webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 3

Adohira's POV

CONGRATULATIONS FOR THE BATCH 2010!!!

HAPPY GRADUATION STUDENTS! ENJOY YOUR DAY GRADUATES!!!

Malakas na palakpakan ang maririnig sa buong auditorium ng aming school. Naka upo kami ayon sa aming apelyido, naka alphabetical arrange kasi para kapag umakyat kami sa stage eh sunod sunod na at Hindi magulo.

Nasa likod ako kasi nagsisimula sa letrang M ang apelyido ko tapos nakita ko sila Mion, Von at Saki na nasa bandang harapan kasi narinig ko kanina na magkaka pareho sila ng apelyido, iyon ay Imani. Kasali ako sa top at may honor ako kaya sobrang tuwa sa akin ni mommy nang malaman niya na marami akong matatanggap na medal. May regalo daw siya sa akin pag uwi namin sa bahay, kanina ko pa nga gustong umuwi pero kailangan pa naming mag picture.

"Mommy Tara na uwi na po tayo" hinila ko ang kamay niya Pagkatapos naming magpa picture.

" bilis na manong mag drive na po kayo" excited na akong buksan ang regalo ni mommy.

"Ito talagang si cute, congrats nga pala high school kana. Ang bilis ng panahon dati kuting ka pa Lang ngayon isa ka ng pusa."

" Kapag hindi niyo po ako titigilan sa pang aasar sasabihin ko Kay mommy iyong secret mo" akala Niya Hindi ko alam ah.

" Secret?" Tanong ni mommy.

"may secret kayong dalawa? Share mo naman Kay mommy iyon Hira" binigyan ko ng tingin si manong na mukhang kinakabahan na.

"Naku ma'am, huwag kayong maniwala. Wala po kaming sekreto niyang si cute." Dumila siya sa akin.

"Meron po mommy, promise" tumikhim ng malakas si manong, inaaasar ko Lang Naman siya eh Hindi ko Naman sasabihin

"Mommy, ano pong regalo mo sa akin?"

" Mamaya pag uwi natin malalaman mo" hinaplos Niya Ang buhok ko at isinabit ang takas na buhok sa aking tenga.

Noon itinuro sa akin ni mommy ang kahalagahan ng paghihintay, dapat daw ay magkaroon ako ng pasensya dahil may mga bagay na nakatakda para sa akin. Kapag daw sarado ang pinto ay huwag ko daw piliting buksan dahil Hindi iyon ang daan na para sa akin. Sa likod ng pintong iyon ay hindi kayang tumbasan sa Kung anong nagawa ko sa buhay.

(Flashback)

Isang araw inaya niya akong mag painting, ang Sabi ko Hindi ako marunong pero Sabi ni mommy ay tuturuan niya daw ako. Tinuruan niya akong gumamit ng mga brush at ang mga pintura na may ibat ibang kulay. Magkatabi kaming naka upo at sa harapan namin ang canvas, maliit ang akin at malaki ang kanya. Ginagaya ko Lang Ang ginagawa Niya na kung paano siya magpahid ng brush sa canvas ay ganoon din Ang gagawin ko at pati sa mga kulay.

Pagkatapos namin ay natawa siya nang Makita Ang gawa ko "anong pangarap mo Hira?" Tanong niya.

"Pangarap po?"

"Hmm...anong gusto mo paglaki mo?"

"Gusto ko pong maging doctor. Nakikita ko po kasi Yung mga pumupuntang mga doctor at nurse sa bahay amponan dati. Humanga po ako sa kanila kasi napapagaling nila Yung mga may sakit."

Kinuha niya sa kamay ko ang canvas at isinabit sa pader "bakit niyo po sinabit ang akin eh Hindi Naman po maganda?"

" Walang pangit na painting Hira, Alam mo ba na kung gaano kagulo ang isang painting ay siyang kayrami din ng kahulugan nito. May mga painting na maiintindihan mo lang kapag ginamit mo ang iyong puso, paglaki mo Hira maging mabuti ka sa mga tao kasi walang masama sa mundo kahit gaano pa kasama ang ginawa niya ay may nakatagong kabutihan sa kanyang puso." Nakikinig lang ako kahit Ang iba sa mga sinasabi Niya ay Hindi ko gaanong maintindihan.

(End)

"Cute" tawag sa akin ni manong.

