webnovel

That One Summer

Avahijklmnova · Teen
Not enough ratings
2 Chs

Chapter 1

THAT ONE SUMMER

BY: AVAHIJKLMNOVA

CHAPTER 1

Maaga ang pasok ni Spring at kami naman nila Winter ay nakatambay sa mga tables sa labas ng student's center building ng University. Mamaya pa ang klase namin pero pinag-iisipan kung papasok pa ba kami dahil nakaka-antok ang prof.

"Oh my, gosh!" Gulat na may halong landi ang boses ni Winter ng sabihin nya iyon kaya naman itinigil ko ang panonood ko ng The Return of Superman at tumingin sa kaniya.

"Yes, girl. It's a very big oh my---" natigil si Autumn sa pagsasalita ng may nagsalita sa likuran ko.

"Hi, girls!"

It's South. Kahit hindi ko tingnan, alam kong siya 'yon.

"Hi!" Sabay na sabi nung dalawa. Since hindi naman ako nakatingin, hindi na ko nag-abala na lumingon. Naramdaman ko pa ang pag-sipa ng kung sino man sa dalawang ito sa ilalim ng mesa. Ibinalik ko nalang ang pokus ko sa panonood.

Natutuwa kasi ako masyado kay Ha-O. Super talino. How I wish na ganito din katalino ang magiging anak ko sa future!

"Can we sit?" Tanong ni South at syempre ang dalawa ay um-oo. Mahaharot!

Nagsi-upuan na sila at may bakante pang upuan sa tabi ko. Tatlo lang kasi pala sila. Sabagay, sila yung halos magkakaparehas ng course. Ang magkambal ata ay Engineering ang kinuha while the other one is I.T.

"Oh, may hinahanap ka?" Pang-aasar ni Winter sa'kin dahilan para irapan ko sya.

"North is not around pero labasan na 'non. Makikita na natin sya maya-maya" sabi ni East.

Ano bang paki ko sa North na 'yon?

"Narinig mo, girl?" Maharot na sabi ni Autumn.

"Hindi ko sya hinahanap at wala akong pakialam sakanya" inis na sabi ko.

Bakit ba kasi nila pinu-push na hinahanap ko yung tao? Like duh! After what he said yesterday, nag-iinit pa din ang ulo ko sakaniya.

Sila-sila anlang ang nag-uusap at wala din naman akong balak na maki-epal pa sa usapan nila dahil hindi naman ako interesado. Mas interesado pa ako dito sa pinapanood ko kung yung bagong biling manika ba ni William yung creepy o yung kapatid nyang si Ben ang may kasalanan? Feeling ko kasi si Ben, eh. Puro kasi ketchup yung manika at si Ben lang naman ang pinaka-matakaw sakanila.

"Koreano again,"

Nawala ang ngiti sa labi ko ng may tumabi sa gilid ko at nagsalita. Tss. He's here.

"Pwede ba, hindi kita pinapaki-alaman kaya tigil-tigilan mo ako, please?" I rolled my eyes but he chuckled. What?

"Paano kung ayoko?" Tanong nito, raising his right eyebrow.

"Fine! Bahala ka sa buhay mo!" Tumayo ako at pinasok sa bag ang cellphone ko.

Naman, oh! Simula kahapon ay pinapa-init na ng lalaking 'yon ang ulo ko. Hindi pa nakontento at dinagdagan pa ngayon!

Akmang aalis na ako ng may humawak sa kamay ko. It's him.

"Ako nalang ang aalis. Stay here" sabi nito at seryoso nga sya.

Naka-tanga kaming lahat sa ginawa niya dahil hindi namin inexpect yon. Naglakad na sya palayo at parang may naramdaman akong mali. It feels like parang may mali ako? Like duh! Ako ang binwisit nya!

Napatingin ako sa mga pinsan nya pati na din sa mga kaibigan ko. Lahat sila ay hindi makapag-react. Parang iniisip pa kung ano ang dapat nilang sabihin.

