webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 9

Adohira's POV

"Halika ka na, tumayo ka na para Hindi Tayo maubusan ng pagkain" Sabi ni Kibou.

Medyo nabigla ako sa pag Aya Niya sa akin Kasi ngayon lang Naman na may nag Aya sa akin na kumain ng lunch dito sa school. Iniwan na namin ang bag namin pero dinala namin ang mga importanteng bagay dahil baka mawala kahit na isasarado itong room. Mabuti na ang nag iingat.

Pagdating namin sa canteen ay bumili na kami ng kaniya kaniyang gustong kainin. Walang pila kaya ang sitwasyon namin ay nakikipagsiksikan kami sa ibang mga estudyante. Naunang makasiksik sila Kibou at Raza, sanay na sila sa ganitong sitwasyon. Ginawa ko ang makakaya ko pero dahil sa daming tao ay sumuko na lamang ako. Hindi Naman ako masyadong gutom, gutom talaga ako pero kaya pa namang tiisin.

Tumayo na lang ako sa gilid para Hindi ako mabangga ng mga estudyanteng nagtutulakan. Dito ko na lang hihintayin sina Kibou at Raza. Hindi Naman nagtagal at nakita kong lumitaw si Raza sa kumpulan na may hawak sa isang kamay na plastic water bottle at dalawang styrofoam na magkapatong sa kanang kamay.

Patingin tingin siya sa mga table sa loob na canteen, mukhang hinahanap ako kaya kumaway ako para maagaw ang pansin Niya at Hindi nga ako nagkamali dahil agad Naman siyang napatingin sa gawi ko. Habang papalapit siya sa akin ay natanaw ko Naman si Kibou na gusot ang pagmumukha. Hinihingal pa siya na akala mo ay nakipag karera at pawisan din siya. Yung totoo canteen ba Ito o ano.

"Grabe Hindi ko kinaya ang siksikan" katulad ni Raza ay may hawak siyang plastic water bottle at isang styrofoam.

"wow Raza bilis mo ah" Tumingin siya sa akin " oh ikaw asan pagkain mo?"

"Mamaya na siguro ako bibili" Sabi ko.

" Hay naku Kung mamaya ka pa bibili Wala na, ubos na paninda mamaya. Tingnan mo na Naman ang mga bumibili parang mamamayan sa wildlife"

" Oo nga eh, parang hirap hirap na school at ginutom ng ganyan." Pagsang ayon Naman ni Raza.

"Oh ano Hira, final na ba na Hindi ka bibili ng pagkain mo?" Tumango ako

" sige, halika na kayo" Sabi Niya at naglakad palabas ng canteen.

"Saan ka Pupunta?" Akala ko dito kami kakain bakit siya lalabas ?

" Doon Tayo kakain sa tambayan namin" sumunod sa kanya si Raza kaya bumuntot na lang ako sa kanila.

Ang daan na tinatahak namin ay papunta sa likod ng mga classrooms. Dito ay may mga puno payat na matataas, Hindi ko alam Kung anong tawag sa mga puno na Ito. Lupa na ang inaapakan namin at may maliit na parang kubo sa gitna. Tahimik lang dito kaya medyo nakakatakot dahil parang may pinapatay dito. Kasi lahat ng school ay may historical story na dati daw ay ito ang kampo ng mga sundalo na nakipaglaban sa mga mananakop , ano ba itong nasa isip ko.

"Hindi ko alam Kung saan ako napagod, Kung sa pakikipagsiksikan ba kanina sa canteen o sa paglalakad natin papunta dito." Hinihingal si Kibou na Sabi ni Kibou.

" Reklamo ka na Naman" Sabi sa kanya ni Raza.

Pagpasok Naman sa parang kubo ay na upo kami agad. May upuan na gawa sa kawayan at sa gitna ay mesang gawa din sa kahoy na Kung saan inilapag nila Kibou at Raza ang kanilang pagkain. Nagpunas muna sila ng pawis bago nagsimulang kumain. Ang laman ng mga dala nilang styrofoam ay sisig at kanin. Mukhang masarap pero ang hirap kasing makipagsiksikan kanina eh.

"Hira seryoso ka Hindi ka talaga gutom?" Tanong sa akin ni Kibou.

" Hindi, kumain lang kayo" Sabi ko sa kanila.

" Sige, bahala ka ikaw din ang magugutom. Hindi Naman kami diba, Raza?" Kita ko ang patagong pagsiko Niya Kay Raza.

"oo...oo" gusto Kong tumawa pero Hindi ko ginawa. Nakakatawa din pala silang kasama.

"Ano ba! I said don't touch my hair, Day!" Napatigil sa pagkain sina Raza at Kibou para tingnan ang sumigaw.

