webnovel

6: Eavesdrop

Some formalities of debut were done. Last na nakita ko rin si France ay 'yung nasa stage siya, after that, pumasok siya sa loob ng mansion at hindi pa lumalabas. Shiz, the more that I'm aware that he's just here, the more I want to talk to him. I want to clear things up.

"Ladies and gentleman, I want to welcome our debutant to more mature romance by giving her a rose that symbolizes different kind of love by someone who'll give it to her. There are eighteen different kinds of roses/flowers that were personally chosen by the eighteen gentlemen that will take our debutant's hand to give a dance. For now, let's welcome our debutant!" panimula ng emcee. Nagpalakpakan ang lahat at muli na naman akong kinabahan sa hindi malamang kadahilanan.

Dumaan ang first dance to seventeenth dance. Irish was wearing a simple fitted long white gown. It's a off-shoulder with a slit. May beads and crystals din ito sa may chest part at sa gilid ng slit. Simple pero rock. Napakaganda niya.

"This man is very special to her. It was her long-lost lover. Even though, she's away for years, she never forgot this man and so is the man to her. Now, we will witness the love that has been away for years but then again, got backed-up by fate." nagsimulang tumugtog ang kanta ni Bruno Mars na Long Distance. Kinakabahan ako at sana, hindi tumama 'yung nasa isip ko na si France 'yung tinutukoy nilang last dance niya.

♪♪There's only so many songs that I can sing to pass the time ♪♪

Hindi ko alam pero hindi kampi ang tadhana sa akin ngayon. Unti-unting bumaba si France ng hagdan dala-dala ang tatlong bulaklak ng daisy. Wow, that's my favorite flower. Ang sakit ha? Dati, sa akin mo 'yan binibigay eh. You said that your love was loyal as that daisy symbolizes pero bakit gano'n? Sa kanya ka na ba loyal ngayon?

♪♪and I'm running out of things to do to get you off my mind♪♪

Inabot na niya ang daisy kay Irish at nagbow siya na parang isang prinsepeng humihingi ng abiso para makasayaw ang isang prinsesa.

♪♪all I have is a picture in a frame♪♪

Inabot naman iyon ni Irish at nagsimula na silang sumayaw.

♪♪That I hold close to see your face again♪♪

You can see the overflowing love through their eyes. They're talking about something and just keeping on smiling. Wow, France. You're talking to her as if she's the only girl you've love and as if we're not on a relationship. Nakalimutan mo na ba ako o sadyang kinalimutan mo na ako?

Hindi ko na kinaya ang mga pangyayari at tumayo. Kailangan kong mag-cr dahil I know that in any minute, iiyak na ako.

Narinig kong tinawag ako ni Mhel at napatingin ako sa kanya. Halos katapat ko ngayon si Irish at France na nagsasayaw and for the last time, tinignan ko sila. Pero nagulat ako dahil nakatingin sa akin si France at nakatalikod naman sa akin si Irish.

Dali-dali akong nagtanong sa isang katulong kung nasaan ang comfort room at umaasa akong susundan ako ni France. Pero, nakarating na ako sa cr at walang France na sumunod sa akin.

Sabagay, hindi nga naman ako ang bida sa sandaling ito. Feeling ko ay hindi ako ang bida sa sarili kong istorya. Feeling ko, ako ang kontrabida sa love story nilang dalawa.

Hindi ko na napigilan at tumulo na nang dere-deretso ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Para silang mga ibon na nakawala sa hawla.

France, bakit mo ba ito ginagawa sa akin?

Sabagay, hindi nga naman ako ang nauna riyan sa puso mo. Si Irish naman talaga diba? Parang nung nakaraan lang, inassure mo pa na hindi mo na mahal si Irish pero bakit parang bumaliktad naman ngayon? Dati ako ang bida pero bakit parang ako na 'yung hadlang sa pagmamahalan ninyong dalawa? Sana naaalala mo France na nasasaktan din naman ako. Shiz, this is too complicated.