"kapag sinabi mo Kay ma'am na may gusto ako sa kanya titirisin kita" nandito na pala kami sa bahay Hindi ko man Lang namalayan.

Bumelat ako sa kanya at sumunod Kay mommy. Ano kaya ang regalo ko? May pahabang box sa sala namin at kulay pink Ito na may ribbon na malaki. Alam Kong Ito na iyon kaya tumakbo ako papalapit dito.

"Pwedi ko na po bang buksan?" Hingi ko Ng permiso Kay mommy.

"Pwedi na anak, Sana magustuhan mo" umupo siya sa tabi ko.

"Lahat po ng regalo niyo mommy magugustuhan ko kasi po sa inyo galing eh."

"Mabuti naman Kung ganoon"

Tinanggal ko ang takip ng box at Nakita ko ang sobrang gandang bestida. Kinuha ko ito at tumakbo papunta sa banyo para isukat. Paglabas ko ay umikot ako sa harap ni mommy para ipakita sa kanya na bagay ko.

"Bagay na bagay sayo"

Naalala ko si Ashia kasi noong binisita ko siya nagpabili ako Kay mommy ng bestida para regalo ko sa kanya. Tuwang tuwa siya noon kasi may bago daw siyang damit.

(Flashback)

"Wow! Ang yaman mo na Hira!"

"Hindi ako mayaman Ashia si mommy lang Yung mayaman kasi pera niya Ang pinangbayad diyan"

" Sa tingin mo nakalimutan ko na Hindi mo ako binisita" tumalikod pa siya sa akin para kunwari ay nagtatampo siya.

" Sorry na, nag school kasi ako eh" Hindi pa din siya humaharap sa akin "ayaw mo ba ng bestida na regalo ko sayo?"

"Gusto "

"Eh bakit ka nakatalikod sa akin?"

" Bibisita ka ba ulit?"

" Syempre Naman"

" Promise?"

" Promise ko Yan" ang salitang pangako ay isang simpleng salita lamang.

"Kaya best friend Kita eh" Hindi kami nagtagal doon at umuwi din kami agad.

(End)

" Sa susunod bibili Tayo Ng bago mong sapatos para partner sa bestida"

" Eh mommy marami pa po akong shoes na hindi ko pa nagagamit" Pina upo ako ni mommy sa tabi niya at niyakap ako ng mahigpit

Bago ako natulog ay tiningnan ko ang picture naming dalawa ni mommy kanina sa graduation ko. Bakit may nararamdaman akong kakaiba na para bang may Hindi magandang mangyayari.

Lumipas ang apat na taon, ngayon ay 4th year high school na ako. Isa na akong ganap na dalaga kaya naiintindihan ko na ang tama at Kung ano ang mali tulad ng mga ginagawa Ng mga dalaga at binata. Noong unang araw ko bilang 1st year ay kinakabahan ako kasi Hindi ko Alam Kung anong gagawin ko, Sabi kasi nila iba daw ang elementary sa high school.

First day of class kaya Hindi mawawala ang introduce yourself "hello, good morning. My name is Adohira R. Minette and I'm 13 years old." Nagpalakpakan sila Pagkatapos Kong magsalita. Nagtuloy tuloy ang introduce yourself hanggang 4th year kaya Hindi na ako nahihiya sa kanila.

"Oi Hira!" Nilingon ko ang kaklase Kong tumawag sa akin.

"Bakit?"

"Crush ka daw ni Kit!"

"Hoy gago ka! Hindi kaya tang Ina mo! Ulol!" Sigaw sa kanya ni Kit.

Isa iyan sa mga bagay na kinasanayan ko ang hilig nila sa pagmumura, babae man o lalaki ay naririnig Kong nagmumura. Ang Sabi nila cool daw kapag nagmura pero sa sarili ko ayaw ko maging cool kaya Hindi ako nagmumura at bad iyon Sabi ni mommy.

"Tang ina mo rin!kasasabi mo lang kahapon na crush mo si Hira kaya bakit mo tinatanggi ngayon?"

" Shut up Day, you're so annoying!" Maarteng sigaw ni Natia.

" Tumahimik ka riyan! Atupagin mo yang pagkukulay mo sa mukha mo!"

"It's not pagkukulay it's make up! You're so Bobo talaga!"

" Make up!? Make up Ang tawag mo diyan? Eh mukha ka namang clown!"