Papunta dito sina Kit, Day, Natia at Maya. Si Kit na sa cellphone Niya nakaharap kahit naglalakad, si Day na hinihila ang ilang hibla ng buhok ni Natia kaya Hindi na din maipinta ang mukha ni Natia at si Maya na walang pakialam sa mga nagyayari sa mga kasama Niya.

"I swear Day if you touch my hair once again, I will kick your oten!" Salubong na ang kilay ni Natia habang nagsasalita at inaayos ang buhok Niya.

"Anong oten?" Tanong Niya Kay Natia pero imbes na sagutin ay inikutan lamang siya nito ng Mata.

"hoy Kit, ano yung oten?" Hindi din siya pinansin ng kaibigan.

" Grabe kayo sa akin" umaktong naiiyak si Day.

"Hindi niyo na ako pinapansin" kunwari ay pinupusan Niya ang kanyang luha.

" Andito na Naman yung epal" mahinang bigkas ni Raza pero sapat na marinig namin ni Kibou.

Nakapasok na sila dito at kanya kanya sila ng pwestong uupuan.

Magkatabi sina Maya at Natia sa kanang bahaging gilid. Nasa kabilang gilid naman si Kit na hindi maalis ang atensyon sa kanyang cellphone. Si Day Naman ay naupong mag isa sa gitna na hindi pa din pinapansin ni Natia. Pansin ko na hindi pa kumikibo si Maya, kadalasan Kasi ay kapag aasarin ni Day si Natia ay susungitan niya ito.

"Hi Kibou" bumalik na ang malanding Day. Nakakainis man pero nasanay kami sa ugali niyang ganito. Kung sa iba ay mukha siyang siraulo sa amin ito ang normal niyang pagkatao.

"Pati ba Naman ikaw Kibou Hindi ako pinapansin" Hindi kasi siya binigyang pansin ni Kibou kahit tingnan man Lang.

"Ang sarap talaga ng sisig nila dito, diba Raza?" malalaking subo ang ginawa ni Kibou.

" Oh dahan dahan naman Kibou baka mabilaukan ka." Nag aalalang Sabi ni Day.

" pero sana nga mabilaukan ka" habol na Sabi Niya at tumawa.

"alam mo Day mukha Kang anghel, may sungay at buntot nga lang" Sabi ni Raza.

" Kinakausap ka Raza?" Tanong ni Day. Binuksan Niya ang tatlong butones ng kanyang uniform.

" Kaninong anak ka?" Balik na tanong sa kanya ni Raza.

Uminom si Kibou ng tubig " oo nga pala nakabili na kayo ng mga regalo niyo?" Tanong niya.

" Oo naman" mayabang na saad ni Day.

"Ikaw Kit?"

"Ha?"

"He?"

"Taena nito, ano nga kasi?" Kinakausap na siya pero Hindi pa din Niya itinaas ang kanyang mukha.

"Nakabili ka na ba ng regalo mo?"

" Oo"

" Good"

" Oh kayo, Natia at Maya"

" Sa weekend pa ako pupuntang mall" Sabi ni Natia.

Hinintay naming magsalita si Maya pero nakatulala lang ito.

"sabay kaming bibili ni Maya" mabilis na bigkas ni Natia.

" Okay"

Nag iba ang ihip ng hangin dahil bigla na lang tumahimik. Dumaan ba si Mama Mary? Ano kayang nangyayari Kay Maya. May problema kaya siya?

Pagkatapos nilang kumain ay itinapon nila sa basurahan ang kanilang pinagkainan at naglakad na kami pabalik sa aming classroom. Tahimik lang kami, sila pala. Tumigil na sa pang aasar si Day, alam kong alam Niya na hindi ito ang tamang oras para mang asar. Sa ilang taon naming magkakasama ay kabisado na namin ang isa't isa. Hindi man sila magsalita ay ramdam namin kung mali ba o may problema Ang iba.

Pagdating namin sa loob ng classroom ay bigla na lang umiyak si Maya. Naglabas ng tissue si Natia para mapunasan ang mga luha ni Maya. Habang hinahagod niya ang likod ni Maya ay lumapit sa kanila si Kibou. Napatigil sa paglalaro si Kit at nakatingin lang siya Kay Maya. Si Day Naman ay nakapalumbaba sa kanyang upuan habang pinapanuod sila Maya. Si Raza ay ibinaba ang ulo sa mesa ng kanyang upuan, matutulog na naman siguro. Lahat ng aming kaklase ay nakatuon lang Kay Maya ang atensyon. Nagtataka din siguro.

Kinuha ko ang tumbler ko at naglakad ako papalapit Kay Maya. Inilapag ko Ito sa kanyang mesa at agad din akong bumalik sa aking upuan. Napatingin sa akin sila Natia at Kibou pero Hindi ako nagbigay ng salita. Ayaw kong nakakakita ng taong umiiyak, kilala ko man o hindi.

