webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 8

Adohira's POV

Matagal ng pinalitan ang driver, Hindi na si manong kaya ngayon namimiss ko na siya kahit nakakainis at araw araw Niya akong inaasar. Biglaan nga eh nagising na lang ako isang umaga na ang driver namin ay hindi na ako inaasar kasi kadalasan dati kakaupo ko pa lang sa upuan ng kotse ay sasalubungin na ako ng mga pang asar ni manong pero ngayon tahimik na ang buong byahe. Hindi naman siya mukhang masama, tama lang. Alam ko talagang may gusto si manong Kay mommy pero bakit siya umalis eh Kung nandito siya araw araw niyang makikita si mommy.

Walang paalam na umalis, ganoon ba talaga? Nasanay na akong siya ang sumisira sa araw ko pero ayos din Naman itong bagong driver namin dahil Hindi madaldal Hindi katulad ni manong na Hindi kayang huminga kapag hindi nakakapag salita. Papunta ako ngayon sa school at sobrang tahimik sa loob ng kotse, aakalain kong robot itong driver dahil deritso sa daan ang tingin at parang hindi pa kumukurap. Ganito naman ang gusto ko ah, gusto ko ng katahimikan kaya bakit ako nagrereklamo na tahimik.

Kung si manong kaya ang sumundo sa akin kahapon ay siguradong papaulanan Niya ako ng pang aasar dahil may kasama akong mga lalaki. Naiisip ko tuloy ang mukha niya at Hindi ko namamalayang naka ngiti na ako. Pagdating sa harap ng gate ng school ay bumaba na ako at walang pasabing pinaharurot Niya ang kotse. Siguro masyado lang siyang naka focus sa trabaho niya kasi ganyan Naman talaga na kapag bago ka pa lang sa trabaho mo talagang ipapakita mo na seryoso ka sa trabaho mo. Hindi ko pa alam pangalan niya, nagkibit balikat na lang ako. Ano bang magagawa ko? Wala.

Habang naglalakad ay pansin ko na halos lahat ata ng poste dito sa school ay may mga Christmas lights at mga Santa Claus na drawing at ang iba ay malalaki pero meron ding maliliit na nakakalat sa paligid. May banner din nakasabit sa second floor na naka print ang malaking Merry Christmas. Kapag pumasok ka dito sa school namin ay madadama ko na talaga ang totoong pasko, kulang na lang ay magpa ulan sila ng pekeng snow. At dahil Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko ay may nabangga akong kapwa ko estudyante pero agad naman akong humingi ng tawad.

Nasa labas pa lang ako ng classroom ay rinig ko na agad ang ingay nila sa loob. Mukhang kompleto na ang mga pasimuno sa kaingayan kaya walang makakapigil sa kanila. Sa pagbukas ng pinto ay mas lalong lumakas ang ingay, sanay na ako kaya normal akong umupo sa upuan ko.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang teacher namin. Hindi ko alam Kung anong subject ngayon at Hindi ko din alam Kung anong araw ngayon. Sa pagpasok niya ay automatic na tumahimik ang mga maiingay.

"Good morning, class" bati niya.

"Good morning sir!" Sabay sabay na bati namin.

"Are you ready for our new lesson?"

"Siiiiiiiiirrrrr!" Reklamo nila kahit ako din naman ay nagrereklamo ngunit sa aking isipan lamang.

"I can see that all of you are ready so let's start. Please bring out your paper and pen." Nagsilabasan na sila ng kanilang mga notebook at ang mga kaklase kong loko loko ay Hindi kumilos dahil cool daw ang Hindi pagsunod sa guro. Hindi ko alam Kung saan nila natututunan ang mga bagay na iyon dahil para sa akin ang tinatawag nilang cool ay pambabastos. May sarili sarili tayong pananaw kaya Hindi ko sila pipigilan.

"Today we will be tackle about mean, median, and mode are you familiar with these three?"

" No, sir!"

"The "mean" is the "average" you're used to, where you add up all the numbers and then divide by the number of numbers. The "median" is the "middle" value in the list of numbers. To find the median, your numbers have to be listed in numerical order from smallest to largest, so you may have to rewrite your list before you can find the median. The "mode" is the value that occurs most often. If no number in the list is repeated, then there is no mode for the list."

Marami pa siyang sinabi pero nawawala ako sa focus. Ang utak ko ay napupunta sa ibang dimension o sa ibang planeta. Gumagana ng matindi ang imagination ko tuwing math subject ang pag uusapan. Nasa imagination ko ay kasama ko ang mga alien sa universe tapos nakasakay kami sa kanilang sasakyan at nililibot namin ang mundo.

"Do you understand?" Bumalik ako sa earth nang marinig ko ang tanong ni sir.

"Yes, sir!" Anong part na ba sila ng lesson namin?