" I'm not baduy like you! Ikaw nga Ang pangit pangit mo, nagreklamo ba ako?"

Sanay na ako sa araw araw na sigawan ng dalawang iyan. Hindi ata mabubuo Ang araw nila kapag Hindi sila nag away. Si Natia ang maarteng kaklase ko na palaging may hawak na suklay na may salamin sa likod nito, palaging nag aayos ng mukha at ayaw sa mainit na lugar. Si Day naman ang lalaking walang ibang ginawa Kung Hindi asarin si Natia, parang mga aso't pusa na araw araw ay walang kain.

Bumukas ang pinto at pumasok si Maya Ang best friend ni Natia, pareho sila pagdating sa kaartehan "Ang init sa labas nagiging oily na mukha ko" Hindi pa siya nakaka upo pero nagrereklamo na.

Sumunod na pumasok ay si Kibou, ang bakla sa section namin "hello! People of the Philippines!" May malaki siyang bunganga na walang pagod sa pagsigaw.

"Anak ng puta! Sino yong sumigaw!?" Si Raza ang boyish sa section namin, ang kilos ay panglalaki pero nakasuot siya ng palda kaya minsan ay natatawa ako sa kanya.

"Ako, bakit?" sabi ni Kibou habang naglalakad papunta sa kanyang upuan.

"Kitang mong may natutulog nag iingay ka!"

"Hindi Kita nakita kasi kararating ko Lang, buti naman Sana Kung iniwan ko ang mata ko dito para makita Kung may tulog o Wala"

" Hi Kibou" malanding Saad ni Day. Ayan na Naman siya.

Nag sign of the cross si Kibou at pinikit Ang mga mata "please lord, ilayo niyo po ako sa mga masasamang espirito at sa demonyong si Day. Amen!" Dumilat siya at inayos ang gamit sa mesa.

Sinipa Naman ni Kit ang upuan niya "hoy bading, Wala Tayo sa simbahan para magdasal ka" partner sila ni Day pagdating sa pambubully.

"Walang nakasaad sa batas na bawal magdasal na Wala sa loob ng simbahan. Palibhasa kasi Hindi ka na nga nagsisimba hindi ka pa nagdadasal kaya patong patong na Ang mga kasalanan mo"

" Gusto mo ikaw na lang patong sa akin?" Sa tanong ni Kit ay umarteng nandidiri si Kibou at kunwari ay nasusuka siya.

Narinig iyon ng lahat ng classmate namin kaya ang iba ay nandidiri samantalang tuwang tuwa Ang iba "Ew Kit, you're so kadiri!" Sabi ni Natia.

"No wonder kapag namatay ka sa impyerno ang bagsak mo!" Sabi naman ni Maya.

"Sabi ni satanas uunahin niyang sunugin Ang mga maaarteng tao tulad niyo"

" At paano mo nalaman?"

" Sinabi Niya sa akin" umikot Ang mata Ng dalawa dahil sa sinabi Niya.

"Punyeta! Hindi ba kayo tatahimik!? Antok na antok pa ako at gusto ko Lang matulog pero Hindi ko yun magawa dahil sa kaingayan niyo!"

" Hoy tomboy! Para sabihin ko sayo Wala ka sa bahay niyo!" Sigaw ni Day.

" Raza don't you know na hindi ka mukhang babae"

"Wala Kang paki Maya at ikaw..." Turo Niya kay Day "para sabihin ko sayo wala Tayo sa impyerno pero bakit may nakikita akong satanas?"

Itinuro Naman ni Day ang sarili niya " ako? Satanas? " Hindi makapaniwalang tanong ni Day.

" Nagtanong ka pa"

"Pero kaya kitang dalhin sa langit" tuluyang ng nasuka si Kibou sa sinabi ni Day.

Pagkatapos ng klase sa hapon ay umuwi agad ako sa bahay, halos buong buhay ko ganito Ang ikot sa araw araw. Papasok sa school at uuwi sa bahay, school, bahay, school, bahay. Hindi naman naging mahigpit sa akin si mommy pero Wala akong kaibigan dahil Hindi Naman ako palasalita.

Umuwi akong tahimik sa bahay, Ang mga katulong ay walang imik na naglilinis pati kanina si manong Hindi ako inasar kaya nakakapanibago.

__________________________________

No matter who tries to teach you lesson about life, you won't understand it until you go through it on your own.