webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 5

Adohira's POV

Ilang buwan pa Ang lumipas at patuloy pa din akong pumapasok na aakalain mo ay Isa akong ghost student dahil hindi mo mararamdaman Ang presensya ko kapag pumapasok sa school. Kung hindi ako tatawagin para sa recitation ay Hindi ako magsasalita, Kung Hindi nila ako kakausapin ay hindi ko sila papansinin at Kung Hindi dahil sa kakulitan o kaingayan nila ay Hindi sasaya Ang section namin.

Isang araw napagalitan kami dahil habang nagtuturo ang aming guro ay pansin Niya siguro na walang nakikinig sa kanya dahil sa kaingayan namin "Kayo na ang pinaka maingay na section at klase na nahawakan ko!" Sigaw niya saka lumabas.

" Halla! Nag walk out si sir!" Sabi ni Kibou na Hindi mawari Kung magiging masaya ba siya dahil Wala ng klase o malulungkot dahil nag walk out si sir.

"Habulin niyo tapos mag sorry tayo!" Utos niya sa iba.

Tumingin siya sa gawi ni Raza

" Hindi ako mabilis tumakbo" Sabi ni Raza.

Bumaling siya Kay Maya "Ouch! My head hurts. Ang sakit, nahihilo ako" pag iinarte ni Maya.

Bago pa siya tumingin kay Natia ay nagsalita na ito "not me, Ang Sabi ng doctor sa akin hindi daw ako pweding mapagod. Ikaw Ang naka isip kaya ikaw na Ang tumakbo" Pagkatapos niyang magsalita ay inilabas Niya Ang suklay niyang may salamin at sinuklayan ang buhok.

"Sa akin Kibou!" Mabilis na bumaling sa kanya si Kibou na bakas sa mukha Ang pag asa.

" Hindi mo na kailangan tumakbo dahil ako na Ang hahakbang papalapit sayo" napa iling na Lang si Kit sa sinabi ng kaibigan.

"Alam mo ikaw wala ka ng pag asa. Pakonsulta ka na sa mental hospital dahil doon ka nababagay"

Hindi na Ito bago sa akin na may nagwo walk out na guro dahil sa kaingayan ng section namin. Hindi na din bago sa akin ang pagiging maingay nila dahil simula 1st year ay maingay na talaga sila. Noong first day ng pasok syempre hindi mawawala ang introduce yourself at Kung ano anong kalokohan ang pinagsasabi.

Noong foundation day namin kahit na ayaw Kong sumali sa activities ay napilitan akong sumali dahil may plus points daw Sabi ng mga guro namin. Si Natia ang candidate ng section namin, sino pa nga ba? Eh siya Lang Naman Ang may kayang lumaban sa mga iyan. Si Kit naman ang sa lalaki, kahit na siraulo siya ay may tinatago palang talento. Sumayaw siya at kumanta naman si Natia.

Hindi man pinalad na manalo Ang section namin pero nakuha nila ang pangalawang pwesto kaya Hindi kami kulelat. Sabi ni Kibou bawi na Lang kami sa paggawa ng booth. Hindi naman mawawala Ang mga booth tuwing foundation, may marriage booth na kung saan kapag ang gustong pakasalan ng kanilang kliyente ay sapilitang hihilain para Lang makasal sila at magkapera, mayroon ding maze booth na Hindi ko Alam Kung paano nila ginawa at ang Amin ay ang jail booth, si Kibou Ang naka isip nito para daw makulong Ang mga gwapo dito. Nagreklamo ang mga lalaki sa una pero Wala silang magawa dahil kahit gaano pa nila inaasar si Kibou ay mahal Naman nila Ito.

Ilang linggo na lang at Christmas party na namin. Bakit Hindi ko ramdam? Lumalamig na ang panahon at humahaba na Ang gabi at ang araw ay Mabilis matapos na parang pagkurap mo sa iyong mata.

"People of the Philippines!" sigaw ni Kibou habang nakatayo sa harap.

"hoy!Kit at Day makinig muna kayo!" Hindi na niya talaga kailangan ng microphone sa lakas ng boses, makabasag eardrum eh.

"so..." Inayos niya muna ang kanyang mahabang imaginary na buhok "Ladies and gentlemen, I have an announcement to tell you." Aniya sa mala-german na accent.

" Tang inang yan, sabihin mo na kung ano yang sasabihin mo! Dami pang sinasabi!" Sabi ni Kit.

" Wala Kang paki!" Sigaw ni Kibou sa kanya.

"Pero sa akin may paki ka?" Singit naman Day.

"Isa ka din, mga..."

" Sige ituloy mo!" Hamon ni Day.

" Mga animales!" Si Raza na Ang nagtuloy sa sasabihin ni Kibou.

"Sinabi ko bang ikaw Ang magtuloy? Ha? Raza?"