"Good, so find the mean, median, mode, and range for the following list of values" nagsulat siya ng mga numbers sa board.

13, 18, 13, 14, 13, 16, 14, 21, 13

"The mean is the usual average, so I'll add and then divide" patuloy lang siya sa pagsusulat habang pinapaliwanag sa amin Kung paano mag compute. Todo kopya naman ang mga maaaral kong kaklase at ang iba ay nagsisimula ng antukin.

(13 + 18 + 13 + 14 + 13 + 16 + 14 + 21 + 13) ÷ 9 = 15

"The median is the middle value, so first I'll have to rewrite the list in numerical order"

13, 13, 13, 13, 14, 14, 16, 18, 21

"There are nine numbers in the list, so the middle one will be the (9 + 1) ÷ 2 = 10 ÷ 2 = 5th number"

13, 13, 13, 13, 14, 14, 16, 18, 21

"So the median is 14"

"Ano daw?" Nagbubulungan na sila.

Ang taong nasa harapan ko ay inis niyang sinara ang notebook at ang pen niya "bahala ka diyan, magsulat ka mag Isa" natawa ako sa isip ko.

" Paano naging ano iyon? Paano? Basta paano?" pati ako ay Hindi na nakakasabay.

"The mode is the number that is repeated more often than any other, so 13 is the mode."

"The largest value in the list is 21, and the smallest is 13, so the range is 21 - 13 = 8. And here is the final answer." Lahat kami ay nakatingin lang sa board, walang nagsasalita at nawawalan ng gana.

mean: 15

median: 14

mode: 13

range: 8

"Before we end this discussion please copy your homework" may isinulat ulit siyang mga numbers sa board. " Okay, goodbye class" ang pinaka masarap pakinggan tuwing may pasok.

"Goodbye, sir!" Galak na galak ang boses nila samantalang kanina ay Kung sumagot parang Hindi kumain ng agahan.

Hindi pa sila nakakabawi ng kanilang lakas ay pumasok na ang second subject teacher namin. Sa tingin ko english ang subject ngayon. Binati Niya kami at ganoon din kami sa kanya. Ang topic namin ngayon ay tungkol sa Greek mythology. Iyong tungkol sa mga God and Goddesses. Nagsulat din siya sa board ng list ng mga pangalan ng mga god and goddesses.

Sina Zeus, Hera, Poseidon, Hades, Aphrodite, Apollo, Ares, Artemis, Athena, Hermes, Dionysus at Hephaestus. Tungkol diyan ang discussion, tulog na ang iba pero patuloy pa din siya pagtuturo. Sanay na silang mga guro sa section namin, siguro. Next meeting daw ay may gagawin kaming cosplay. Pipili kami ng isang God or goddesses at gagayahin namin Kung paano sila manamit at ang kanilang sinasabi. Ang kalahati ng classroom ay nakakaramdam ng saya dahil gusto daw nilang mag cosplay at ang kalahati naman ay puro reklamo dahil bakit pa daw kailangan ng ganyan ganyan, saan sila kukuha ng mga costume at ang iba ay rason nila ang kanilang katamaran.

"Goodbye, class. Have a great day to everyone" Sabi ng aming subject teacher Pagkatapos ay lumabas na siya.

Dalawa Lang ang subject namin tuwing umaga at tatlo sa hapon. Minsan ay maaga kaming nakakauwi kasi tinatamad ang subject teacher namin na magturo lalong lalo na sa hapon Kasi nakakaantok talaga.

Dahil Wala ng teacher ay nagpatuloy ang mga maiingay. Tumayo si Kibou at pumunta sa harapan. Hinampas Niya ang board ng tatlong beses sapat na para maagaw Niya ang atensyon ng iba lalong lalo na ang mga walang tigil sa pagsasalita.

"Hoy! Kibou ano ba yan?" Tanong ni Raza na halatang kagigising lang. Buti pa siya nakakatulog sa klase Kung gusto Niya.

"Gumising ka Gaga! Walang tulog tulog dito sa classroom dahil Hindi mo ito kwarto. Hoy kayong mga nasa likod makinig kayo" kumuha siya ng chalk at nag umpisang isulat ang mga pangalan namin pababa.

"Ano yan Kibou?" Tanong ni Day.

"Drawing siguro, Kita mo mga ito?" Tinuro Niya ang mga pangalang nakasulat sa board.

"Puno ito tapos ito naman mga damo tapos dito bahay at ito aso namin ito. Obvious Naman Kasi na mga pangalan natin itong sinusulat ko diba? Tapos magtatanong ka pa Kung ano ito" Umikot na naman mga mata Niya.

" Oh easy lang Kibou, tumitirik na naman mga mata mo baka Hindi na bumalik yan, sige ka" nang aasar na naman si Day, minsan Hindi ko alam Kung paano siya inire ng mama niya.