Siguro, kung hindi water-proof ang make-up na ginamit sa akin ni Mhel ngayon, baka mukha na akong ewan dito kaiiyak. Mas okay pa yatang mabunutan ng kuko kaysa maranasan 'yung ganito. Solid ng sakit eh. Hindi mo makikita at mararamdaman physically pero tortured ka naman emotionally at mentally. Double kill ah?

Paano kaya kung hindi na lang ako sumama kay Mhel? Edi sana, masaya akong nagrereview ngayon. O kaya, tulog na sana ako ngayon at nagrerestore ng energy para sa exam bukas. Feeling ko tuloy, ilang lakad na lang ay babagsak na ako. Nakakapanghina. Hindi ko alam kung paano patitigilin 'yung luha ko.

Ano, Lhan? Ganyan ka na lang? Hahayaan mo na lang 'yung sarili mo na mukhang wasted na ewan? Ano? Magpapaka-broken hearted ka na lang diyan at ipapakita sa mundo na mukha kang kawawa? Jusko.

Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Kaya ko 'tong tiisin. Kailangan kong maka-usap si France ngayon para isahang sakit na alang diba? Ayaw ko nang kawawain pa ang sarili ko. Kailangan kong malinawan ngayon.

Sinubukan kong hanapin ang kwarto ni Irish at may nakasalubong akong maid, 'yung napagtanungan ko kanina.

"Ma'am, okay lang ho ba kayo? Nahanap niyo na ba ang banyo?" Tanong niya. Nako, ate. Don't ask me if I'm okay dahil baka iyakan lang kita rito.

"Uhm, okay lang po ako. Pupuntahan ko kasi si Irish, I have something to tell her." sabi ko sa kanya. Shiz, nararamdaman ko 'yung pangingilid ng luha ko.

"Ay nako, ma'am! Hindi po sila nagpapaakyat ng guest sa itaas para hindi raw po magulo ang mga gamit doon."

"Hindi naman ako manggugulo, ate. May sasabihin at itatanong lang ako." pamimilit ko sa kanya. Magtatanong lang naman ako eh. Hindi naman ako manggugulo. Gusto ko lang malaman 'yung totoo.

Hindi talaga pumayag si ate na paakyatin ako ng second floor kaya sumama na lang ako sa kanya palabas. Pero, I can't end up like this. I'm desperate to know the truth kaya gagawa ako ng paraan.

Hinintay ko lang na makaalis si ate at pumasok ulit ako sa loob. This time, nag-ingat n ako dahil baka may makakita na naman sa aking maid at pigilan na naman ako.

Pumunta ako sa kwarto kung saan nakatapat 'yung hagdan sa baba. I know that France is there, kaya roon ako pupunta.

Bubuksan ko na sana ang pinto pero narinig ko ang boses ni France.

"She's here. Lhan's here." sabi niya.

"That's great." malimit na sambit ng isang babae. Hula ko'y si Irish iyon.

"What do you mean?" tanong ni France sa kanya.

"I knew that she'll come. I found out that her friend was kuya's blockmate so, I told kuya to invite her and her friend." sabi ni Irish.

"What? Did you plan this?" ramdam ko ang inis sa tono ng pananalita ni France.

"Yah! Don't tell that as if I'm intended to do something bad to her. I'm the protagonist here, you know." kalmadong paliwanag nito.

Oo na, Irish. Ikaw na ang bida at ako na ang kontrabida.

"Kahit na! This is wrong! I knew her, okay?! Mas pipiliin niyang magreview kaysa pumunta sa party! What have you done, Irish?" halos maiyak ako sa sinabi ni France. You knew me? Pero bakit mas pinili mong hindi magparamdam sa akin at maconfuse na lang?

"'Coz I want her to know the truth, France!" halatang iritado na rin si Irish sa paraan ng kanyang pananalita.