It's so awkward to be with them kaya naman tinuloy ko ang pag-alis ko. Narimig ko pang tinawag ako ni Autumn pero hindi na ako lumingon.

Sa buong overload subject ko ay lutang ako. Yes, I have overload subject kasi hindi naman talaga ako Financial Management student dati. Like Spring, Accountancy ang course ko nung first year. Bakit? Wala lang. Ang sarap sa tenga pakinggan, eh kaya naman nung maglalagay ng course sa form, Accountancy ang iniligay ko.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kasundo ko ang tadhana. I feel like, hindi na healthy ang course ko sa'kin. Sineryoso ko naman sya kahit  trip trip lang ang paglalagay ko ng course nung una. Of course, nandoon na 'ko so pinush ko kaya lang never ako naka-pasa sa quiz at major exam. Lagi akong bagsak. Talagang nagpa-turo pa ako kay Spring 'non. Naalala ko pa, lagi kaming magkasama ni Spring sa library or kahit sa cafeteria, o saang kainan ay nagpapaturo ako pero wala. Siguro ganoon talaga pag hindi para sa'yo.

Mabuti nalang at ng lumipat ako ng Financial Management ay nandoon si Winter at Autumn at ang saya pa kasi kaklase ko sila. May mga katulad ko din naman na nag-ibang course pero syempre iba pa din pag tropa mo yung kasama mo sa iisang section. Since junior high, first year nagkakilala kami at naging magka-close until now. We're not related to each other aside kay Spring na malayong kamag-anak ko. Si Winter at Autumn ay pure na magkaibigan lang kaya nga natatawa kami ng magkakilala kami noon, eh. Siguro, isa din sa reason kung bakit kami naging close sa isa't-isa ay dahil sa names namin.

"Okay, class dismissed." sabi ng prof ko kaya naman nagsitayuan na ang mga kaklase ko.

Shet! 3 hours ang lumipas ng wala akong natutunan dahil lutang ako, feeling ko nga kasi ang over ko kanina pero pag iniisip ko naman, sakto lang naman ang reaction ko. Hay! Ewan!

Kinuha ko na ang cattleya note ko na hindi ko naman nasulatan dahil may printed na handout na ipinabigay ang prof namin. Itinago ko ang highlighter ko na hindi ko naman nagamit dahil nga sa lutang ako.

"Rain, kakain kami. Sama ka?" Tanong ni Lina, isa din sa mga nagte-take ng overload subject at kaklase ko sya before nung BSA pa kami.

Hindi katangkaran, malaki ang mata pero bagay sa kaniya at hindi iyon masagwa. 'Yon nga lang, nakakadagdag iyon sa pagiging mukhang masungit nya pero legit namang masungit sya pero minsan kalog.

"Hindi na, Lina. Hinihintay na din ata ako nila Autumn" sabi ko dito. Pagkatapos nila magpaalam sa akin ay nauna na sila.

Naalala ko lang, naka-uwi na ata sila Autumn at Winter dahil kanina pa tapos ang klase nila. Si Spring ay ganon, din. Ako nalang pala mag-isa ang uuwi.

Palabas na ako ng Business Administration Building ay nahagip ng mata ko si South. Siya lang mag-isa at wala ang mga pinsan nya. Pag may mga dumadaan sa gawi nya ay binabati sya at binabati naman nya pabalik. Napalingon sya sa direksyon ko at tumayo. Tumakbo sya papunta sa 'kin.

"Rain," bati nito kahit medyo nasa malayo pa.

"Can we talk?" Tanong nito ng maka-lapit sa akin.

"Bakit?" I asked him. "About what?" Dugtong ko pa.

"Wag dito please?"

Hindi na ako umangal. Feeling ko kasi ay medyo seryoso ang pag-uusapan namin dahil ayaw nya na sabihin nalang kaagad. Pumunta kami sa loob ng Student's Center Building at nag diretso sa may food court doon. Naghanap kami ng mapu-pwestuhan at nang makahanap, he offered me a drink. Tumanggi ako but he insisted kaya naman nag milktea nalang ako.

