ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nagbabasa ulit ng comic book sa sala.

Napatingin ako sa kaliwa kanan kong saan banda ang bahay nina Philip.

May kalakihan ito tsaka elegante ang disenyo ng bahay nila na tila mayayaman talaga sila tsaka di basta basta mayaman kaya napatitig nalang ako dun. Pero di ko namalayan na nandoon din pala siya sa sala niya na nakatingin sa gawi ko kaya naman bumalik ako sa reyalidad ko at agad na tumingin sa comic book ko.

Di parin niya inaalis ang paningin niya sa akin kaya naman di na ako nakapagfucos kaya naman pumasok na ako sa loob at doon ko nalang pinagpatuloy ang pagbabasa ko.

Pero dahil nilalamon na ako ng antok kaya humiga na ako sa kama at natulog nalang din ako.

Mabilis tumakbo ang oras at lunes na naman kaya papasok na naman sa university. Tulad ng dating gawi ligo, kain pagkatapos bihis at naghanda na rin.

Sa ngayon ay sumabay na rin ang ate ko at mabuti naman maaga siya ngayon kaya maaga din kaming nakapasok sa university.

Pagdating namin sa Parking lot ay nag iba na din kami ng landas na pupuntahang building dahil mag kaiba ang college at high school.

Pagdating ko palang sa school ay inaabangan na ako ni Larance dahil sa kilos nito may ibunuga na naman ito.

"Oii Sander dika makapaniwala sa sasabihin ko, may babaeng pumunta dito kanina tsaka hinanap niya si Philip. Feeling ko girlfriend niya yun dahil ang ganda niya talaga para siyang anghel." Saad ni Larance sa akin.

"Paki ko naman don at tsaka pumunta na yan last week dito, huli ka na sa balita" ani ko kaya naman tumahimik nalang siya at bumalik nalang siya sa upuan niya.

Maya maya ay dumating si Philip kaya naman di ko nalang siya pinansin at agad kong kinuha ang notebook ko para mag basa basa sa mga lesson namin.

"Nag rereview ka ba? Wala naman tayong klase ngayon ahh nag iba ba ang isip ni sir?" Sabi niya kaya naman napagtanto ko na wala na pala kaming klase ngayon dahil sa preparation sa foundation day ng university kaya naman tumawa nalang ako na tila parang baliw kaya nagtaka siya.

"Ahh wala, tiningnan ko lang kong natapos ko na bang naisulat yung lesson natin" pagsisinungaling ko kaya napa ahh nalang siya bilang sang ayon sa sinabi ko.

"Rinig ko bumalik na naman dito ang ex mo, balikan mo na kaya para tumigil na sa pag punta dito" sabi ko sa kanya kaya naman nagtaka ang mukha niya pero maya maya ay ngumisi siya bigla.

"Teka nagseselos ka ba? Bat ganyan yang mukha mo?" Ani niya kaya naman dumipensa nalang ako.

"Ako? huh bat naman ako magseselos, di tayo magjowa noh" sabi ko sa kanya kaya naman nagsalita siya na ikatahimik ko.

"Edi boyfriend mo na ako ngayon di ba?" Ani niya habang ngumisi ito nang malaki na tila gusto niya itong sabihin sa akin. Sa oras na to di ko namalayan na napatango nalang ako na di ko mawari na talagang nahuhulog na pala ako sa kanya. Am I so easy?

Dear,Diary:

"I love you, 8 letters that makes my status on with you"