webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 6

Adohira's POV

"Grabe busog na busog ako" Sabi ni Von habang nag iinat.

" Patay gutom ka kasing gago ka. Hindi ka man lang mahiya, wala ka na ngang ambag ikaw pa ang pinaka maraming kinain. Patay gutom!!!" Sabi ni Saki at ayun na nga nag asaran na naman sila.

Si Saki pa rin siya, ang Saki'ng kilala ko. Nahinto ako sa pag iisip nang may kumalabit sa akin.

"ano?" Kunot noo akong humarap sa kanya.

" Saan ka nag aaral?" Hindi ko siya sinagot.

Tinalikuran ko siya at pinanuod na lang sila Von at Saki na nagbabatukan.

"Hindi mo ba ako namiss?" Bahala kang magsalita mag isa dyan.

" Bakit hindi ka magsalita?" Ramdam kong lumapit siya sa aking likuran.

Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko " Namiss kita" bulong niya.

"Hindi Kita namiss, Mion" Sabi ko at lumayo para magkaroon ng distansya sa pagitan namin.

"Namiss ko yang boses mo, magsalita ka nga ulit" dahil sa sinabi Niya ay mas pinili Kong itinikom ang bibig ko.

"namiss din kitang asarin" kahit nakatalikod ako sa kanya at Alam Kong nakangisi siya.

"Nakakainis ka na Von!" Parehong kaming napatingin sa sumigaw.

"Patingin lang ng cellphone mo! Bakit ba ayaw mo!?" Sigaw din ni Von Kay Saki.

"May cellphone ka naman bakit kailangan mo pang hiramin ang akin!?"

" Putcha! Ibibigay mo o Hindi!?" Salubong ang kilay ni Von at halos mamuti na ang kamao niya.

Tungkol lang naman sa pagiging patay gutom ni Von ang asaran nila kanina tapos ngayon napunta sa cellphone at bakit parang papatay na ang hitsura ni Von nang ayaw ibigay ni Saki sa kanya Ang cellphone.

"Yan na naman sila" mahinang bigkas ni Mion sa tabi ko.

Nilapitan niya Ang dalawa para patigilin sila. May sinasabi siya sa kanila at Pagkatapos ay nauna siyang lumapit sa akin bago ang dalawa. Nakayuko lang si Saki samantalang masama ang timpla ng mukha ni Von na huling naglalakad.

Tahimik kaming apat habang naglalakad, sila Hindi ko Alam Kung saan patungo pero babalik ako sa school dahil baka dumating na ang driver ko. Walang nagtakang magsalita sa dalawa habang si Mion ay preskong naglalakad sa tabi ko. Nakahawak sa strap ng kanyang bag si Saki at si Von ay ngumunguya ng bubble gum habang Ang dalawang palad ay makapasok sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Dito na ako" Sabi ko sa Kanila nang makarating kami sa labas ng school.

"Dito ka nag aaral?" Tanong ni Mion.

"malapit lang pala sa school namin. Doon Lang oh" itinuro niya ang daan na tinahak ko kanina.

May Mabilis na kotseng dumaan kaya hinila ni Von ang bag ni Saki para mapunta siya sa tabi. Iwinaksi naman ni Saki ang kamay ni Von at naunang umalis, naiwang nagmumura si Von at may pagtataka sa mukha ni Mion.

"Alis na kami" paalam sa akin ni Mion.

"Hmm..." Tinanaw ko lang sila at Hindi nag tagal ay dumating na ang kotse namin.

Pagdating sa bahay ganoon pa din ang kapaligiran,tahimik, pakiramdam ko may mali na parang may mangyayari na hindi ko magugustuhan. Pagpasok ko sa kwarto ay nagbihis na ako at ginawa ang mga dapat gawin.

Nang gumabi na ay bumaba ako sa kusina para kumain pero ang ipinagtaka ko ay Wala si mommy. Normal lang Ang kilos Ng mga katulong pero tahimik pan rin sila.

"Nasaan po si mommy?" Tanong ko sa isa sa kanila.

"Kumain na hija" hindi Niya Ang sinagot Ang tanong ko at dali daling umalis.

Bumuntong hininga ako at nagsandok ng pagkain. Naka ilang subo pa Lang ay Wala na akong gana, wala akong ideya sa mga nangyayari dito sa bahay at si mommy, kailan nga ba ang huli naming pag uusap?

(Flashback)

"Mommy kanina pa po kayo nakatitig sa painting na iyan" paano naman kasi Pagkatapos niyang ipinta ito ay walang sawang tinitigan niya ito.