"Hot fudge flavor. Matamis ang gusto ko so 100% sugar level." sabi ko dito at natawa sya.

"Nagtatawag ka ba ng sakit?" Natatawang tanong nito.

"Ngayon nalang ako ulit magmamatamis na milktea."

Well, that's true. Ngayon lang ako nakapag-milktea dahil puro ako kape this past few days tapos nag-da-dalgona coffee din sila Winter at nadadamay kami ni Spring. Isa pa, gusto ko ng matamis dahil parang naubos ang brain cells ko at hindi nag fa-function ng matino ang utak ko. Ganito ako lagi kapag nagiging lutang. Ang epekto non ay pag nasa bahay na ko at nagpa-plano na gumawa ng mga school works.

Hindi na sya umangal pa at nag-order na ng milktea. Walang pang 5 minutes ng bumalik sya, dala ang isang kape at isang milktea.

I thanked him and take a sip. Iniisip ko kung paano magsisimula ang usapan namin.

"So, may sasabihin ka?" Tanong ko. Mukhang wala pa kasi syang balak magsalita.

Uminom muna sya ng kape nya at umupo ng maayos.

"I just want to say, sorry sa nangyari kanina between you and North."

Oh, parang ganito din sya kahapon. Siya pa mismo ang kumausap samin kahapon para mag sorry.

"You don't need to say sorry. Wala ka naman kasalanan, eh."

"No. I mean, alam ko kasi ang rason kung bakit sya ganon kaya lang wala naman akong karapatan na i-kwento 'yon without his consent. Basta, ang masasabi ko lang, ayaw nya talaga sa mga koreano but may rason sya kung bakit. Gusto ko lang sana maintindihan mo sya."

Naka-tanga lang ako sa kwarto habang iniisip ang mga sinabi ni South kanina. Ang gusto nya lang sana mangyari ay 'wag na daw ako masyadong magalit kay North. Edi sana kasi 'wag nya ako pakialaman. Tss.

"Rain! Kailangan ka namin! Patulong naman, oh!" It's Autumn habang kinakalampag ang pinto ng kwarto ko.

"Nababaliw na kami dito sa Business Accounting." Dagdag pa nya.

Inalis ko ang unan na yakap ko at lumabas ng kwarto ko. From here, kita ko na kalat-kalat ang mga papers sa table. Silang dalawa lang pero napaka-kalat. I guess si Spring ay nasa kwarto nya. It's either tulog dahil nagbabawi ng tulog o nagrereview dahil hindi sya maka-review dito sa labas.

"Ano ba 'yun?" Itinuro nila yung problem sa adjusting entries.

Sa totoo lang ay mahirap talaga ang topic na 'to. Nagstart akong umiyak nung first year sa adjusting entries at nagtuloy-tuloy na 'yon sa worksheet at mga susunod pa.

Pero madali lang ang turo sa'min ngayon kaya gets na gets ko. Siguro kasi hindi naman kami mga Accountacy majors. In-explain ko sa kanila ang mga dapat i-explain. Tinanong ko kung saan sila nahihirapan para kahit papaano ay mabalikan na namin kaagad. Alam nila na hindi ganoon kahaba ang pansensya ko pag nagtuturo kaya naman tutok sila at walang ginagawang kung ano-ano, at dahil doon na-gets nila yung topic.

"Wow. Mas naintindihan ko pa ang turo mo kaysa kay Sir Rafael" sabi ni Winter na may pagpalakpak pa.

Iniwan ko na sila doon at bumalik sa kwarto. Mag 10 na ng gabi kaya naman naglinis na ako ng katawan at natulog. Kinabukasan ay wala na silang tatlo. Maaga ang mga pasok kaya ako lang ang naiwan.

