webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 7

Adohira's POV

"Goodbye class and Merry Christmas" Sabi ng subject teacher namin.

" Merry Christmas sir" sabay sabay na wika ng mga kaklase ko.

Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas ng classroom dahil sa sinabi ni Mion kanina. Sa totoo lang ay ayaw kong sundin ang sinabi niya pero may parte sa akin na gustong sumunod. Malapit na ako sa gate nang matanaw ko sina Von at Saki sa labas na mukhang nagtatalo na naman ngunit wala pa ata si Mion. Dumaan ako sa gilid Kung saan hindi nila ako mahahagip ng kanilang paningin at nagtago ako sa gilid ng gate para pakinggan ang mga sinasabi nila. Hindi ako chismosa sadyang curious lang ako.

"Ibalik mo na sa akin ang cellphone ko Von" rinig Kong sabi ni Saki " at pwedi ba huwag mong kontrolin buhay ko" mahina lang iyon pero nasagap ng aking pandinig.

Teka, kinokontrol ni Von ang buhay ni Saki? Pero bakit? Anong dahilan ni Von para gawin niya iyon sa kanyang kaibigan?

"Kung hindi matigas yang ulo mo at nakikinig ka sa akin hindi naman ako magagalit" si Von na ang nagsasalita.

"ilang beses na kitang pinagsabihan Saki?" May galit na sa boses ni Von " ha? Ilang beses Saki? Puta sagot!" Hindi niya sinisigawan si Saki pero ramdam ko Ang galit sa mga salitang binibitawan ni Von.

"Maraming beses" sagot naman ni Saki na parang naging tuta.

Naging tahimik na kaya sinilip ko sila " halika nga dito" utos ni Von at agad naman iyong sinunod ni Saki at ngayon ko lang napansin ang agwat ng kanilang tangkad. Pareho naman silang matangkad pero mas matangkad si Von at mas malaki ang katawan kumpara kay Saki.

" Hindi ka na galit?" Malambing na tanong ni Saki at ang kanyang kamay ay humaplos sa pisngi ni Von.

Napaawang ang labi ko sa ginawa niya mabuti na lang at walang masyadong estudyante na dumadaan sa pwesto nila. Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"Hindi na" hindi maalis ang tingin ko sa kamay ni Von na nasa pisngi ni Saki dahil para silang nasa isang relasiyon.

"Von may mga tao" saway sa kanya ni Saki ngunit Hindi ito nakinig.

Napatakip ako ng aking bibig sa sunod nilang ginawa, naghalikan sila. Sumandal ako sa pader at hindi makapaniwala sa nakita.

"Sabihin na natin ito kay Mion" sinilip ko ulit sila.

"Hindi ko kayang sabihin ito kay Mion, paano kapag ayaw niya pala sa mga katulad ko? Paano kung masira ang pagkakaibigan natin? Von ayaw kong mangyari yun."

" Kung ayaw mong sabihin ako ang magsasabi" nagmamakaawang tiningnan siya ni Saki.

" Hindi mo ako mapipigilan Saki. Marami ka pang atraso sa akin akala mo hindi ko Alam" nagmumukha talagang tuta si Saki ngayon.

" Ano na Naman?" Tanong ni Saki.

" Maraming tumatawag sayo na mga babae at mga lalaki. Pinagkalat mo ba na bakla ka?" Bakla si Saki? Kaya pala may relasyon Ang dalawang ito at hindi alam ni Mion.

" Hindi-" hinalikan siya ulit ni Von.

"Von..." Ano ba itong nakikita ko?

" Matulog ka sa condo ko mamayang gabi" Sabi ni Von.

" Ayaw ko, Hindi pwedi"

" Saan ka uuwi niyan? Sa bahay Ng tita mo?" Mion bakit ang tagal mong dumating pero pwedi ring mamaya ka pa dumating kasi Ang Saya ng nakikita ko ngayon.

"Kanina pa kayo dito?" biglang sumulpot si Mion sa eksena.

" Oo tangina mo, ikaw ang nag Aya tapos kami paghihintayin mo!" Biglang nawala ang sweet na Von kanina.

