webnovel

Pobreng Pinanganak

Aminado nman ako, di ako perpektong babae, nagkakamali ako, maraming beses na nga akong nadapa at paulit ulit nlang na ginagamit ng mga taong gusto rin akong gamitin. itago niyo nalang ako sa pangalan Ms.B,28yrs old,may simpleng ganda at mapagmahal sa pamilya. Di ako pinanganak na mayaman, sa katunayan mahirap ang pamilyang pinanggalingan ko at di ko nman yun kinakahiya. Proud ako na lumaki ako sa mahirap ngunit simpleng pamilya,maaga kasi namatay yung mama ko kaya pinalaki kami ng papa namin mag isa. mangingisda ang tatay ko, may tamang kita at nakakatustos saming pang araw araw na pangangailangan. meron akong isang kapatid na lalaki, bunso! maliit pa siya nung namatay mama nmin, kaya wala siyang kahit anong alaala kung ano yung hitsura ng mama namin. masasabi kong napakaswete naming mag kapatid sa papa namin, simula kasi nung namatay mama namin, di na nag asawa c papa ulit. binuhos niya lahat ng oras at panahon niya samin...hanggang sa nagsilakihan na kami at nagka isip.. Di padin c papa nag asawa. Hindi ako nkatuntong ng kolehiyo sapagkat di sapat ang kita ng tatay ko sa pangingisda niya,bata pa lang ako ay pumapasok na akong katulong sa bahay ng mga kaibigan ko, tumutulong ako sa pag aayos ng bahay nila, nagwawalis, naghuhugas, naglalampaso at lahat na ng pwede mong maisip na trabaho ng isang katulong ay nagawa ko na sa mura kong edad at pag iisip. wala akong magagawa kasi ang tatay ko ay nangingisda at hindi parati ganun kalaki ang kikitain ni papa sa pangingisda niya kaya naghanap ako ng sarili kung paraan kung pano ako maka tulong sa knya. Hanggang sa isang araw, naglilinis ako ng kwarto sa bahay ng kaibigan ko, ng walang ano ano ay biglang akong nahilo at natumba...sabay biglang labas yung tatay ng kaibigan ko at binuhat ako palabas.Sa madaling sabi nagka dengue ako, oo!na dengue ako!Nang malaman ng papa ko ang nangyari ay agad siyang sumakay sa ibang bangka na pauwi, nasa laot kasi nun sila papa para mangisda... nadatnan ako ni papa sa E. R ng hospital na naghihingalo, oo 50/50 ang buhay ko nun.. akala ko nga talaga mamamatay ako kasi dati pag sinabing may dengue ka maliit ang chansang mabubuhay ka, pero sa awa ng diyos...mahal niya ako at ang pamilya ko at nalampasan namin ni papa ang pagsubok na nangyari sakin noon. At marami pa ang mga sumunod na pangyayari. Matapos kung malabanan yung dengue ay nakitira kami sa bahay ng isang lolo namin, parang malayong kamag anak nila papa, dun kami tumuloy kasi wala kaming bahay pa noon.. dun ako nagpa galing, masugid akong pinapakain ni papa ng mga gulay, tapos may tito ako dun na kahit adik siya sobrang bait niya samin sa lahat lahat...tska ang lolo loding ko, napakapag mahal niya sa amin ng kapatid ko... May mga panahon na pupunta na c papa ng laot para mangisda at babalik siya pagkalipas ng ilang araw, andiyan sila tito at lolo na mag aalaga sakin at sa kapatid ko,tapos pag may gusto kami binibili nila ang mga ito, hanggang sa lumioat kami sa lugar ng mama ko, dun nag uumpisa ang kalbaryo ng buhay ko. maraming may hindi gusto samin doon kasi kami ang inalagaan ng lola ko na nanay ng mama ko, kasi nga wala na kaming nanay, pero hindi maraming naiinggit samin na mga pinsan namin, tska kina kalaban ako ng mga tita ko dun na asawa ng mga kapatid ni mama na lalaki...pero nagpa tuloy lang ako, hanggang sa mag aral ako ng elementarya at secondarya...maraming beses kaming nagpalipat lipat ng matitirhan, para kaming mga NPA nun, inshort NO PERMANENT ADDRESS kasi nga lipat kami sa isang bahay ng pamilya tapos lipat nman sa ibang bahay ulit... haaayyy magulo siya at nakakapagod, pero nakaraos din kami.. kaya dun na nag umpisa ang pamamasukan ko sa murang edad..hanggang sa mag high school ako ganun padin ginagawa ko kasi nga gusto kung tulungan c papa... sa makatwid nakatapos na ako ng high school at hindi na tumuntong ng kolehiyo. sobrang mahirap ang buhay namin, sobra! May mga pagkakataon na lalait laitin ka muna ng sarili mong pamilya bago ka makakain or makahingi ng tulong. ganun ko nakilala ang mga ibang mayaya ang pamilya ni papa, mata po re, mapag mataas at hindi mamamansin pag di Kayo magka level sa buhay, ako nman... dedma lang! wala kadin namang magagawa kung ganyan talaga sila, dahil sa pera nila o talagang ganyan na ugali nila bago sila nagka pera.. haisssttt.. ayuko nang isipin ulit yun, basta ang importante sa ngayun ay pa tuloy akong ngpapa tuloy sa buhay, lumalaban, nagsisikap at hindi nang aapak...