Niligpit ko ang mga nagkalat na papel. Nagwalis at nagpagpag ng mga alikabok. Pumunta ako sa sink, mabuti nalang at naisipan nilang hugasan ang hugasin. Sa may mesa ay may naka-takip na pagkain na sakto nalang para sa isang tao. Bago ako kumain ay naligo muna ako.

Dahil wala akong magawa ay lumabas ako ng apartment at nagpunta sa may coffee shop. Actually, ang apartment na tinitirhan namin ay puro mga estudyante din ang naka-tira. Medyo malapit ito sa school at wala naman problema dahil may kotse naman si Autumn at Spring. Minsan, kapag may gala ay iisang kotse ang sinasakyan namin, minsan naman pag papasok, kaming tatlo nila Winter ang magkakasama at nahihiwalay si Spring dahil sa schedule.

Pagpasok ko sa loob ay madami-dami naa ng tao. Hindi talaga nawawalan ng customer ang coffee shop dahil bukod sa mura ay masarap talaga. Mostly, mga estudyante na nag-aaral, gumagawa ng project, nagre-review o gumagawa ng thesis ang tumatambay dito. Mostly, college students pero meron din naman yung mga naka-business suit na mukhang may meeting at dito ginaganap.

Umorder muna ako ng coffee bago ako naghanap ng mapu-pwesto-han. I ordered grande white mocha. Inilabas ko na ang cellphone ko at tinanggal ang earphone ko na naka-kabit doon.

"Listening to music while drinking coffee is great." napatingin ako sa nagsalita at halos malaglag ako sa kinau-upuan ko.

Si North. What the hell is he doing here?

Walang pasabi itong umupo sa harapang silya kung kaya't magka-harap kami ngayon. I don't know what to say dahil naaalala ko ang sinabi ni South. Hayaan ko nalang daw si North at 'wag na ako magalit. Kagabi ay napag-isip isip ko din na alamin ang dahilan ni North kung bakit sya galit na galit sa mga Koreano. Wala namang masama 'don diba? Para naman kahit papaano ay nagi-gets ko ang pagmamaktol nya. Alam ko na hindi nya 'yon sasabihin kaya naman naisip kong i-close sya.

"Bakit ka nandito?" I sounded like galit kaya naman napa-iling ako sa utak ko. Shit naman, oh! I-co-close ko yung tao.

"Iinom ng kape? I guess" he shrug his shoulder. Wow ha? Gandang sagot.

"Mag-isa ka lang?" Pangbubuhay ko ng usapan namin.

'Nak ng! First time ko ata maranasan na bumuhay ng convo. Madalas ay ang mga lalaki na lumalapit sa akin ang kuda ng kuda. Hindi katulad ng isang to. Feeling ko tuloy nag vo-volleyball kami. Tamang salo lang ako ng bola.

"Yes." Sagot nito.

Iyon na 'yon? Wala man lang explanation? My gosh! Kung hindi lang ako na-cu-curious sa galit nito sa Koreano, hindi ko to kakausapin. Promise!

"Where are they? May pasok?" Patuloy na tanong ko.

I sip my coffee habang hinihintay ang sagot niya.

"Yes."

Puchang 'yes yan. Gasgas na gasgas na. Puro yes nalang ang isinasagot.

Sa kakaisip ng i-to-topic namin ay parang may lightbulb na nagliwanag sa utak ko dahil may topic na akong naisip. 'Wag nya lang sanang patayin agad. Baka masakal ko na ang isang 'to. Pabuhat masyado.

"By the way," panimula ko. "Bakit ka pala nag-business? I mean, all of your cousins are in Engineering and the other one is IT and most likely may pagkakatulad pa din 'yon sa Engineering"

"Oh, that. Wala lang. I mean, that's my parents wants"

Oh...Then, hindi nya gustong mag-business course?

"Bakit? Ano bang gusto mo?" Muling tanong ko at sumipsip ng kape ko pero nabulunan ako bigla sa isinagot nya.

"Ikaw"

***

WORK OF FICTION

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, actual event is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!

ALL RIGHTS RESERVE © 2020

AVAHIJKLMNOVA