Tumayo ako ng tuwid at humakbang palabas. Kunwari ay Wala akong nasaksihang kakaiba "kakalabas nga lang din Hira" Sabi ni Mion, kung alam mo Lang kanina pa ako dito.

"Saan ka ba galing Mion?" Tanong ni Saki.

" Sa school malamang may tinapos Lang ako." Sagot naman niya.

"Ano bang kailangan mo Mion?" Tanong ko sa kanya.

" Tara ulit!" Masiglang Saad Niya.

" Ano?" Hindi ko Alam ang ibig sabihin niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na naman ako sa Kung saan. Nakasunod ang dalawa sa likod at mukhang alam ko na Kung saan ang punta namin.

Mang inasar eatery, nasabi nila sa akin na nandito daw ang paborito nilang pagkain kaya tuwing hapon ay dito sila nagagawi. Umupo kami sa pang limang taong upuan kaya ang panglimang upuan ay nilagyan namin ng aming bag. Magkatabi kami ni Mion at ganun sila Von at Saki. Kanina pala maayos na ang paglalakad ni Saki hindi katulad kaninag Umaga na lukot ang mukha dahil sa sakit. Hindi naman niya sinabi Kung anong dahilan.

"Sa bahay na lang ako kakain" napatingin kami Kay Saki.

"Hindi sapat ang pera ko ngayon" mukha siyang mayaman noong elementary kami pero mukha lang pala. May suot pa siyang salamin hanggang ngayon.

"Kaya ko nga hinila dito si Hira para may ipangbabayad tayo" napatingin ako Kay Mion nang sabihin Niya iyon. Kung makapag salita ay parang hindi nila ako kasama.

"Umorder ka na Saki. Kumain ka" Sabi ni Von at inakbayan si Saki.

"Nakakahiya Kay Hira" pinisil ni Von Ang balikat ni Saki. Napansin ko iyon pero si Mion ay hindi.

"Hindi ako magagalit na scam itong kaibigan niyo"

"Kita mo, mabait ito" kung kaya ko lang manakit ng hayop ay matagal ko ng inihaw si Mion. Ngumiti na Lang ako at sa wakas ay naayos namin ang aming mga order.

Nang dumating na order namin ay itinali ko muna Ang buhok ko bago sinimulang kumain. Tahimik lang na kumakain si Mion pati ang dalawa pero may kakaiba sa kanila. Mabilis Kong inubos Ang akin dahil ginagahan akong kumain kapag may kasabay.

Pagkatapos namin kumain ako ang nagbayad ng lahat at wala akong narinig na pasasalamat dahil ayon Kay Mion ito daw ang katulay ng pagpapahirap niya sa akin. Hapon na, malapit ng matulog ang araw at kakaiba ang katahimikan nilang tatlo ngayon.

Biglang tumigil sa paglalakad si Mion at humarap sa amin, siya kasi ang pinaka Mabilis maglakad "may gusto ba kayong sabihin?" Tanong niya sa dalawa.

" Saki?" Hindi ito sumagot.

" Von?"

"Kami ni Saki-" napatigil siya dahil hinawakan ni Saki ang braso niya at bumaling naman doon ang paningin ni Mion kaya mabilis na inalis iyon ni Saki.

"Bakla ako" mahinang bigkas ni Saki.

"Ano?" Hindi lang scam si Mion bungol pa.

"bakit bigla kayong naging tahimik? Nakakapanibago, putcha" Kita ko sa mga mata ni Mion na pinahahalagahan niya ang kanilang pagkakaibigan.

"Bakla ako Mion" malakas na bigkas ni Saki.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong niya.

" Dahil natatakot ako na layuan mo ako"

"Bakit naman kita lalayuan?

"Dahil bakla ako"

"Ano ngayon Kung bakla ka?" Hindi ko alam Kung matatawa ako o ano.

" Si Von..." Nagkatinginan sina Von at Saki.

" Tangina, bakla din si Von?" Natatawang tanong ni Mion.

"pare huwag, Hindi mo bagay" Sabi Niya at tuluyang tumawa.