"Ito kasi ang paborito Kong bulaklak. Ang ganda, hindi ba? Ikaw Hira, anong paborito mong bulaklak?" Hindi Niya pa din inaalis ang tingin dito.

Nag isip ako, ano nga ba? "Hindi ko po Alam, ang dami naman kasing mga magagandang bulaklak"

" Sa dami ng bulaklak sa mundo itong red spider Lily ang napili ko. May ibig sabihin ito ang reingkernasyon o muling pagkakatawang-tao. Sabi ay gagabayan ka nitong bulaklak sa iyong kamatayan." Hindi ko lubos maintindihan pero ang palagi niyang sinasabi ay balang araw maiintindihan ko din daw at darating ang araw na ako ay matututo.

(End)

Uminom ako ng tubig at pumunta sa kwarto, bigla kasi akong nabusog kahit kaunti pa lang Ang nakain ko. Isinara ko ang bintana dahil pumapasok ang malamig na hangin, mukhang uulan pa. Sabi sa akin ni mommy dati na kapag daw umuulan ay may taong malungkot pero Hindi Niya Ito ipinapakita sa iba kaya Ang panahon na lamang ang naglalabas na kanyang tinatagong emosyon. Nahiga ako sa kama at napatitig sa kisame.

(Flashback)

"Mahalaga sa isang tao ang magsuot ng maskara, ang magpanggap, ang magpakita ng ibang emosyon sa ibang tao. Kung malungkot ka isuot mo Ang iyong masayang maskara, kung galit ka at gusto mong umiyak ay isuot mo ang matapang mong maskara upang ang lipunan ay walang masabi sa iyo." Isang gabi sabi sa akin ni mommy habang sinusuklayan ako. Hindi ko talaga siya maintindihan pero hindi ko kinakalimutan lahat ng sinasabi niya.

(End)

Noong Bata ako akala ko magiging katulad ko Ang iba. Iyong sasalubungin ko ng yakap ang aking papa tuwing uuwi galing trabaho, bubuhatin niya ako habang nagtatawanan kami at bibigyan ako ng halik sa pisngi. Babasahan ako ni mama Ng mga bed time stories Pagkatapos ay hahalikan ako bago matulog at papatayin ang ilaw sa aking kwarto bago siya lumabas.

Bakit nga ba tayo naghahangad ng mga bagay na hindi ibinigay sa atin ng diyos? Naniniwala ako na ang hirap at sakit ay pansamantala lamang. Matutulog ka sa gabi at paggising mo sa umaga ay mabibigyan ka ng isang biyaya, iyon ay lakas na harapin ang panibagong Laban sa buhay.

Kasabay ng aking paggising ay ang pagsikat ng araw. Panibagong araw, panibagong laban sa maghapon. Mag isa pa din akong kumain sa tahimik at walang buhay na kusina kahit pa magagara ang mga kagamitan dito. Pagkatapos Kong naligo at nag ayos ay pumunta na ako sa school.

"Good morning ma'am Hira" bati sa akin ng driver.

"Good morning po"

" Ayos Lang po kayo ma'am?" Tumaas Ang dalawang kilay ko sa tanong niya.

"Ayos lang naman po ako" napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala lang ito.

Pagbaba ko ng kotse ay sumalubong sa akin ang hangin ng pasko, malamig. Hindi ako nagsuot ng jacket dahil akala ko ay magiging mainit ngayon.

"Hira!" Bago ako makalampas sa gate ay may tumawag sa pangalan ko.

" Hira!" Hinanap ko Ang may ari ng boses na iyon at nakita ko Ang tumatakbo na si Von papalapit sa akin.

"Bakit ka nandito?" Huminto siya at saka ko lang napansin ang taong nasa likod niya, pareho silang naka suot ng uniform.

"Good morning" masayang bati sa akin ni Von. Kahapon ay parang papatay siya pero ngayon ay parang naging anghel. Abot tenga ang ngiti.

"Good morning din" bati ko sa kanya at binigyan siya ng ngiti.

Lumingon siya sa likuran niya "asan si Saki?" Tanong niya Kay Mion.

"Ayun oh" papunta dito si Saki na paika ika maglakad. Anong nangyari sa kanya?

"Anong nangyari kay Saki?" Tanong ko sa kanila.

Nagkibit balikat si Mion at si Von ngumisi lang. Nang makalapit sa Amin si Saki ay nakayuko lang siya at namumula ang mukha pati Ang tenga.