" Bakit anong problema mo?" Tumayo si Raza at nilislis pa niya ang manggas ng damit " Kita mo tong muscle ko? Dito kita iuuntog" Kita ko Ang pag ikot ng mga mata ni Kibou. Alam Kong naiirita siya kapag nagbabangayan Ang iba dahil sa ingay.

" Epal" pang aasar ni Day.

"Guys! Can you shut up na? May announcement si Kibou" awat ni Natia.

"At hindi niya masabi dahil Ang iingay niyo! " Patuloy ni Maya " sige na Kibou sabihin mo na" Sabi Niya.

" So as I was saying..... Malapit na Christmas party natin at ngayon ay magbubunutan tayo para malaman natin Ang mga bibigyan natin ng regalo. Understood?"

" Yes ma'am !" Sabay sabay na sigaw nila.

" Clear as crystal?"

"Baka crystal clear" sabat ni Natia.

"Parehas lang yun, Gaga" pina ikot niya ang mata niya.

" okay, isulat niyo na name niyo sa one eight sheet of paper" bumalik siya sa kanyang upuan para maisulat niya pangalan Niya.

"Sinong may papel!?" Sigaw ni Day "Hoy! Kibou alam Kong may papel ka. Tinatago mo pa ah!"

" Binili to Ng nanay ko para sa akin, para sa akin lamang at hindi para sayo!"

" Ang damot nito, Isa lang hati na kami ni Kit!"

" Sinong may ballpen!?"

" Ano ba Yan Day! Anong tingin mo sa amin? school supplies?"

" Sorry naman Kibou, wag na gagalet"

Pumunit si Kibou ng isa at binigay Kay Day. Mapakla ang mukha Niya nang talikuran Niya si Day at bumubulong ng Kung ano ano.

"Hindi ka magpapasalamat? Ikaw na nga tong binigyan!" Kahit masungit yang si Kibou ay alam namin na Hindi Niya intensyong gawin iyan. Sanay na kaming lahat sa ugali ng isa't Isa.

"Thank you babe" malanding Sabi ni Day.

"Ulol!" Sigaw ni Kibou.

Matapos naming isulat ang mga pangalan namin sa papel ay inirolyo namin ito para maitago ang nakasulat at inilagay sa maliit na karton upang maihalo halo ni Kibou at doon kami bubunot.

"Sana babae mabunot ko, Ang hirap kaya maghanap ng regalo para sa mga lalaki" tama si Maya, mahirap nga regalohan Ang mga lalaki kasi parang Wala silang kaarte arte sa katawan, makasuot lang ng damit okay na.

Nagsimula ng maglibot si Kibou para lahat kami ay makabunot "oh isang beses Lang magbubunot, kung ano ang unang nahawakan mo iyon na" sabi niya habang hinahalo ang laman ng box.

Nagpatuloy ang bunutan hanggang sa makabunot kaming lahat. Sa kasamaang palad ay si Kit ang nabunot ko, tumingin ako sa kanya baka malaman ko Kung ano bang ireregalo sa kanya.

"Oy Kit nakatingin sayo si Hira" bulong ni Day pero sinadya Niya ata na marinig ko. Agad ko namang binalik sa harapan tingin ko.

"Hira bakit mo tinitingnan si Kit? Siya ba nabunot mo?" Tanong ni Day.

"Hindi" Sabi ko .

" Alam mo Hira" napatingin ako Kay Kibou sa pagbanggit Niya Ng pangalan ko.

"ang hinhin ng boses mo, Alam mo yun? Yung parang ang sarap sa pandinig. Kung pwedi Lang na maghapon kang magsalita, makikinig talaga ako" hindi ko alam kung bakit pinupuri ng mga tao ang boses ko kasi para sa akin wala namang espesyal dito.

"Salamat" nginitan ko siya.

"Excuse me, Grade 10 section B" may pumasok na isang guro.

"may emergency na pinuntahan ang subject teacher niyo kaya wala kayong klase ngayon" anunsyo niya.

" Ma'am!" Nag taas ng kamay si Kit.

" Yes?"

" Pwedi na po ba kaming umuwi?"

Tiningnan ng guro ang kaniyang relo "yes, pwedi na tutal malapit Naman na ang dismissal. Sige class, babalik na ako sa faculty" pagkaalis Ng guro ay nagsigawan ang mga kaklase ko.

" Yohoo!!!" May nagtatambol sa mesa.

"Pwedi naman pala eh, bye classmates!"

"Ay gago! Taena mo! Huwag Kang magulo naglalaro ako!"

" Ulol! Kanina ka pa Hindi makaalis sa level 24! Ang hina mong gago!"