"Okay" tapos ng magsulat si Kibou.

"habang Wala ang teacher mag decide na Tayo ng mga dadalhin nating handa sa Christmas party. Sinong mauuna?" Tanong Niya sa amin.

" Ako Kibou" nagtaas ng kamay si Day dahilan para umikot ulit ang mata ni Kibou sa kanya.

" pweding ako ang maka una sayo?" Dahil sa sinabi niya ay binato siya ni Kibou ng chalk. Nagtawanan ang iba at nagkantyawan.

"Alam mo ikaw Day Kung Wala kang matinong sasabihin mas mabuti pang manahimik ka na lang, pwedi?" Basag ang trip niya.

" Ikaw" tukoy ni Kibou sa isa naming kaklase.

" Ako?" Tanong niya at tinuro pa ang sarili. Wala na, lutang na ang lahat ng tao dito.

"Ay hindi, iyang katabi mo siguro. Kaya nga nakaturo itong daliri ko sayo kasi iyang katabi mo ang tinutukoy ko"

" Ay ganoon ba?"

" Ako Kibou, ilang daliri ang gusto mo?" Sumingit na Naman si Day. Bakit Hindi Niya gayahin si Kit na tahimik lang sa paglalaro.

"Sintu sinto ka talaga Day" ngayon ay Hindi na chalk ang hinagis niya, kinuha ang black board eraser at iyon ang hinagis Niya patungo Kay Day. Sa kabutihang palad ay naka ilag ka siya pero sa kasamaang palad ay hindi siya natamaan.

" Sampong daliri gusto ko, sampong daliri mo ang gusto Kong putulin mo. Putaragis ka!" Kita na sa mukha ni Kibou na nagsisimula na siyang mainis kaya huminto na si Day.

"Ikaw" kinausap niya ulit ang kaklase naming tinuro niya kanina.

" pansit ang dadalhin mo, yung madami at masarap ah" magrereklamo pa sana siya pero sinulat na ni Kibou sa board ang pansit katapat ng pangalan ng kaklase namin.

"Kayo Maya at Natia" tawag Niya sa dalawang nag aayos na naman ng kanilang mga mukha.

" ice cream sa inyo. Yung strawberry at ube flavor, isang galon" hindi na nakapagsalita ang dalawa ay isinulat na ni Kibou ang dadalhin nila.

"Raza sayo ay spaghetti at dapat maraming hotdog" Sabi Niya Kay Raza at isinulat ulit ang nakatoka Kay Raza.

"Kibou ako may hotdog baka gusto mo-" akala ko chalk ang ibabato niya pero ang isang pares ng sapatos Niya ang inihagis Niya at sa pagkakataong ito ay tumama na sa mukha ni Day.

"Buti nga sayo" Sabi ni Raza Kay Day.

"Para magtigil ka Day magdala ka ng drinks, dalawa kayo ni Kit. Yung diet coke sana kung pwedi" tumango lang si Kit, akala ko hindi siya nakikinig. Sumaludo Naman si Day at Hindi na nagsalita. Sinulat niya din sa board ang dadalhin ng dalawa.

"Hira" tawag Niya sa akin.

"ang dadalhin mo ay salad. Macaroni salad o buko salad basta kahit anong salad, ikaw bahala." Tumango na lang ako sa kanya at sinulat Niya ang salitang salad sa tapat ng pangalan ko.

"At akin ay Graham, walang aangal lulunukin ko"

Nagpatuloy ang pagtuturo Niya sa mga kaklase naming walang kalaban laban sa mga pinapadala niya. Ang iba ay lima sila sa isang putahe dahil masyadong magastos kapag mag isa lang. Hindi naman halatang pinaghandaan ni Kibou ang Christmas party namin. Magkakaroon kami ng games pero ang mga teacher na daw ang bahala.

"So Wala tayong theme pero dapat pang Christmas ang vibe ng suot niyo sa Friday. Walang magsusuot ng damit na kulay black, Kung meron man ngunguyain ko siya. Naintindihan?" Bakit Hindi pwedi ang kulay black? Paboritong kulay ko pa naman ang black.

"Opo" sabay sabay na sabi na parang mga elementary.

Tibapos lang namin ang mga dadalhin Pagkatapos ay lumabas na kami para kumain ng tanghalian. Babalik kami mamayang one o'clock. Pwedi Naman umuwi Kung gusto ng estudyante pero Ang iba ay pinipili na lang na dito kumain dahil may tinda namang kanin at ulam sa canteen.

"Hira gusto mong sumabay sa amin na kumain?" Tanong sa akin ni Kibou at sa likod niya ay si Raza.

__________________________________

If you cannot be a poet, be the poem.