" Ulol kang gago ka! Lalaki ako!" Namumula ang pisngi ni Saki habang pinipigilan ang pagtawa.

" Si Von ang boyfriend ko" Sabi ni Saki dahilan ng paghinto ng tawa ni Mion. Nabigla ako pero kunti lang, matapos ko pa namang masaksihan ang kanilang paghahalikan kanina ay magugulat pa ako na mag boyfriend sila?

"Kelan pa?" Tanong ni Mion.

"Mahigit tatlong buwan" Sabi ni Saki.

"Kaya pala nawawala na mga babae mo dahil lalaki na ang pinapasukan mo" natatawang Sabi Niya Kay Von.

" Hindi ka galit? Tanggap mo kami?" Kinakabahan na bigkas ni Saki.

"Ilang taon na tayong magkaibigan Saki at Von. Kayo lang din ang nagtagal sa buhay ko, kayo na lang pamilya ko"

" Ang drama amputa" bulong ni Von at isinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

Bakit ba sa tuwing kasama ko sila puro kadramahan na lang ang nasasaksihan ko? Magaan ang pakiramdam ko sa kanila kahit na alipin Ang tingin sa akin ni Mion. Hindi ako nakakaramdam ng galit kahit ako pa ang nagbabayad ng kanilang kinakain. Kita ko sa kilos nila na mas higit pa sa pagkakaibigan ang kanilang samahan lalong lalo na sina Von at Saki. Sabi nga nila mas masakit ang mawalan Ng kaibigan keysa sa Kasintahan.

"Salamat Mion" Sabi ni Saki at kumapit sa braso ni Von.

" Anong itatawag ko sayo Saki? Pare?" Tumingin siya Kay Von "pare pa din naman kita?" Tanong niya.

"Gago Hindi ako bakla gusto ko lang si Saki" inakbayan niya si Saki at kinurot ang pisngi nito.

Sa akin naman napatingin si Mion "Wala Kang sasabihin?" Tanong niya sa akin.

Umiling lang ako "alam ko na kasi bago pa nila sabihin" Sabi ko at gulat na napatingin sa akin ang dalawa.

" Paano?" Sabay nilang tanong at nagkibit balikat lang ako. Hindi ko sasabihin Kung paano dahil nakakahiya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at Sana huli na naman ang dalawa. Napatingin ako sa kalangitan dahil malapit ng dumilin. May kasalubong kaming maiingay na mga lalaki at pamilyar ang mga mukha nila.

"Hi Hira!" Si Day at Kit pero hindi ko kilala ang iba. Kaibigan siguro nila sa ibang school. Ngumiti ako sa kanila bago nila kami malagpasan.

"Sino sila?" Tanong ni Mion.

"Kaklase ko" tumango lang siya.

Kagaya ulit dati ay naghiwalay kami pagdating sa harap ng school ko. Kanina pa daw naghihintay Ang driver ko pero Hindi niya tinanung Kung saan ako galing.

"Daan po muna tayo sandali sa mall" Sabi ko sayo nang pinaandar na Niya Ang kotse.

Bibili ako ng ireregalo ko kay Kit. Dahil may naisip na ako ay hindi na problema sa akin ang mamili. Dumiretso ako sa store Ng mga relo at pumili Ng relong babagay sa kanya at pinabalot ko na din kasi may Christmas promo daw sila pagkatapos ay umuwi na ako.

"Hira" sinalubong ako ni mommy sa pinto at niyakap ako ng mahigpit "sobra kitang namiss, anak" Sabi niya sa akin.

"Namiss ko din po kayo mommy, asan po kayo galing?" Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

" May inasikaso lang ako. Magbihis kana" pumasok na ako sa kwarto at nagbihis.

Pagdating ng hapunan ay sabay kaming kumain at ginanahan na ako dahil may kasabay na akong kumain ulit pero may katanungan pa din sa aking isip. Bakit parang may Hindi sinasabi sa akin si mommy at Ang mga taong nakatira sa bahay na Ito.

__________________________________

The soul should always stand ajar, ready to welcome the ecstatic experience.