"Ayos ka Lang ba Saki?" Ngumiti siya sa akin ng alanganin, para siyang may iniindang sakit.

" may sakit ka ba?" Umiling siya.

"Oo nga Saki" segunda ni Von.

"bakit Hindi ka makalakad ng maayos?" Mababakas sa mukha ni Von na nang aasar Lang siya.

Nag angat ng tingin si Saki sa kanya at matalim itong tumingin pero hindi nagsalita. Inakbayan siya ni Von pero agad naman niya itong inaalis. Akala ko ba nagka ayos na sila.

"Hindi pa din ba kayo nagkaka ayos?"

"Ayos na kami" hinila niya ulit si Saki dahil malapit na Ito sa daanan ng mga sasakyan at ulit, itinaboy na naman niya ang kamay ni Von.

"Ang aga aga Saki, sumpungin ka talaga. Mamaya ka sa akin-" naputol ang sasabihin ni Von dahil tumunog ang cellphone ni Saki, hudyat na may tumatawag.

Pero bago pa Niya ito masagot ay inagaw Ito ni Von sa pagkakahawak niya "Von! Tang ina naman! Iyan ka naman!" Napatingin sa gawi namin ang ibang estudyanteng dumaraan dahil sa pagsigaw niya.

Tiningnan ni Von kung Sino ang tumatawag at nagsalubong Ang mga kilay niya "Sino ito Saki?" Mahina ngunit madiin niyang wika.

"Von pwedi ba huwag mong pakialaman buhay ko!?" Ang iritasyon sa mukha ni Saki at ang galit na mukha ni Von ay para akong nanunuod ng drama.

"Huwag mo akong umpisahan Saki baka gusto mong isang linggo kang hindi makalakad ng maayos" galit man ang mukha ay may pagtitimpi sa kanyang boses. Ibinulsa Niya ang cellphone ni Saki.

" Pare!" Sumingit na si Mion sa dalawang kaibigan.

"Kung may problema kayo, pag usapan niyo sa pribadong lugar huwag dito nakaka agaw kayo ng atensyon" natahimik Ang dalawa.

" At ikaw!" Tinuro ako ni Mion.

"hintayin mo kami dito sa labas ng school niyo at huwag Kang tatakas, malilintikan ka sa akin" Sabi Niya bago umalis. Tinanguan ako ni Von at hinila si Saki na hindi na nanlaban.

"Aaaaaahhhh!!!" Iyan ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pinto ng aming classroom

"Aaaaaahhhh!!!" Sino pa nga ba, Wala Ng iba.

" Putchang bakla! Tumahimik ka!" Sigaw sa kanya ni Kit.

"Anak ka ng unggoy Kit! Wala kang paki!" Sigaw sa kanya ni Kibou.

Umupo ako sa upuan "anak ka Ng oranggutan Kibou!" ayaw patalo ng Bawat Isa.

"Anak ka ng paniki Kit!"

" Anak ka ng gorilla Kibou!"

" Anak ka ng kambing Kit!"

" Mga anak ng demonyo manahimik kayo!" Sigaw ni Day.

" Ah! My ears, my god Day" reklamo ni Natia.

" Mga anak ng galunggong magpatulog kayo!" Sigaw din ni Raza na palaging natutulog.

Tumayo si Day para e switch on ang electric fan "ano ba! My hair! Ang hirap magsuklay! Bwesit ka Day!" Hawak hawak ni Natia ang buhok upang hindi mailipad ng hangin galing sa electric fan.

"Tang ina, Ang arte! " Inilipat ni Day sa number 2 ang lakas ng hangin.

"anak ka ng make up!" Sabi ni Day pagka upo sa kanyang upuan.

"Eh ano namang tawag sayo Day!? Anak ng virus!"

"Anak ka ng tilapia! "

" Whats with tilapia? " Mataray na tanong ni Maya.

" Ikaw Maya, anak ka ng ibong Maya"

"Anak ka ng tae Day!" Pati si Maya pumatol na din.

" Anak ka ng teacher natin! " Sigaw sa kanya ni Day at tumayo pa ang loko.

"Sino ang anak ko, Day?" Lahat kami ay napatingin sa pintoan. Nakatayo dito ang teacher namin. Agad namang napabalik sa pagkaka upo si Day at inuntog ang noo sa mesa.

Natawa na lang ako sa aking isipan habang malakas na tawanan ang maririnig sa aking mga kaklase.

__________________________________

Saying nothing sometimes says the most.