Walang nagsalita sa kanila, hinayaan lang nilang umiyak si Maya. Ang sarap magkaroon ng mga taong kagaya nila sa buhay. Kung iiyak ka man ay nakahanda ang kanilang balikat at sila pa ang pupunas ng iyong mga luha. May kaibigan ako...dati.

(Flashback)

"Hindi ka ba masaya na binisita Kita, Ashia?"

Nangako sa akin si mommy na bibisitahin ko si Ashia. Sobrang excited ako Kasi nagiging madalang na lang ang pagbisita ko dito dahil maraming ginagawa sa school. Pero Ang ngiti ko sa labi ay naglaho nang Hindi na ako pinapansin ni Ashia at hindi Niya din ako sinalubong kanina sa labas ng bahay ampunan.

"Ashia" kinalabit ko siya dahil nakatalikod siya sa akin ang naka Krus ang mga braso sa kanyang dibdib.

"Bakit dimo ako pinapansin?" Tanong ko sa kanya. Nagtataka ako sa kanyang inaasta.

Humarap siya sa akin "ayaw na kitang maging kaibigan!" Nabigla ako sa pag sigaw niya.

" Bakit?"

"Ayaw ko na sayo! Ayaw ko na sayo! Ayaw na kitang maging kaibigan! Huwag ka na ulit pupunta dito!" Kasabay ng pagsigaw Niya ay ang unahan na pagtulo ng kanyang mga luha.

Hindi ko maintindihan Kung bakit Kung bakit siya naging ganito. Maayos namin kami noong huling bisita ko dito, naglaro pa nga kami. Pero bakit ngayon ay sinalubong Niya ako ng kanyang galit?

" Huwag ka ng babalik dito Adohira. Ayaw na kitang makita"

"Bakit mo ba yan sinasabi? Nasasaktan ako, Ashia"

" Dahil naiinggit ako sayo! Walang gustong umampon sa akin. Walang may gusto sa akin! Marami ng pumunta dito pero ang gusto nilang ampunin ay yung mga magaganda na tulad mo. Ayaw nila sa akin kasi pangit ako at maitim" umupo siya at humagulgol.

Mabuti na lamang at andito kami sa dating kwarto ko at nasa baba ang mga madre. "Huwag ka ng umiyak. Balang araw may aampon din sayo. Maganda ka kaya Ashia. Sabi mo nga diba ang kinakaibigan mo lang ang yung mga kamukha mo. Maganda ako kaya maganda ka din" sa oras na Ito ay gusto ko lang na huminto na siya sa pag iyak dahil pati sipon Niya ay tumutulo na.

(End)

"Hello Hira!" Naputol ang pag iisip ko dahil Kay Kibou.

"Ano nakabalik ka na ba sa earth? Ito nga pala tumbler mo" inabot Niya sa akin kaya kinuha ko din.

"Pinapasabi ni Maya na Thank you" ngumiti ako sa kanya.

"Ayos na ba siya?" Tanong ko.

Bumuntong hininga siya "siguro? Hindi Naman Niya kasi sinabi Kung bakit siya umiiyak. Pati si Natia ay walang nakwento." Pumasok na ang teacher kaya nagsibalikan na sila sa kanilang mga upuan.

Pagkatapos ng aming klase sa pang hapon ay nag aayos na ng mga gamit Ang iba at naka uwi na din ang iba. Lalabas na sana ako ng classroom ng biglang sumigaw si Day.

"Guys!" Nakataas pa ang isang kamay Niya sa ere.

"huwag muna kayong umuwi!"

"Ano ba yan Day!Epal na naman" reklamo ni Raza.

" Ano yung oten?" Tanong Niya.

" Partner ng bilat" Sabi ni Raza na ikinatawa ng iba.

"Putik! Ano yung bilat?" Problemadong tanong ni Day.

"anong lenggwahe yun?" Tanong Niya sa amin.

"Kung Hindi mo alam manahimik ka na lang. Palibhasa Wala yun sa impyernong pinanggalingan mo" Sabi ni Kibou.

" pwedi na ba kaming umuwi? Wala ka ng tanong? Ha?"

" Ano ba Kasi yung ibig sabihin ng mga salitang iyon?"

" Ilong yung ibig sabihin ng oten" Sabi ni Raza at naghalakhakan sila ni Kibou.

" Bahala ka sa buhay mo" iyon ang huling narinig ko dahil lumabas na ako ng room. Mga depungal talaga.

__________________________________

If there's a thing I've learned in my life it's to not be afraid of the responsibility that comes with caring for other people.

What we do for love: those things endure. Even if the people you do them for don't.