"The truth?! I can tell that she's hurting earlier! This is not what I want!" balik naman ni France sa kanya.

"This is not what you want? Ha! Anong gusto mo? Paghintayin sa wala si Lhanea? I can't let that happen! Babae rin ako, France! And I don't want to confuse her this long!" woah, totoo ba itong naririnig ko?

"Still! This will just make her confused even more!" sabi ni France.

"Do you really think that she's not hurting when you don't even read her messages or even answer her call?" sarkastikong tanong ni Irish sa kanya.

"Ha! Why don't you just tell her the truth and stop her suffering? I'm disappointed, France." hindi ako makapaniwala sa pinag-uusapan nilang dalawa dahil parang kanina lang ay ang sweet nila sa isa't-isa.

"Hey. Don't ruin my mood. Today's my birthday, for god's sake!" inis na sambit ni Irish.

"Ikaw ang nagplano nito, Irish. Don't blame me." sabi naman ni France sa kanya.

"I'm not the only one who planned this. Kung hindi lang narining nung Mhel 'yung pinag-uusapan natin nung nakaraan ay hindi ko kukulitin si kuya para isama niya si Lhanea rito!" wait. Mhel knew about this? Oh my ghad. Nagmukha akong tanga!

Narinig kong may umaakyat sa hagdan kaya nagtago ako sa kabilang hallway. It was Ivan and Mhel.

Nung nakapasok na sila sa kwarto ay muli akong bumalik sa pwesto ko para marinig ko kung ano man 'yung pag-uusapan nila.

"Lhan went to the restroom. So, kailan niyo sasabihin ang totoo sa kanya? She saw you earlier and it hurts to see her hurting," panimula ni Mhel. So, she really knew about this?

"I didn't plan to tell her at this moment. I don't want to ruin Irish's party, okay?" kalmadong sagot ni France. How come that he become so calm after these two entered the room? Parang kanina lang ay halos magsigawan na sila ni Irish.

"Eh kailan mo balak? I agreed on this plan 'cause I knew that this is also the best way para malaman niya 'yung totoo," sabi ulit ni Mhel. The best way? On what perspective? Halos mamatay na ako sa insecurities na nararamdaman ko kanina, tapos planado pala ito? Saan banda 'yung best doon?

"This is not the right time, okay? I'm not aware that you have a plan like this and I'm not prepared," sagot ni France kay Mhel.

"Not the right time? Ha! I think it is, France. Just tell to Lhan that we're back. End your relationship with her and that's it! Diba sabi mo, ibibigay mo ang gusto ko para sa birthday gift ko diba? Well, this is my request to you," sabi ni Irish. They're back? Alam ko ang ibig sabihin no'n pero pilit kong hindi intindihin ito. Ayaw kong tanggapin 'yung katotohanan.

"Sabihin mo lang sa kanya na kaya mo siya minahal dahil nakikita mo ako sa kanya! Na akala mo, kaya niya akong pantayan! Stop this nonsense and be honest with her! Ghad!" iritadong banggit ni Irish. Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila. Tanging ang tugtog lang sa labas ang naririnig ko kasabay ng pagpipigil ko sa mga luha ko.

"No, I can't! Masasaktan lang siya! Can you just give me a chance to tell this to her?! This is not right! This is the most absurd plan that I've ever heard!" giit ni France.

Hindi ko na kinaya 'yung mga pinag-uusapan nila kaya napagdesisyunan kong umalis na lang. Uuwi na lang ako, tutal, alam ko naman na 'yung dahilan kung bakit biglang nanlamig si France sa akin eh. Psh, sabi niya, she doesn't love her anymore. And I guess, I'm such a fool for believing that sh*t.

Okay, I believe. Curiosity literally kills me. Grabe, sana pala hindi na lang ako nagpumilit na umakyat sa taas. Edi sana, hindi ko narinig 'yon. Edi sana, hindi ako nagkakaganito ngayon.

Sh*t.

Starting from now on, I really hate eavesdropping.