Inayos ko ang gamit ko dahil ano pa bang gagawin ko dito. Lumabas na ako sa maingay na classroom pero nang makalabas ako sa gate ay parang ayaw ko pang umuwi sa bahay, Wala pa din Ang sundo ko kaya pwedi pa akong mamasyal kahit sandali Lang. Tinahak ko ang kabilang direksyon at Hindi ko alam Kung saan ito patungo pero narinig ko na may malapit ditong plaza. Hindi naman ako masyadong magpapakalayo.

Ilang minuto na akong naglalakad pero wala pa din akong nakikitang plaza. Hindi kaya mali ako ng dinaanan?

"bilis" napahinto ako sa narinig ko.

"bilisan niyo naman" may mga mahinang boses akong naririnig pero Hindi ko matukoy Kung saan banda ang mga taong nagsasalita.

"ihagis mo na yan" nanlaki ang mata ko sa gulat dahil may bumagsak sa ulo ko, bago ito nahulog sa semento. Saan naman galing itong bag na itim?

"pumatong ka diyan para makaakyat ka" halos mapaatras ako dahil sa lalaking basta na lang lumitaw sa harapan ko at pinulot ang bag na itim.

"bilisan niyo habang walang tao!" Sabi niya habang nakatingin sa taas.

Tumingin ako sa taas at may dalawa pang lalaking bumababa. Pareho silang tatlo na nakasuot pa ng uniform. Alam ko Kung anong ginagawa nila at alam ko ding Hindi ito mabuti para sa isang estudyante. Nang makababa na sila ay nagpagpag sila para maalis ang dumi sa uniform nila. Nakatayo lang ako dito na parang hindi nila ako nakikita.

Sabay sabay silang humarap sa gawi ko at nagbigay ng iba't ibang reaksyon. Ang lalaking moreno ay naka ngisi, ang lalaki sa gitna na maputi at may salamin ay mukhang nagulat at ang huling lalaki ay parang walang pakialam dahil sa blankong mukha pero ang binibigay niyang titig ay sapat na para lumambot ang mga tuhod ko. May Kung ano na humihila sa akin na titigan siya sa kanyang mga mata, kulay itim ito na para akong nakakulong sa kadiliman na wala akong mahahanap na liwanag.

May tumikhim kaya napa iwas ako ng tingin sa kaniya "excuse me" akmang aalis na ako pero hinila ako ng lalaking ito ang kamay ko.

"bakit?" Tanong ko.

"Mukha kang pamilyar" hindi niya pa din inaalis ang titig sa akin.

"Oo nga, parang nakita na kita dati" Sabi ng lalaking moreno.

"Tumigil ka Von, lahat naman ng babae sinabihan mo ng ganyan."

" Huwag kang panira Saki!" Hindi namin pinansin ang dalawa dahil para kaming may sariling mundo.

" Hira" umuwang ang bibig ko at agad naman niya itong napansin. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Adohira" ngumisi siya.

Nakaramdam ako ng kaba at isang tao lang Ang nagbibigay sa akin Ng ganitong pakiramdam. Bakit hindi ko agad sila nakilala? Dahil sa malaking pagbabago sa kanilang pisikal na hitsura.

"Mion" halos pabulong na bigkas ko. Hindi ako naka angal sa bigla niyang paghila sa akin.

"Saan kayo pupunta?"

"Bakit mo hinihila yang babae? Kilala mo ba Yan?"

" Sumunod kayo!" Sigaw ni Mion.

Dinala niya ako sa isang kainan, ang " mang inasar eatery" hindi ako kompotarble sa lugar dahil Ito Ang unang beses na nakapunta ako dito.

"Sige lang, order lang kayo"

"Mion wala akong pera" Sabi ni Saki.

"Oo nga, buti Sana Kung libre mo" sabi ni Von.

" Mang libre ka naman kahit ngayon Lang. Pinangbayad ko kasi baon ko kanina sa CVO, kainis naman kasi yung treasurer natin hindi pa ako nakaka upo maniningil na." Reklamo ni Saki. Akala ko ba mayaman siya.

" Oo nga, Kung Hindi Lang yun babae putcha babanatan ko yun" mayabang na wika ni Von.

" Huwag niyo ng problemahin ang pera" Tumingin Ng makahulugan sa akin si Mion.

"sagot lahat ni Hira, siya Ang magbabayad sa lahat ng kakainin natin" sabi niya.

"Hira? "Sabay na Sabi ni Von at Saki. Kuno't noong bumaling sa akin si Von at parang may iniisip si Saki.

"Hira! Yung binubully mo noong elementary Tayo?" Tanong ni Von. Tumango naman si Mion.

"akalain mo nga naman Ang liit talaga ng mundo" Hindi na nagsalita si Saki at nanatili siyang tahimik.

Sadyang maliit talaga ang mundo. Sa liit nito ay nagtatagpo Ang mga taong ayaw ng Makita pa Ang isa't isa.

__________________________________

Keep love in your heart. A life without it is like a sunless garden when the flowers are dead.