1 Prologue

Beast Sanctuary, isang lugar na puno ng mga mahiwagang mga nilalang na maituturing na mga halimaw. Dito ay puno ng tila walang hanggang pagkauhaw ng mga mapamuksang mga halimaw. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pag-exist ng mga Beast dito.

Nasa taong 3100 ito nagsimulang magpakita ang nasabing misteryosong paglitaw ng mundong ito dulot ng isang dimensional space rift na naglikha ng lagusan papunta sa Milky Way Galaxy. Ang mga karatig na planeta at mga Death Stars ay nanganganib na matirhan ng mga mababagsik na mga halimaw. Habang papatagal kasi ng papatagal ay lumalaki ang Space Rift. Natuklasan lamang ang nasabing misteryosong dimensional space rift ng isang mahusay na scientist na eksperto sa pag-aaral ng mga heavenly objects kagaya ng Stars, moon, planets maging ng iba pang mga bagay sa outer space na hindi abot ng saklaw ng kaalaman ng mga ordinaryong mga mamamayan. Sila ay tinatawag na Cosmologists lalo na ang kapabilidad nila ay maituturing na top tier pagdating sa mga bagay sa space at sa pag-aaral patungkol dito.

Lubos na ikinabahala ito ng lahat lalo na at nagsimula ng magkaroon ng leaks sa internet maging sa iba pang mga online sites patungkol dito. These kind of strange phenomenas are known to make people panic.

Expected na rin ang magiging reaksyon ng lahat ng mga ito upang maikumpirma nga ang kakaibang pangyayaring ito.

Mas nagimbal ang lahat nang malaman nilang libo-libong mga sundalo ng planetang Earth ang ipinadala papunta sa kakaibang mundong ito na bigla na lamang lumitaw sa Milky Way Galaxy lalo na at malapit ito sa Solar system na siyang nagsisilbing tahanan ng mga tao.

Walang nagawa ang lahat sa naging desisyon ng mga pamunuan ng Earth sa iba't ibang mga bansa lalo na at ang kalaban nila ay hindi basta-bastang nilalang lamang. Expected na rin ng mga researchers maging ng mga scientist ang nalalapit na pagkabukas ng nasabing portal na siyang dadaanan ng di mabilang na mga bloodthirsty na mga halimaw papalabas sa mundo ng mga ito na siyang magiging hudyat ng pagkaubos ng mga lahi ng tao at ng iba pang nabubuhay sa mundong ito.

Napag-aralang mabuti ng mga scientist ang nasabing pambihirang dimensional space rift na siyang lumitaw sa ere. Tanging ang mga halimaw na lumilipad ang kayang lumabas papunta sa mundo nila. From the meantime ay safe pa ang marami dahil agad namang napupuksa ang mga lumilipad na mga halimaw. Walang pinapatakas kahit isa lalo na at sa panahong ito ay high tech na rin ang Earth na nakapagdevelope na sila ng mga Space machines at mga Satellites capable of detecting life forms. Even the Satellites have its own defensive capabilities lalo na at hind ito masisira lamang ng iilang mga halimaw.

Ang mundong ito ng mga halimaw ay masasabing napakalawak. Ang Beast City na siyang isang siyudad sa Beast Sanctuary na maituturing na isang siyudad na siyang pinamumugaran ng mga dambuhalang mga halimaw. They are so many beasts here na maituturing na hindi maaaring gambalain. Ang mga ipinadala nilang mga warrior robots at mga kagamitang pandigma na kontrolado ng mga intel ng Earth sa iba't ibang mga bansa ay hindi naging epektibo para sa mga mababangis na mga halimaw lalo na at hindi nila makokontrol ito ng maayos lalo na at napakalayo ng lugar na ito. Ang kailangan nila ay ang mga taong kayang pumuksa ng mga halimaw at iyon ay ang mga sundalo ng planetang Earth. Wala din kasing maaaring gumawa nito kundi sila lamang na mga sundalo na nakikipagdigma laban sa mga nilalang na maaaring gumagambala sa Earth. Hindi na ito panahon kung saan ang bansa laban sa kapwa nito bansa ang naglalaban kundi isang Planetary threat na ang nangyayari.

This all left no choice but to act right now bago pa mas lumaki ng lumaki ang Dimensional space rift para magkaroon ng pagkakataon at malayang makapanghasik ng lagim ang mga nasa loob ng misteryosong mundong ito na puno ng mga mababagsik na mga halimaw.

avataravatar